Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kuwento sa Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kuwento sa Biblia. Ipakita ang lahat ng mga post

26 Mayo 2019

Ang Babala at Kaliwanagan ng Patotoo ni Job na Ibinigay sa mga Sumunod na Henerasyon

Kasabay ng pag-unawa sa proseso kung paano ganap na nakukuha ng Diyos ang isang tao, mauunawaan din ng mga tao ang mga layunin at kabuluhan ng pagbibigay kay Job ng Diyos kay Satanas. Ang mga tao ay hindi na nababalisa sa paghihirap ng kalooban ni Job, at mayroon ng bagong pagpapahalaga sa kabuluhan nito. Hindi na sila nag-aalala tungkol sa kung sila ay mapapasailalim sa kaparehong tukso na napagdaanan ni Job, at hindi na tinututulan o tinatanggihan ang pagdating ng mga pagsubok ng Diyos. Ang pananampalataya ni Job, pagkamasunurin, at ang kanyang patotoo sa pagtatagumpay kay Satanas ay mapagkukunan ng malaking tulong at lakas ng loob ng mga tao. Kay Job, sila ay nakakakita ng pag-asa para sa kanilang sariling kaligtasan, at nakikita na sa pamamagitan ng pananampalataya, at pagsunod at takot sa Diyos, ganap na posibleng talunin si Satanas, at manaig laban kay Satanas. Nakikita nila na hangga’t hindi sila tumututol sa dakilang kapangyarihan at pag-aayos ng Diyos, at tinataglay ang determinasyon at pananampalataya na hindi itakwil ang Diyos matapos mawalan ng lahat, sa gayon maaari silang magdala ng kahihiyan at pagkatalo ni Satanas, at kailangan lamang nilang taglayin ang determinasyon at tiyaga upang manindigan sa kanilang patotoo—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanilang mga buhay—para maduwag at mabilisang sumuko si Satanas.

24 Mayo 2019

Kuwento sa Biblia | Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Lalake sa Paningin ng Diyos

Madalas kong sabihin na tumitingin ang Diyos sa puso ng mga tao, at ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Dahil ang Diyos ay tumitingin sa puso ng mga tao, nauunawaan Niya ang kanilang diwa, samantalang inilalarawan ng mga tao ang diwa ng ibang tao batay sa kanilang panlabas na anyo. Noong binuksan ni Job ang kanyang bibig at isumpa ang kanyang kaarawan, ginulat nito ang mga espirituwal na pinuno, kabilang na ang tatlong kaibigan ni Job. Ang tao ay nanggaling sa Diyos, at dapat na nagpapasalamat para sa buhay at laman, pati na rin sa araw ng kanyang kapanganakan, na ibinigay sa kanya ng Diyos, at hindi niya dapat isumpa ang mga ito. Naiintindihan at nauunawaan ito ng karamihan ng tao. Para sa sinumang sumusunod sa Diyos, ang pang-unawang ito ay banal at hindi dapat nilalabag, ito ay isang katotohanan na hindi kailanman magbabago. Sa kabilang banda, nilabag ni Job ang mga patakaran: Isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Isa itong gawain na itinuturing ng karamihan bilang pagtawid sa ipinagbabawal na lupain. Hindi lamang siya hindi karapat-dapat sa pang-unawa at simpatiya ng mga tao, hindi rin siya karapat-dapat sa kapatawaran ng Diyos. Kasabay nito, mas maraming tao ang nagduda sa pagkamatuwid ni Job, dahil tila ba naging makasarili siya bunga ng papuri ng Diyos sa kanya, naging sobrang mapangahas at walang ingat kung kaya hindi lamang siya hindi nagpasalamat sa Diyos sa mga biyaya at pag-aalaga Niya sa kanya sa kanyang buong buhay, ngunit isinumpa niya ang araw ng kanyang kapanganakan. Ano ito, kung hindi pagsalungat sa Diyos? Ang mga ganitong kababawan ang nagbibigay sa mga tao ng patunay upang kondenahin ang ginawang ito ni Job, ngunit sino ang nakakaalam ng tunay na iniisip ni Job sa oras na iyon? At sino ang nakakaalam kung bakit kumilos si Job nang ganoon? Tanging ang Diyos at si Job lamang ang may alam ng tunay na kuwento at mga dahilan dito.

26 Abril 2019

Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan

May isang katotohanan na hindi kailanman tinutukoy sa mga kuwento ni Job sa Banal na Kasulatan, at ito ang paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. At ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang pasubali, walang hanggan, at walang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at ang lahat ng balak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi siya kailanman humiling sa Diyos na gumawa ng kahit ano para sa kanya o bigyan siya ng anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mga mapagmalabis na hangarin na may makukuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos.

25 Abril 2019

Kuwento sa Biblia | Tungkol Kay Job (II)

Ang Pagkamakatwiran ni Job
Ang tunay na mga karanasan ni Job at ang kanyang matuwid at tapat na pagkatao ay naangahulugan na ginawa niya ang pinaka-makatwirang paghatol at mga pagpili nang nawala sa kanya ang kanyang mga ari-arian at ang kanyang mga anak. Ang ganitong mga makatwirang pagpili ay hindi maaaring ihiwalay mula sa kanyang araw-araw na mga gawain at sa mga gawa ng Diyos na kanyang nalaman sa panahon ng kanyang pang-araw-araw na buhay. Ang katapatan ni Job ay ipinaniwala sa kanya na ang kamay ni Jehova ang namamahala sa lahat ng mga bagay; pinaalam sa kanya ng kanyang paniniwala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos na Jehova sa lahat ng bagay, ang kaalaman niya ay ginawa siyang handa at masunurin sa dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos na Jehova, ang kanyang pagkamasunurin ang nagtulak upang siya ay mas lalong maging totoo sa kanyang takot sa Diyos na Jehova; mas lalong pinatotoo ng kanyang takot ang kanyang paglayo sa kasamaan; sa huli, si Job ay naging perpekto dahil may takot siya sa Diyos at lumayo sa kasamaan; at ang kanyang pagka-perpekto ay ginawa siyang matalino, at binigyan siya ng sukdulang pagkamakatwiran.
Paano natin dapat unawain itong salitang “makatwiran”? Ang literal na interpretasyon ay nangangahulugan ito ng mahusay na katinuan, pagiging lohikal at matino sa pag-iisip, pagiging tumpak sa mga salita, kilos, at paghatol, pagkakaroon ng tama at mga katamtamang pamantayang moral. Nguni’t ang pagkamakatwiran ni Job ay hindi madaling maipaliwanag.

22 Abril 2019

Muling Tinukso ni Satanas si Job (Naglitawan Ang Mahapdi na mga Pigsa sa Buong Katawan ni Job)

a. Ang mga Salitang Winika ng Diyos
(Job 2:3) At sinabi ni Jehova kay Satanas, napansin Mo ba ang aking lingkod na si Job? sapagka’t walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalake, na natatakot sa Diyos, at umiiwas sa kasamaan: at siya’y namamalagi sa kanyang katapatan, bagama’t pinakilos mo ako laban sa kanya, upang ilugmok siya nang walang kadahilanan.
(Job 2:6) At sinabi ni Jehova kay Satanas, Narito, nasa kamay mo siya; ingatan mo lamang ang kanyang buhay.
b. Ang mga Salitang Winika ni Satanas
(Job 2:4-5) At sumagot si Satanas kay Jehova, at sinabi, Balat kung balat, oo, lahat na tinatangkilik ng tao ay ibibigay dahil sa kanyang buhay. Nguni’t pagbuhatan mo ngayon ng iyong kamay, at galawin mo ang kanyang buto at ang kanyang laman, at itatakwil ka niya nang harapan.
c. Paano Hinaharap ni Job ang Pagsubok
(Job 2:9-10) Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, Namamalagi ka pa ba sa iyong katapatan? itakwil mo ang Diyos, at mamatay ka. Nguni’t sinabi niya sa kanya, nagsasalita kang gaya ng pagsasalita ng hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama? Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa kanyang mga labi.
(Job 3:3) Mapawi sana ang kaarawan ng kapanganakan ko, at ang gabi kung kailan sinabi, may isang batang lalaking ipinaglihi.

28 Marso 2019

pagmamahal ng Diyos | Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan

Madalas na sinasabi ng mga tao na hindi madaling bagay ang kilalanin ang Diyos. Ngunit sinasabi ko na ang pagkilala sa Diyos ay hindi mahirap na bagay, sapagkat madalas na hinahayaan ng Diyos ang tao na pagmasdan ang Kanyang mga gawa. Hindi kailanman itinigil ng Diyos ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao; hindi Niya kailanman itinago o inilihim ang Sarili Niya sa tao. Ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga pananaw, ang Kanyang mga salita at mga gawa ay inihayag lahat sa sangkatauhan. Kaya hanggga’t nais ng tao na makilala ang Diyos, makakalapit siya upang maunawaan at makilala Siya sa pamamagitan ng lahat ng mga paraan at pamamaraan. Ang dahilan kung bakit bulag ang tao sa pag-iisip na sinasadyang iwasan siya ng Diyos, na sinasadyang pagtaguan ng Diyos ang sangkatauhan, na ang Diyos ay walang intensyon na payagan ang tao na maunawaan at makilala Siya, dahil hindi niya alam kung sino ang Diyos, ni hindi niya ninais na maunawaan ang Diyos; higit sa lahat, wala siyang pakialam sa mga kaisipan, mga salita o mga gawa ng Manlilikha…. Sa totoo lang, kung gagamitin lamang ng isang tao ang kanilang bakanteng oras upang pagtuunan ng pansin at unawain ang mga salita at gawa ng Manlilikha, at magbigay ng kaunting pansin sa mga kaisipan ng Manlilikha at sa tinig ng Kanyang puso, hindi magiging mahirap para sa kanila na maunawaan na madaling makita at malinaw ang mga kaisipan, mga salita at mga gawa ng Manlilikha. Gayundin, kailangan lang ng kaunting pagsisikap upang maunawaan na ang Manlilikha ay nasa kalagitnaan ng mga tao sa lahat ng panahon, na lagi Siyang nakikipag-usap sa tao at sa buong sangnilikha, at Siya ay nagsasagawa ng mga bagong gawa sa araw-araw. Ang Kanyang diwa at disposisyon ay nahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; Ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay lubos na nahahayag sa Kanyang mga gawa; Sinasamahan Niya at inoobserbahan ang sangkatauhan sa lahat ng panahon. Tahimik Siyang nagsasalita sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha sa Kanyang mahinang tinig: Ako ay nasa mga kalangitan, at Ako ay nasa kalagitnaan ng Aking mga nilikha. Ako’y patuloy na nagmamasid; Ako’y naghihintay; Ako’y nasa iyong tabi….

27 Marso 2019

Bible Study Tagalog | Kung ang Paniniwala Mo sa Diyos ay Totoo, Madalas Mong Matatanggap ang Kanyang Pagkalinga

Bible Study Tagalog | Kung ang Paniniwala Mo sa Diyos ay Totoo, Madalas Mong Matatanggap ang Kanyang Pagkalinga


Ang pagbabago ng Diyos ng Kanyang mga intensyon sa mga mamamayan ng Ninive ay walang kasamang pag-aalinlangan o kalabuan. Sa halip, pag-iba ito ng anyo mula sa ganap na pagkagalit tungo sa ganap na pagpaparaya. Ito ay isang tunay na pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nag-aalangan o nag-aatubili sa Kanyang mga kilos; ang mga prinsipyo at mga layunin sa likod ng Kanyang mga kilos ay malinaw at tumatagos sa lahat, dalisay at walang kapintasan, tiyak na walang mga daya o mga balakin na nakahalo sa loob. Sa madaling salita, walang nakahalong kadiliman o kasamaan sa diwa ng Diyos. Nagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive dahil ang kanilang masasamang gawa ay nakaabot na sa Kanyang paningin; sa panahong iyon, ang Kanyang galit ay nagmula sa Kanyang diwa. Ngunit, nang mawala na ang galit ng Diyos at minsan pa ay Kanyang ipinagkaloob ang pagpaparaya sa mga taga-Ninive, lahat ng Kanyang ipinahayag ay ang Kanya pa ring sariling diwa. Ang kabuuan ng pagbabagong ito ay dahil sa pagbabago sa pag-uugali ng tao para sa Diyos. Sa loob ng buong panahon na ito, ang hindi maaaring saktan na disposisyon ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagparayang diwa ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagmahal at maawaing diwa ng Diyos ay hindi nagbago. Kapag nakagawa ng mga masasamang gawa ang mga tao at magkasala sa Diyos, ipadadala Niya ang Kanyang galit sa kanila. Kapag tunay na nagsisi ang mga tao, magbabago ang puso ng Diyos, at huhupa ang Kanyang galit. Kapag nagpatuloy ang mga tao sa paglaban sa Diyos, ang Kanyang matinding galit ay hindi mapipigil; ang Kanyang galit ay unti-unting ididiin hanggang sa sila ay mawasak. Ito ang diwa ng disposisyon ng Diyos. Magpapahayag man ang Diyos ng galit o awa at kagandahang-loob, ang asal, damdamin at saloobin ng tao para sa Diyos na nagmumula sa kalaliman ng kanyang puso ang magdidikta ng kung ano ang ipapahayag sa pamamagitan ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Kung patuloy na ipaiilalim ng Diyos ang isang tao sa Kanyang galit, malamang na ang puso ng taong ito ay lumalaban sa Diyos. Dahil hindi siya kailanman nagsisi nang lubusan, hindi nagpakumbaba sa harap ng Diyos o nagtaglay ng tunay na paniniwala sa Diyos, hindi niya kailanman nakamit ang awa at pagpaparaya ng Diyos. Kapag ang isang tao ay madalas makatanggap ng pag-iingat ng Diyos at madalas makamit ang Kanyang awa at pagpaparaya, ibig sabihin ang taong ito sa kanyang puso ay walang alinlangan na may tunay na paniniwala sa Diyos, at ang kanyang puso ay hindi lumalaban sa Diyos. Madalas siyang nagsisisi sa harap ng Diyos; kaya, kahit madalas dumating sa kanya ang disiplina ng Diyos, hindi ang Kanyang galit.
Ang maikling kwento na ito ay nagpapahintulot sa mga tao na makita ang puso ng Diyos, para makita ang katotohanan ng Kanyang diwa, para makita na ang Kanyang galit at ang pagbabago ng Kanyang puso ay may dahilan. Sa kabila ng malinaw na pagkakaiba na ipinakita ng Diyos nang Siya ay magalit at nang baguhin Niya ang Kanyang puso, bagay na nagpaniwala sa mga tao na parang may malaking puwang o malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang anyong ito ng diwa ng Diyos—ang Kanyang galit at ang Kanyang pagpaparaya—ang saloobin ng Diyos sa pagsisisi ng mga taga-Ninive ay muling nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na makita ang kabilang bahagi ng tunay na disposisyon ng Diyos. Ang pagbabago ng puso ng Diyos ay tunay na nagbibigay ng pagkakataon sa sangkatauhan na makitang muli ang katotohanan ng awa at kabutihan ng Diyos at upang makita ang tunay na pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Ngunit kailangan ng sangkatauhan na kilalanin na ang awa at kabutihan ng Diyos ay hindi mga kathang-isip, ni mga gawa-gawa lamang. Ito ay dahil totoo ang nararamdaman ng Diyos sa pagkakataon na iyon; ang pagbabago ng puso ng Diyos ay totoo; tunay na minsan pang ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan.
Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan
May anumang pagkakasalungat ba sa pagitan ng pagbabago ng puso ng Diyos at sa Kanyang galit? Siyempre wala! Ito ay dahil may dahilan ang pagpaparaya ng Diyos sa pagkakataong ito. Ano kaya ang dahilan na ito? Ito ang sinabi sa Biblia: “Bawat tao ay lumayo sa kanyang masamang gawi” at “iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay.”
Ang “masamang gawi” ay hindi tumutukoy sa isang dakot na masasamang gawa, kundi ang masamang pinagmumulan sa likod ng pag-uugali ng mga tao. “Ang paglayo sa kanyang masamang gawi” ay nangangahulugan na hindi na nila muling gagawin ang mga gawaing ito. Sa madaling salita, hindi na sila muling mamumuhay sa masamang gawing ito; ang paraan, pinagmulan, layunin, intensyon at prinsipyo ng kanilang mga gawain ay nagbago lahat; hindi na nila muling gagamitin ang mga pamamaraan at mga prinsipyong ito upang magdulot ng kasiyahan at kaligayahan sa kanilang mga puso. Ang “iniwan” sa “iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay” ay nangangahulugan na binitawan o isinantabi, upang ganap na makawala sa nakaraan at hindi na muling balikan. Nang iwanan ng mga taga-Ninive ang karahasan sa kanilang mga kamay, pinatunayan at ipinakita nito ang tunay nilang pagsisisi. Pinagmamasdan ng Diyos ang panlabas na kalagayan ng mga tao, gayun din ang kanilang mga puso. Nang mapansin ng Diyos ang tunay na pagsisisi sa puso ng mga taga-Ninive, at napansin din na tinalikdan na nila ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, binago Niya ang Kanyang puso. Ibig sabihin, ang asal at pag-uugali ng mga taong ito at ang iba’t ibang pamamaraan ng kanilang paggawa, gayun din ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa mga kasalanan sa kanilang puso, ang dahilan kaya nagbago ang puso ng Diyos, nagbago ang Kanyang mga intensiyon, umatras sa Kanyang pagpapasya at hindi na sila parurusahan o lilipulin man. Kaya nagkaroon ang mga taga-Ninive ng ibang katapusan. Nailigtas nila ang kanilang mga buhay at natamo din nila ang awa at pagpaparaya ng Diyos, kung saan iniatras din ng Diyos ang Kanyang galit.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Umabot ang Babala ng Diyos na si Jehova sa mga Taga-Ninive

Kuwento sa Biblia | Umabot ang Babala ng Diyos na si Jehova sa mga Taga-Ninive


(Jonas 1:1-2) Ang salita nga ni Jehova ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka’t ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
(Jonas 3) At ang salita ni Jehova ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.

25 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Pagkakasala

Kuwento sa Biblia | Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Pagkakasala

Ang pakikitungo ng Diyos sa kabuuan ng hangal at mangmang na sangkatauhan ay pangunahing nakabase sa awa at pagpapaubaya. Sa kabilang banda, ang Kanyang galit ay nakatago sa lubhang napakalaking bahagi ng panahon at ng mga bagay-bagay; nakalihim ito sa tao. Bilang resulta, mahirap para sa tao na makitang inilalabas ng Diyos ang Kanyang galit, at mahirap ding maunawaan ang Kanyang galit. Dahil dito, minamagaan ng tao ang galit ng Diyos. Kapag humarap na ang tao sa huling gawain ng Diyos at hakbang ng pagpapaubaya at pagpapatawad sa tao–iyan ay, kapag ang huling pagkakataon ng kaawaan ng Diyos at huling babala Niya ay makaabot sa kanila–kung gagamitin pa rin nila ang parehong mga paraan ng pagsalungat sa Diyos at hindi gumawa ng kahit anong pagsisikap upang magsisi, ayusin ang kanilang mga pag-uugali o tanggapin ang Kanyang kaawaan, hindi na ipagkakaloob ng Diyos ang Kanyang pagpapaubaya at pagtitiyaga sa kanila. Sa kabaligtaran, ito ay ang panahon na babawiin na ng Diyos ang Kanyang kaawaan. Kasunod nito, ipadadala na lamang Niya ang Kanyang galit. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang galit sa iba’t ibang mga paraan, kung paanong maaari Siyang gumamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang parusahan at wasakin ang mga tao.
Ang paggamit ng Diyos ng apoy upang wasakin ang lungsod ng Sodoma ang pinakamabilis Niyang paraan upang lubos na lipulin ang isang sangkatauhan o isang bagay. Ang pagsunog sa mga mamamayan ng Sodoma ay nagwasak ng higit pa sa kanilang mga pisikal na katawan; winasak nito ang kabuuan ng kanilang mga espiritu, mga kaluluwa at mga katawan, tinitiyak na ang mga tao sa loob ng lungsod na ito ay hindi na iiral sa kapwa mundong materyal at mundong hindi nakikita ng tao. Ito ay isang paraan kung saan ibinubunyag ng Diyos at ipinadarama ang Kanyang galit. Ang paraan ng pagbubunyag at pagpapadamang ito ay isang aspeto ng nilalaman ng galit ng Diyos, gayun din, ito ay likas na pagbubunyag ng nilalaman ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Kapag ipinadadala ng Diyos ang Kanyang galit, hindi Niya ibinubunyag ang anumang kaawaan o kagandahang loob, ni hindi na Niya ipakikita pa ang Kanyang pagpapaubaya o pagtitiyaga; walang tao, bagay o dahilan na makahihimok sa Kanya upang patuloy na maging matiyaga, na muling ibigay ang Kanyang awa, at minsan pang ipagkaloob ang Kanyang pagpaparaya. Sa lugar ng mga bagay na ito, walang isa mang sandaling pag-aalinlangan, ipadadala ng Diyos ang Kanyang galit at kamahalan, gagawin kung ano ang Kanyang ninanasa, at isasagawa Niya ang mga bagay na ito sa isang mabilis at malinis na paraan ayon sa Kanyang sariling mga hangarin. Ito ang paraan kung saan ipinadadala ng Diyos ang Kanyang galit at kamahalan, na hindi dapat pagkasalahan ng tao, at ito ay isa ring pagpapahayag ng isang aspeto ng Kanyang matuwid na disposisyon. Kapag nasaksihan ng mga tao na nagpapakita ng pag-aalala at pagmamahal ang Diyos sa tao, hindi nila maramdaman ang Kanyang galit, makita ang Kanyang kamahalan o madama ang hindi Niya pagpapaubaya sa pagkakasala. Ang mga bagay na ito ang laging nagbubunsod sa mga tao na maniwala na ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay tanging pagkaawa, pagpapaubaya at pagmamahal lamang. Gayunman, kapag nakita ng isang tao na winasak ng Diyos ang isang lungsod o kinapootan ang sangkatauhan, ang Kanyang galit sa pagwasak ng tao at ang Kanyang kamahalan ang nagbibigay-daan sa mga tao na masilayan ang kabilang panig ng matuwid Niyang disposisyon. Ito ang hindi pagkunsinti ng Diyos sa pagkakasala. Ang disposisyon ng Diyos na hindi kumukunsinti sa pagkakasala ay lumalampas sa imahinasyon ng anumang nilikhang nilalang, at sa gitna ng mga di-nilikhang nilalang, walang may kakayahang pakialaman ito o antigin ito; at higit sa lahat, hindi ito kayang gayahin o tularan. Sa gayon, ang aspetong ito ng disposisyon ng Diyos ang siyang dapat kilalaning pinakamabuti ng sangkatauhan. Tanging ang Diyos Mismo lamang ang may ganitong uri ng disposisyon, at tanging Diyos Mismo lamang ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng disposisyon. Ang Diyos ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng matuwid na disposisyon dahil nasusuklam Siya sa kasamaan, kadiliman, pagrerebelde at sa mga masamang gawa ni Satanas–pagsira at paglamon sa sangkatauhan–sapagka’t kinasusuklaman Niya ang lahat ng mga gawa ng kasalanan sa paglaban sa Kanya at dahil sa Kanyang banal at walang-dungis na diwa. Ito ang dahilan kaya hindi Niya hahayaan ang sinumang nilikha o di-nilikhang nilalang na hayagang salungatin o labanan Siya. Kahit ang isang indibidwal na pinagpakitaan Niyang minsan ng awa o pinili ay kailangan lamang pukawin ang Kanyang disposisyon at labagin ang Kanyang prinsipyo ng katiyagaan at pagpaparaya, at pakakawalan Niya at ibubunyag ang Kanyang matuwid na disposisyon na wala kahit katiting mang awa o pag-aalinlangan–isang disposisyon na hindi kinukunsinti ang pagkakasala.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

23 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos

Kuwento sa Biblia | Winasak ang Sodoma Dahil Nagalit ang Diyos



Nang makita ng mga taga-Sodoma ang dalawang lingkod na ito, hindi nila itinanong kung ano ang kanilang dahilan sa pagdating, ni may isa man lang na nagtanong kung dumating ba sila upang ipahayag ang kalooban ng Diyos. Sa kabaligtaran, bumuo sila ng isang malaking pangkat ng mga tao at, kahit walang anumang paliwanag, dumating sila para dakpin ang dalawang lingkod na ito na gaya ng mga asong gubat o mababangis na mga lobo. Pinagmamasdan ba ng Diyos ang mga bagay na ito habang nangyayari? Ano kaya ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso sa uri ng pag-uugaling ito ng tao, sa bagay na ito? Nagpasya ang Diyos na wasakin na ang lungsod na ito; hindi na Siya mag-aatubili o maghihintay pa, ni magpapakita pa ng pagtitiyaga. Dumating na ang Kanyang araw, at inihanda na Niya ang gawaing nais Niyang gawin. Kaya ang sabi sa Genesis 19:24-25, “Nang magkagayo’y nagpaulan si Jehova sa Sodoma at Gomorra ng azufre at apoy mula sa Jehova na buhat sa langit; At ginunaw niya ang mga bayang yaon, at ang buong Kapatagan at ang lahat ng nangananahan sa mga bayang yaon, at ang tumutubo sa lupang yaon.” Sinasabi ng dalawang talatang ito sa mga tao ang paraan ng pagwasak ng Diyos sa lungsod na ito; gayun din sinasabi sa mga tao kung ano ang winasak ng Diyos. Una, isinasaad sa Biblia na sinunog ng Diyos ang lungsod sa pamamagitan ng apoy, at ang lawak nito ay sapat na upang malipol ang mga tao at lahat ng nabubuhay sa lupa. Ibig sabihin, hindi lamang winasak ng apoy na nagmula sa langit ang lungsod; sinira din nito ang lahat ng mga tao at lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa loob, na walang anumang naiwan kahit isang bakas. Pagkatapos masunog ang lungsod, sa lugar ay walang makitang buhay na mga bagay. Wala nang may buhay o anumang senyales nito. Ang lungsod ay naging kaparangan, isang lugar na walang laman at puspos ng nakabibinging katahimikan. Wala nang anumang masamang gawa na laban sa Diyos sa lugar na ito; wala nang mangyayaring patayan o pagdanak ng dugo.
Bakit nais ng Diyos na sunugin ang lungsod na ito nang lubusan? Ano ang nakikita ninyo dito? Matitiis bang panoorin ng Diyos ang mga tao at ang kalikasan, na Kanyang nilikha, na mawasak na katulad nito? Kung makakaya mong maunawaan ang galit ng Diyos na si Jehova mula sa apoy na bumaba mula sa langit, kung gayon, hindi mahirap na makita ang antas ng Kanyang galit mula sa puntirya ng Kanyang pagwasak, gayun din sa antas ng pagkawasak sa lungsod na ito. Kapag kinasuklaman ng Diyos ang isang lungsod, ibibigay Niya dito ang Kanyang kaparusahan. Kapag nainis ang Diyos sa isang lungsod, padadalhan Niya ito ng paulit-ulit na babala ng Kanyang galit sa mga tao. Ngunit kapag nagpasya ang Diyos na wakasan na at wasakin ang isang lungsod–iyon ay kapag nasaktan na ang Kanyang galit at kamahalan–hindi na Siya magsasabi pa ng anumang mga parusa o mga babala. Sa halip, tuluyan na Niya itong wawasakin. Lubusan na Niya itong paglalahuin. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

21 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma

Kuwento sa Biblia | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma


(Gen 18:26) At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.
(Gen 18:29) At siya’y muling nagsalita pa sa kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.
(Gen 18:30) At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.
(Gen 18:31) At kanyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin.
(Gen 18:32) At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong sammpu. at sinabi niya, Hindi ko lilipulin.
Ito ang ilang mga siping napili Ko mula sa Biblia. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Biblia; upang makatipid sa oras, inalis Ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili ko lamang dito ang ilang mga pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang mga pangungusap na walang kinalaman sa ating pagsasamahan ngayon. Sa lahat ng mga sipi at nilalaman na ating ibinabahagi, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng mga kuwento at asal ng tao sa mga kuwento; sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos, at mula sa lahat ng ginawa ng Diyos, makikita natin ang tunay na Diyos Mismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layunin.
Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos
Naglalaman ng ilang mga pangunahing salita ang mga sipi sa itaas: mga numero. Una, sinabi ni Jehova na kung may matagpuan Siyang limampung matuwid sa lungsod, patatawarin Niya kung gayon ang buong lugar, na nangangahulugang hindi Niya wawasakin ang lungsod. Mayroon nga ba talagang limampung matuwid sa Sodoma? Wala. Pagkatapos na pagkatapos, ano ang sinabi ni Abraham sa Diyos? Sinabi niya, marahil ay may masusumpungang apatnapu? At sinabi ng Diyos, hindi Ko gagawin ito. Pagkatapos, sinabi ni Abraham, marahil ay may masusumpungang tatlumpu roon? At sinabi ng Diyos, hindi Ko gagawin ito. At marahil dalawampu? Hindi Ko gagawin ito. Sampu? Hindi Ko gagawin ito. Mayroon nga ba talagang sampung matuwid sa lungsod? Walang sampu—ngunit mayroong isa. At sino ang isang ito? Ito ay si Lot. Sa panahong iyon, may iisa lamang na taong matuwid sa Sodoma, ngunit masyado bang mahigpit o mapagwasto ang Diyos pagdating sa bilang na ito? Hindi, hindi Siya ganoon! At nang paulit-ulit na nagtanong ang tao, “Paano kung apatnapu?” “Paano kung tatlumpu?” hanggang sa napunta siya sa “Paano kung sampu?” Sinabi ng Diyos, “Kahit na may sampu lamang, hindi ko wawasakin ang lungsod; patatawarin ko iyon at papatawarin ang ibang tao bukod sa sampung ito.” Maaaring kaawa-awa talaga ang bilang na sampu, ngunit sa totoo, wala man lang ganoon karaming tao ang matuwid sa Sodoma. Sa gayon, nakikita mo na sa mga mata ng Diyos, ang kasalanan at kasamaan ng mga tao sa lungsod ay gayon na lamang na wala nang iba pang magagawa ang Diyos kundi ang wasakin sila. Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang hindi Niya wawasakin ang lungsod kung may limampung matuwid? Ang mga numerong ito ay hindi mahalaga sa Diyos. Ang mahalaga ay kung naglalaman o hindi ang lungsod ng matuwid na nais Niya. Kung may isa lang matuwid na tao ang lungsod, hindi hahayaan ng Diyos na mapahamak sila dahil sa Kanyang pagwasak sa lungsod. Ang ibig sabihin nito, na kahit wasakin o hindi ng Diyos ang lungsod, at gaano man karami ang matuwid doon, para sa Diyos ang makasalanang lungsod na ito ay napakasama at kasuklam-suklam, at dapat lang na wasakin, dapat maglaho mula sa mga mata ng Diyos, habang dapat manatili ang matuwid. Hindi alintana ang kapanahunan, hindi alintana ang yugto ng pag-unlad ng sangkatauhan, ang saloobin ng Diyos ay hindi nagbabago: Kinamumuhian Niya ang kasamaan, at nagmamalasakit sa mga matuwid sa Kanyang mga mata. Itong malinaw na saloobin ng Diyos ay tunay din na pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Dahil may iisa lamang na matuwid na tao sa loob ng lungsod, hindi na nag-atubili pa ang Diyos. Ang katapusang resulta ay ang hindi maiwasang pagkawasak ng Sodoma. Ano ang nakikita ninyo rito? Sa kapanahunang iyon, hindi wawasakin ng Diyos ang isang lungsod kung mayroong limampung matuwid sa loob nito, at hindi rin kung may sampu, na nangangahulugan na ang Diyos ay magpapasiya na magpatawad at maging mapagparaya sa sangkatauhan, o gagawin ang gawain ng pagpatnubay, dahil kaya Siyang igalang at sambahin ng ilang tao. Nagtitiwala nang malaki ang Diyos sa matutuwid na gawa ng tao, malaki ang tiwala Niya sa mga sumasamba sa Kanya, at nagtitiwala Siya nang malaki sa mga nakagagawa ng mabubuting gawain sa harapan Niya.
Sagana sa Awa ang Diyos sa Kanyang mga Pinagmamalasakitan, at Malalim ang Poot sa mga Kinamumuhian at Tinatanggihan Niya
Sa mga salaysay sa Biblia, mayroon bang sampung mga lingkod ng Diyos sa Sodoma? Hindi, wala ang mga ito! Karapat-dapat bang kaawaan ng Diyos ang lungsod na ito? Tanging ang isang tao sa lungsod—si Lot—ang tumanggap sa mga sugo ng Diyos. Ang implikasyon nito ay dahil iisa lamang ang lingkod ng Diyos sa lungsod, at sa gayon walang ibang pagpipilian ang Diyos kundi ang iligtas si Lot at wasakin ang lungsod ng Sodoma. Maaaring simple ang pag-uusap na ito sa pagitan ni Abraham at ng Diyos, ngunit isang bagay na napakalalim ang ipinapakita nito: May mga prinsipyo sa mga pagkilos ng Diyos, at bago gumawa ng isang desisyon, maglalaan Siya ng mahabang oras sa pagmamasid at pagsasaalang-alang; bago ang tamang oras, siguradong hindi Siya gagawa ng anumang desisyon o agad-agad na magpapasiya. Ang mga pag-uusap sa pagitan ni Abraham at ng Diyos ay nagpapakita sa atin na wala ni katiting na pagkakamali ang desisyon ng Diyos na wasakin ang Sodoma, dahil alam na ng Diyos na walang apatnapung matuwid sa lungsod, walang tatlumpu, walang dalawampu. Wala ni kahit na sampu. Ang tanging matuwid na tao sa lungsod ay si Lot. Ang lahat ng nangyari sa Sodoma at kalagayan nito ay pinagmasdan ng Diyos, at pamilyar sa Diyos gaya ng likuran ng Kanyang sariling kamay. Kaya, ang Kanyang desisyon ay hindi maaaring maging mali. Sa kabilang banda, kung ihambing sa pagka-makapangyarihan ng Diyos, napakamanhid ng tao, sobrang hangal at mangmang, lubos na kulang sa pagpapahalaga sa kinabukasan. Ito ang nakikita natin sa mga pag-uusap sa pagitan ni Abraham at ng Diyos. Inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon mula sa simula hanggang sa ngayon. Dito, gayon din naman, mayroon ding disposisyon ng Diyos na dapat nating makita. Simple ang mga numero, at hindi nagpapakita ng kahit ano, ngunit dito ay may napakahalagang pagpapahayag sa disposisyon ng Diyos. Hindi wawasakin ng Diyos ang lungsod dahil sa limampung matuwid. Ito ba ay dahil sa awa ng Diyos? Ito ba ay dahil sa Kanyang pag-ibig at pagpapaubaya? Nakita ba ninyo ang panig na ito ng disposisyon ng Diyos? Kahit na may sampung matuwid lamang, hindi sana winasak ng Diyos ang lungsod dahil sa sampung matuwid na mga taong ito. Ito ba, o hindi ba ito ang pagpapaubaya at pagmamahal ng Diyos? Dahil sa awa, pagpapaubaya, at pagmamalasakit ng Diyos sa mga matuwid na mga taong ito, hindi Niya sana wawasakin ang lungsod. Ito ang pagpapaubaya ng Diyos. At sa katapusan, ano ang kalalabasan na nakikita natin? Nang sinabi ni Abraham, “Marahil sampung masusumpungan doon,” Sinabi ng Diyos, “Hindi ko lilipulin.” Pagkatapos noon, wala nang sinabi si Abraham—dahil walang sampung matuwid sa Sodoma na Kanyang tinukoy, at wala na siyang sinabi pa, sa panahong iyon naunawaan niya kung bakit nagpasiya ang Diyos na wasakin ang Sodoma. Dito, anong disposisyon ng Diyos ang nakikita niyo? Anong klaseng paglutas ang binitiwan ng Diyos? Iyan ay, kung walang sampung matuwid ang lungsod na ito, hindi pinahintulutan ng Diyos ang pag-iral nito at hindi maiiwasan ang pagwasak dito. Hindi ba ito ang galit ng Diyos? Ang poot bang ito ang kumakatawan sa disposisyon ng Diyos? Ito bang disposisyon ang pagbubunyag ng banal na diwa ng Diyos? Ito ba ay ang pagbubunyag ng matuwid na diwa ng Diyos, na hindi dapat sinasaktan ng tao? Dahil napagtibay na walang sampung matuwid sa Sodoma, tiniyak ng Diyos na wawasakin ang lungsod, at parurusahan nang matindi ang mga tao sa lungsod na iyan, dahil sinalungat nila ang Diyos at dahil marumi at tiwali sila.
Bakit natin sinuri ang mga siping ito sa ganitong paraan? Dahil ang ilang simpleng pangungusap na ito ay nagbibigay ng ganap na pagpapahayag sa disposisyon ng Diyos tungkol sa masaganang awa at malalim na poot. Kasabay sa pagpapahalaga sa matuwid, pagkakaroon ng awa, pagpapaubaya, at pagmamalasakit sa kanila, may malalim na galit sa puso ng Diyos para sa lahat ng mga nasa Sodoma na naging masama. Ito ba, o hindi ba ito, ang malaking awa at malalim na poot? Sa anong paraan ginawa ng Diyos na wasakin ang lungsod? Sa pamamagitan ng apoy. At bakit Niya winasak ito gamit ang apoy? Kapag nakikita mo ang isang bagay na nasusunog ng apoy, o kung magsusunog ka ng isang bagay, ano ang nararamdaman mo rito? Bakit gusto mong sunugin ito? Nadarama mo ba na hindi mo na kailangan ang mga ito, na hindi mo na nais pang tingnan ang mga ito? Gusto mo bang iwanan ito? Ang paggamit ng Diyos sa apoy ay nangangahulugan ng pag-iiwan, at pagkamuhi, at hindi na Niya nais pang makita ang Sodoma. Ito ang damdaming nagtulak sa Diyos upang tupukin ng apoy ang Sodoma. Ang paggamit ng apoy ay kumakatawan lamang kung gaano ang galit ng Diyos. Ang awa at pagpapaubaya ng Diyos ay talagang umiiral, ngunit ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos kapag pinakakawalan Niya ang Kanyang poot ay nagpapakita rin sa tao ng panig ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng pagkakasala. Kapag ganap na kayang sundin ng tao ang mga utos ng Diyos at kumikilos alinsunod sa mga kailangan ng Diyos, masagana ang awa ng Diyos sa tao; napakatindi ng galit ng Diyos kapag ang tao ay napuno ng kasamaan, pagkamuhi at pagkapoot para sa Kanya. At hanggang saan ang tindi ng Kanyang galit? Mananatili ang Kanyang poot hanggang hindi na nakikita ng Diyos ang pagsuway at masasamang gawain ng tao, hanggang wala na sila sa harapan ng Kanyang mga mata. Saka lamang mawawala ang galit ng Diyos. Sa ibang salita, hindi mahalaga kung sinuman ang tao, kung ang kanilang puso ay naging malayo mula sa Diyos, at tumalikod sa Diyos, hindi kailanman bumalik, hindi alintana kung paano, anumang anyo o patungkol sa kanilang pansariling pagnanasa, nais nilang sumamba at sumunod at tumalima sa Diyos sa kanilang katawan o sa kanilang pag-iisip, sa oras na tumalikod ang kanilang puso sa Diyos, ang poot ng Diyos ay pakakawalan nang walang tigil. Ito ay magiging tulad ng kapag lubos na pinapakawalan ng Diyos ang Kanyang galit, dahil nabigyan ng sapat na pagkakataon ang tao, sa oras na pakawalan ito wala nang paraan upang bawiin ito, at hindi na Siya kailanman pa maaawa at magpapaubaya sa naturang tao. Ito ay isang panig ng disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang kasalanan. Dito, tila normal sa mga tao na wawasakin ng Diyos ang isang lungsod, dahil, sa mga mata ng Diyos, ang lungsod na puno ng kasalanan ay hindi maaaring umiral at magpatuloy na manatili, at makatuwiran lang na dapat itong wasakin ng Diyos. Ngunit sa nangyari bago at kasunod ng Kanyang pagwasak sa Sodoma, nakikita natin ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos. Siya ay mapagparaya at maawain sa mga bagay na mabait, at maganda, at mabuti; sa mga bagay na masama, at makasalanan, at nakakasuklam, malalim ang Kanyang poot, sa paraang hindi tumitigil ang Kanyang poot. Ito ang dalawang pangunahin at pinakakilalang aspeto sa disposisyon ng Diyos, at, higit pa rito, nabunyag ang mga ito ng Diyos mula simula hanggang katapusan: malaking awa at malalim na poot. Karamihan sa inyo rito ay nakaranas na ng awa ng Diyos, ngunit napakakaunti sa inyo ang nagpahalaga sa poot ng Diyos. Ang awa at mapagkandiling pagmamahal ng Diyos ay makikita sa bawat tao; ang ibig sabihin, na ang Diyos ay nagbigay ng masaganang awa sa bawat tao. Ngunit napaka-bihira—o, masasabing, hindi kailanman—nagalit nang matindi ang Diyos sa sinumang indibidwal o sa anumang pangkat ng mga tao sa gitna ninyo na naririto ngayon. Huminahon lang! Sa darating na panahon, ang poot ng Diyos ay makikita at mararanasan ng bawat tao, ngunit hindi pa ngayon ang panahon. At bakit ganito? Dahil kapag palaging galit ang Diyos sa isang tao, iyan nga, kapag pinakawalan Niya sa kanila ang Kanyang malalim na poot, ibig sabihin nito na matagal na Niyang kinamuhian at tinanggihan ang taong ito, kinamumuhian Niya ang kanilang pananatiling buhay, at hindi Niya matagalan ang kanilang pananatiling buhay; sa sandaling dumating ang Kanyang galit sa kanila, sila ay maglalaho. Ngayon, ang gawain ng Diyos ay upang maabot ang puntong iyan. Wala ni isa sa inyo ang makakayanan ito kapag ang Diyos ay lubhang nagalit. Nakikita ninyo, kung gayon, na sa panahong ito masagana lamang ang awa sa inyo ng Diyos ngunit hindi pa ninyo nakikita ang Kanyang malalim na galit. Kung may mga nanatiling hindi kumbinsido, maaaring hingin ninyo na dumating sa inyo ang poot ng Diyos, upang maaari ninyong maranasan kung talagang naroroon o hindi ang poot ng Diyos at ang Kanyang hindi nagkakasalang disposisyon sa tao. Maglakas-loob kaya kayo?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

20 Marso 2019

Kuwento sa Biblia |Inutusan ng Diyos si Abraham na Ialay si Isaac

Kuwento sa Biblia | Inutusan ng Diyos si Abraham na Ialay si Isaac


Matapos mabigyan ng isang anak na lalaki si Abraham, ang mga salitang sinabi ng Diyos kay Abraham ay natupad. Hindi ito nangangahulugan na tumigil dito ang plano ng Diyos; sa kabilang banda, ang kahanga-hangang plano ng Diyos para sa pamamahala at kaligtasan ng sangkatauhan ay nagsimula pa lamang, at ang Kanyang pagpapala ng isang anak na lalaki kay Abraham ay isa ngang pagpapakilala sa Kanyang pangkalahatang plano sa pamamahala. Sa sandaling iyon, sino ang nakaalam na ang digma ng Diyos kay Satanas ay tahimik na nagsimula nang isinakripisyo ni Abraham si Isaac?
Walang Pakialam ang Diyos Kung Hangal man ang Tao—Hinihingi Lang Niyang Maging Totoo ang Tao
Susunod, ating tingnan kung ano ang ginawa ng Diyos kay Abraham. Sa Genesis 22:2, ibinigay ng Diyos ang sumusunod na kautusan kay Abraham: “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal, at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.” Ang pakahulugan ng Diyos ay malinaw: Sinasabi Niya kay Abraham na ialay ang kanyang bugtong na anak na si Isaac, na kanyang iniibig, bilang handog na susunugin. Kung titingnan ito ngayon, magkasalungat pa rin ba ang pagkaintindi ng tao sa utos ng Diyos? Oo! Lahat ng ginawa ng Diyos sa panahong iyon ay lubhang salungat sa mga pagkaintindi ng tao at hindi kayang unawain ng tao. Sa kanilang mga pagkaintindi, ang mga tao ay naniniwala sa mga sumusunod: Kapag ang isang tao ay hindi naniwala, at inisip itong imposible, binigyan siya ng Diyos ng isang anak na lalaki, at matapos niyang nakamit ang isang anak na lalaki, inutusan siya ng Diyos na ialay ang kanyang anak—hindi kapani-paniwala! Ano talaga ang binalak gawin ng Diyos? Ano ang tunay na layunin ng Diyos? Walang pasubali Niyang binigyan ng anak na lalaki si Abraham, ngunit inutusan rin Niya si Abraham na mag-alay nang walang pasubali. Labis ba ito? Sa punto ng isang ikatlong partido, hindi lamang ito labis ngunit medyo isang kaso ng “paggawa ng problema mula sa wala.” Ngunit si Abraham mismo ay hindi naniwala na masyadong malaki ang hinihingi ng Diyos. Bagama’t nagkaroon siya ng ilang kaunting kaisipan, at bahagyang pinaghinalaan ang Diyos, handa pa rin niyang gawin ang pag-alay. Sa puntong ito, ano ang nakikita mong patunay na handa nga si Abraham na ialay ang kanyang anak? Ano ang sinasabi sa mga pangungusap na ito? Ang orihinal na teksto ay nagbibigay ng sumusunod na mga pahayag: “At si Abraham ay maagang gumising kinabukasan, at inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga batang lalaking alipin, at si Isaac na kanyang anak, at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos” (Gen 22:3). “At dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at ginapos si Isaac na kanyang anak at inihiga sa dambana sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay, at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak” (Gen 22:9-10). Nang iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak, nakita ba ng Diyos ang kanyang mga pagkilos? Oo, nakita Niya. Ang buong proseso—mula sa simula, nang hiniling ng Diyos kay Abraham na ialay si Isaac, hanggang sa aktwal na itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin ang kanyang anak—ay ipinakita sa Diyos ang puso ni Abraham, at hindi alintana ang kanyang dating kahangalan, kamangmangan, at hindi pagkakaunawa sa Diyos, sa pagkakataong iyon ang puso ni Abraham para sa Diyos ay totoo, at tapat, at tunay na ibabalik Niya si Isaac, ang anak na ibinigay sa kanya ng Diyos, pabalik sa Diyos. Sa kanya, nakita ng Diyos ang pagsunod—ang mismong pagsunod na nais Niya.
Sa tao, marami ang ginagawa ng Diyos na hindi kayang unawain at ni hindi kapani-paniwala. Kapag nais ng Diyos na isaayos ang isang tao, ang pagsasaayos na ito ay madalas salungat sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi niya kayang unawain, gayon pa man tiyak na itong di-pagkakatugma at kawalan ng kakayahang maunawaan ay mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Si Abraham, samantala, ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. Saka lamang, nang nagawang sundin ni Abraham ang hinihingi ng Diyos, nang kanyang ialay si Isaac, na tunay na naramdaman ng Diyos ang muling pagtitiwala at pagsang-ayon sa sangkatauhan—tungo kay Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na Kanyang hinirang ay isang hindi mababalewalang pinuno na maaaring magsagawa ng Kanyang pangako at ng Kanyang mga susunod na plano sa pamamahala. Kahit na ito ay isang pagsubok lamang, nasiyahan ang Diyos, naramdaman Niya ang pag-ibig ng tao para sa Kanya, at nadama Niya ang kalinga ng tao na hindi Niya dating nadama. Sa sandaling iyon na itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, dahil walang intensyon ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya, pinigilan ng Diyos si Abraham sa tamang oras. Para sa Diyos, nakapasa na sa pagsubok ang pagkamasunurin ni Abraham, sapat na ang kanyang ginawa, at nakita na ng Diyos ang kalalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan na ito ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang nais ng Diyos, at ang nais Niyang makita. Totoo ba ito? Kahit na, sa iba’t ibang konteksto, ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham, at walang kondisyon ang kanyang pagsunod, at tiyak na ang “walang kondisyon” na ito ang ninais ng Diyos. ...
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

18 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao

Kuwento sa Biblia | Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao


(Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
…………
Alam ng karamihan sa mga tao kung ano ang bahaghari at nakarinig na sila ng ilang mga kuwento na may kaugnayan sa mga bahaghari. Tungkol sa kuwento ng bahaghari sa Biblia, may ilang mga tao na naniniwala rito, may ilang itinuturing itong alamat, habang ang iba ay hindi kailanman naniniwala rito. Ano pa man, ang lahat ng nangyaring may kaugnayan sa bahaghari ay mga bagay na minsan ay ginawa ng Diyos, at mga bagay na naganap sa proseso ng pamamahala ng Diyos sa tao. Ang mga ito ay naitala nang tiyak sa Biblia. Hindi sinasabi sa atin ng mga naitalang ito kung ano ang lagay ng damdamin ng Diyos sa panahong iyon o ang mga layunin na nasa likod ng mga salitang ito na sinabi ng Diyos. Higit pa rito, walang makapagpahalaga sa nararamdaman ng Diyos noong sinabi Niya ang mga ito. Subalit ang kalagayan ng isip ng Diyos tungkol sa lahat nang ito ay naihahayag sa nakatagong kahulugan ng teksto. Para bang ang Kanyang mga kaisipan ay tumatalon mula sa pahina sa pamamagitan ng bawat salita at parirala ng salita ng Diyos.
…………
Sa simula, sa mata ng Diyos lumikha Siya ng sangkatauhan na napakabuti at malapit sa Kanya, ngunit sila ay nilipol sa pamamagitan ng baha matapos maghimagsik laban sa Kanya. Nasaktan ba ang Diyos na ang ganoong sangkatauhan ay agad naglaho nang ganoon na lamang? Siyempre masakit iyon! Kaya ano ang pagpapahayag Niya ng sakit na ito? Paano itong naitala sa Biblia? Naitala ito sa Biblia nang ganito: “At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.” Ang simpleng pangungusap na ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan ng Diyos. Lubhang napakasakit sa Kanya itong pagkagunaw ng mundo. Sa mga salita ng tao, Siya ay napakalungkot. Maari nating gunitain: Ano ang anyo ng daigdig na minsa’y puno ng buhay pagtapos itong ginunaw ng baha? Ano na ngayon ang anyo ng daigdig na minsan ay puno ng mga tao? Walang tahanan na para sa tao, walang mga buhay na nilikha, may tubig kahit saan at isang lubos na kaguluhan sa ibabaw ng tubig. Ang ganito bang eksena ang talagang layunin ng Diyos noong nilikha Niya ang mundo? Siyempre hindi! Ang talagang layunin ng Diyos ay makakita ng buhay sa buong kalupaan, ang makita ang mga taong Kanyang nilikha na sumasamba sa Kanya, hindi para si Noe lang ang nag-iisang sumasamba sa Kanya o ang nag-iisang maaaring tumugon sa Kanyang panawagan na tapusin ang ipinagkatiwala sa kanya. Noong naglaho ang sangkatauhan, nakita ng Diyos ang lubos na kabaliktaran ng talagang nilayon Niya. Paanong hindi masasaktan ang Kanyang puso? Kaya noong ibinubunyag Niya ang Kanyang disposisyon at ipinahihiwatig ang Kanyang mga damdamin, nagpasya ang Diyos. Anong uri ng pasya ang Kanyang ginawa? Ang gumawa ng arko sa ulap (pansinin: ang bahagharing nakikita natin) bilang isang tipan sa tao, isang pangako na hindi na muling lilipulin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng baha. Kasabay nito, para sabihin din sa mga tao na minsan ay ginunaw ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, upang magpakailanman ay maipaalala sa sangkatauhan kung bakit ginawa ng Diyos ang ganoon.
Ang pagkagunaw ba ng mundo noong panahong iyon ay isang bagay na kagustuhan ng Diyos? Tiyak na hindi ito ang gusto ng Diyos. Maaari nating gunitain ang maliit na bahagi ng kaawa-awang anyo ng daigdig matapos ang pagkagunaw ng mundo, ngunit hindi natin magunita ng sapat kung ano ang anyo ng eksenang ito sa panahong iyon sa mata ng Diyos. Masasabi nating, kung ito man ay mga tao ngayon o noon, walang makagugunita o makapagpapahalaga kung ano ang nararamdaman ng Diyos noong nakita Niya ang eksenang iyon, ang anyong iyon ng mundo pagkatapos itong magunaw sa pamamagitan ng baha. Napilitan ang Diyos na gawin ito dahil sa kasuwailan ng tao, ngunit ang sakit na pinagdusahan ng puso ng Diyos mula sa pagkagunaw na ito ng mundo sa pamamagitan ng baha ay isang reyalidad na walang makakaarok o makakapagpahalaga. Kaya gumawa na ang Diyos ng isang tipan sa tao, na magsasabi sa mga taong gunitain na minsan ay may ginawang ganito ang Diyos, at upang manumpa sa kanila na hindi na kailanman gugunawing muli ng Diyos ang mundo sa ganoong paraan. Sa tipang ito makikita natin ang puso ng Diyos—makikita natin na ang puso ng Diyos ay nakaramdam ng sakit noong nilipol Niya ang sangkatauhang ito. Sa wika ng tao, noong nilipol ng Diyos ang sangkatauhan at nakitang naglalaho ang sangkatauhan, ang Kanyang puso ay umiiyak at nagdurugo. Hindi ba hanggang diyan na lang natin kayang ilarawan ito? Ang mga salitang ito ang ginagamit ng mga tao upang ilarawan ang mga damdamin ng tao, ngunit dahil ang wika ng tao ay masyadong kapos, ang gamitin ang mga ito upang ilarawan ang mga nararamdaman at damdamin ng Diyos ay hindi na gaanong masama para sa Akin, at ni hindi rin naman ito gaanong lumalabis. Kahit paano binigyan kayo ng napakatingkad, napakaangkop na pagkaunawa sa kung ano ang lagay ng damdamin ng Diyos noong panahong iyon. Ano na ang iisipin ninyo ngayon kapag may nakita kayo ulit na bahaghari? Kahit paano, maaalala ninyo kung paano nagdalamhati ng minsan ang Diyos dahil sa pagkakagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha. Maaalala ninyo kung paano, bagamat kinapootan ng Diyos ang mundong ito at kinamuhian ang sangkatauhang ito, noong nilipol Niya ang mga taong nilikha Niya ng sarili Niyang mga kamay, na ang puso Niya ay nasasaktan, nagpupumilit bumitaw, nag-aatubili, at nahihirapang magtiis. Ang tangi Niyang kinaaliwan ay ang pamilya ni Noe na walong katao. Ang pakikipagtulungan ni Noe ang nagbigay-halaga sa Kanyang mga napakaingat na pagsisikap sa paglikha ng lahat nang bagay. Sa panahong nagdurusa ang Diyos, ito lamang ang pampawi sa Kanyang nararamdaman na sakit. Mula noon, inilagay ng Diyos ang lahat ng Kanyang inaasahan sa sangkatauhan sa pamilya ni Noe, umaasang mabubuhay sila sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala at hindi sa Kanyang sumpa, umaasang hindi nila kailanman muling makikitang gunawin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, at umaasa ring hindi sila magugunaw.
Anong bahagi ng disposisyon ng Diyos ang dapat nating maunawaan mula rito? Kinasuklaman ng Diyos ang tao dahil ang tao ay may poot sa Kanya, ngunit sa Kanyang puso, ang Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit, at awa para sa sangkatauhan ay nanatiling hindi nagbabago. Kahit noong nilipol Niya ang sangkatauhan, ang puso Niya’y nanatiling hindi nagbago. Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa ganap na hangganan, kinailangan ng Diyos, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan, na lipulin ang sangkatauhang ito. Ngunit dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba’t–ibang mga paraan upang hanguin ang sangkatauhan upang makapagpatuloy silang mabuhay. Sa halip, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mga mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ibigay sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, sa paghihintay na manumbalik ang tao. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may nakatakdang panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa opisyal na simula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso sa layuning mapanumbalik ang tao, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos. Kahit gaano pa katindi ang sakit o pighating pinagdadaanan ng puso ng Diyos, patuloy Niyang ibinigay ang Kanyang pag-aalaga, malasakit, at masaganang awa sa sangkatauhan. Ano ang nakikita natin mula rito? Walang duda, nakikita natin na ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay totoo at hindi bukang-bibig lamang. Ito ay tunay, nadarama at may halaga, hindi huwad, may halo, mapandaya o mapagkunwari. Hindi kailanman gumagamit ang Diyos ng anumang pandaraya o lumilikha ng mga huwad na kaanyuan para ipakita sa mga taong Siya ay kaibig-ibig. Hindi Siya kailanman gumagamit ng di-tunay na patotoo para maipakita sa mga tao ang Kanyang kagandahan, o ipangalandakan ang Kanyang kagandahan at kabanalan. Hindi ba karapat-dapat para sa pag-ibig ng tao ang mga aspetong ito ng disposisyon ng Diyos? Hindi ba karapat-dapat sambahin ang mga ito? Hindi ba karapat-dapat itangi ang mga ito? Sa puntong ito, nais ko kayong tanungin: Matapos ninyong marinig ang mga salitang ito, sa palagay ba ninyo ang kadakilaan ng Diyos ay pawang mga salita lamang sa isang pilas ng papel? Ang kagandahan ba ng Diyos ay mga hungkag na salita lamang? Hindi! Tiyak na hindi! Ang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang kadakilaan, kabanalan, pagpaparaya, pag-ibig, at iba pa—ang lahat nitong mga iba’t ibang aspeto ng disposisyon ng Diyos at diwa ay nagiging mabisa tuwing ginagawa Niya ang Kanyang gawain, nakapaloob sa Kanyang kalooban para sa tao, at natutupad at nasasalamin din sa bawa’t tao. Nadama mo man dati ito o hindi pa, inaalagaan ng Diyos ang bawa’t tao sa bawa’t posibleng paraan, gamit ang Kanyang tapat na puso, karunungan, at iba’t ibang kaparaanan upang mapainit ang puso ng bawa’t tao, at magising ang espiritu ng bawa’t tao. Ito ay isang di-matututulang katunayan. Gaano man karaming tao ang nakaupo rito, ang bawa’t tao ay nagkaroon na ng iba’t ibang mga karanasan at mga damdamin sa pagpaparaya, pagpapasensya, at kagandahan ng Diyos. Ang mga karanasang ito sa Diyos at ang mga nadarama o mga pagkilalang ito sa Kanya—sa madaling salita, ang lahat ng mga positibong bagay na ito ay mula sa Diyos. Kaya sa pagsasama-sama ng mga karanasan at kaalaman ng lahat sa Diyos at sa pagsama sa mga ito sa mga binasa natin sa araw na ito na mga pahayag mula sa Biblia, may mas totoo at tamang kaunawaan na ba kayo ngayon sa Diyos?
…………
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; nagawa man silang maging tiwali o sumusunod man sila sa Kanya, itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang mga minamahal Niya—o gaya ng sinasabi ng mga tao, ang mga taong pinakamahalaga sa Kanya—at hindi Kanyang mga laruan. Bagama’t sinasabi ng Diyos na Siya ang Manlilikha at ang tao ay Kanyang nilikha, na para bang may kaunting pagkakaiba sa antas, ang realidad ay lahat nang nagawa ng Diyos para sa sangkatauhan ay sobra-sobra para sa ganitong kalikasan ng relasyon. Mahal ng Diyos ang sangkatauhan, inaalagaan ang sangkatauhan, at nagpapakita ng malasakit para sa sangkatauhan, parati rin at walang-tigil na naglalaan para sa sangkatauhan. Hindi Niya kailanman nararamdaman sa Kanyang puso na ito ay karagdagang gawain o bagay na karapat-dapat bigyan ng malaking parangal. Ni hindi rin Niya nararamdaman na ang pagliligtas sa sangkatauhan, pagtutustos sa kanila, at pagbibigay sa kanila ng lahat ng bagay, ay pagbibigay ng napakalaking ambag sa sangkatauhan. Tahimik at walang-imik lamang Siyang naglalaan para sa sangkatauhan, sa sarili Niyang paraan at sa pamamagitan ng sarili Niyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya. Gaano man karami ang paglalaan at gaano man karaming tulong ang natatanggap ng sangkatauhan mula sa Kanya, hindi kailanman iniisip ng Diyos ang tungkol dito ni sinisikap na umako ng parangal. Ito ay itinatakda ng diwa ng Diyos, at tiyak rin na isa itong tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, nakatala man o hindi sa Biblia o sa anumang ibang mga aklat, hindi kailanman natin nakikitang ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga kaisipan, at hindi kailanman natin nakikitang inilalarawan o ipinahahayag ng Diyos sa mga tao kung bakit Niya ginagawa ang mga ito, o bakit masyado Niyang kinakalinga ang sangkatauhan, upang magpasalamat ang sangkatauhan sa Kanya o purihin Siya. Kahit Siya ay nasasaktan, kapag ang Kanyang puso ay may pinagdadaanang matinding sakit, hindi Niya kailanman kinalilimutan ang Kanyang pananagutan sa sangkatauhan o ang Kanyang malasakit para sa sangkatauhan, tinitiis Niya lamang ang lahat ng sakit at kirot nang tahimik at nag-iisa. Sa kabaligtaran, patuloy ang Diyos na naglalaan para sa sangkatauhan tulad nang lagi Niyang ginagawa. Kahit na ang sangkatauhan ay madalas na nagpupuri sa Diyos o nagpapatotoo para sa Kanya, walang kahit na ano sa mga asal na ito ang hinihingi ng Diyos. Ito ay dahil hindi kailanman hinahangad ng Diyos na ang anuman sa mga mabubuting bagay na ginagawa Niya para sa sangkatauhan ay maipagpalit sa pagkilala ng utang-na-loob o para ito ay mabayaran. Sa kabilang dako, ang mga may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, ang mga tunay na sumusunod sa Diyos, nakikinig sa Kanya at tapat sa Kanya, at ang mga sumusunod sa Kanya—ito ang mga tao na madalas na makatatanggap ng mga pagpapala ng Diyos, at igagawad ng Diyos ang ganoong mga pagpapala nang walang pasubali. Higit pa rito, ang mga pagpapalang natatanggap ng mga tao mula sa Diyos ay madalas na higit pa sa kanilang mga naiisip, at higit rin sa anumang maibabalik ng mga tao kapalit ng kanilang nagawa o sa halagang kanilang pinagbayaran. Kapag tinatamasa ng sangkatauhan ang mga pagpapala ng Diyos, mayroon bang nakaaalala sa kung ano ang ginagawa ng Diyos? Mayroon bang nagpapakita ng malasakit para sa nararamdaman ng Diyos? Mayroon bang sinumang sumusubok na bigyang-halaga ang nadaramang sakit ng Diyos? Ang tiyak na sagot sa mga tanong na ito ay: Hindi! Kaya ba ng sinumang tao, kabilang na si Noe, na pahalagahan ang sakit na nadarama ng Diyos sa sandaling iyon? May nakauunawa ba kung bakit gagawa ng ganoong tipan ang Diyos? Hindi nila kaya! Hindi pinahahalagahan ng sangkatauhan ang nadaramang sakit ng Diyos hindi dahil hindi nila maunawaan ang sakit ng damdamin ng Diyos, at hindi dahil sa agwat na namamagitan sa Diyos at tao o sa pagkakaiba ng kanilang katayuan; sa halip, ito ay dahil walang pakialam ang sangkatauhan sa anumang mga nararamdaman ng Diyos. Ipinapalagay ng sangkatauhan na hindi umaasa sa iba ang Diyos—hindi kailangan ng Diyos ang mga tao upang lumingap sa Kanya, upang unawain Siya o pakitaan Siya ng pagsasaalang-alang. Ang Diyos ay Diyos, kaya wala Siyang nadaramang sakit, walang mga damdamin; hindi Siya malulungkot, Hindi Siya nakadarama ng hinagpis, ni hindi Siya umiiyak. Ang Diyos ay Diyos, kaya hindi Niya kailangan ang anumang pagpapahayag ng damdamin at hindi Niya kailangan ang anumang kaginhawahan ng damdamin. Kung kailanganin man Niya ang mga ito sa ilalim ng tiyak na mga pangyayari, Kanyang lulutasin ito ng Siya Mismo at hindi mangangailangan ng anumang tulong mula sa sangkatauhan. Sa kabaligtaran, ang mga mahihina, isip-batang mga tao ang nangangailangan ng pampalubag-loob ng Diyos, paglalaan, pagpapalakas, at kahit ang pag-aaliw Niya sa kanilang mga damdamin, kailan man, saan man. Ang ganoong kaisipan ay nakatago sa kailaliman ng mga puso ng sangkatauhan: Ang tao ang mahina; kailangan nila ang Diyos upang alagaan sila sa lahat ng paraan, karapat-dapat sila sa lahat ng pag-aalagang natatanggap nila mula sa Diyos, at dapat nilang hilingin mula sa Diyos ang anumang palagay nila na dapat ay sa kanila. Ang Diyos ang malakas; nasa Kanya ang lahat, at dapat na Siya ang maging tagapag-alaga ng sangkatauhan at tagapagkaloob ng mga pagpapala. Dahil Siya ay Diyos na, kaya Niyang gawin ang lahat at hindi kailanman Siya nangangailangan ng anuman mula sa sangkatauhan.
Dahil hindi nagbibigay-pansin ang tao sa anumang mga pagbubunyag ng Diyos, hindi niya kailanman nadama ang pighati, sakit, o galak ng Diyos. Nguni’t sa kabaligtaran, alam ng Diyos ang lahat ng pagpapahayag ng tao tulad ng palad ng Kanyang kamay. Tinutustusan ng Diyos ang mga pangangailangan ng lahat sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar, pinagmamasdan ang nagbabagong mga kaisipan ng bawa’t tao at sa gayon ay inaaliw at masidhing hinihikayat sila, at ginagabayan at iniilawan sila. Sa ngalan ng lahat ng mga bagay na nagawa ng Diyos sa sangkatauhan at lahat ng mga halagang Kanyang binayaran dahil sa kanila, may makikita bang mga pahayag ang mga tao sa Biblia o mula sa anumang sinabi ng Diyos hanggang sa ngayon na malinaw na nagsasabing hihingi ang Diyos ng anuman mula sa tao? Hindi! Sa kabaliktaran, kahit na paano balewalain ng mga tao ang kaisipan ng Diyos, paulit-ulit pa rin Niyang pinangungunahan ang sangkatauhan, paulit-ulit na tinutustusan ang sangkatauhan at tinutulungan sila, upang makasunod sila sa paraan ng Diyos para matanggap nila ang magandang hantungan na inihanda Niya para sa kanila. Pagdating sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, ang biyaya Niya, ang awa Niya, at lahat ng mga pabuya Niya, ay ipagkakaloob nang walang pasubali sa mga nagmamahal at sumusunod sa Kanya. Nguni’t hindi Niya kailanman ipinahahayag sa sinumang tao ang sakit na pinagdusahan Niya o ang lagay ng isipan Niya, at hindi Siya kailanman nagrereklamo tungkol sa sinumang hindi nagsasaalang-alang sa Kanya o hindi nakaaalam ng Kanyang kalooban. Dinadala lamang Niya ang lahat ng ito nang tahimik, naghihintay sa araw na mauunawaan ng sangkatauhan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong

Kuwento sa Biblia | Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong

Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong.jpg           


(Gen 6:9-14) Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa. Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.
(Gen 6:18-22) Datapuwa’t pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. At sa bawa’t nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa’t uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan. Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa’t nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa’t uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay. At magbaon ka ng lahat ng pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila. Gayon ang ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.
…………
Sa panahong iyon, nilayon ng Diyos na tawagin si Noe upang gawin ang isang napakahalagang bagay. Bakit pa Niya kailangang gawin iyon? Dahil may balak ang Diyos sa Kanyang puso sa sandaling iyon. Ang balak Niya ay sirain ang mundo gamit ang isang baha. Bakit sisirain ang mundo? Ang sabi rito: “At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Ano ang nakikita ninyo mula sa pariralang “at ang lupa ay napuno ng karahasan?” Isang di-pangkaraniwang bagay sa lupa kapag ang mundo at ang mga tao nito ay tiwali hanggang kasukdulan, at iyon ay: “at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Sa kasalukuyang wika, ang ibig sabihin ng “at ang lupa ay napuno ng karahasan” ay nasa kaguluhan ang lahat. Para sa tao, ang ibig sabihin nito ay walang kaayusan sa lahat ng kalakaran sa buhay, at ang mga bagay ay totoong magulo at mahirap pamahalaan. Sa mata ng Diyos, ang ibig sabihin ay masyadong tiwali ang mga tao sa mundo. Gaano katiwali? Tiwali hanggang sa antas na hindi na matiis ng Diyos na makita pa at hindi na mapagpasensyahan pa. Tiwali hanggang sa antas na nagpasya na ang Diyos na sirain ito. Noong naging buo na ang loob ng Diyos na sirain ang mundo, nagbalak Siyang maghanap ng taong gagawa ng isang daong. At pinili ng Diyos si Noe na gawin ang bagay na ito, na hayaang gawin ni Noe ang daong. ...
Ang pagtawag kay Noe ay isang simpleng bagay, ngunit ang pangunahing punto ng ating pinag-uusapan—ang disposisyon ng Diyos, ang Kanyang kolooban, at ang Kanyang diwa sa naitalang ito—ay hindi simple. Upang maunawaan ang ilang mga aspetong ito ng Diyos, dapat muna nating maunawaan ang uri ng taong nais tawagin ng Diyos, at sa pamamagitan nito, maunawaan ang Kanyang disposisyon, kalooban, at diwa. Napakahalaga nito. Kaya sa mata ng Diyos, ano kayang uri ng tao itong tao na tinatawag Niya? Ang taong ito ay dapat isang tao na nakikinig sa Kanyang mga salita, nakasusunod sa Kanyang mga tagubilin. Kasabay nito, dapat ang taong ito ay may pagpapahalaga rin sa pananagutan, isang tao na isasagawa ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagturing dito bilang pananagutan at tungkulin na nakatalagang tuparin nila. Kung ganoon, ang taong ito ba ay kinakailangang nakakakilala sa Diyos? Hindi. Noong panahong iyon, wala pang gaanong naririnig si Noe tungkol sa mga katuruan ng Diyos o naranasan ang kahit ano sa gawain ng Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos ay napakaliit. Bagamat nakatala rito na si Noe ay nabuhay nang kasama ang Diyos, nakita ba niya kailanman ang persona ng Diyos? Ang sagot ay tiyak na hindi! Dahil sa mga panahong iyon, tanging ang mga mensahero lamang ng Diyos ang pumupunta sa mga tao. Habang maaari nilang katawanin ang Diyos sa pagsasabi at paggawa ng mga bagay, ipinaaabot lamang nila ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Hindi ipinahayag sa tao nang harapan ang persona ng Diyos. Sa bahaging ito ng banal na kasulatan, ang tanging nakikita natin ay kung ano ang dapat gawin nitong tao na si Noe at kung ano ang mga tagubilin ng Diyos sa kanya. Kaya ano ang diwang ipinahayag ng Diyos dito? Ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay naplano nang may katiyakan. Kapag nakakakita Siya ng isang bagay o sitwasyong nagaganap, may nakalaang pamantayan upang sukatin ito sa Kanyang mga mata, at ang pamantayang ito ang magsasabi kung magsasagawa Siya ng isang plano upang makitungo dito o kung paano harapin ang bagay at sitwasyong ito. Hindi malamig ang Kanyang loob o walang pakiramdam sa lahat ng bagay. Sa katunayan ito ay lubos na kabaliktaran. May bersikulo dito na sinabi ng Diyos kay Noe: “Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa.” Sa mga salita ng Diyos dito, sinabi ba Niyang lilipulin lamang Niya ang mga tao? Hindi! Ang sabi ng Diyos ay lilipulin Niya ang lahat ng mga nabubuhay na laman. Bakit gusto ng Diyos ang panlilipol? May isa pang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos dito: Sa mga mata ng Diyos, may hangganan ang Kanyang pasensiya sa katiwalian ng tao, sa karumihan, karahasan, at kasuwailan ng lahat ng laman. Ano ang Kanyang hangganan? Tulad ng sinabi ng Diyos: “At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ano ang ibig sabihin ng pariralang “sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ito ay nangangahulugan na anumang nabubuhay, kasama na ang mga sumusunod sa Diyos, ang mga tumatawag sa pangalan ng Diyos, ang mga minsan ay naghandog ng mga sinunog na alay sa Diyos, ang mga nagsalita ng pagkilala sa Diyos at nagpuri pa sa Diyos—sa sandaling ang kanilang mga asal ay mapuno ng katiwalian at makaabot sa mga mata ng Diyos, kailangan Niyang lipulin sila. Iyan ang hangganan ng Diyos. Kaya hanggang saan nanatiling mapagpasensiya ang Diyos sa tao at sa katiwalian ng lahat ng laman? Hanggang sa lahat ng mga tao, maging mga sumusunod sa Diyos o hindi mananampalataya, ay hindi lumalakad sa tamang landas. Hanggang sa ang tao ay hindi lang tiwali ang moralidad at puno ng kasamaan, ngunit wala na ring naniniwalang may Diyos, lalo nang wala ang naniniwala na ang mundo ay pinaghaharian ng Diyos at makapagdadala ang Diyos ng liwanag at ng tamang landas. Hanggang sa ang tao ay nasuklam sa pag-iral ng Diyos at hindi pinayagang umiral ang Diyos. Sa sandaling umabot sa puntong ito ang katiwalian ng tao, mawawalan na ng pasensiya ang Diyos. Ano ang papalit rito? Ang pagdating ng poot ng Diyos at kaparusahan ng Diyos. Hindi ba isang bahagi iyon ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Sa panahong ito, mayroon pa bang matuwid na tao sa mata ng Diyos? Mayroon pa bang perpektong tao sa mata ng Diyos? Ito ba ay panahon kung saan ang asal ng lahat ng katawang-tao sa lupa ay tiwali sa mata ng Diyos? Sa araw at panahong ito, bukod doon sa mga gustong gawing ganap ng Diyos, iyong mga makakasunod sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang kaligtasan, hindi ba hinahamon ng lahat ng taong laman ang hangganan ng pasensiya ng Diyos? Hindi ba puno ng karahasan ang lahat ng mga nangyayari sa tabi ninyo, ang mga nakikita ng mga mata ninyo, at naririnig ng mga tainga ninyo, at personal na nararanasan ninyo sa araw-araw sa mundong ito? Sa mata ng Diyos, hindi ba dapat na wakasan ang ganitong uri ng mundo, ang ganitong uri ng panahon? Bagamat ang kalagayan sa kasalukuyang panahon ay ibang-iba sa kalagayan noong panahon ni Noe, ang mga damdamin at poot ng Diyos para sa katiwalian ng tao ay nananatiling ganap na katulad noong panahong iyon. Nagagawang maging mapagpasensiya ang Diyos dahil sa Kanyang gawain, ngunit alinsunod sa lahat ng mga uri ng mga kalagayan at mga kundisyon, matagal na sanang dapat ginunaw ang mundong ito sa mata ng Diyos. Ang sitwasyon ay malayo at lampas na sa kung ano ang mundo noong ginunaw sa pamamagitan ng baha.
............
Sa ilalim ng mga kalagayang ito, ano ang pinakamahalaga sa Diyos? Hindi kung paanong ang mga hindi sumusunod sa Kanya o ang mga lumalaban sa Kanya ay pagbantaan Siya, labanan Siya, o kung paano manirang-puri ang mga tao laban sa Kanya. Ang mahalaga lamang sa Kanya ay kung ang mga sumusunod sa Kanya, ang mga kinauukulan ng Kanyang kaligtasan sa Kanyang plano sa pamamahala, ay nagawa na Niyang ganap, kung nakamit ba nila ang ikasisiya Niya. Para sa mga tao na bukod sa mga sumusunod sa Kanya, naglalaan lamang Siya paminsan-minsan ng kaunting kaparusahan upang ipahayag ang Kanyang poot. Halimbawa: mga sunami, mga lindol, mga pagputok ng bulkan, at iba pa. Kasabay nito, malakas din Niyang ipinagtatanggol at inaalagaan ang mga sumusunod sa Kanya at mga malapit na Niyang iligtas. Ang disposisyon ng Diyos ay ito: Sa isang dako, maaari Niyang bigyan ang mga taong balak Niyang gawing ganap ng kasukdulang pagpapasensiya at pagpaparaya, at hintayin sila hanggang sa posibleng makakaya Niya; sa kabilang dako, matindi ang galit at kinasusuklaman ng Diyos ang mala-Satanas na uri ng tao na hindi sumusunod sa Kanya at lumalaban sa Kanya. Bagamat wala Siyang pakialam kung itong mga mala-Satanas na uri ay sumunod sa Kanya o sumamba sa Kanya, kinamumuhian Niya pa rin sila habang pinagpapasensiyahan sila ng Kanyang puso, at sa Kanyang pagtatakda ng katapusan nitong mga mala-Satanas na uri, hinihintay rin Niya ang pagdating ng mga hakbang ng Kanyang plano sa pamamahala.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao