Nung alas-siyete ng umaga, nagmamadali si Wang Xue papunta sa bahay ng anak niyang si Hui Min. Kalahating oras bago ‘yon, pumunta si Pastor Zhang sa bahay ni Wang Xue para sabihing tinanggap na ng anak at manugang niya ang Kidlat ng Silanganan. Ikinagulat ‘yon ni Wang Xue, at naisip niya: “Pinatototohanan ng mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jeses at ihinahayag Niya ang Kanyang mga salita at nagsasagawa ng isang yugto ng gawain para hatulan at dalisayin ang tao. Pero malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus ang “
Naganap na” noong nasa krus siya, at pinapakita no’n na natapos na ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Papa’no mangyayaring babalik ang Panginoon para gawin ang isang bagong yugto ng gawain? Pamilyar ang anak ko at ang asawa niya sa Biblia, at masigasig sila sa paghahanap ng
katotohanan; mapag-isip at matalas ang pang-unawa nila, kaya hindi nila ginawa ang desisyong ito nang gano’n lang. Pa’no nila nagawang tanggapin ang Kidlat ng Silanganan? Ano ba’ng nangyayari?” Labis na nalito si Wang Xue at gusto niyang maintindihan ang mga dahilan sa likod nito sa lalong madaling panahon, kaya nagmadali siya papunta sa bahay ni Hui Min.
Matapos ang tatlumpung minuto, dumating si Wang Xue sa bahay ng kanyang anak. Pagkapasok niya sa loob, hindi na siya nagpaliguy-ligoy, at sinabi niya sa anak niya, “Pinuntahan ako ni Pastor Zhang kaninang madaling-araw at sinabi niyang tinanggap niyo nang dalawa ang Kidlat ng Silanganan. Totoo ba ‘yon?”
Si Li Jun, na nagbabasa sa kwarto, narinig ang kanyang biyenan at lumabas. Nakita ni Hui Min na seryoso ang itsura ng mukhang ng kanyang ina, kaya hinawakan niya ang kamay nito at naupo sila. Nakangiti niyang sinabing, “Opo, mama, tinanggap namin ang Kidlat ng Silanganan. Nitong nakaraan, binasa namin ni Li Jun ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita naming inilalantad ng mga salita ng Makapangyarihang DIyos ang lahat ng mga katotohanan at misteryo ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, gaya ng misteryo ng anim-na-libong-taong planong pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, pa’no ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang tao sa mga huling araw, at ang huli at pang-wakas na destinasyon ng sangkatauhan, at iba pa. Kapag binabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lalo naming nararamdamang ang mga salitang ‘yon ang katotohanan, na may kapangyarihan ‘yon at awtoridad at ‘yon ang tinig ng Diyos! Mama, ang Panginoong Jesus na kinasabikan natin nang napakatagal ay talagang nagbalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Bakit hindi niyo rin ‘yon siyasatin?”
Pinakinggan ni Wang Xue ang kanyang anak at lumambot ng kaunti ang pananalita niya. Sabi niya, “Hui Min, matamlay ngayon ang iglesia natin, kaya kung maghahanap ka ng iglesia na may gawain ng Banal na Ispiritu, hindi kita pipigilin. Pero pinapangaral ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoon at nagsasagawa ng yugto ng gawain para humatol at dumalisay sa tao. Pa’no magiging posible ‘yon? Nung nasa krus Siya, napakalinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na “
Naganap na”. Pinapakita no’n na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at hangga’t nangungumpisal at nagsisisi tayo sa Panginoon, maaaring patawarin ang mga kasalanan natin, at pagbalik ng Panginoon, iaakyat niya tayo agad sa kaharian sa langit. Hindi na siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Lagi ‘yong pinapangaral ng mga pastor at elder, kaya pa’no mo ‘yon nakalimutan? Papa’no mo nagawang tanggapin ang landas ng Kidlat ng Silanganan?”
