Ang Pagtatalo sa Pagitan ng Tama at Mali | Isang Debate sa Pagitan ng Isang Kristiyano at Isang Opisyal ng CCP: Ano Ba Talaga ang Isang Kulto?
2018-05-22
Mga Tauhan:
Zheng Yi: Isang Kristiyanong Chinese. Nang magtrabaho siya sa Amerika, siniyasat niya ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya sa China, at itinuro ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa kapatid niyang si Zheng Rui.
Zheng Weiguo: Ama ni Zheng Yi, ang pastor ng isang United Front Work Department ng bayan sa China. Ginawa niya ang red re-education ng kanyang mga anak sa bahay, matinding kinontra ang pananalig nila sa Makapangyarihang Diyos at sinubukang pigilin ito.
Zheng Weiguo: Xiaoyi, Xiaorui, hindi pa rin yata n'yo nauunawaan ang patakaran ng estado. Kung ang alam mo lang ay ang nakalaan sa kalayaan sa pananalig sa konstitusyon, ibig bang sabihin ay nauunawaan mo ang Communist Party? Napakaraming taon ko nang nagtatrabaho sa United Front. Malinaw na sa 'kin 'yon. Ang pinaka-ayaw ng CCP sa lahat ay ang pagpapakita ng Diyos at ang Kanyang gawain. Matagal nang isinumpa ng gobyerno ang Kristiyanismo bilang kulto, at ang Biblia bilang aklat ng kulto, at napakarami nang kopya nito ang sinunog. Determinado ang gobyernong CCP na lubos na ipagbawal ang lahat ng bahay-iglesia. Nang manalig ka kay Jesus noong araw, tinutulan ko 'yon. At ngayo'y nananalig ka na sa Makapangyarihang Diyos, talagang hindi ko ito papayagan! Alam mo ba kung tungkol saan ang Makapangyarihang Diyos? Pinatototohanan nila na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagpapakita para gumawa, ang pagpapakita ni Cristong Tagapagligtas sa mga huling araw na nagpahayag pa sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ng mahigit sa isang milyong salita. Kapag kumalat ito, hindi mailalarawan ang ibubunga nito! Ang Communist Party at si Cristong Tagapagligtas ay mortal na magkaaway. Hindi ba titigil ang CCP sa panunupil at pag-aresto sa mga Kristiyanong 'yon? Alam mo ba? Matagal nang itinakda ng CCP ang mga taong nananalig sa
Kidlat ng Silanganan bilang pinaka-wanted na kriminal sa estado. Sinuman ang sunggaban nila ay walang awang parurusahan. Ni walang sinumang makapagpiyansa para makalaya sila. Hindi biro 'yan! Para sabihin ko sa 'yo ang totoo, para lubos na mapuksa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa mga taon na ito, nagpalabas ng maraming lihim na dokumento ang Central Government, at paulit-ulit na sinupil at tinugis ang Kidlat ng Silanganan. Buong maghapon din kaming nagdaraos ng mga pulong para pag-aralan kung paano supilin at ipagbawal ang Kidlat ng Silanganan. Patungkol naman sa Kidlat ng Silanganan, napakalinaw ng saloobin ng pamunuang sentral, ang, "Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga't walang pagbabawal." Samakatwid, talagang pinagbabawalan kitang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Narinig mo ba?
Zheng Yi: Pa, dahil alam n'yo na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang pagbalik ng Panginoong Jesus at ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw para ipangaral at patotohanan ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Tagapagligtas para sa kaligtasan ng sangkatauhan, siguradong alam n'yo kung gaano kahirap para sa gobyernong CCP na supilin, arestuhin at hatulan ang Kidlat ng Silanganan nang gayon. Napakalaking kasalanan ang kalabanin ang Diyos at kumilos nang masama laban sa Langit. Matapos itong pag-aralan, nalaman ko na natupad na nang lubusan ng Kidlat ng Silanganan ang propesiya ng Panginoong Jesus: "
Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:27). Ang pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ay ang pagpapakita at gawain ng Anak ng tao. Pa, Ma, hindi n'yo pa nababasa ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi n'yo nauunawaan kung tungkol saan ang Kidlat ng Silanganan. Kung gusto n'yong maunawaan ang Kidlat ng Silanganan, kailangan n'yong basahin ang salita ng
Makapangyarihang Diyos para makita kung ito ang katotohanan, ang pagbigkas ng Espiritu ng Diyos na nagsasalita sa sangkatauhan, at ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Napakahalagang pag-aralan ang mga ito. Ngayo'y inilunsad na ng gobyernong CCP ang nakakatakot na pakikidigma ng mga tao laban sa Kidlat ng Silanganan. Ang Kidlat ng Silanganan lamang ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw. Ito ay hindi isang bansa ni isang lahi. Kailangan bang ilunsad ng gobyernong CCP itong pakikidigma ng mga tao laban sa Kidlat ng Silanganan? Ipinahayag pa ng CCP, "Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga't walang pagbabawal." Ang pakikipagdigmaang ito ng CCP sa Diyos ay nakatalagang isumpa at parusahan ng Diyos!
Zheng Rui: Pa, tama ang kapatid ko. Kung gugunitain natin ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa kasaysayan, lahat ng tao, lahi o bansang iyon na kumalaban sa Diyos ay isinumpa at pinuksa ng Diyos. Halimbawa, tatlong libong taon na ang nakararaan, pinatay ang Faraon ng Egipto dahil pinarusahan siya sa pagkalaban sa Diyos. Matapos magpakita ang
Panginoong Jesus para gumawa, winasak ng malaking salot ng Diyos ang Imperyong Romano dahil sa pagkalaban sa Kanya at malupit na pagpapahirap sa Kanyang mga piling tao. Siguradong wawasakin ng malaking kapahamakang pabababain ng Diyos ang CCP dahil sa pagkalaban kay Cristo sa mga huling araw. Pa, maraming taon kayong nag-aral ng relihiyon, siguradong alam n'yo ang mga bagay na ito, 'di ba? Ano ang pakiramdam n'yo sa pagkalaban ng CCP sa Makapangyarihang Diyos?
Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Ang totoo, nakita na namin sa simula pa lang naang Kidlat ng Silanganan ay hindi isang karaniwang relihiyon.Nasaksihan nila ang pagbalik ng Panginoong Jesus, ibig sabihin,personal nang dumating sa mundo si Cristong Tagapagligtas sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan.Kung pinapayagan ng gobyerno na patuloy na mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo para sa Diyos ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,aabutin lang ng ilang taon para tanggapin ng napakaraming tao ang Makapangyarihang Diyos. Alam mo na ang CCP ay isang partidong ateistana galit sa pananalig sa Diyos.Ang digmaan sa pagitan ng CCP at ng mga taong nananalig sa Diyos ay isang digmaang ideolohikal.Mabigat na pakikibaka ito.Paano natulutan ng CCP ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Paano nito natulutan ang pag-iral ng iglesia?Kaya bumuo ng patakaran ang gobyernong CCP para supilin at ipagbawal ang pananalig sa relihiyonsa pamamagitan ng pag-aalis at pagbabawal sa lahat ng relihiyon para mangingibabaw ang ateismo sa China.Ito lang ang paraan para magtuluy-tuloy ang paghahari ng CCP sa China!Kaya, mula nang mapunta rito ang kapangyarihan, palagi nang sinusupil at ipinagbabawal ng CCP ang pananalig sa relihiyon.Sa panahong ito, napakaraming Kristiyanong naaresto at nabilanggo,kaya maraming pamilyang Kristiyano ang nawasak. Ang ilang Kristiyano ay namatay pa sa bilangguan.Alam naming totoo ito.Bakit parami nang parami ang mga taong nananalig sa Diyos?Ang pangunahing dahilan ay napakabilis ng pagkalat ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.Maraming tao mula sa iba't ibang grupo ang tumanggap sa Makapangyarihang Diyos dahil nabasa nila ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.Napakabisa ng aklat na ito!Kumakalat ito ngayon at lumalawak sa mundo.Naging sakit ng ulo ito sa pamunuang sentral.Hindi makakatulog ang gitnang pamunuan hangga't hindi naipagbabawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.Xiaoyi, Xiaorui, unawain n'yo ito,kung may tapang ang CCP na tawaging kulto ang mga relihiyong orthodox tulad ng Kristiyanismo at Katolisismo,paano ito magiging maluwag sa Kidlat ng Silanganan? Nitong mga huling taon, tinawag ding kulto ng Central Government ang Kidlat ng Silangananat naging puntirya ng pag-atake at pagbabawal. Kapag nananalig kayo sa Kidlat ng Silanganan, hindi n'yo ba inihaharang ang dibdib n'yo sa dulo ng baril?Katalinuhan ba 'yan o katangahan?
Mu Xinping(asawa ni Zheng Weiguo): Xiaoyi, Xiaorui, narinig kong sinabi ito ng tatay n'yo noong araw.Ngayong ginagawa ng CCP ang lahat para supilin at ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,at pinakikilos din ang media para makakuha ng maraming opinyon ng publiko sa buong pagsisikap na tuligsain ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.May ilang Three-Self Church pa na ipinagbawal at ang iba pang mga iglesia ay giniba.Mukhang determinado ang CCP na alisin ang lahat ng pananalig sa relihiyon!Narinig ko ring sinabi ng tatay n'yo na maraming mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos ang naaresto.Layon ng CCP na ipapatay ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos.Kung nananalig kayo sa Makapangyarihang Diyos, aarestuhin kayo sa malao't madali.Hindi lang n'yo sinisira ang kinabukasan n'yo, baka manganib pa ang buhay n'yo! Xiaoyi, Xiaorui, sa bagay na ito kailangan n'yong makinig sa tatay n'yo.Hindi kayo maaaring manalig sa Makapangyarihang Diyos! Okey?
Zheng Rui(Isang Kristiyano): Ma, Pa, alam nating lahat na mula nang mamuno ang CCP, sinimulan na nitong usigin ang mga pananalig sa relihiyonsa pamamagitan ng walang-habas na panunupil sa Kristiyanismo at Katolisismo, at pag-aresto at pagpatay sa maraming Kristiyano. Sa loob ng napakaraming taon,tumitindi ang panunupil ng CCPsa mga pananalig sa relihiyon. Matagal na silang isinumpa ng Diyos.Tingnan n'yo ang walang-humpay na mga kalamidad at kamalasan sa China.Ang pagkalaban ng CCP sa Diyos at mga kilos nila laban sa Langit ang naghatid ng napakaraming kalamidad sa mga tao sa China.Nang mamuno ang CCP, pineste na ang China ng napakaraming kalamidad at kamalasan.Bakit hindi pinag-iisipan ng CCP ang sarili nila? Kapag may mga kalamidad, nagpahayag pa nga ng pagsisisi sa publiko ang sinaunang mga emperador! Di-gaanong maunlad ang CCP kumpara sa mga sinaunang emperador! Hindi nito isinaalang-alang ang kalooban ng Langit at ng mga tao. Bastos pa nga nitong tinawag na kulto ang Kristiyanismo at Katolisismo. Ang pinaka-nakasusuklam ay itinuring pa ng CCP na aklat ng kulto ang Banal na Biblia. Bakit itinuturing ng CCP na masama ang Diyos, ang salita at ang gawain ng Diyos? Ipinapakita lang nito na napakasama ng CCP!
Zheng Yi(Isang Kristiyano): Tama 'yan! Pa, Ma,Matagal ko nang narinig na ang nagtatag ng Communist Party ay ang Satanistang si Karl Marx.Satanismo ang pinakamasamang kulto. Bakit napakasama ng CCP? Direkta ang kaugnayan nito sa pananalig at pagsamba ng mga komunista kay Marx.Ang CCP ay isang grupo ng mga demonyong ateista na hayagang lumalaban sa Diyos! Ano ang batayan nito sa paghatol sa relihiyong orthodox? Ano ang batayan nito sa pagtawag sa Banal na Biblia na aklat ng kulto? Ano ang batayan nito sa pagtawag na kulto sa Kidlat ng Silanganan? Batay ba ito sa ateismo ng Marxist-Leninist at sa Communist Manifesto? Bakit galit na galit na tinutuligsa ng CCP ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Bakit ito naglulunsad ng napakatindingpalakad na hanapin-at-arestuhin laban kay Cristo sa mga huling araw at sa Kanyang mga alagad?Bakit pa rin ito nangangampanya sa media para maglabas ng mga tsismis, paninirang-puri at paghatol sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Nagpapakamatay ba ito? Hinuhukay nila ang sarili nilang libingan sa pagkabalan sa Diyos. Nakasaad sa Biblia na totoo ito. Nang marinig ni Haring Herodes ang tungkol sa pagsilang ng Hari ng Israel sa Betlehem,iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa bayan na wala pang dalawang taon.Hindi niya papayagan kailanman na maghari si Cristo sa lupa. Kaya pala walang-awang sinusupil at ipinagbabawal ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pinaghahanap si Cristo at nililipol ang lahat ng Kanyang alagaday dahil takot na takot din ito na si Cristo ang maghari sa lupa,takot na takot na tanggapin ng sangkatauhan ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Pa, wala ba talagang ideya ang Communist Party na ang gawain ng pagpapakita ni Cristo ay ang gawain ng Espiritu ng Diyosat ang pagdating ng Lumikha sa mundo para iligtas ang sangkatauhan? Alam ba ng CCP kung ano ang kinakalaban nila? Pakiramdam ba nila hindi pa sapat ang laki ng mga kalamidad sa China?Hindi ba inilalagay ng CCP sa panganib ang bansa at ang mga mamamayan nito sa pagkalaban nila sa Diyos nang ganito?
Zheng Weiguo: Xiaoyi, bakit tinatawag na kulto ng CCP ang Kristiyanismo? Bakit tinatawag ng CCP na aklat ng kulto ang Biblia? Dapat mong malinawan 'yan.Nangangaral at nagpapatotoo ang Biblia tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos.Sa loob ng libu-libong taon,dahil sa mga impluwensya ng Biblia, dumami nang dumami ang mga taong nananalig sa Diyos.Basta't nariyan ang Kristiyanismo at ang Biblia,tiyak na hindi makakapanaig ang ateismong Marxist-Leninist at ebolusyonismo.Kaya nga ang tingin ng CCP sa Kristiyanismo ay mga puwersa ng kaaway.Natural na tatawagin nitong aklat ng kulto ang Biblia.Ang patotoo, lalo na, ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesusang higit na kinatatakutan ng CCP.Ang CCP at si Cristong Tagapagligtas ay mortal na magkaaway. Hindi ba nito magagawa ang lahat para supilin ang mga pananalig sa relihiyon at ipagbawal ang mga bahay-iglesia? Ang madalas na mga pulong ng Central Committee at pagpapalabas ng lihim na mga dokumentoay nagpapatunay na ang mabilis na pag-unlad ng mga pananalig sa relihiyon ay nagdala ng krisis ng pamamahala sa Communist Party. Inulit-ulit ng Central Committee lalo nana ang mga miyembro ng CCP at ang mga opisyal ng estado ay talagang pinagbawalang manalig saDiyos.Huwag n'yong kalimutan ang edukasyon ng CCP:Ang mga anak ng mga miyembro ng CCP ay kailangang manalig sa Marxism-Leninism at sa Ideya ni Mao Tse-tung. Ipinagbabawal talaga ang pananalig sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay kataksilan sa CCP! Kailangang sundin ng mga anak ng mga miyembro ng CCP ang Party, sundan ang Party at laging makibilang sa CCP! Alam mo ba?Simula nang ipangaral at patotohanan ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ayon sa ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, naging lubos na alerto ang CCP, sa takot na kumalat ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao sa buong mundo. Kaya ginawa ng gobyerno ang lahat para supilin at arestuhin ang Kidlat ng Silanganan,na nakatuon sa lubos na pagbabawal sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano man ang sabihin n'yo, ang CCP na ngayon ang may kapangyarihan. Hangga't may Communist Party, hind kayo maaaring manalig sa Diyos. Ang totoo, hindi ako sang-ayon sa pagpapahirap ng CCP sa mga pananalig sa relihiyon,pero wala akong magagawa. Miyembro ako ng Communist Party na ang kabuhayan ay nagmumula sa CCP. Kailangan kong sundin ang Party. Kung hindi ako opisyal ng CCP, ano ang ikabubuhay ng pamilya natin? Hindi ba lahat ng tinatamasa natin ngayon ay nagmumula sa CCP? Huwag n'yong kalilimutan 'yan.
Zheng Yi(Isang Kristiyano): Pa, sa sinabi n'yo ngayon,parang nauunawaan n'yo ang lahat ng ginagawa ng CCP. Pero naniniwala ba kayo sa parusa? Kung susundan n'yo ang halimbawa ng CCP sa paggawa ng kasamaan at ipapahamak n'yo ang mga nananalig sa Diyos, nagkakasala kayo nang malakina siguradong tatanggap ng mga parusa. Pa, ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen laban sa Diyos. Hindi nito kinilala kailanman na mayroong Diyos. Ano ang mga katangian nito para magdesisyon kung aling iglesia ang tunay na daan o isang kulto? Lahat ng bagay sa langit at lupa pati na ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos. Ang Diyos ang Lumikha. Ang Lumikha lamang ng buong sanlibutan ang may pinakamataas na awtoridad. Ang Diyos lamang ang
katotohanan, at ang Kanyang pagpapakita at gawain ang tunay na daan. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pagpapakita ni Cristong Tagapagligtas sa mga huling arawna pumarito para ipahayag ang katotohanan para sa paghatol at kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi lamang ayaw kilalanin at tanggapin ng CCP ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, kinakalaban at tinutuligsa pa nito ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ba napakasama at konserbatibo ng kilos na ito? Kinalaban na ng CCP ang Diyos at napakaraming beses na silang nagkasala. Ito ay isang makademonyong rehimen na higit na namumuhi sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Ano pala ang isang kulto? Dapat ipaliwanag na anumang partido o grupong pulitikal na kumakalaban at kumikilos laban sa Diyos ay isang kulto.Anumang organisasyon ng masasamang espiritu at demonyo na nililinlang at ginagawang tiwali ang sangkatauhan ay isang kulto.Anumang partido o organisasyong sumusuporta sa materyalismo, ebolusyonismoat mga kamalian laban sa katotohanang ipinahayag ng Diyos ay isang kulto.Pa, dapat mo palang linawin kung alin ang kulto.Ang mga ideolohikal na teorya ng CCP ay mga kamalian ng isang kulto.Lahat ng ginagawa ng CCP ay kumakalaban at labis na konserbatibo laban sa Diyos. Ang CCP ang talagang masama at kulto!
Zheng Rui(Isang Kristiyano): Pa, Ma, dumating na sa mundo ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling arawpara ipahayag ang katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan.Katulad ito ng tunay na liwanag sa langit na tumatanglaw sa madilim na mundopara ipakita sa tao na ang liwanag at katuwiran ay bumaba na sa lupa. Bakit galit na galit na kinakalaban at tinutuligsa ng CCPang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw? Bakit nito ginawa ang lahat para puksain si Cristo at ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Kabuktutan ito talaga laban sa Langit at ayaw nila ng pagbabago! Bakit kaya kapag mas positibo at mas makatotohanan ang isang bagay, mas tutugisin at tutuligsain ito ng CCP, at hindi titigil ang CCP hangga't hindi ito lubos na naipagbabawal? Hindi ba lubhang nakakatakot ang CCP! Hindi ba tunay na masama at isang kulto ang CCP? Pa, Ma, sinusunod ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Cristo at pinatototohanan ang Kanyang pagpapakita at gawainat ipinapangaral ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Lubos na makatarungan ang kanilang mga kilos. Baliw na kinakalaban ng CCP ang Diyos, at napakalupit na inaaresto at pinahihirapan ang mga sumusunod at nagpapatotoo kay Cristo, paano ito hindi isusumpa ng Diyos? Paano ito hindi maghahatid ng walang-katapusang mga panganib sa mga tao sa China? Lahat ng malaking kapahamakang nangyari sa China ay may tuwirang kaugnayan sa pagkalaban ng CCP sa Diyos. Pa, Ma, matatanggap ba n'yo ang sinasabi namin?
Zheng Weiguo: Inaamin ko na sa mga taon na nasa kapangyarihan ang Communist Party, hindi lang iilan ang nagawa nitong kasamaan. Ngayong hindi na tagapagligtas ang Communist Party sa puso ng mga karaniwang tao.Ni hindi ito ang pulang araw o mahal na ama at ina.Napakalinaw nito sa puso ko. Ano't anuman, ang CCP pa rin ang may kapangyarihan sa China.Partidong rebolusyonaryo ang may kakayahang gawin ang anuman kung kailangan.Kung nananalig kayo sa Makapangyarihang Diyos, maaari kayong arestuhin anumang oras o manganib pang mamatay. Samakatwid, hindi ko kayo papayagan kailanman na manalig sa Makapangyarihang Diyos para na rin sa inyong kapakanan. May kasabihan nga na, "Ang isang matalinong tao ay umaakma sa sitwasyon." Hindi mo maaaring iharang ang dibdib mo sa dulo ng baril. Nauunawaan n'yo ba ang ibig kong sabihin? Nilinaw ko ito sa inyo ngayon. Pinahihintulutan lamang ng edukasyong komunista ang mga pananalig sa Marxism-Leninism at ang Ideya ni Mao Tse-tung. Bawal na bawal ang manalig sa Diyos! Ang mga anak ng mga miyembro ng Communist Party ay maaari lamang makinig sa Party at sumama sa Party. Hindi nila maaaring tanggapin, sundin at patotohanan si Cristo kailanman! Ang mga anak ng mga miyembro ng Communist Party ay kailangang manalig palagi sa Communist Party sa maraming henerasyon!
mula sa script ng pelikulang Red Re-Education sa Bahay