"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 3 - Paano Itinuturing ng mga Pastor at Elder ang Pagbabalik ng Panginoon
Nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, bumibigkas ng maraming katotohanan at ginagawa ang gawain na paghatol. Makatwiran lang na dahil naglilingkod ang mga pastor at elder sa Panginoon, napakarunong tungkol sa Biblia, at madalas na binibigyang-kahulugan ito para sa iba, dapat nilang makilala ang pagdating ng Panginoon at magawang pamunuan ang mga mananampalataya sa pagsalubong sa Kanya. Ngunit paano ba talaga itinuturing ng mga pastor at elder na ito ang pagbabalik ng Panginoon?
Recommended:
Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom
"Ang Sugo ng Ebanghelyo" Clip 1 - Anong Ibig Sabihin ng Panginoong Hesus Nang Sabihin Niyang “Tapos na” sa Krus? (Tagalog)
Maraming tao sa relihiyosong mundo ang nag-iisip: “Ang pagsasabi ng Panginoong Jesus sa krus na 'Naganap na' ay nagpapatunay na tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan. Sa paniniwala lamang sa Panginoon, napatawad ang ating kasalanan, inaaring ganap sa pananampalataya, at iniligtas ng biyaya. Kapag darating ang Panginoon, dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit. Hindi na Siya posibleng gumawa ng iba pang gawain ng pagliligtas.” Naaayon ba ang pananaw na ito sa mga katunayan ng gawain ng Diyos?
Recommended:
Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom
1. Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos na Mga Salita.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita sa kanilang sarili, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila sa kanilang sarili na ginagawa Niya ang Kanyang gawain. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Sa panahon ng mga huling araw naparito ang Diyos pangunahin na upang wikain ang Kanyang mga salita. Nagsasalita Siya mula sa perspektibo ng Espiritu, mula sa perspektibo ng tao, at mula sa perspektibo ng ikatlong panauhan; nagsasalita Siya sa iba’t-ibang paraan, gamit ang isang paraan sa isang panahon, at gumagamit ng mga paraan ng pagsasalita upang baguhin ang mga pagkaintindi ng tao at alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao. Ito ang pangunahing gawain na naisakatuparan ng Diyos. Dahil naniniwala ang tao na naparito ang Diyos upang magpagaling, magpalayas ng mga demonyo, magpamalas ng mga milagro, at upang magkaloob ng mga materyal na biyaya sa tao, isinasagawa ng Diyos ang yugtong ito ng gawain—ang gawain ng pagkastigo at paghatol—upang alisin ang mga gayong bagay mula sa mga pagkaintindi ng tao, upang malaman ng tao ang pagiging-tunay at pagiging-karaniwan ng Diyos, at upang ang imahe ni Jesus ay maaaring maalis sa kanyang puso at mapalitan ng bagong imahe ng Diyos.
mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Ang pangunahing gawain ng Diyos sa panahong ito ay ang pagkakaloob ng mga salita para sa buhay ng tao, ang pagbubunyag ng sangkap at kalikasan ng tao at tiwaling disposisyon ng tao, ang pag-aalis ng mga relihiyosong pagkaintindi, piyudal na pag-iisip, makalumang pag-iisip, pati na rin ang kaalaman at kultura ng tao. Dapat mailantad ang lahat ng ito at malinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Nitong mga huling araw, gumagamit ang Diyos ng mga salita, at hindi mga tanda at kababalaghan, upang gawing perpekto ang tao. Ginagamit Niya ang Kanyang mga salita para ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao, at gawing perpekto ang tao, upang sa mga salita ng Diyos, makita ng tao ang karunungan at ang kagandahan ng Diyos, at maunawaan ang disposisyon ng Diyos, upang sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, makita ng tao ang mga gawa ng Diyos.
