Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

21 Mayo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos


I
Yaong ipinagkakaloob sa'yo ng Diyos ngayon
lumalampas kay Moises
at mas mahigit pa kaysa kay David,
kaya naman hinihiling Niya na
ang iyong patotoo ay malampasan ang kay Moises
at ang iyong mga salita ay higit sa kay David.
Binibigyan ka ng Diyos ng makasandaan,
kaya naman hinihiling Niya sa'yo na tumbasan mo rin ito.

20 Mayo 2018

The Lies of Communism Account of the CCP's Brainwashing Review | CCP Tortures Christians Mentally



The Lies of Communism Account of the CCP's Brainwashing Review | CCP Tortures Christians Mentally



    Hello. Greetings, everyone! Welcome to this edition of Movie Reviews. The movie that we recommend for you today is The Lies of Communism: Account of the CCP’s Brainwashing. Here’s the background of the story: Chinese Communist Party has set up many brainwashing classes all over China, in which they forcibly conduct communist ideological reform upon Christians. Though there is a difference of only one word between the title of this movie and “The Manifesto of Communism,” the word “manifesto” replaced with the word “lies,” not only is the meaning very different, but a great deal of suspense is created for the audience. Why is it said that the communism as promoted by the Communist Party is “lies”? What story does the movie tell? Rather than talk about it further, let’s watch the film.

Recommended: All Is Achieved by the Word of God

How does the Church of Almighty God develop?

About the Church of Almighty God

Where Does Eastern Lightning Come From?

What Is Gospel?

Classic Words on How to Practice Love of God

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao 


Xiangwang    Sichuan Province

    Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.

18 Mayo 2018

Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Ba Ako Lumakad sa Landas ng mga Fariseo?



Suxing    Lalawigan ng Shanxi


    Ako ay taong arogante at masyadong bilib sa sarili at ang katungkulan ay ang aking kahinaan. Sa loob ng maraming taon, nakatali ako sa reputasyon at katungkulan at hindi ko nagawang makalaya mula dito. Paulit-ulit akong naitaas at napalitan; nagkaroon ako ng maraming kabiguan sa aking katungkulan at mga problema sa pagdaan ng panahon. Pagkatapos ng maraming taon na ako ay pinakitunguhan at nagawang pino, naramdaman ko na hindi ko sineseryoso ang aking katungkulan. Ayaw kong maging kaparis ng aking nakaraan na inisip na hangga't ako ay isang pinuno, maaari akong gawing perpekto ng Diyos at kung hindi ako pinuno, wala akong pag-asa. Naunawaan ko na kahit ano pa ang tungkulin na aking tinutupad, kinakailangan ko lamang hanapin ang katotohanan at ako ay gagawing perpekto ng Diyos; ang paghahangad sa reputasyon at katungkulan ay paraan ng anticristo. Ngayon, pakiramdamn ko'y kahit ano pang tungkulin ang aking tinutupad, matatanggap ko ang hindi magkaroon ng katungkulan. Batas ng langit at lupa na ang nilikha ay tumutupad sa kanyang papel. Kahit saan ka pa nailagay, dapat mong tanggapin ang mga kaayusang ginawa ng Diyos. Kapag ang katiwalian ng pagiging tanyag at katungkulan ay nailantad, ito ay malulunasan sa pamamgitan ng paghahanap sa katotohanan. Kahit ano pa ang aking makaharap habang tinutupad ko ang aking tungkulin, basta nauunawaan ko ang katotohanan, nakahanda akong bayaran ang kapalit. Sa dahilang ito, akala ko na nakapaglakad na ako sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Akala ko nabawi ko na ang katauhan at katwiran. Sinusuri ng Diyos ang puso at sinisiyasat ang isip. Alam Niya na hindi ako malinis sa aking paghahanap sa katotohanan, at na hindi ako tunay na naglalakad sa landas ng paghahanap sa katotohanan. Alam ng Diyos kung anong paraan ang gagamitin para ako ay linisin at mailigtas.

Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu!

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Napakahalaga na Sundin ang Gawa ng Banal na Espiritu



Xiaowei    Lungsod ng Shanghai


    Ilang panahon na ang nakaraan, kahit na lagi akong nakakatanggap ng ilang mga inspirasyon at pakinabang kapag ang kapatid na siyang nakisama sa akin ay nagbahagi ng pagliliwanag na kanyang nakuha habang kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, lagi rin akong nagkakaroon ng hindi maalis-alis na pakiramdam na siya’y nagyayabang. Iniisip ko sa sarili ko, “Kung sasagot ako sa kanya ngayon, hindi ko ba siya binubuyo? Sa ganoong diwa, hindi ba ako magmumukhang mas mababa sa kanya?” Bilang resulta, tumanggi ako na ilabas ang aking sariling mga pananaw sa usapan o magkomento sa anumang mga kaisipan na kanyang ibinahagi. Minsan, ang aking kapatid, ay nakakuha ng ilang mga kabatiran mula sa pagkain at pag-inom ng isang partikular na sipi ng salita ng Diyos, at nakaramdam na para bang may mali sa aming sitwasyon at tinanong ako kung payag ba akong pag-usapan kasama siya iyong sipi ng salita ng Diyos. Sa sandaling nagtanong siya, ang lahat ng mga saloobin at pakiramdam na ito ng hinanakit ay lumutang sa ibabaw: “Gusto mo lang magpatotoo sa iyong sarili, para magkaroon ng makikinig para pangaralan. Bakit ako dapat makipag-usap sa iyo?” Umabot pa ako sa punto na hindi ako dumalo ng pulong para lang hindi ko siya mapakinggan. Maya-maya, nakaramdam ako ng kabigatan sa aking puso, alam ko na may mali sa aking sitwasyon, ngunit hindi ako makapag-isip ng magandang paraan para malutas ang aking sariling panloob na sigalot. Ang tanging magagawa ko ay ituon nang todo ang aking sarili sa aking mga sariling tungkulin, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno para ilihis ang aking sarili mula sa mga negatibong pakiramdam na ito. Gayun pa man, kapag kailangan kong harapin ang kasalukuyang sitwasyon, ang parehong katiwalian ay umuusbong sa aking puso—lumalala ang mga bagay, hindi bumubuti—wala akong ideya kung ano ang gagawin tungkol dito.

Tagalog Gospel Videos | "Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?" (Trailer)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Gospel Videos | "Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?" (Trailer)



    Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara ang iglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"

Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Best Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Best Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)



    Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.