Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Ebanghelyong Pelikula | "Basagin Ang Sumpa" [Trailer]
Isang elder si Fu Jinhua sa isang iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming iba pang mga Tsino, masigasig niyang inilaan ang kanyang sarili sa Panginoon, nagpakapagod nang lubos para sa Kanya. Partikular siyang may tiwala sa kanyang sarili, at tinuruan ang kanyang sarili na maging isang taong tunay na nagmahal sa Panginoon. Sinunod niya ang Panginoon nang maraming taon, buong puso siyang naniwala na ang Biblia ay pinukaw ng Diyos, at ang mga salita sa Biblia ay salita lahat ng Diyos. Kung kaya, sa kanyang isipan, inihalintulad niya ang paniniwala sa Panginoon bilang paniniwala sa Biblia. Inisip niya na ang mga taong humiwalay mula sa Biblia ay hindi matatawag na mga tagasunod ng Panginoon. Naniwala rin siya na kailangan lamang umayon ng mga tao sa Biblia upang madala sa kaharian ng langit kapag bumaba ang Panginoon na nasa mga alapaap. Kaya kapag nagsimulang magpatotoo ang isang lupon ng mga tao sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, naniwala si Fu Jinhua sa mga maling paniwala ng mga relihiyosong pastor at elder, at hindi na hinangad ang mag-imbestiga pa sa mga bagay-bagay. Isang araw, binisita ni Fu Jinhua si Kapatid na He, kapwa miyembro ng iglesia. Binanggit ni Kapatid na He ang tungkol sa kanyang sariling pagkalito: "Ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay talagang nagkatotoo lahat, at dapat nang nakabalik ang Panginoon. Kaya bakit hindi pa natin nakita ang pagbaba ng Panginoon na nasa mga alapaap? Nabanggit din ng kanyang katrabahong si Fang Jianjie, "Lumitaw ang apat na kulay dugong buwan, na nangangahulugang sasapitin natin ang mga malalaking sakuna. Ayon sa mga propesiya mula sa mga libro ng mga propeta at sa Libro ng Pahayag, dadalhin sa langit ang Iglesia ng Philadelphia bago ang mga malalaking sakuna, at tutustusan ng Diyos ang Kanyang mga tagapaglingkod at utusan gamit ang Kanyang Espiritu upang gawing kumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kung ang isang tao ay hindi nadala bago ang mga sakuna, malamang na mamamatay sila sa kalagitnaan ng mga malalaking sakunang ito. Ngunit ngayon, nagpatotoo ang Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus, inihayag ang katotohanan, at ginawang kumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Tinutupad ba nito ang mga propesiya mula sa Biblia? Ang Kidlat ng Silanganan ay pagpapamalas ba ng Panginoon at ng Kanyang gawain?” Matapos makinig sa kanyang mga katrabaho, sumailalim sa matinding pagbubulay-bulay si Fu Jinhua at sinimulang tasahin ang mga bagay na ito ...
Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!