mula sa “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Sa huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga prinsipyo na kung saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng kanilang sariling sangkap. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng gawain at lahat ng mga salitang winika, dumarating ang tao sa pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba ang iyong kaalaman ng iyong dating mga paniwala at tagumpay sa pagsasantabi sa mga ito ay nakamit din sa pamamagitan ng mga salita? Sa naunang yugto, ginawa ni Jesus ang mga tanda at mga kababalaghan, nguni't hindi ito gayon sa yugtong ito. Hindi ba ang iyong pagkaunawa kung bakit hindi Niya ginagawa ang gayon ay nakamit din sa pamamagitan ng salita? … Sa mga salitang winika sa yugtong ito, mayroong propesiya at katotohanan, nguni't higit sa lahat ang mga ito ay naglilingkod upang magkaloob ng buhay sa tao. Ang mga salita sa kasalukuyan ay hindi tulad ng mga propesiya ng mga propeta. Ito ay isang yugto ng gawain na hindi para sa mga propesiya kundi para sa buhay ng tao, upang baguhin ang disposisyon ng tao sa buhay.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Sa panahong iyon, Si Jesus ay gumawa ng maraming gawain na mahirap maintindihan ng Kanyang mga disipulo, at nagsabi ng marami na hindi naunawaan ng mga tao. Ito ay dahil, sa panahong iyon, hindi Siya nagbigay ng paliwanag. Kaya, maraming mga taon pagkatapos Niyang umalis, nilikha ni Mateo ang Kanyang talaangkanan, at gumawa din ang iba ng maraming gawain na naayon sa kalooban ng tao. Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: paglalahad ng ebanghelyo ng kaharian ng langit at ang pagtapos ng gawain ng pagpapapako sa krus—at kapag naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos na naisakatuparan. Ngunit sa kasalukuyang yugto—ang gawain ng panlulupig—mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat magkaroon ng mas maraming paraan. Kaya nararapat ding mabunyag ang mga hiwaga ng gawain ni Jesus at Jehovah, nang sa gayon ay magkaroon ang lahat ng mga tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala, dahil ito ang mga gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ang mga huling araw ay ang konklusyon ng gawain na ito. Liliwanagin sa iyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehovah at ang pagtubos ni Jesus, at ito’y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ang anim na libong taong plano sa pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at sangkap nitong anim na libong taong plano sa pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Lahat ng ito’y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan ang mga ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang hindi tinatapos ang gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay hindi ang gawaing konklusyon. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang mga salitang Kanyang binitawan ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kanyang gawain ay nagwakas. Ang kasalukuyang yugto ay iba: Tanging pagkatapos lang mabitawan ang mga salita hanggang sa katapusan at magwakas ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kanyang gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming mga salita ang nanatiling hindi nahayag, o mga hindi nahayag nang buong linaw. Ngunit walang pakialam si Jesus sa Kanyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng mga gawain sa isang konklusyon. Kung hindi bibitawan ang mga salita hanggang sa kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito, dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay maihahatid sa isang katapusan at tatapusin sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong iyon, nagsagawa si Jesus ng mga maraming gawain na hindi nauunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi nakauunawa sa Kanyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa ngunit sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, mga hindi alam na maaaring mali sila. Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at ihahanda ang konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano sa pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehovah at Jesus, ang kanyang pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng kanyang mga paglihis at mga kamalian ay maitatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawain ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay katapusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao At sa gayon, sa panahon ng mga huling araw, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao, pangunahin Niyang ginamit ang salita upang tuparin ang lahat at gawing payak ang lahat. Tanging sa Kanyang salita maaari mong makita kung ano Siya; tanging sa mga salita Niya maaari mong makita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginawa kundi ang mangusap ng mga salita—samakatwid hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang gawaing ito, hayaan ang tao na makita ang Kanyang kapangyarihan at kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao na makita ang Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang kabuuan sa Kanyang mga salita. At lahat ng anong mayroon Siya at sino Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at pagka-nakakamangha ay nasa sa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita sa iyo ang maraming mga paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang Kanyang mga salita. … … Ang Diyos ay naparito sa lupa sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ministeryo ng salita, upang ang makilala Siya ng tao, at sa gayon makita ng tao kung ano Siya, at makita ang Kanyang karunungan at lahat ng Kanyang nakamamanghang mga gawain mula sa Kanyang salita. Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos pangunahin ang salita upang lupigin ang lahat ng mga tao. Sa hinaharap, ang Kanyang salita ay darating sa bawat sekta, grupo, bansa at taguri; ginagamit ng Diyos ang salita upang lupigin, upang ipakita sa lahat ng tao na ang Kanyang salita ay nagtataglay ng awtoridad at kapangyarihan—at kaya ngayon, hinaharap mo lamang ang salita ng Diyos.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Ang pinakadakilang kahalagahan ng gawain sa mga salita ay ang pagpapahintulot sa tao na isagawa ang katotohanan pagkatapos maintindihan ang katotohanan, magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, at makamit ang pagkakilala sa kanilang mga sarili at ang gawain ng Diyos. Ang mga pamamaraan lamang ng paggawa sa pamamagitan ng pagsasalita ang maaaring makapaghayag sa ugnayan sa pagitan ng Diyos at tao, ang mga salita lamang ang makapagpapaliwanag sa katotohanan. Ang paggawa sa ganitong paraan ay ang pinakamahusay na paraan ng paglupig sa tao; bukod sa pagbigkas ng mga salita, wala ng iba pang paraan ang may kakayahang magbigay sa tao ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at sa gawain ng Diyos. At kaya sa Kanyang panghuling yugto ng gawain, ang Diyos ay nagsasalita sa tao nang upang buksang lahat sa tao ang mga katotohanan at mga hiwaga na hindi nila naiintindihan, magpapahintulot sa kanila na matamo ang tunay na daan at ang buhay mula sa Diyos, at sa gayo’y mapalulugod ang kalooban ng Diyos. … Ang yugtong ito ng gawain--ang gawain sa mga salita--ay magbubukas sa tao sa lahat ng mga paraan at mga misteryo na hindi nila naiintindihan, nang upang mgawang maintindihan ng tao ang kalooban ng Diyos at ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao, nang upang taglayin nila ang mga kalagayan upang isagawa ang mga salita ng Diyos at magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon.
mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang Mga Pagpapala ng Kalagayan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Sa kapanahunang ito, gagawin ng Diyos na isang katunayan sa gitna ninyo na ang bawa’t tao ay isinasabuhay ang salita ng Diyos, kayang isagawa ang katotohanan, at maalab na nagmamahal sa Diyos; na ang lahat ng tao ay ginagamit ang salita ng Diyos bilang saligan at kanilang katunayan at mayroong mga puso ng paggalang sa Diyos; at na, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos, ang tao ay maaaring mamuno kasama ng Diyos. Ito ang gawain na makakamit ng Diyos. Makakaya mo bang magpatuloy na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos? Marami sa ngayon ang nakadarama na hindi makapagpatuloy kahit isang araw lamang o dalawa kung hindi nakakapagbasa ng salita ng Diyos. Nararapat nilang basahin ang salita ng Diyos araw-araw, at kung hindi pinahihintulutan ng panahon, sapat na ang pakikinig sa Kanyang salita. Ito ang pakiramdam na ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao, at kung papaano Niya sinisimulang antigin ang tao. Iyon ay, pinamumunuan Niya ang tao sa pamamagitan ng mga salita nang sa gayon ang tao ay maaaring pumasok sa katunayan ng salita ng Diyos. … Ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang tao; mabuti ang iyong pakiramdam kung kumakain at umiinom ka sa salita ng Diyos, at kung hindi, wala kang magiging daan upang sumunod. Ang salita ng Diyos ay nagiging pagkain ng tao at ang lakas na nag-uudyok sa kanya. Sinabi ng Biblia na “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios.” Ito ang gawain na tutuparin ng Diyos sa araw na ito. Gaganapin Niya ang katotohanang ito sa iyo. Paano nakatatagal ang tao noong nakaraan nang maraming araw na hindi nagbabasa ng salita ng Diyos nguni’t patuloy na kumakain at gumagawa? At bakit hindi ito ang kalagayan ngayon? Sa kapanahunang ito, pangunahing ginagamit ng Diyos ang salita upang pamunuan ang lahat. Sa pamamagitan ng salita ng Diyos, hinahatulan at ginagawang perpekto ang tao, at sa huli ay dinadala tungo sa kaharian. Tanging ang salita ng Diyos ang nakapagtutustos ng buhay ng tao, at tanging ang salita ng Diyos ang makapagbibigay sa tao ng liwanag at ng daan ng pagsasagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian. Hangga’t araw-araw kang kumakain at umiinom sa Kanyang salita at hindi iniiwan ang katunayan ng salita ng Diyos, makakaya kang gawing perpekto ng Diyos.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
1. Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw?
“kayo nga'y magpakabanal, sapagka't ako'y banal” (Levitico 11:45).
“At ang pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).
“At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos: Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaring makakita at kahit ang patay ay maaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi matuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. Ang tao ay nakatanggap ng labis na biyaya, tulad ng kapayapaan at kasiyahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at kanilang maka-Diyos na itsura; kung ang tao ay maaring mabuhay batay sa ganito, siya ay itinuring na isang mabuting mananampalataya. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Nguni't, sa kanilang buong buhay, hindi nila lubos na naunawaan kahit kailan ang daan ng buhay. Sila ay nakakagawa lamang ng mga kasalanan, pagkatapos ay nagpapahayag ng kasalanan nang paulit-ulit na walang anumang daan tungo sa isang nabagong disposisyon; ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka't ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka't ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni't ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; hindi nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano sa pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang makasalanang tulad mo, na Kanyang tinubos, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus-ganoon ka kaya dapat kapalad! Nakalimutan mo ang isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay tinubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos Mismo ang kailangang bumago at luminis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang matamo ang pamana ng Diyos.
mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali't, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka't ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang lahat ng sangkatauhan, at pinayagan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natapos. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natapos. Tinubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi Niya nilupig ang sangkatauhan, pabayaang mag-isang magbago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, "Kahit na dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Ang sinisinta Kong Anak ay si Jesus at ipinako sa krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na natapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang kapiraso nito." Kaya nagsimula na ang Diyos sa ikalawang ikot ng mga plano upang ipagpatuloy ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang gawing perpekto at makuha ang lahat ng taong sinagip mula sa mga kamay ni Satanas ang hantungan ng layunin ng Diyos, kung kaya naghanda muli ang Diyos sa pakikipagsapalaran sa mga panganib na dumating sa laman.
mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang gawain sa mga huling araw ay bumigkas ng mga salita. May malalaking pagbabago na maibubunga sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabago ngayong naibubunga sa mga taong ito sa pagtanggap ng mga salitang ito ay mas higit kaysa roon sa mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya sa pagtanggap niyaong mga tanda at mga kababalaghan. Sapagka't, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay lumayas sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, nguni't ang tiwaling mga disposisyon sa kalooban ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay gumaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, nguni't ang gawain ng kung paano maiwawaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon sa loob ng tao ay hindi nagawa sa kanya. Ang tao ay nailigtas lamang at napatawad sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananampalataya, nguni't ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa kanyang kalooban. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao, nguni't hindi ito nangangahulugan na ang tao ay walang kasalanan sa kalooban niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, nguni't hindi magawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni't ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay ganap na maiwaksi at hindi na muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kinakailangan din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Samakatuwid, ang tao ay hindi maaaring ganap na mailigtas mula sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagpapagaling ng sakit at pagpapalayas ng mga demonyo at hindi maaaring magawang ganap sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan. Ang awtoridad upang magpagaling at magpalayas ng mga demonyo ay nagbibigay lamang ng biyaya sa tao, nguni't ang laman ng tao ay nabibilang pa rin kay Satanas at ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ay nananatili pa rin sa kalooban ng tao. Sa madaling salita, yaong hindi nagawang malinis ay kabilang pa rin sa kasalanan at karumihan. Tanging pagkatapos lamang na nagawang malinis ang tao sa pamamagitan ng mga salita maaari siyang makamit ng Diyos at maging banal. Kung walang nagawa maliban sa pagpapalayas ng mga demonyo sa loob ng tao at pagtutubos sa kanya, iyon ay pag-agaw lamang sa kanya mula sa mga kamay ni Satanas at pagbabalik sa kanya sa Diyos. Subali't, hindi siya nagawang malinis o nabago ng Diyos, at siya ay nananatiling tiwali. Sa loob ng tao ay umiiral pa rin ang karumihan, pagsalungat at pagka-mapanghimagsik; ang tao ay nakabalik lamang sa Diyos sa pamamagitan ng pagtubos, nguni't ang tao ay walang pagkakilala sa Kanya at lumalaban pa rin at nagkakanulo sa Diyos. Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya. Pagkatapos ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, ang tao ay mayroon na sa kanyang kalooban ng kalikasang lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, nang ang tao ay natubos, walang iba ito kundi pagtubos, kung saan ang tao ay binili sa isang mataas na halaga, nguni't ang nakakalasong kalikasan sa loob ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay dapat na sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga ito ay para sa kaligtasan ng isang sangkatauhan na labis na pinasama ni Satanas. Ngunit, kasabay nito, ang mga ito ay para rin makapagsagawa ang Diyos ng pakikidigma kay Satanas. Kaya, yayamang ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, kaya ang pakikidigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspeto ng gawain ng Diyos ay sabay na pangangasiwaan. Ang pakikidigma kay Satanas ay talagang para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, at dahil sa ang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi isang bagay na maaaring matagumpay na makumpleto sa iisang yugto, ang pakikidigma kay Satanas ay hinati rin sa mga bahagi at yugto, at isasagawa ang digmaan kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng katiwalian ni Satanas sa kanya. … Sa gawain sa kaligtasan ng tao, tatlong yugto na ang natupad, ito ay upang sabihin na ang pakikidigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago pa ang lubos na pagkatalo kay Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain sa pakikidigma kay Satanas ay ang mga epekto nito ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging alay sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao. Sa katunayan, ang pakikidigma kay Satanas ay hindi ang paghandang makipagsagupaan laban kay Satanas, ngunit ang kaligtasan ng tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maglahad ng patotoo sa Diyos. Sa ganito natalo si Satanas. Si Satanas ay matatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, ito ay, kapag ang tao ay lubos nang ligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay lubos nang maliligtas. At kaya, ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikidigma kay Satanas, at ang digmaan kay Satanas ay unang-unang masasalamin sa kaligtasan ng tao. Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.
mula sa “Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto ng gawain. Walang nag-iisang yugto ang kayang kumatawan sa gawain ng tatlong kapanahunan nguni't kaya lamang kumatawan sa isang bahagi ng kabuuan. Ang pangalang Jehova ay hindi maaaring kumatawan sa lahat ng disposisyon ng Diyos. Ang katunayan na nagsagawa Siya ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay maaaring maging Diyos lamang sa ilalim ng kautusan. Nagtakda si Jehova ng mga batas para sa tao at nagbaba ng mga kautusan, na humihingi sa tao na magtayo ng templo at mga altar; ang gawain na ginawa Niya ay kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na ginawa Niya ay hindi nagpapatunay na ang Diyos ay ang Diyos na humihingi sa tao na panatilihin ang kautusan, ang Diyos sa templo, o ang Diyos sa harapan ng altar. Hindi masasabi ito. Ang gawain sa ilalim ng kautusan ay maaari lamang kumatawan sa isang kapanahunan. Samakatuwid, kung ginawang mag-isa ng Diyos ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, bibigyang-kahulugan ng tao ang Diyos at sasabihing, "Ang Diyos ay ang Diyos sa templo. Upang makapaglingkod sa Diyos, kailangan nating magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote at pumasok sa templo." Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi naisagawa kahit kailan at ang Kapanahunan ng Kautusan ay nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan, hindi malalaman ng tao na ang Diyos ay maawain din at mapagmahal. Kung ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagáwâ, at tanging yaong sa Kapanahunan ng Biyaya ang nagáwâ, ang malalaman lamang ng tao ay na ang Diyos ay nakakapagtubos sa tao at nakakapagpatawad sa mga kasalanan ng tao. Ang malalaman lamang nila ay na Siya'y banal at walang-sala, na kaya Niyang isakripisyo ang Sarili Niya at mapako sa krus para sa tao. Ito lamang ang malalaman ng tao at wala na siyang magiging kaunawaan sa iba pa. Kaya ang bawa't kapanahunan ay kumakatawan sa isang bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa ilang mga aspeto, ang Kapanahunan ng Biyaya sa ilang mga aspeto, at ganoon din ang kapanahunang ito sa ilang mga aspeto. Ang disposisyon ng Diyos ay maibubunyag lamang nang lubusan sa pamamagitan ng kombinasyon ng lahat ng tatlong yugto. Tanging kapag nalalaman ng tao ang lahat ng tatlong yugto saka magagawa ng tao na tanggapin ito nang buo. Walang isa sa mga tatlong yugto ang maaaring kaligtaan. Makikita mo lamang ang disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito kapag nalaman mo itong tatlong yugto ng gawain. Ang pagtatapos ng Diyos sa Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Diyos sa ilalim ng kautusan, at ang pagtatapos ng Kanyang gawain ng pagtubos ay hindi nagpapakita na ang Diyos ay tutubos sa sangkatauhan magpakailanman. Ang lahat ng mga ito ay mga konklusyon na binuo ng tao. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay dumating na sa katapusan, nguni't hindi mo masasabi na ang Diyos ay para lamang sa krus at na ang krus ay kumakatawan sa pagliligtas ng Diyos. Kung ginagawa mo ang ganoon, binibigyan mo ng pakahulugan ang Diyos. Sa yugtong ito, ang Diyos higit sa lahat ay gumagawa ng gawain ng salita, nguni't hindi mo maaring sabihin na ang Diyos ay hindi kailanman naging maawain sa tao at na ang lahat ng nadálá Niya ay pagkastigo at paghatol. Ang gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob-na-pananaw sa bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga uri. Pagkatapos lamang na maganap ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala saka maiintindihan ng tao ang kabuuang disposisyon ng Diyos, dahil ang Kanyang pamamahala ay doon lamang darating sa pagtatapos.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
1. Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi kayang ganap na mailarawan ang disposisyon ng Diyos, sa dahilang ang disposisyon ng Diyos ay napakayaman na lumalampas lamang ito sa kapasidad ng tao na makilala Siya. Walang paraan para sa tao, gamit ang wika ng sangkatauhan, na lubusang ilarawan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay may limitadong bokabularyo lamang na tumataglay sa lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, ginagalang, nakakamangha, hindi maarok, kataas-taasan, banal, matuwid, matalino, at iba pa. Masyadong maraming salita! Ang limitadong bokabularyong ito ay walang kakayahang ilarawan ang kaunting nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, maraming iba pa ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na maaaring maglarawan sa sigla ng kanilang mga puso: Ang Diyos ay lubhang dakila! Ang Diyos ay lubhang banal! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig! Ngayon, ang mga kasabihan ng tao gaya ng mga ito ay naabot na ang kanilang sukdulan, gayon pa man ang tao ay wala pa ring kakayahang ipahayag ang kanyang sarili nang malinaw. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay may maraming pangalan, gayunman wala Siyang iisang pangalan, at ito ay dahil lubhang masagana ang pagiging Diyos ng Diyos, at lubhang kulang ang wika ng tao. Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kapasidad na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ang Kanyang pangalan ay maaaring maging pirmihan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal gayunman hindi mo Siya papayagang magbago ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Kung gayon, sa bawat kapanahunan kung saan ang Diyos ay personal na ginagawa ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng pangalan na bumabagay sa kapanahunan upang mataglay ang gawain na Kanyang binabalak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng makalupang kabuluhan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyan. Ito ang Diyos na gumagamit ng wika ng sangkatauhan upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Kahit na pagkatapos, ang maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at nakita nang personal ang Diyos gayunman ay may palagay na ang isang partikular na pangalang ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—ah, imposible itong maiwasan! Kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at tinatawag lang Siya na “Diyos.” Parang ang puso ng tao ay puno ng pag-ibig ngunit napapaligiran din ng mga pagsalungat, sa dahilang hindi nalalaman ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay lubhang sagana, walang paraan kung paano ito mailalarawan. Walang iisang pangalan ang maaaring magbuod sa disposisyon ng Diyos, at walang iisang pangalan ang maaaring maglarawan sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung magtanong ang isang tao sa Akin, “Anong eksaktong pangalan ang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “Ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba ito ang pinakamabuting pangalan para sa Diyos? Hindi ba ito ang pinakamabuting pagbubuod sa disposisyon ng Diyos? Kaya nga, bakit kayo gumugugol ng labis na pagsisikap sa paghahanap ng pangalan ng Diyos? Bakit ninyo binabambo ang inyong mga utak, hindi kumakain at natutulog, lahat para sa kapakanan ng isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. … Kinuha lamang Niya ang isa, o dalawa, o maraming pangalan dahil may gawain Siyang dapat magawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anong pangalan ang itinatawag sa Kanya—hindi ba malayang pinili Niya ito Mismo? Kakailanganin ka ba Niya—isa sa Kanyang mga nilalang—na magpasya nito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay pangalang umaayon sa kung ano ang nakakayang maunawaan ng tao, sa wika ng sangkatauhan, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na maaaring masaklaw ng tao. Maaari mo lang sabihin na may Diyos sa langit, na tinatawag Siyang Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na lubhang matalino, lubhang mataas, lubhang kahanga-hanga, lubhang mahiwaga, at lubhang makapangyarihan, at pagkatapos ay wala ka nang maaaring sabihin pa; ganito kaunti ang maaari mo lamang malaman. Kaya nga, ang pangalan lamang ba ni Jesus ang maaaring kumatawan sa Diyos Mismo?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala kailanman sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehova, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring ipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba’t-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
"Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan
Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan. Gayunman, may ilan sa kanila na nagdududa tungkol sa gawain ng Diyos at nagnanais na isuko ang kanilang pagsusuri sa tunay na daan dahil sa kaso sa Zhaoyuan Shandong noong Mayo 28, at dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan na ipinakalat ng ateistang pamahalaan ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga pastor at matatanda sa iglesia ng mundo ng relihiyon. Ang ang tunay na isyu dito? Ang kaso ba sa Shandong Zhaoyuan ay may kaugnayan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kaninong mga salita ang dapat na pakinggan ng mga Kristiyano sa paghahanap at pagsusuri sa tunay na daan?