Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

14 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People?

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People? 

    Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba. Pero matapos niyang tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, saka lang siya namulat, at natanto niya na hindi siya isang tunay na mabuting tao. Bagkus, namuhay siya base sa masasamang pilosopiya, at isang mapakamakasarili at tusong "mabuting tao." Naging determinado siyang hanapin ang katotohanan at amging mabuting taong tapat at matwid …. Ano ang mga naranasan ni Yang Huixin para sumailalim siya sa gayong pagbabago?

13 Disyembre 2018

Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible

Best Tagalog Christian Movie | "Lumabas Sa Biblia" | Interpreting the Mysteries About the Bible

    Si Wang Yue ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Buong puso’t kaluluwa siyang nangaral at namuno sa iglesia para sa Panginoon. Pero nang mas lalong nawalan ng mga tao ang kanyang iglesia, lubha siyang nabalisa pero wala siyang nagawa tungkol doon. Habang nagdurusa at nalilito, sinuwerte siyang tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Nang matamasa niya ang saganang salita ng Diyos, lubos niyang nalaman ang lawak ng pagliligtas ng Kanyang pagliligtas. Dahil dito, mas naging totoo para sa kanya ang paghihirap at wala siyang magawa nang mawala ang kasaganaang dulot ng Diyos at nasadlak siya sa kadiliman. Kaya nga, nagpasiya siyang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. … Nang ipangaral ni Wang Yue ang ebanghelyo sa kanyang mga kapatid sa kanyang bayang sinilangan, ginawa ng pastor at elder ng mga relihiyon ang lahat para pigilan at hadlangan siya. Ikinalat nila ang haka-haka sa relihiyon na: "Ang pananalig sa Diyos ay pananalig sa Biblia, at ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Diyos. Ang paglayo sa Biblia ay hindi pananalig sa Diyos!" Gaya ng mga Fariseo noong araw na nilabanan at tinuligsa ang Panginoong Jesus, inilimita nila ang Diyos sa Biblia, at dahil dito ay nalinlang at nahadlangan ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan. Nahaharap sa gayong sitwasyon, isang matinding debate ang nagsimula sa pagitan ng dalawang partido. Paano ginamit ni Wang Yue ang salita ng Makapangyarihang Diyos para mawala ang mga haka-haka ng mga relihiyoso? …

12 Disyembre 2018

Clip ng Pelikulang (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"

Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"

    Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa iglesia na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan. Gayunman, naniniwala ang ilang tao sa mga salita ng mga pastor at elder at pilit na tumatangging siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, samantalang ayaw namang maglakas-loob ng iba, kahit alam na alam nila na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang katotohanan, na hanapin at siyasatin ito sa takot na pahirapan sila ng Chinese Communist Party. Bakit nagagawang siyasatin ng mabubuting tupa sa iglesia ang Kidlat ng Silanganan? Makakapasok nga ba ang mga taong hindi naghahanap at nagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ang maikling videong ito ay bibigyan kayo ng inspirasyon.

Recommended:
Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)

11 Disyembre 2018

Clip ng Pelikulang (4) "Bakit Sinusuway ng Tao ang Diyos?"

Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (4) "Bakit Sinusuway ng Tao ang Diyos?"

    Dalawang libong taon na ang nakararaan, nang magkatawang-tao ang Diyos bilang Panginoong Jesus at makihalubilo sa mga tao para tubusin ang sangkatauhan, hindi Siya tinanggap noong panahon ng kadiliman, at kalaunan ay ipinako Siya sa krus ng masasama at tiwaling sangkatauhan. Ipinropesiya ng Panginoong Jesus na muli Siyang paparito sa mga huling araw, na nagsasabi: "Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Bakit "[itatakwl] ng lahing ito" ang Panginoong Jesus kapag pumarito Siyang muli sa mga huling araw? Nang magpakita ang Diyos nang dalawang beses sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain bakit Siya mabangis na kinalaban at tinuligsa ng tiwaling sangkatauhan? Alam mo ba kung bakit? Ibubunyag sa iyo ng maikling pelikulang ito ang sagot.

Recommended:
Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)

10 Disyembre 2018

Clip ng Pelikulang (5) "Bakit Kinokontra ng mga Fariseo ang Diyos?"

Clip ng Pelikulang Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (5) "Bakit Kinokontra ng mga Fariseo ang Diyos?"

    Ang mga Fariseo sa mga relihiyon ay pawang maalam sa Kasulatan at naglingkod sa Diyos nang maraming taon, pero hindi lang nila hindi hinanap at siniyasat ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi mabangis pa nilang hinatulan, tinuligsa, at kinalaban ito. Talagang hindi kapani-paniwala! Bakit nga ba tinuligsa at kinalaban ng mga Fariseo sa mga relihiyon ang Diyos? Sabi ng Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos." "Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa tiwaling disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Recommended:
Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)

08 Disyembre 2018

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God

    Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos. Minamatyagan siya at pinupuntahan sa bahay upang takutin. Dahil sa panggigipit ng Komunistang gobyerno ng Tsina, ang kanyang asawa, anak at manugang ay sumasalungat at nagbabawal na rin sa kanya na mananalig sa Diyos. Dahil sa paghihirap na ito, sa Diyos lang siya tunay na umaasa at tumitingin, at ang Kanyang mga salita ang nagbibigay sa kanya ng pananampalataya at lakas, pinahihintulutan siyang manindigan sa gitna ng pang-uusig at kapighatian. At sa rurok ng kanyang pagdurusa kung kailan ganap na siyang walang magawa, agad siyang umiyak sa Diyos. Narinig ng Diyos ang kanyang panalangin at nagbukas ng landas para sa kanya. Isang gabi, bigla na lamang siyang nawalan ng malay at hindi siya magising. Sinasabi ng doktor na hindi na siya makaliligtas at sinabihan ang kanyang pamilya na maghanda na sa kanyang pagpanaw, pero matapos ang labing walong oras, himala siyang nagkamalay. Ang milagrong ito ng Makapangyarihang Diyos ay nakakagulat para sa nakapalibot sa kanya at nagbukas ng bagong landas para sa kanya. Pagkatapos ng karanasang ito, lubos na naunawaan ni Liu Zhen na ang buhay ng mga tao ay walang katiyakan at walang sinuman sa atin ang makakapagkontrol nito--tanging ang Diyos lang ang namamahala sa kapalaran ng mga tao at ang ating mga buhay, kamatayan, kabutihan at kasawian ay nasa Kanyang mga kamay. Naranasan din niya na tanging ang Diyos lamang ang sasagot sa atin, at palaging naroon para tulungan tayo , at tanging Siya lamang ang mapagkakatiwalaan natin at maaasahan.

06 Disyembre 2018

New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God

New Gospel Skit "Ang Panginoon ay Kumakatok" | God's Sheep Hear the Voice of God

    "Ipinapaliwanag ng munting dula na Ang Panginoon ay Kumakatok kung paanong, sa mga huling araw, ang Panginoon ay kumakatok sa pinto ng ating mga puso gamit ang Kanyang mga salita, at na maririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Diyos at magpipiging na kasama ng Cordero.
    Noon pa man ay hinihintay na ni Pastor Chang Shoudao ang pagbabalik ng Panginoon, ngunit nang magpatotoo si Brother Zhen sa kanya na nagbalik na ang Panginoon, buong pagmamatigas siyang nakakapit sa kanyang sariling mga paniwala at guni-guni, naniniwala na magbabalik ang Panginoon sa ibabaw ng isang ulap, at pinananatiling nakasara ang pinto ng kanyang puso sa totoong landas. Gayunman, sa pagkakataong ito, tinalakay sa kanya ni Brother Zhen ang mga talata ng Banal na Kasulatan na may kaugnayan sa pagbabalik ng Panginoon, at natuklasan niya na ang Biblia ay naglalaman ng mga propesiya na sa mga huling araw ang Panginoon ay lihim na babalik, sa katawang-tao, para mangusap ng mga bagong salita at dalisayin ang tao, at pagkatapos lamang niyon magpapakita sa madla upang gantimpalaan ang mabuti at parusahan ang masama. Kasabay nito, naunawaan niya ang tunay na kahulugan ng pagkatok ng Panginoon sa ating mga pinto, at na ang susi sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay ang pagkarinig sa tinig ng Diyos. Nang narinig niya sa huli ang tinig ng Diyos sa salita ng Makapangyarihang Diyos, binuksan niya sa wakas ang kanyang puso at malugod na tinanggap ang pagbabalik ng Panginoon."