Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Unang bahagi)"
Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
1. Atas ng Diyos na si Jehova sa Tao
2. Ang Panunulsol ng Ahas sa Babae
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.
II
Dapat ding tingnan mo kung katotohana'y nasa daang ito. Katotohanan, na normal na disposisyon ng buhay ng tao, normal na katinuan, kabatiran, karunungan at pangunahing kaalaman ng pagiging tao. Katotohanan, na inilaan ng Diyos para sa tao mula pa sa paglikha. Ang daan ba ay tungo sa normal na buhay? Katotohanan ba nito'y hiling sa tao na ipamuhay ang normal na pagkatao? Praktikal ba at napapanahon? Kung may katotohanan sa daang ito, magiging tunay ang karanasan ng tao, pagkatao't katinuan nila'y magiging ganap, espirituwal at pisikal na buhay nila ay magiging mas maayos, mga emosyon nila'y mas normal.
III
May isa pang tuntunin para matukoy ang daang tunay. Napalago ba ng daang ito ang kaalaman ng tao sa Diyos? Dapat pukawin ng katotohanan ang pag-ibig sa Diyos sa puso ng tao at mas ilapit ang tao sa presensya N'ya. Reyalidad ang dulot ng katotohanan, nagbibigay ng mga panustos ng buhay. Hanapin ang mga prinsipyong ito at hanapin ang daang tunay, ang daang tunay.
Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil
I
Layon ng paghatol ng Diyos himukin pagsunod ng tao;
layon ng pagkastigo ng Diyos hayaan pagbabago ng tao.
Bagama't gawain ng Diyos ay sa pamamahala N'ya,
lahat ay mabuti para sa tao.
Nais ng Diyos na sumunod kahit ang mga di-Israelita,
upang gawin silang tunay na mga tao,
kaya inaabot ng Diyos lupaing labas ng Israel.
Pamamahala ito ng Diyos.
Gawain N'ya sa lupaing Gentil.
II
Gawa ng Diyos dapat paglago'y batid n'yo,
malayo't malawak kayo'y kakalat.
Tatamaan kayo ng Diyos, tatamaan kayo ng Diyos,
gaya nang ginawa ni Jehovah sa Israel,
para ebanghelyo'y kumalat sa mundo,
gawain ng Diyos sa mga lupang Gentil.
Sa bata't matanda ngalan ng Diyos lalawak,
sa bibig ng lahat ngalan ng Diyos pupurihin.
III
Sa huling kapanahunan,
mga bansang Gentil dadakilain ngalan ng Diyos.
Mga kilos ng Diyos tanaw ng mga Gentil,
tatawagin S'yang Makapangyarihan,
mga salita Niya'y magkakatotoo.
Sa tao'y ipapabatid ng Diyos
na S'ya'y di lang Diyos ng Israel,
S'ya'y Diyos din ng lahat ng Gentil,
at nang sinumpa N'ya.
Ipapakita N'ya sa tao na Siya'y Diyos ng sangnilikha.
Ito'y pinakalubos na gawain ng Diyos,
ang layon ng gawain N'ya sa huling mga araw,
at tanging gagawin N'ya sa huling mga araw.
Tagalog Christian Music Video | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)
I
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
II
Ang Diyos ay laging nagtatrabaho
sa mga plano sa Kanyang pamamahala.
Sino ang kayang gumambala?
Di ba't isinasaayos pa rin ng Diyos ang lahat?
Ang katayuan na napasok ng mga bagay ngayon
ay nasa loob pa rin ng plano at pangitain ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
III
Ito ang Kanyang naitalaga.
Sino sa inyo ang kayang tarukin ang Kanyang plano
para sa hakbang na ito?
Dapat makinig ang mga tao ng Diyos sa Kanyang tinig.
Lahat ng mga tunay na nagmamahal sa Diyos
ay babalik sa harap ng trono kung saan Siya nakaupo!
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.
Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos?
Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari.
Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos?
Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa?
Walang maaaring makahadlang
sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy.
Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
I
Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi,
Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain
na kailangan Niyang gawin
Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi,
Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong
at tustos na maaaring madama ng lahat.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
II
Marahil ay 'di mo nararamdaman ngayon ang pagmamahal
at ang buhay na ibinibigay ng Diyos,
ngunit hangga't hindi mo iniiwan ang Kanyang panig,
ni tinalikdan ang iyong kalooban
upang humanap ng katotohanan,
isang araw, tiyak, makikita mo ang ngiti ng Diyos.
Dahil sa ang layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos
ay upang agawin ang sangkatauhan mula sa sakop ni Satanas,
at huwag talikuran ang mga taong natiwali ni Satanas,
at tutulan ang Kanyang kalooban.
Pag-ibig at awa ng Diyos
lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala
mula sa una hanggang sa huling detalye.
Isang Pasalaysay na Pagsasadula ng Isang Tunay na Kuwento ng Buhay: Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos
Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …