Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

29 Disyembre 2018

Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"

Clip ng Pelikulang Ang Sandali ng Pagbabago (1) "Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?"

    Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit " (Mat 7:21). "… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal" (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.

Higit pang pansin: Ebangheliyong pelikula |Latest Tagalog Christian Movie Trailer 2018 | "Ang Sandali ng Pagbabago"

28 Disyembre 2018

Tagalog Full Gospel Movie "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?

Tagalog Full Gospel Movie "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?

    Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.

27 Disyembre 2018

Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)

Salita ng Buhay | "Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita" (Unang bahagi)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita."

25 Disyembre 2018

New Tagalog Skit "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes

New Christian Tagalog Skit | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes

    Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.
    Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos. Matapos mabigo ang pakanang ito, muling dumating ang mga pulis para arestuhin ang dalawang mananampalataya. Para maiwasan ang pagkaaresto at ipagpatuloy ang pagsunod sa Diyos at pananampalataya sa Diyos, napilitang umalis sa kanilang tahanan sina Liu Ming'en at ang kanyang asawa.

24 Disyembre 2018

Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (1) "Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?"

Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (1) "Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?"

    Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, nangangagaral na malapit na ang kaharian ng langit at dadalhin sa mga tao ang daan tungo sa pagsisisi, tinuligsa Siya ng mga Fariseong Judio, na sinasabi na ang Kanyang mga salita at gawain ay laban sa mga kautusan sa Lumang Tipan, na hindi iyon nakasaad sa Lumang Tipan, at na maling paniniwala ang mga iyon. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao, at tinutuligsa Siya ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, na sinasabing ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay wala sa Biblia, at na maling paniniwala ang mga iyon. Talaga bang maling paniniwala ang mga salita at gawain ng Diyos na wala sa Biblia? Kung gayon, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoong Jesus? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa Biblia, o ayon sa pangangailangan ng Kanyang gawaing iligtas ang sangkatauhan?

23 Disyembre 2018

Christian Crosstalk "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of CCP's Persecution of Religious Freedom

Tagalog Christian Crosstalk | "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of the CCP's Persecution of Religious Freedom

    Inilalarawan ng crosstalk na Interogasyon sa Paaralan ang mga katotohanan kung paano nakikiisa ang CCP sa mga mabababang paaralan at ginagamit ang mga pulis para linlangin, takutin, bantaan, at pinipilit paaminin ang mga mag-aaral para malaman kung naniniwala sa relihiyon ang kanilang mga magulang. Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, inatake at inapi na ng CCP ang relihiyosong pananampalataya, at ngayon, para maimbestigahan at maaresto ang mga Kristiyano,  inaabot na rin ng malademonyo nitong mga kamay ang mga estudyante sa mga eskwelahan, gamit ang malulupit at mararahas na pamamaraan para abusuhin at takutin nang matindi ang mga bata. Talagang kasuklam-suklam ang kasamaan ng CCP! 

22 Disyembre 2018

Tagalog Christian Skit | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?

Tagalog Christian Skit | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?

    Ang Chinese Communist Party, upang puksain ang pananampalatayang pang-relihiyon, ay gumagamit ng mga kumite sa komunidad at iba't ibang tao para mahigpit na manmanan ang mga Kristiyano at pinatutupad ang sistemang "pabuya sa pagsusumbong" sa pagtatangkang mahuli ang bawat Kristiyano. Ang maikling dula na pinamagatang "Tagapagmanman ng Komunidad" ay sumusuri kung paanong ang Kristiyanong si Lin Min, nang dahil sa reputasyon nang pananalig sa Diyos, ay palihim na sinubaybayan ng opisyal ng kumite sa komunidad. Isang araw, dalawang kapatid sa pananampalataya ang pumunta sa bahay niya, at matapos mag-imbistiga ang direktor ng kumite sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, tumawag ito agad sa pulisya ng CCP. Sa harap ng ganitong napakahirap na pangyayari, paano pa nagagawang magtiwala si Lin Min sa Diyos at nagtitiis? Sa bandang huli, magagawa kaya niya at ng kanyang mga kapatid sa pananampalataya na matakasan ang mga pulis ng CCP?