Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

08 Marso 2019

Tagalog church songs | Ang Katotohanan ng Bunga ng Kasamaan ng Tao na gawa ni Satanas

Tagalog church songs | Ang Katotohanan ng Bunga ng Kasamaan ng Tao na gawa ni Satanas

I
Sa maraming taon ang mga kaisipan ng mga tao
ang inasahan nila para mabuhay
ang sumira sa kanilang mga puso
at ginawa silang mga duwag,
mapanlinlang at karumal-dumal.
Sila'y walang matibay na paninindigan o kapasiyahan,
kundi sakim, mayabang, at matigas ang ulo,
napakahina para daigin ang sarili
o makalaya mula sa madilim na impluwensya,
makalaya mula sa madilim na kapangyarihan.

II
Ang kanilang kaisipan at buhay ay bulok.
Ang pananaw nila sa paniniwala sa Diyos
ay talagang pangit, mahirap makayanan.
Ito'y tahasang 'di kayang pakinggan.
Sila'y walang matibay na paninindigan o kapasiyahan,
kundi sakim, mayabang, at matigas ang ulo,
napakahina para mangibabaw sa sarili
o makalaya mula sa madilim na impluwensya,
makalaya mula sa madilim na kapangyarihan.

III
Ang tao'y takot, kasuklam-suklam at mahina.
Hindi sila napopoot sa mga puwersa ng kadiliman.
Di nila mahal ang liwanag at katotohanan,
kundi itinataboy nila ang mga ito
sa lahat ng ginagawa nila.
Sila'y walang matibay na paninindigan o kapasiyahan,
kundi sakim, mayabang, at matigas ang ulo,
napakahina para mangibabaw sa sarili
o makalaya mula sa madilim na impluwensya,
makalaya mula sa dilim,
makalaya mula sa dilim,
makalaya mula sa madilim na kapangyarihan.


Rekomendasyon:Tagalog Worship Songs

07 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Nilikha ng Diyos si Eba

Kuwento sa Biblia | Nilikha ng Diyos si Eba

2018-04-18

(Gen 2:18-20) At sinabi ni Jehova, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya. At nilalang ni Jehova sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa’t ganid sa parang; datapuwa’t sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya.

(Gen 2:22-23) At ang tadyang na kinuha ni Jehova sa lalake ay ginawang isang babae, at ito’y dinala niya sa lalake. At sinabi ng lalake, Ito nga’y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya’y tatawaging Babae, sapagka’t sa Lalake siya kinuha.

May ilang mahahalagang parirala sa bahaging ito ng banal na kasulatan. Pakiguhitan ito: “at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon.” Sino kaya ang nagbigay sa lahat ng mga buhay na nilikha ng kanilang mga pangalan? Ito ay si Adan, hindi ang Diyos. May sinasabing katotohanan sa sangkatauhan ang pariralang ito: Binigyan ng Diyos ang tao ng katalinuan noong siya ay Kanyang nilikha. Ang ibig sabihin, ang katalinuhan ng tao ay nagmula sa Diyos. Ito ay isang katiyakan. Ngunit bakit? Matapos likhain ng Diyos si Adan, pumasok ba sa paaralan si Adan? Marunong ba siyang magbasa? Matapos likhain ng Diyos ang iba’t ibang buhay na nilikha, nakilala ba ni Adan ang lahat ng mga hayop na ito? Sinabi ba ng Diyos sa kanya kung ano ang mga pangalan nila? Siyempre, hindi rin itinuro ng Diyos sa kanya kung paano pangalanan ang mga nilikhang ito. Yan ang totoo! Kung ganoon, paano niya nalaman kung paano pangalanan ang mga buhay na nilikhang ito at kung anong uri ng mga pangalan ang ibibigay sa kanila? Ito ay kaugnay sa tanong na kung ano ang idinagdag ng Diyos kay Adan noong nilikha Niya siya. Ang mga katotohanan ay nagpapatunay na noong nilikha ng Diyos ang tao, idinagdag Niya ang Kanyang katalinuan sa kanya. Mahalagang punto ito. Nakinig ba kayong lahat nang mabuti? May isa pang mahalagang punto na dapat na malinaw sa inyo: Matapos pangalanan ni Adan ang mga buhay na nilikhang ito, ang mga pangalang ito ay naitakda sa talasalitaan ng Diyos. Bakit ko sinasabi iyon? May kaugnayan rin ito sa disposisyon ng Diyos at dapat kong ipaliwanag ito.