Ngumiti si Li Jun at sinabing, “Mama, lagi nating sinusunod ang mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon, at naniwala tayong ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus sa sinabi Niyang “
Naganap na” nung nasa krus Siya ay tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, at sa muling pagbabalik ng Panginoon iaakyat Niya tayo agad sa kaharian ng langit at hindi na Siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Pero naaayon ba ang pananaw na ito sa orihinal na kahulugan ng mga salita ng Panginoon? Naaayon ba ito sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos? Noong nasa krus ang Panginoong Jesus, ang dalawang salitang ito lang ang sinabi Niya, “
Naganap na”. Hindi Niya sinabi na ganap nang tapos ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, pero sinusunod ng mga pastor at elder ang mga salitang ito na sinabi ng Panginoong Jesus para pagpasyahang tapos na ang gawain ng Diyos, at pagbalik ng Panginoon hindi na Siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Sa pagsasabi nito, hindi ba isa lang ‘yong pansariling pahayag? Hindi ba binibigyang kahulugan lang nila ang mga salita ng Panginoon base sa kung ano mismo ang gusto nila? Kung ang sinabi ng Panginoong Jesus na “Naganap na” ay nangangahulugang tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, kung gano’n pa’no maisasagawa ng Panginoong Jesus ang gawaing tutupad sa Kanyang propesiya, na sa pagbabalik Niya ay ihihiwalay Niya ang mga kambing sa tupa, ang trigo sa damo, at ang mabubuting lingkod sa masasamang lingkod? Iprinopesiya rin ng Panginoong Jesus: ‘
Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13). ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:48). At nakatala sa 1 Pedro 4:17, ‘
Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.’ Malinaw na sinasabi sa ‘tin ng mga salitang ito na pagbalik ng Panginoon, ihahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Kung susundin natin ang pagkaunawa ng mga pastor at elder, na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘
Naganap na’ ay nangangahulugang nakumpleto na ang gawain Niya na iligtas ang sangkatauhan at hindi Niya na kailangang gumawa ng karagdagang gawain, kung gano’n pa’no matutupad ang mga propesiyang ito? Hindi ba mauuwi lang sa wala ang propesiya ng Panginoon na babalik Siya para ihayag ang katotohanan at isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol? Kung titingnan ito sa ganitong paraan, hindi ba parang kinokontra ng interpretasyon ng relihiyosong mundo ang mga salita ng Panginoon at kinokontra ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw? Samakatuwid, hindi natin matitiyak na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan base sa sinabi ng Panginoong Jesus na ‘
Naganap na’ noong Siya ay nasa krus; imahinasyon natin ito at hindi ito ayon sa ibig sabihin ng Panginoon. Kung lilimitahan natin ang gawain ng Diyos ayon sa sarili nating mga kagustuhan, kung gano’n maaari nating labanan ang Diyos!”
Pinagnilayan ni Wang Xue ang mga bersikulong sinabi ni Li Jun, at malalim siyang nag-isip: “Oo nga! Sa loob ng maraming taon, yung sinabi lang ng mga pastor at elder ang pinakinggan ko, naniwalang ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nung sinabi Niya ang ‘
Naganap na’ sa krus ay nakumpleto na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at hindi na Siya uli gagawa ng ano mang bagong gawain. Pero ang mga propesiya ng Panginoon na binanggit ng anak at manugang ko ay talaga ngang nagsasabi na pagbalik ng Panginoon, ihahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Kaya ano ba ang eksaktong ibig sabihin ng Panginoon nang sinabi niya sa krus ang ‘
Naganap na’?” Habang iniisip ang mga ito, sinabi sa kanila ni Wang Xue ang kanyang pagkalito.
Nang makita nilang hinahanap na ni Wang Xue ang katotohanan, masayang ngumiti sina Hui Min at Li Jun, at matiyagang sinabi ni Hui Min, “Mama, nang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘
Naganap na’, sinasabi Niya talaga ro’n na tapos na ang Kanyang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Hangga’t tinatanggap natin ang gawain ng Panginoong Jesus at nangungumpisal at nagsisisi sa Panginoon, mapapatawad ang mga kasalanan, at karapat-dapat tayong manalangin sa Panginoon at magtamasa ng saganang biyaya at katotohanang ipinagkakaloob ng Panginoon sa atin—ito ang resultang nakamit ng Panginoong Jesus sa pagsasagawa ng gawain ng pagtubos. Pero hindi natapos ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan dahil sa natapos ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Magkasama nating basahin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at matapos natin ‘yong basahin, magkakaro’n tayo ng mas mabuting pag-unawa.” Matapos ‘yon, kinuha ni Hui Min sa kwarto niya ang aklat na pinamagatang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Pagbukas niya no’n, binasa niyang: “
Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang buong sangkatauhan, at tinulutan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natupad. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natupad. Natubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi Niya nalupig ang sangkatauhan, lalo pa ang mabago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, ‘Bagaman dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Si Jesus ang sinisinta Kong Anak at ipinako sa krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na tinapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang isang bahagi nito’” (“Gawain at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “
Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Matapos siyang magbasa, nagbahagi si Hui Min, sinabi niyang, “Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang gawain ng pagtubos na sinagawa ng Panginoong Jesus ay kumumpleto lang sa kalahati ng gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Kahit pinatawad na ang mga kasalanan natin matapos sumailalim sa pagtubos ng Panginoong Jesus, hindi na tayo gumawa ng mga kasalanan at nagkaro’n tayo ng ilang mabuting panlabas na ugali, hindi pa rin natin lubos na tinanggal ang gapos ng kasalanan; pinangingibabawan tayo ng ng masasamang disposisyon gaya ng pagiging mayabang at mapagmataas, makasarili at hindi karapat-dapat igalang, baluktot at mapanlinlang, at palagi tayong nagsisinungaling at nangdadaya ng iba para protektahan ang sarili nating mga interes at reputasyon. Pag nakakakita tayo ng mas magaling sa atin, naiinggit tayo at ayaw natin silang pakinggan; pag may nagbabanta sa ating mga interes kinamumuhian natin sila, hanggang sa puntong gusto nating maglapat ng kaparusahan sa kanila; sinusunod din natin ang masasamang kalakaran ng mundo, kumakapit tayo sa kayamanan, nagnanasa ng kayabangan at sinasamba natin ang kayamanan at katanyagan; pag may nangyayari sa ‘ting mga natural na sakuna at kalamidad na gawa ng tao, o pag may nangyayaring hindi maganda, hindi natin maunawaan ang Diyos at sinisisi natin Siya, at hinahatulan at sinusumpa pa natin ang gawain ng Diyos base sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon, at iba pa. Ang pagkilos sa ganitong paraan ay sapat na para patunayang ang mga kasalanan lang natin ang pinatawad sa paniniwala natin sa Panginoon, pero ang sataniko nating kalikasan at masasamang disposisyon ay nananatiling nakaugat nang malalim. Ang mga ito ang dahilan ng pagkakasala natin at paglaban sa Diiyos. Kung hindi natin reresolbahin ang makasalanan nating kalikasan, hindi natin makokontrol ang mga sarili natin sa pagkakasala at paglaban sa Diyos, o sa pagtataksil natin sa Diyos at pagsalungat sa Diyos. Malinaw na sinasabi ng mga
salita ng Diyos sa Biblia: ‘
Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal’ (Levitico 11:45). Bukod do’n, sinasabi sa kapitulo 12, bersikulo 14 sa Mga Hebreo ‘ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon.’ Banal ang Diyos, at hindi hinahayaan ng kaharian ng langit na may makapasok na maruming tao. Kaya pa’no tayong mga palaging nagkakasala at lumalaban sa Diyos ay magiging karapat-dapat na makakita sa mukha ng Diyos? Pa’no tayo magiging karapat-dapat na akayin ng Diyos sa kaharian ng langit? Samakatuwid, kailangan pa rin natin ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw para isagawa ang isang yugto ng bagong gawain at lutasin ang problema ng ugat ng ating mga kasalanan. Sa ganitong paraan lang natin maitatapon ang sataniko at masasama nating disposisyon at makuha ang pagdadalisay at kaligtasan ng Diyos. Ito rin ang katuparan ng propesiya sa Biblia na nagsasabing, ‘Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon’ (1 Pedro 1:5).”
Pagkasalita niya, nilipat ni Hui Min ang pahina ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at sinabi kay Wang Xue, “Mama, mas maiintindihan natin kapag binasa natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos: “
Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “
Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Matapos makinig sa kanyang anak, walang malay na tumango si Wang Xue at inisip sa sarili niya: “May awtoridad ang mga salitang ito! Lumalabas na ang Panginoong Jesus ay gumawa lang ng gawain ng pagtubos, at kahit pinatawad na ang mga kasalanan namin, hindi pa rin nalilinis ang makasalanan naming kalikasan, kaya hindi nakapagtatakang buong araw kaming nabubuhay sa kasalanan. Kahit gusto naming alisin ang mga gapos ng kasalanan, hindi namin ‘yon magagawa kahit gaano man kami magdasal o magtangkang magpigil ng sarili. Kung gusto naming alisin ang mga gapos ng kasalanan, kung gayon talagang kailangan namin ang Diyos para magsagawa ng panibagong yugto ng gawain!”
Tumayo si Li Jun at binigyan ng tubig si Wang Xue, sabi niya, “Mama, malinaw na pinapaliwanag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos kung bakit magsasagawa ang Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw at ang mga resultang nakamit ng Kanyang gawain. Sa pamamagitan ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang mga kasalanan lang natin ang pinatawad, pero malalim pa ring nakaugat sa ‘tin ang ating satanikong kalikasan at hindi pa tayo karapat-dapat na magmana sa mga biyaya ng Diyos. Samakatuwid, ayon sa mga pangangailangan natin bilang isang masamang sangkatauhan, magsasagawa ang Diyos sa mga huling araw ng yugto ng gawain sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, kung saan gumagamit ang Diyos ng mga salita para hatulan at dalisayin ang tao, para malutas ang makasalanang kalikasan natin at para lubos tayong maligtas sa kasalanan. Tanging sa pagtanggap lang sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw natin malinaw na makikita ang katotohanan tungkol sa pagpapasama sa ‘tin ni Satanas, malaman ang ating satanikong kalikasang lumalaban sa Diyos, maranasan ang matuwid at hindi malalabag na disposisyon ng Diyos at bumuo ng isang pusong may takot sa Diyos. Maaari tayong magpatirapa sa harap ng Diyos, kamuhian ang ating sarili at pumayag na talikuran ang ating laman at isabuhay ang katotohanan. Sa ganitong paraan, unti-unti nating matatanggal ang mga gapos ng ating mga satanikong disposisyon, malinis at mabago, magkamit ng kaligtasan at pagperpekto, at maging mga taong tunay na sumusunod at nagmamahal sa Diyos. Sa gano’n lang lubusang matatapos ang planong pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ito ang tumutupad sa mga salita sa Pahayag na nagsasabing: ‘
At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at tunay. At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay’ (Pahayag 21:5–6).”
