Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

23 Agosto 2018

Salita ng Diyos | 6. Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

    Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

22 Agosto 2018

Masasakit na Alaala | Ang Kaligtasan Ba sa Pamamagitan ng Pananampalataya ang Tanging Tiket Tungo sa Kaharian ng Langit?



    Anong klaseng tao ba mismo ang makakapasok sa kaharian ng langit? Naniniwala ang ilang tao na mapapatawad ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, na kapag naligtas tayo ay naligtas na tayo magpakailanman, at ang ganitong klase ng tao ay nara-rapture at nakakapasok sa kaharian ng langit. At mayroon pang naniniwala na, bagama’t napatawad na ang ating mga kasalanan kapag nanalig tayo sa Panginoon, madalas pa rin tayong magkasala at hindi tayo nagtatamo ng kabanalan, at dahil sinasabi sa Biblia na yaong mga hindi banal ay hindi makikita ang Panginoon, paano pa tayo mara-rapture at makakapasok sa kaharian ng langit kapag hindi tayo nagtamo ng kabanalan? Sino ang tama at sino ang mali sa dalawang pananaw na ito? Panoorin lamang ang mainit na pagtatalo ng dalawang panig!

21 Agosto 2018

Readings of God's Words | "Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan"


    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya."

20 Agosto 2018

Ano Ba Talaga ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagiging Ligtas at Pagpasok sa Kaharian ng Langit?


    Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Lahat ng taong ito na tumatawag ng "Panginoon, Panginoon" ay mga taong naligtas ng kanilang pananampalataya sa Panginoon, kaya bakit hindi lahat sa kanila ang makakapasok sa kaharian ng langit? Ano’ng nangyayari dito? Ano ba talaga ang kaugnayan ng maligtas sa pagpasok sa kaharian ng langit?

19 Agosto 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Sino ang Nakilala ang Diyos sa Katawang-tao" (Tagalog songs)



I
Yamang ikaw ay isang mamamayan ng sambahayan ng Diyos,
yamang tapat ka sa kaharian ng Diyos,
kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat matugunan
ang mga pamantayan mula sa Diyos,
matugunan ang mga pamantayan na hinihingi ng Diyos.
Hinihiling ng Diyos na 'wag kang maging isang naaanod na ulap,
datapuwa't na ikaw ay maging niyebe na kumikislap ng puti,
pagkakaroon ng kakanyahan nito at higit pa sa halaga nito.
Dahil ang Diyos ay galing sa banal na lupa,
hindi tulad ng lotus, na mayroon lamang isang pangalan,
mayroon lamang pangalan ngunit walang diwa.
Dahil nagmula ito, nagmula sa maputik na putik,
hindi galing sa banal na lupa.

Ang tinig ng Diyos | 5. Ano ang mahahalagang kaibhan sa pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at ng mga taong ginagamit ng Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy” (Mateo 3:11).

17 Agosto 2018

Tanging ang Pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos ang Pag-agapay sa mga Yapak ng Cordero



    Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.