Nilikha ng Diyos ang tao, hiningahan siya ng buhay, at binigyan rin siya ng kaunti sa Kanyang katalinuan, sa Kanyang mga kakayahan, at kung anong mayroon at kung ano Siya. Pagkatapos ibigay ng Diyos sa tao ang lahat ng mga ito, nakayang gumawa ng tao ng ilang mga bagay nang nagsasarili at mag-isip nang sarili. Kung ang mabuo at magawa ng tao ay mabuti sa mata ng Diyos, tinatanggap ito ng Diyos at hindi pinakikialaman. Kung ang gawin ng tao ay tama, hahayaan lang iyan ng Diyos. Kaya ano ang ipinahihiwatig ng pariralang “at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon”? Ipinahihiwatig nitong hindi gumawa ng anumang pagbabago ang Diyos sa mga pangalan ng iba’t ibang mga buhay na nilikha. Anumang pangalan ang itawag ni Adan dito, sinasabi ng Diyos na “Oo” at itinatala ang pangalan na ganoon nga. Nagpahayag ba ang Diyos ng anumang mga kuro-kuro? Siguradong hindi. Kaya anong nakikita ninyo rito? Binigyan ng Diyos ang tao ng katalinuhan at ginamit ng tao ang katalinuhang bigay ng Diyos upang gumawa ng mga bagay. Kung ang gawain ng tao ay positibo sa mata ng Diyos, ito ay pinapayagan, kinikilala, at tinatanggap ng Diyos nang walang paghuhusga o pamimintas. Ito ay isang bagay na hindi magagawa ng isang tao, masamang espirito, o ni Satanas. Nakakita ba kayo dito ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Ang isang tao ba, isang tiwaling tao, o si Satanas ay tatanggapin na may ibang kakatawan sa kanila sa paggawa ng mga bagay sa harap nila mismo? Siyempre hindi! Makikipaglaban ba sila para sa puwesto sa ibang tao na iyon o sa ibang pwersa na naiiba sa kanila? Siyempre oo! Sa sandaling iyon, kung isang tiwaling tao o si Satanas ang kasama ni Adan, tiyak na hindi nila tatanggapin ang ginagawa ni Adan. Upang patunayang mayroon silang kakayahang mag-isip nang nagsasarili at mayroon silang natatanging mga karunungan, lubos sana nilang tinanggihan ang lahat ng mga ginawa ni Adan: Gusto mo itong tawagin na ganito? Magaling, hindi ko ito tatawagin na ganito, tatawagin ko itong ganyan; tinawag mo itong Tom ngunit tatawagin ko itong Harry. Kailangan kong ipagmalaki ang aking kagalingan. Anong uri ng kalikasan ito? Hindi ba ito mabangis na kayabangan? Ngunit may ganito bang disposisyon ang Diyos? May mga anuman bang kakaibang pagtutol ang Diyos sa ginawang ito ni Adan? Ang sagot ay maliwanag na wala! Sa ipinakikitang disposisyon ng Diyos, walang kahit katiting na pagiging mahilig sa pakikipagtalo, kayabangan, o pagmamagaling. Iyan ay napakalinaw dito. Ito ay napakaliit na bagay lamang, ngunit kung hindi mo nauunawaan ang diwa ng Diyos, kung ang iyong puso ay hindi susubukang malaman kung paano gumagalaw ang Diyos at kung ano ang saloobin ng Diyos, hindi mo malalaman ang disposisyon ng Diyos, o makikita ang pagpapahayag at pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Hindi nga ba ganoon? Sang-ayon ka ba sa kapapaliwanag ko lang sa iyo? Bilang tugon sa mga ginawa ni Adan, hindi ipinahayag nang malakas ng Diyos, “Magaling ang ginawa mo. Tama ang ginawa mo. Sang-ayon Ako.” Ngunit sa Kanyang puso, gayon pa man, sumang-ayon, pinahalagahan, pinalakpakan ng Diyos ang ginawa ni Adan. Ito ang unang bagay simula noong paglikha na ginawa ng tao para sa Diyos ayon sa Kanyang tagubilin. Ito ay isang bagay na ginawa ng tao sa lugar ng Diyos at sa ngalan ng Diyos. Sa mata ng Diyos, ito ay bunga ng katalinuhang ipinagkaloob Niya sa tao. Sa tingin ng Diyos ito ay isang mabuting bagay, isang positibong bagay. Ang ginawa ni Adan noong panahong iyon ay ang unang pagpapakita ng katalinuhan ng Diyos na nasa tao. Isa itong mahusay na pagpapakita ayon sa pananaw ng Diyos. Ang nais kong sabihin sa iyo dito ay ang layunin ng Diyos sa pagdadagdag ng isang bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya at ng Kanyang katalinuhan sa tao ay upang maging buhay na nilikha ang sangkatauhan na maghahayag sa Kanya. Sapagkat ang paggawa ng mga ganoong bagay ng buhay na nilikha sa ngalan Niya ay ang mismong ninanais ng Diyos na makita.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

