Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na nagkatawang tao ang diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na nagkatawang tao ang diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

06 Abril 2019

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, “kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito.” patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan. Kaya, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na sa anyo ng pagkakatawang-tao at dumarating para gawin ang paghatol sa mga huling araw.