Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

08 Enero 2019

Clip ng Pelikulang (4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit

Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (4) "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"

    Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Recommended:
Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

07 Enero 2019

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

    Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia. Ang dokumentaryo na ito ay nagsasalaysay ng totoong kuwento ng pag-uusig na pinagdusahan sa mga kamay ng CCP ng pamilya ng Kristiyanong Chinese na si Christian Lin Haochen. Sinundan ni Lin Haochen ang mga yapak ng kanyang ama at naniwala sa Panginoon, at bilang resulta, habang sinasaksihan ng isang bata ang  mga kadre ng nayon na madalas na pumunta sa kanyang tahanan upang pagbantaan at takutin ang kanyang mga magulang para talikuran ang kanilang pananampalataya at pagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo. Matapos tanggapin ng pamilya ni Lin Haochen ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, mas matinding pag-uusig at pag-aresto ang ginawa sa kanila ng pamahalaan ng CCP.  Ang ina ni Lin Haochen ay nasawi sa karamdaman nang siya ay tumakas, at si Lin Haochen, ang kanyang ama, at ang kanyang nakatatandang kapatid ay napilitang lisanin ang bahay nila, at halos imposible nang makapabalik pa. Ang isang dating masaya at magandang pamilya ay nagkahiwalay at nagkawatak-watak nang dahil sa pagpapahirap ng CCP...

06 Enero 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi."

05 Enero 2019

Tagalog Christian Crosstalk | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians

Tagalog Christian Crosstalk | "Bilangguang Walang Pader" | The CCP's Tracking Service for Christians

    Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP. Sa kagustuhan nilang isuko niya ang kanyang pananampalataya, hindi sila tumigil sa pagbabantay at pagkontrol sa kanya: sinusubaybayan siya ng mga surveillance device, bugs, at biglaang pagdalaw, pagbuntot ng mga naka-sibilyang pulis, at sinusundan siya hanggang sa labas ng bayan niya. Matapos maranasan ang pagtugis sa kanya, pag-aresto at pag-uusig, malinaw na nakita Han Mei ang masamang diwa ng paglaban sa Diyos at maging kaaway ng Diyos, kaya lalo siyang naging determinado na sundan ang Diyos hanggang wakas, kahit ano pa ang maging katumbas.

04 Enero 2019

Tagalog Christian Skit | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians

Tagalog Christian Skit | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians

    Para maalis ang mga paniniwala sa relihiyon, madalas magsagawa ang ateistang gobyerno ng CCP ng mga hakbang para bantayan ang mga Kristiyano gaya ng pagmamanman at pagsunod sa kanila sa tangka nitong malinis at maalis ang mga ito. Ang palabas na Mga Pakana ng mga Pulis ay tungkol sa pagsasabwatan ng mga nagpapanggap na opisyal ng CCP at ng katulong na opisyal, na isang asno sa balat ng leon, na nagmamanman para maaresto ang mga Kristiyanong nagpupulong sa bahay ni Zhao Yuzhi. Paano haharapin ni Zhao Yuzhi at ng kanyang pamilya ang masamang panlalansi ng pulisya ng Tsina? Anong gulo ang sasapitin nila?   

03 Enero 2019

Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

    Si Yu Fan  ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? … Matapos makausap at makadebate kalaunan ni Yu Fan ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya ang mga hiwaga ng pagdatng ng Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit, at sa wakas ay nagising mula sa kanyang panaginip …

02 Enero 2019

Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (6) Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP

Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (6) Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP

    Kapag hindi nagtagumpay ang CCP sa tangka nitong pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos sa pamamagitan ng malupit nilang pagpapahirap at pag- brainwash at pangungumbinsi, ginagamit nila ang mga miyembro ng pamilya bilang pain para subukan sila. Sa harap ng ganitong hamak na mga panloloko, paano naninindigan at nananatiling matwid ang mga Kristiyano, sa pagbubulaan sa mga ito? At ano ang ipinapayo nila?

Recommended:
Tagalog Christian Testimony Video | "Ang Pag-Uusap" | God Is My Strength