06 Marso 2019

Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay

2018-04-18
Ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, kasama na ang mga nakagagalaw at mga di nakagagalaw, tulad ng mga ibon at isda, tulad ng mga puno at mga bulaklak, at kasama ang mga hayop, mga insekto, at mga mababangis na hayop na ginawa noong pang-anim na araw—maganda ang lahat ng mga ito sa Diyos, at, dagdag pa rito, sa mga mata ng Diyos, ang mga bagay na ito, ayon sa Kanyang plano, ay umabot lahat sa rurok ng pagka-perpekto, at narating ang mga pamantayan na nais makamit ng Diyos. Paunti-unti, nagawa ng Maylalang ang mga gawang Kanyang nilalayon ayon sa Kanyang plano. Sunod-sunod, lumitaw ang mga bagay na Kanyang binalak likhain, at ang pagpapakita ng bawat isa ay pagpapahiwatig ng awtoridad ng Maylalang, at pagkatatag ng Kanyang awtoridad, at dahil sa mga pagkatatag na ito, hindi maiwasang kumilala ng utang na loob ang lahat ng mga nilalang sa biyayang ipinagkaloob ng Maylalang, at ang probisyon ng Maylalang. Habang nakikita sa kanilang mga sarili ang mapaghimalang mga gawa ng Diyos, lumobo ang mundong ito, paisa-isa, sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, at nabago mula sa kaguluhan at kadiliman patungo sa kalinawan at kaliwanagan, mula sa nakamamatay na katahimikan hanggang sa kabuhayan at walang hangganang kasiglahan. Sa lahat ng mga bagay sa paglikha, mula sa malaki hanggang sa maliit, mula sa maliit hanggang sa napakaliit, walang hindi nilikha sa pamamagitan ng awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at nagkaroon ng natatangi at likas na pangangailangan at kahalagahan sa pag-iral ng bawat nilalang. Sa kabila ng mga kaibahan sa kanilang mga hugis at istruktura, ginawa pa rin sila ng Maylalang para mabuhay sa ilalim ng Kanyang awtoridad. ...

    Kaya, ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng awtoridad ng Maylalang ay dapat tumugtog ng isang bagong pagkakaisang-himig para sa pangingibabaw ng Maylalang, dapat magsimula ng isang magandang pambungad para sa Kanyang trabaho sa panibagong araw, at sa sandaling ito, ang Maylalang ay magbubukas rin ng bagong pahina sa gawain ng Kanyang pamamahala! Ayon sa batas ng mga usbong sa tagsibol, paghinog sa tag-init, pag-aani sa taglagas, at ang pag-iimbak sa taglamig na itinakda ng Maylalang, ang lahat ng mga bagay ay dapat umayon sa plano sa pamamahala ng Maylalang, at dapat nilang salubungin ang kanilang sariling bagong araw, bagong simula, at bagong kurso ng buhay, at sila’y magpaparami nang sunod-sunod nang walang katapusan para salubungin ang bawat araw sa ilalim ng kapangyarihan ng awtoridad ng Maylalang…

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

05 Marso 2019

Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan

Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan


2018-04-18

Sabi ng mga Kasulatan, “At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa’t may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti” (Gen 1:20-21). Malinaw na sinasabi ng Kasulatan na, sa araw na ito, ginawa ng Diyos ang mga nilalang sa mga katubigan, at ang mga ibon ng himpapawid, ibig sabihin ay Kanyang ginawa ang iba’t-ibang isda at ibon, at inuri ang mga ito ayon sa klase. Sa ganitong paraan, pinasagana ng paglikha ng Diyos ang lupa, kalangitan, at mga katubigan…Sa Panglimang Araw, Itinanghal ng Iba’t-iba at Magkakaibang Anyo ng Buhay ang Awtoridad ng Lumikha sa Iba’t-ibang Paraan…
Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, isang sariwang bagong buhay, na ang bawat isa ay may iba’t-ibang anyo, ang agad na nabuhay habang binibigkas ang mga salita ng Maylalang. Dumating sila sa mundong ito na nakikipaggitgitan sa posisyon, nagtatalunan, nagkakatuwaan sa galak…. Lumangoy sa mga katubigan ang mga isda na may iba’t-ibang hugis at sukat, lumabas sa mga buhangin ang iba’t-ibang klase ng kabibe, ang may kaliskis, may talukab, at walang gulugod na mga nilalang ay nagmamadaling lumaki sa mga iba’t-ibang anyo, kahit pa malaki o maliit, mahaba o maikli. Gayun din nagsimulang lumaki nang mabilis ang mga iba’t-ibang klase ng halamang-dagat, sumasabay sa galaw ng iba’t-ibang mga nabubuhay sa tubig, umaalun-alon, hinihimok ang mga kalmadong katubigan, na para bang sinasabi sa kanila: Galawin mo ang paa mo! Isama mo ang mga kaibigan mo! Dahil kailanman hindi ka na mag-iisa! Simula sa sandali na ang mga iba’t-ibang buhay na nilalang na ginawa ng Diyos ay nagpakita sa katubigan, nagbigay sigla sa mga katubigan na naging tahimik nang matagal ang bawat sariwang bagong buhay, at sinalubong ang isang bagong panahon…. Simula sa puntong iyon, kumiling sila sa bawat isa, at sinamahan ang bawat isa, at namuhay nang walang pagkakaiba sa bawat isa. Nabuhay ang katubigan para sa mga nilalang na nasa loob nito, pinapalusog ang bawat buhay na naninirahan sa loob ng sinasaklawan nito, at ang bawat buhay ay nabuhay alang-alang sa katubigan dahil sa pagpapakain nito. Isinalalay ang buhay sa bawat isa, at sa parehong oras, ang bawat isa, sa parehong paraan, ay naging testamento sa kahimalaan at kadakilaan ng paglikha ng Maylalang, at sa di-mapantayang kapangyarihan ng awtoridad ng Maylalang…
Dahil hindi na tahimik ang karagatan, gayun din nagsimulang punuin ng buhay ang mga kalangitan. Isa-isa, ang mga ibon, malaki at maliit, ay lumipad sa kalangitan mula sa lupa. Di tulad ng mga nilalang sa karagatan, may mga pakpak sila at balahibo na bumabalot sa kanilang mga payat at kaaya-ayang mga anyo. Ipinapayagpag nila ang kanilang mga pakpak, ipinagmamalaki at mayabang na ipinakikita ang kanilang kaaya-ayang balahibo at ang kanilang espesyal na mga tungkulin at kakayahanh ibinigay sa kanila ng Maylalang. Malaya silang lumipad, at mahusay na pabalik-balik sa pagitan ng langit at lupa, patawid sa mga damuhan at mga kagubatan…. Sila ang mga ginigiliw ng hangin, sila ang ginigiliw ng lahat ng mga bagay. Sila ang magiging ugnayan sa pagitan ng langit at lupa, at magdadala ng mga mensahe sa lahat ng mga bagay…. Kumakanta sila, masaya silang mabilis na lumilipad, nagbibigay sila ng saya, halakhak, at kasiglahan sa minsang walang buhay na mundo…. Gamit nila ang kanilang malinaw, mahimig na pagkanta, gamit ang mga salita sa kanilang mga puso upang purihin ang Maylalang para sa buhay na ibinigay sa kanila. Masaya silang sumayaw para ipakita ang pagkaperpekto at kahimalaan ng paglikha ng Maylalang, at igugugol ang kanilang buong buhay sa pagbibigay katibayan sa awtoridad ng Maylalang sa pamamagitan ng espesyal na buhay na Kanyang ibinigay sa kanila…
Kahit pa sila’y nasa tubig, o sa mga kalangitan, sa pamamagitan ng utos ng Maylalang, ang dami ng mga buhay na nilalang ay umiral sa iba’t-ibang kalagayan ng buhay, at sa utos ng Maylalang, nagsama-sama sila ayon sa kanya-kanyang uri—at ang batas na ito, ang patakarang ito, ay di maaaring baguhin ng anumang mga nilalang. Di kailanman sila nangahas na lumampas sa mga hangganang itinakda sa kanila ng Maylalang, ni hindi nila nagawa ito. Tulad ng iniatas ng Maylalang, nabuhay sila at nagpakarami, at mahigpit na sumunod sa kurso ng buhay at mga batas na itinakda sa kanila ng Maylalang, at sadya silang sumunod sa Kanyang mga di-binigkas na mga utos at sa mga kautusan at tuntunin ng kalangitan na Kanyang ibinigay sa kanila, hanggang sa ngayon. Nakikipag-usap sila sa Maylalang sa kanilang sariling espesyal na paraan, at kinilala ang kahulugan ng Maylalang, at sumunod sa Kanyang mga utos. Wala kailanman ang lumabag sa awtoridad ng Maylalang, at ang Kanyang kapangyarihan at utos sa kanila ay ipinatupad sa loob ng Kanyang mga kaisipan; walang mga salitang binigkas, ngunit ang awtoridad na natatangi sa Maylalang ang kumontrol nang tahimik sa lahat ng mga bagay nang di gumamit ng wika, at kung saan ay kaiba sa sangkatauhan. Ang pagpapatupad ng Kanyang awtoridad sa espesyal na paraang ito ay humimok sa tao na magkaroon ng bagong kaalaman, at makagawa ng bagong pakahulugan, sa natatanging awtoridad ng Maylalang. Dito, kailangan kong sabihin sa inyo na sa bagong araw na ito, ipinakita muli ng pagpapatupad ng awtoridad ng Maylalang ang pagiging bukod-tangi ng Maylalang.
Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa talatang ito ng kasulatan: “nakita ng Dios na mabuti.” Ano sa tingin ninyo ang ibig nitong sabihin? Ang mga damdamin ng Diyos ay nakapaloob sa mga salitang ito. Pinanood ng Diyos na mabuhay ang lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha at itinatag dahil sa Kanyang mga salita, at dahan-dahang nagbabago. Sa oras na ito, nasiyahan ba ang Diyos sa iba’t-ibang mga bagay na Kanyang ginawa sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at ang iba’t-ibang gawa na Kanyang nakamtan? Ang sagot ay “nakita ng Dios na mabuti.” Ano ang nakikita ninyo rito? Ano ang isinasagisag ng “nakita ng Dios na mabuti”? Ano ang isinisimbolo nito? Ibig sabihin nito, may kapangyarihan at karunungan ang Diyos para isagawa ang Kanyang binalak at inatas, para tuparin ang mga layuning Kanyang inilatag. Nang nakumpleto ng Diyos ang bawat gawain, nagsisi ba Siya? Ang sagot ay “nakita ng Dios na mabuti.” Sa madaling salita, hindi lang sa hindi Siya nagsisi, ngunit sa halip ay nasiyahan. Ano ba ang ibig sabihin ng wala Siyang pagsisisi? Ang ibig sabihini nito ay perpekto ang plano ng Diyos, na perpekto ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, at sa pamamagitan lamang ng Kanyang awtoridad na ang naturang pagkaperpekto ay maaaring mapatupad. Kapag may ginagawa ang tao, kaya ba niya, tulad ng Diyos, na makita na ito’y maganda? Kaya bang gawin ng tao ang lahat ng bagay nang mayroong pagka-perpekto? Kaya bang kumpletuhin ng tao ang isang bagay minsan at nang hanggang magpakailanman? Tulad ng sinasabi ng tao, “walang perpekto, mas gumanda lang,” walang bagay na ginawa ng tao ang maaaring maging perpekto. Nang nakita ng Diyos na maganda ang lahat na Kanyang ginawa at nakamtan, itinakda ng salita Niya ang lahat ng ginawa ng Diyos, kung saan maaaring sabihin na, noong “nakita ng Dios na mabuti,” ang lahat na Kanyang ginawa ay naging permanente na ang anyo, inuri ayon sa klase, at binigyan ng permanenteng posisyon, layunin, at tungkulin, minsan at nang hanggang magpakailanman. Bukod dito, ang kanilang papel sa lahat ng mga bagay, at ang landas na dapat nilang tahakin sa panahon ng pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ay itinalaga na ng Diyos, at di mababago. Ito ang batas ng kalangitan na ibinigay ng Maylalang sa lahat ng mga bagay.
“Nakita ng Dios na mabuti,” itong simple, di masyadong pinahahalagahang mga salita, na kadalasang binabalewala, ay ang mga salita ng batas ng kalangitan at alituntunin ng kalangitang ibinigay sa lahat ng mga nilalang ng Diyos. Isa na naman itong sagisag ng awtoridad ng Maylalang, na mas praktikal, at mas malalim. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, hindi lamang nakuha ng Maylalang kung ano ang itinakda Niya para makuha, at makamtan ang lahat ng itinakda Niyang makamtan, ngunit kaya ring kontrolin sa Kanyang mga kamay ang lahat ng Kanyang nilikha, at pagharian ang lahat ng mga bagay na Kanyang ginawa sa ilalim ng Kanyang awtoridad, at, dagdag pa rito, sistematiko at karaniwan ang lahat. Nabuhay at namatay rin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita at, bukod diyan, nabuhay sila sa gitna ng batas na Kanyang itinakda sa pamamagitan ng Kanyang awtoridad, at walang di saklaw! Nagsimula agad ang batas na ito nang “nakita ng Dios na mabuti,” at ito’y iiral, magpapatuloy, at gagana para sa ikabubuti ng plano sa pamamahala ng Diyos hanggang sa araw na ipawalang bisa ito ng Maylalang! Hindi lang ipinakita ang natatanging awtoridad ng Maylalang sa Kanyang kakayahang lumikha ng lahat ng mga bagay at utusan ang lahat ng mga bagay na mabuhay, ngunit sa kakayahan din Niya na pamahalaan at magpanatili ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay, at magkaloob ng buhay at kasiglahan sa lahat ng mga bagay, at, bukod pa rito, ang Kanyang kakayahang magdulot, minsan at hanggang magpakailanman, sa lahat ng mga bagay na gagawin Niya sa Kanyang plano para lumitaw at mabuhay sa mundong gawa Niya sa perpektong hugis, at perpektong istruktura ng buhay, at isang perpektong tungkulin. Gayun din naipakita ito sa paraan kung saan ang mga kaisipan ng Maylalang ay hindi sumasailalim sa anumang mga limitasyon, na di-limitado ng oras, puwang, o heograpiya. Tulad ng Kanyang awtoridad, ang natatanging pagkakakilanlan ng Maylalang ay walang hanggang di magbabago. Ang Kanyang awtoridad ay laging huwaran at sagisag ng Kanyang natatanging pagkakakilanlan, at magpakailanman na mananatili ang Kanyang awtoridad kasabay ng Kanyang pagkakakilanlan!
                                             mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

04 Marso 2019

Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay

Sa Pangatlong Araw, Nagbigay ng Buhay sa Lupa at sa Karagatan ang mga Salita ng Diyos, at Nagdulot ang Awtoridad ng Diyos sa Mundo ng Nag-uumapaw na Buhay

2018-04-18

Susunod, basahin natin ang unang pangungusap sa Genesis 1:9-11: “At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan.” Ano ang mga pagbabagong naganap matapos simpleng sabihin ng Diyos ang, “Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan”? At ano ang nasa espasyong ito bukod sa liwanag at sa kalawakan? Sa mga Kasulatan, nakasulat ito: “At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.” Ibig sabihin, nagkaroon na ng lupa at mga karagatan sa espasyong ito, at naghiwalay ang lupa at karagatan. Ang paglitaw ng mga bagong bagay na ito ay sumunod sa utos mula sa bibig ng Diyos, “at nagkagayon.” Inilarawan ba sa Kasulatan na naging abala ang Diyos habang ginagawa Niya ito? Inilarawan ba nito na Siya’y pisikal na gumagawa? Kaya, paano ba ito lahat ginawa ng Diyos? Paano ba ginawa ng Diyos ang mga bagong bagay na ito? Malinaw na, gumamit ang Diyos ng mga salita para makamit ang lahat ng ito, para likhain ang kabuuang ito.
Sa tatlong mga talata sa itaas, napag-aralan natin ang mga pangyayari ng tatlong malalaking kaganapan. Lumitaw itong tatlong malalaking kaganapan, at binigyang buhay, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at dahil sa Kanyang mga salita na, matapos ang isa, nagpakita ang mga ito sa harapan ng Diyos. Kaya maaaring makita na ang “Nagsalita ang Diyos, at matutupad ito; Iniutos Niya, at maitatatag ito” ay hindi mga salitang walang bisa. Itong diwa ng Diyos ay kumpirmado agad sa oras na ang Kanyang mga iniisip ay nabuo, at kapag binuksan ng Diyos ang Kanyang bibig para magsalita, lubos na nasasalamin ang Kanyang diwa.
Magpatuloy tayo sa huling pangungusap ng talatang ito: “At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon.” Habang nagsasalita ang Diyos, ang lahat ng mga bagay na ito ay nagkaroon ng buhay ayon sa mga kaisipan ng Diyos, at sa isang sandali, ang iba’t-ibang uri ng mga maselang maliliit na anyo ng buhay ay walang pagtigil sa pag-usli sa kanilang mga ulo palabas ng lupa, at bago pa nila maipagpag ang mga maliliit na dumi mula sa kanilang mga katawan, sabik na silang kumakaway sa bawat isa sa pagbati, tumatango at ngumingiti sa mundo. Pinasalamatan nila ang Lumikha sa buhay na Kaniyang ibinigay sa kanila, at inihayag sa mundo na bahagi sila ng lahat ng mga bagay, at ang bawat isa sa kanila’y ilalaan ang kanilang mga buhay sa pagpapakita ng awtoridad ng Lumikha. Habang binibigkas ang mga salita ng Diyos, naging malago at berde ang lupa, tumubo at umusbong mula sa lupa ang lahat ng uri ng mga halaman na maaaring tamasahin ng tao, at ang mga bundok at kapatagan ay kumapal nang todo dahil sa mga puno at kagubatan…. Itong tigang na mundo, na kung saan walang anumang bakas ng buhay, ay mabilis na natakpan ng mga masaganang damo, mga halaman at mga puno at umaapaw sa kaberdehan…. Ang samyo ng damo at ang halimuyak ng lupa ay kumalat sa hangin, at nagsimula ang mga uri ng halaman na huminga kasabay ng sirkulasyon ng hangin, at nagsimula sa proseso ng paglaki. Kasabay nito, salamat sa mga salita ng Diyos at kasunod ng mga kaisipan ng Diyos, sinimulan ng lahat ng mga halaman ang magpakailanmang ikot ng buhay na kung saan sila ay lalago, mamumulaklak, mamumunga, at dadami. Nagsimula silang buong galang na sumunod nang mahigpit sa kanilang mga landas ng buhay, at nagsimulang buong galang na gawin ang kanilang mga tungkulin sa kabila ng lahat ng mga bagay…. Isinilang sila lahat, at nabuhay, dahil sa mga salita ng Maylalang. Tatanggap sila nang walang humpay na probisyon at pagpapakain mula sa Maylalang, at laging matatag na mabubuhay sa bawat sulok ng lupain para maipakita ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang, at lagi nilang ipapakita ang pwersa ng buhay na ipinagkaloob sa kanila ng Maylalang…
