"Sino Siya na Nagbalik" Clip 4 - Tanging ang Diyos ang Makagagawa ng Paghatol
Alam mo ba kung bakit personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, sa halip na gumamit ng tao para gawin ito? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito ang tamang landas.
"Sino Siya na Nagbalik" - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 2
Maraming tao na ang nagpapatotoo ngayon na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos at kasalukuyang ginagawa ang Kanyang paghatol simula sa pamilya ng Diyos. Kasabay nito, maraming tao ang nagpapanggap bilang ang nagbalik na Panginoong Jesus. Umaasa sila sa mga pagpapakahulugan ng Biblia, pagpapaliwanag sa mga hula at paggawa ng mga milagro at kababalaghan upang lituhin ang mga tao, at ilan sa kanila’y nagsulat din ng ilang aklat. Kaya paano natin dapat ganap na maintindihan ang masamang diwa ng mga huwad na Cristo at iwaksi ang mga ito? At paano natin dapat makilala ang diwa ni Cristo at maging tulad ng matatalinong dalagang sumasalubong sa lalaking kasintahan? Tutulungan ka ng maikling pelikulang ito na maintindihan ang aspeto ng katotohanan hinggil sa pagkakaiba sa pagitan ng totoong Cristo at ng mga huwad na Cristo, para masalubong mo ang pagbabalik ng Panginoong Jesus.
Recommended:
Latest Christian Full Movie 2018 "Sino Siya na Nagbalik" Lord Jesus Has Come Again (Tagalog Dubbed)
Sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan
na "Ang Salita ay magiging tao"
na isinakatuparan ng Diyos.
I
Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa lupa,
pinangyayari ng Diyos na makilala Siya ng tao,
pinangyayari na ang tao ay makipag-ugnayan sa Kanya,
at ginagawang makita ng tao ang Kanyang aktwal na gawa.
Ginagawa Niyang makita nang malinaw ng tao
na kung minsan ay ginagawa Niya o hindi
na magpakita ng mga tanda at kababalaghan.
Ito ay batay sa kapanahunan.
Ipinakikita nito na kaya ng Diyos
na magpakita ng mga tanda at kababalaghan,
ngunit binabago Niya ang Kanyang paggawa
batay sa Kanyang gawain at sa panahon.
Dahil ito'y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos,
mga gawang ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi sa mga tanda,
kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain sa bagong panahon,
sa bagong panahon.
II
Sa kasalukuyang yugto ng gawain,
Hindi Niya ipinakikita ang mga tanda o kababalaghang
ginawa Niya sa kapanahunan ni Jesus,
dahil iba ang Kanyang gawain sa panahong iyon.
Hindi ginagawa ngayon ng Diyos ang gawaing iyon.
At iniisip ng iba na hindi Niya kayang gawin iyon
o hindi Siya Diyos dahil hindi Niya ginagawa.
Hindi ba iyan kamalian?
Kaya ng Diyos na magpakita ng mga tanda't kababalaghan,
ngunit gumagawa Siya sa ibang panahon
kaya't hindi Niya ginagawa ang gayong gawain.
Dahil ito'y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos,
mga gawang ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi sa mga tanda,
kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain sa bagong panahon,
sa bagong panahon.
III
Ah, nakikilala ng tao ang Diyos
sa paraan ng paggawa ng Diyos.
Nililikha ng kaalamang ito sa tao
ang paniniwala sa Diyos, sa Kanyang gawain at gawa.
Dahil ito'y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos,
mga gawang ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi sa mga tanda,
kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain sa bagong panahon,
sa bagong panahon, sa bagong panahon.
Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" Clip 3 - Pagtalikod sa Kabutihan at Pagsunod sa Kasamaan
Sa mundong ito ng masasamang loob kung saan pera ang hari, anong mga pagpapasiya ang ginagawa ng tunay na dalisay at mabuting si Xiaozhen, para sa buhay at kaligtasan …
Drama-musikal | "Kuwento ni Xiaozhen" Clip 5 - Buhay sa Sayawan
Nabubuhay sa kanyang balatkayo, unti-unting naging bahagi at nilamon si Xiaozhen ng mundong ito. Nawalan siya ng dangal sa gitna ng kasamaan ng masamang mundo …
Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: "Saan nanggaling ang sangkatauhan?" Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?