Nagulat si Wang Xue sa pagbabahagi nina Li Jun at Hui Min at bago ‘yon sa pandinig niya. Naisip niya: “Naaayon sa Biblia at sa mga salita ng Panginoon ang ibinabahagi nila, at malinaw na malinaw ‘yon para sa ‘kin. Lumalabas na talagang kailangan namin ang pagbabalik ng Panginoon para ipahayag ang katotohanan at isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, at ginawa ‘yon para iligtas kami sa kasalanan, para makamit namin ang kaligtasan ng Diyos at maperpekto, at maging mga taong tunay na nagmamahal at sumusunod sa Diyos …”
Nakita ni Hui Min na nakayuko ang kanyang ina at hindi ‘yon umiimik, at dahan-dahan niyang inalog ang braso nito at tinanong, “Ano’ng iniisip mo, mama?”
Kinalmahan ni Wang Xue ang anyo ng mukha niya, inangat ang ulo at tumingin kina Li Jun at Hui Min, at nakangiting sinabi, “Tingnan mo nga naman! Hindi pa nagtatagal mula nang tanggapin niyo ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw pero napakaraming katotohanan na ang naiintindihan niyo. Sa pakikinig ko sa pagbabahagi niyo ngayon, may kaunti rin akong naintindihan. Ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain para tubusin ang sangkatauhan, na isang bahagi ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Sa pagtanggap sa gawain ng Panginoong Jesus, ang mga kasalanan lang natin ang patatawarin, pero hindi pa rin malulutas ang makasalanang kalikasan natin, at hindi pa rin natin makokontrol ang ating sarili sa paggawa ng kasalanan at paglaban sa Diyos. Hindi tayo karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o akayin ng Panginoon sa kaharian ng langit. Kung gusto nating alisin ang mga gapos ng kasalanan, kailangan pa rin natin ang muling pagbabalik ng Diyos para magsagawa ng isa pang yugto ng gawain, ang paghatol at pagdadalisay!”
Natuwa sina Hui Min at Li Jun nang marinig nilang sabihin ‘yon ni Wang Xue, at patuloy nilang pinasalamatan ang Diyos!
Nang makita niya ang kaligayahan ng anak at manugang niya, buong pagsisising sinabi ni Wang Xue: “Ah, pinakinggan ko ang mga pastor at elder sa loob ng maraming taon, naniwalang ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nang sabihin niya sa krus ang ‘
Naganap na’ ay nakumpleto na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at buong-puso akong umaasam na bumalik ang Panginoon at iakyat ako sa kaharian ng langit. Sa huli, narinig kong nagpapatotoo
ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoon, pero hindi ko hinanap o siniyasat ‘yon, at sa halip kumapit ako sa sarili kong mga pagkaintindi at imahinasyon, sinubukang payuhan kayong manatili sa daan ng Panginoon, halos nakagawa ng isang malaking pagkakamali at halos napalagpas ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Tila sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salita ng Diyos at paglapit sa gawain ng Diyos batay sa sariling mga pagkaintindi at imahinasyon, doon magagawa ng tao na kalabanin ang Diyos ano mang sandali at masisira ang pagkakataon niyang makamit ang pagliligtas ng Diyos! Naiintindihan ko na ngayon na kung gusto nating madalisay nang lubusan at makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw! Pero hindi pa gano’n kalinaw sa akin kung paanong dadalisayin at babaguhin ang mga tao ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kaya gusto kong ituloy ang paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at magbasa pa ng Kanyang mga salita!”
“Salamat sa Diyos! Nagkataong magsasagawa kami ng pagtitipon bukas kasama ang mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya bakit hindi kayo sumama sa ‘min at pakinggan ang pagbabahagi nila?” sabi ni Hui Min.
“Sige.”
“Salamat sa Diyos!”
Maliwanag at maganda ang sikat ng araw sa labas, at paminsan-minsan, lumalabas sa bintana ang masayang tunog ng sama-samang pag-uusap ng pamilya ni Wang Xue …