Pambihira ang buhay ng Maylalang, pambihira ang Kanyang mga kaisipan, at pambihira ang Kanyang awtoridad, at kaya, kapag binigkas ang Kanyang mga salita, ang huling resulta ay “at nagkagayon.” Malinaw na, hindi kailangan ng Diyos na magtrabaho gamit ang Kanyang mga kamay kapag Siya ay kumikilos; ginagamit Niya lang ang Kanyang kaisipan para mag-utos, at ang Kanyang mga salita para mag-atas, at sa ganitong mga paraan, nakakamit ang mga bagay. Sa araw na ito, tinipon ng Diyos ang mga katubigan sa iisang lugar, at pinalitaw ang tuyong lupa, pagkatapos noon ay pinausbong ng Diyos ang damo mula sa lupa, at tumubo doon ang mga halaman na nagbibigay ng mga buto, at ang mga puno na namumunga, at inuri ng Diyos ang bawat isa ayon sa uri, at nagdulot sa bawat isa na magkaroon ng sarili nitong buto. Nangyari ang lahat ng mga ito ayon sa kaisipan ng Diyos at sa mga utos ng mga salita ng Diyos, at lumitaw ang bawat isa, matapos ang isa, dito sa bagong mundo.
Nang hindi pa Niya sinisimulan ang Kanyang gawain, mayroon nang larawan ang Diyos sa Kanyang isipan kung ano ang gusto Niyang gawin, at nang itinalaga na ng Diyos itong mga bagay na gagawin, kung saan din ay nang buksan ng Diyos ang Kanyang bibig para bigkasin ang nilalaman ng larawang ito, nagsimulang mangyari ang mga pagbabago sa lahat ng mga bagay, salamat sa awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Paano man ginawa ito ng Diyos, o ginamit ang Kanyang awtoridad, ang lahat ay nakamit nang dahan-dahan ayon sa plano ng Diyos at dahil sa mga salita ng Diyos, at nangyari ang mga sunud-sunod na pagbabago sa pagitan ng langit at lupa, salamat sa mga salita at awtoridad ng Diyos. Nagpakita ang lahat ng mga pagbabago at pangyayaring ito ng awtoridad ng Maylalang, at ng di-pagkakaraniwan at kadakilaan ng kapangyarihan ng buhay ng Maylalang. Hindi mga simpleng kuru-kuro ang Kanyang kaisipan, o isang bakanteng larawan, ngunit isang awtoridad na nagtataglay ng kalakasan at pambihirang enerhiya, at ito ang kapangyarihang magdudulot para ang lahat ng mga bagay ay mabago, gumaling, mapanumbalik, at mawala. At dahil dito, gumagana ang lahat ng mga bagay dahil sa Kanyang mga kaisipan, at, sa parehong pagkakataon, ay nakamit dahil sa mga salita mula sa Kanyang bibig….
Bago lumitaw ang lahat ng mga bagay, matagal nang nabuo sa kaisipan ng Diyos ang isang kumpletong plano, at matagal nang nakamit ang isang bagong mundo. Bagama’t sa pangatlong araw doon lumitaw ang lahat ng uri ng mga halaman sa lupa, walang dahilan ang Diyos para pigilan ang mga hakbang ng Kanyang paglikha sa mundong ito; sinadya Niyang magpatuloy sa pagbigkas sa Kanyang mga salita, para magpatuloy na makamit ang paglikha ng bawat bagong bagay. Magsasalita Siya, ibibigay ang Kanyang mga utos, at ipatutupad ang Kanyang awtoridad at ipapakita ang Kanyang kapangyarihan, at hinanda Niya ang lahat ng mga bagay na Kanyang plinano para ihanda ang lahat ng mga bagay at ang sangkatauhan na nilalayon Niyang gawin….

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

03 Marso 2019

Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Nanindigan Salamat sa Awtoridad ng Diyos

Sa Unang Araw, ang Araw at Gabi ng Sangkatauhan ay Isinilang at Nanindigan Salamat sa Awtoridad ng Diyos

2018-04-18

Tingnan natin ang unang talata: “At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag. At nakita ng Dios ang liwanag na mabuti, at inihiwalay ng Dios ang liwanag sa kadiliman. At tinawag ng Dios ang liwanag na Araw, at tinawag niya ang kadiliman na Gabi. At nagkahapon at nagkaumaga ang unang araw” (Gen 1:3-5). Inilalarawan ng talatang ito ang unang kilos ng Diyos sa simula ng paglikha, at ang unang araw na dumaan Siya kung saan mayroong gabi at umaga. Ngunit ito’y isang hindi pangkaraniwang araw: Nagsimulang hinanda ng Diyos ang liwanag para sa lahat ng bagay, at, saka, hinati ang liwanag mula sa kadiliman. Sa araw na ito, nagsimulang magsalita ang Diyos, at magkasamang umiral ang Kanyang mga salita at awtoridad. Nagsimulang magpakita ang Kanyang awtoridad sa lahat ng mga bagay, at ang kapangyarihan Niya ay kumalat sa lahat ng mga bagay bilang resulta ng Kanyang mga salita. Simula sa araw na ito, ang lahat ng mga bagay ay nabuo at naitakda nang dahil sa mga salita ng Diyos, ang awtoridad ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos, at nagsimula silang gumanap salamat sa mga salita ng Diyos, sa awtoridad ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Diyos. Nang sinabi ng Diyos ang mga salitang “Magkaroon ng liwanag,” nagkaroon nga ng liwanag. Hindi nagsimula ang Diyos sa anumang pagkilos; lumitaw ang liwanag bilang resulta ng Kanyang mga salita. Ito ang liwanag na tinawag ng Diyos na araw, at kung saan nakabatay pa rin ngayon ang tao para sa kanyang pamumuhay. Sa pamamagitan ng kautusan ng Diyos, kailanman ay hindi nagbago ang kanyang diwa at halaga, at hindi kailanman ito naglaho. Ipinakikita ng kanyang pag-iral ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, at ipinoproklama ang pagiging buhay ng Maylalang, at kinukumpirma nito, nang paulit-ulit, ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Maylalang. Hindi ito bagay na di-nahahawakan, o ilusyon, ngunit isang tunay na liwanag na maaaring makita ng tao. Simula sa mga oras na iyon, itong mundong walang laman na kung saan “ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman,” nagkaroon ng unang materyal na bagay. Ang bagay na ito ay nanggaling sa mga salita ng bibig ng Diyos, at lumitaw sa unang gawa ng paglikha ng lahat ng mga bagay dahil sa awtoridad at mga pagbigkas ng Diyos. Pagkatapos, inutusan ng Diyos na maghiwalay ang liwanag at kadiliman.… Nagbago ang lahat at nakumpleto dahil sa mga salita ng Diyos…. Tinawag ng Diyos itong liwanag na “Araw,” at tinawag Niya ang kadiliman na “Gabi.” Simula sa oras na iyon, ginawa ang unang gabi at unang umaga sa mundong sinadyang likhain ng Diyos, at sinabi ng Diyos na ito ang unang araw. Ang araw na ito ang unang araw sa paglikha ng Maylalang sa lahat ng mga bagay, at naging simula ng paglikha ng lahat ng mga bagay, at ang unang pagkakataon na ang awtoridad at kapangyarihan ng Maylalang ay ipinakita sa mundong ito na Kanyang nilikha.
Sa pamamagitan ng mga salitang ito, nakita ng tao ang awtoridad ng Diyos, at ang awtoridad ng mga salita ng Diyos, at ang kapangyarihan ng Diyos. Dahil Diyos lang ang may angkin ng naturang kapangyarihan, at kaya Diyos lamang ang mayroong naturang awtoridad, at dahil angkin ng Diyos ang naturang awtoridad, at kaya Diyos lamang ang mayroon ng naturang kapangyarihan. Mayroon bang sinumang tao o bagay ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihang tulad nito? Mayroon bang sagot sa inyong mga puso? Bukod sa Diyos, mayroon bang nilikha o di-nilikhang katauhan ang may angkin nang naturang awtoridad? Nakakita na ba kayo ng halimbawa ng naturang bagay sa anumang mga libro o paglalathala? May nakatala bang sinuman na lumikha ng kalangitan at lupa at ng lahat ng mga bagay? Wala ito sa anumang iba pang mga libro o mga talaan; ang mga ito, siyempre, ang tanging may awtoridad at makapangyarihang mga salita tungkol sa kahanga-hangang paglikha ng Diyos sa mundo, kung saan nakatala sa Biblia, at ang mga salitang ito ay nagsasalita para sa natatanging awtoridad ng Diyos at ang natatanging pagkakakilanlan ng Diyos. Maaari bang sabihing ang naturang awtoridad at kapangyarihan ay sumagisag sa natatanging pagkakakilanlan ng Diyos? Maaari bang sabihin na ang mga iyon ay pagmamay-ari ng Diyos, at ng Diyos lamang? Walang alinlangan, Diyos Mismo lamang ang may angkin ng naturang awtoridad at kapangyarihan! Ang awtoridad at kapangyarihang ito ay hindi maaaring angkinin o palitan ng anumang nilikha o di-nilikhang katauhan! Isa ba ito sa mga katangian ng natatanging Diyos Mismo? Nasaksihan niyo ba ito? Ang mga salitang ito ay agaran at malinaw na nagpapaunawa sa mga tao sa katunayan na ang Diyos ay may angking natatanging awtoridad, at natatanging kapangyarihan, at Siya ay may angking pinakamataas na pagkakakilanlan at kalagayan. Mula sa talakayan sa pagsasama sa itaas, maaari ba ninyong sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay ang natatanging Diyos Mismo?

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

02 Marso 2019

Tagalog Worship Song | "Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"

Tagalog Christian Worship Song 2019 | "Bayan ng Diyos sa Lahat ng Bansa Ipinahahayag Bilang Isa Kanilang Damdamin"

I
Pagmasdan ang kaharian ng Diyos, kung saan naghahari ang Diyos sa lahat.
Mula noong nagsimula ang paglikha hanggang sa kasalukuyan,
mga anak ng Diyos na ginabayan sa pagdaranas ng mga paghihirap.
Dumaan sa hirap at ginhawa.
Pero ngayo'y naninirahan sa liwanag N'ya.
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses sa kanilang pagkahilig at karanasan?
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses sa kanilang pagkahilig at karanasan?
II
Naroroon ang Diyos sa loob ng kanilang mga puso, sapagkat ang Kanyang gawai'y natupad.
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses sa kanilang pagkahilig at karanasan?
Sinong hindi umiiyak sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuluha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses sa kanilang pagkahilig at karanasan?

Manood ng higit pa:
Tagalog church Song | "Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita" | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos