Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

23 Pebrero 2018

4. Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 4. Ang Banal na Kagandahang-asal na Dapat Taglayin ng mga Mananampalataya sa Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Bago siya itiniwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumatalima sa Diyos at sinusunod ang Kanyang mga salita. Siya ay dating may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos itiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinapanghina ni Satanas. Kaya, naiwala niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya ng sa hayop, at ang kanyang paghihimagsik sa Diyos ay naging mas madalas at mas matindi. Ngunit hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros. … “Ang normal na katinuan” ay tumutukoy sa pagsunod at pagiging tapat sa Diyos, sa paghahangad sa Diyos, sa pagiging malinaw tungkol sa Diyos, at sa pagkakaroon ng konsensya ukol sa Diyos. Ito ay tumutukoy sa pagiging kaisang puso at isip patungkol sa Diyos, at hindi ang sadyang paglaban sa Diyos. Yaong mga may naligaw na katinuan ay hindi ganito. Yamang ang tao ay itiniwali ni Satanas, siya ay nakagawa ng mga pagkakaintindi ukol sa Diyos, at wala siyang katapatan o paghahangad ukol sa Diyos, huwag nang banggitin ang kawalang konsensya ukol sa Diyos. Sinasadya ng tao na lumaban at hatulan ang Diyos, at, tangi sa roon, ay magpukol ng tuligsa kapag Siya’y nakatalikod. Malinaw na alam ng tao na Siya ay Diyos, subalit siya pa ring naghuhusga sa Kanya habang Siya ay nakatalikod, walang intensyon na susundin Siya, at basta na lang gumagawa ng mga walang basehang kahilingan at mga pakiusap sa Diyos. Ang gayong mga tao—mga taong may ligaw na katinuan—ay walang kakayahan na malaman ang kanilang sariling kasuklam-suklam na pag-uugali o ang pagsisihan ang kanilang pagiging mapaghimagsik. Kung may kakayahan ang mga tao na makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ay nabawi nila ng kaunti ang kanilang katinuan; habang ang mga tao ay lalong naghihimagsik sa Diyos subalit hindi nakikilala ang kanilang mga sarili, mas lalo silang mayroong pakiramdam na hindi batay sa katinuan.

3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. …

22 Pebrero 2018

2. Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 2. Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring mapag-usapan bilang magkapantay. Ang Kanyang sustansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka di-maaarok at hindi kayang unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at nagbibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, samakatwid ang tao ay hindi kailanman mauunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagkat ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa sa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “umalam” sa Diyos at Kanyang gawain ay walang saysay, lahat sila ay mayabang at mangmang. Ang tao ay hindi dapat limitahan ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring limitahan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa sa isang langgam, kung kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalanin ang ganoong mga tao, na siyang galing sa laman, na lahat ay sinira ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano gabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat pasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagkat ang tao ay alabok lang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat ipaibabaw ang ating mga kabatiran sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalo na sa lahat hindi dapat natin gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya nito gawin tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyan-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at hanapin ang paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat patigasang-leeg na nakikipagpaligsahan sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring manggaling mula sa ganoong mga pagkilos?

1. Dapat Mong Malaman ang Pinagmumulan ng Pagsalungat ng Mga Tao sa Bagong Gawain ng Diyos sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos1. Dapat Mong Malaman ang Pinagmumulan ng Pagsalungat ng Mga Tao sa Bagong Gawain ng Diyos sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos.



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa tiwaling disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang tiwaling disposisyon.

21 Pebrero 2018

Ebangheliyong pelikula | Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (1)




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (1)



    Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta't sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Kristianong video | Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)




Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Mapagsisikapang Makapasok sa Kaharian sa Langit (2)



Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta't sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


20 Pebrero 2018

Christian Video | The Best Decision of My Entire Life—Accepting Almighty God's Work of the Last Days




Christian Video | The Best Decision of My Entire Life—Accepting Almighty God's Work of the Last Days



    Since Almighty God began His work of the last days in China, more and more people have come to spread and bear witness to His words. Almighty God’s end-time work long ago expanded outside of China’s borders, and His words have been translated into many different languages and published online. More and more of those who truly believe in God and long to seek the truth are investigating Almighty God’s work, and many want to gain an understanding of The Church of Almighty God and God’s work in the last days. In response to audience requests, in this episode two American Christians, Mr. and Mrs. Schmidt from The Church of Almighty God, share their stories of coming to believe in Almighty God as well as what they have experienced and reaped within the Church. 

Recommendation:Investigating the Eastern Lightning