Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

09 Mayo 2018

"Paghihintay" opisyal na trailer



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paghihintay" opisyal na trailer 


      Si Yang Hou'en  ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo. Kaya nga, nang mabalitaan niya ang ikalawang pagparito ng Panginoon, tumanggi siyang siyasatin iyon…. Samantalang naghintay siya nang walang kibo, inilahad sa kanya ng kanyang pinsang si Li Jiayin ang ebanghelyo ng pagbalik ng Panginoong Jesus. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naunawaan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng "magbantay at maghintay," at nakita niya na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus na napakatagal na niyang hinintay.

Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Tanging Paraan Para Maiwasan ang Sakuna

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tanging Paraan Para Maiwasan ang Sakuna 



Chaotuo    Siyudad ng Xiaogan, Probinsiya ng Hubei


    Mula nang lumindol sa Sichuan, lagi na akong natatakot at nag-aalala na maaari akong dalawin ng sakuna isang araw. Sa partikular dahil nakita ko ang paglubha ng mga sakuna, at mas dumadalas ang mga lindol, mas tumampok ang takot ko sa napipintong disgrasya. Bilang resulta, gumugugol ako ng mga buong araw sa kaiisip kung anong mga pag-iingat ang dapat kong gawin para pangalagaan ang sarili ko sakaling lumindol.

07 Mayo 2018

Awit ng Papuri | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

Kanta ng Papuri | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis



 I
Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

Kanta ng Papuri | Ang Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos

Kristianong Awitin | Ang Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagiging Totoo at Kaibig-ibig ng Diyos


 I
"Para kay Adan at Eva,
ang Panginoong Diyos ay gumawa ng mga damit
sa mga balat,
at dinamitan sila."
Ang nakikita natin mula sa imaheng ito
ay lumilitaw ang Diyos
sa pagganap ng magulang nina Adan at Eva.
Ah … ah … ah … ah …

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)



    Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan….

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Tagalog Christian Movie 2018 | Red Re-Education sa Bahay (Trailer)




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie 2018 | Red Re-Education sa Bahay (Trailer)



    Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, "Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan." Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita.

06 Mayo 2018

Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan?

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ano Talaga ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan



Xiaohe    Puyang City, Henan Province


    Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin. Nasiyahan ako sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng salita ng Diyos, at nagawa kong tanggapin at kilalanin ang lahat ng sinabi ng Diyos bilang katotohanan—hindi alintana kahit gaano man nito tinusok ang aking puso o hindi sumunod sa aking mga paniwala. Bukod dito, gaano man karami ang mga kakulangan na ipinapamata ng aking mga kapatid, ito ay kinilala at tinanggap ko. Hindi ko sinubukang bigyang-katwiran ang aking sarili, kung kaya’t inisip ko na ako ay isang tao na siguradong tumanggap sa katotohanan. Tanging ang mga tao na sadyang mayabang at makasarili at may mga paniniwala tungkol sa salita ng Diyos, mga hindi kinikilala na ang salita ng Diyos ay ang katotohanan ay silang hindi tumatanggap sa katotohanan. Ganito ako kung mag-isip noon hanggang isang araw habang ako ay nakikinig sa “Fellowship and Preaching About Life Entry,” ganap kung naintindihan ang ibig sabihin ng pagtanggap sa katotohanan.