Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

02 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Li Jing, Beijing
Agosto 7, 2012
Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya. Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …
Nang sumunod na araw, bumisita ako sa isang kapatid na babae. Ang kaniyang bahay ay nasa dalampasigan ng ilog, na may malaking kalsada sa harapan at ilog sa likuran. Ang bahay niya ay nasa gitna mismo ng nagsangang bahagi ng tubig-baha. Nang dumating ang baha, ang kapatid na ito’y nanalangin sa Diyos, at nagtiwala sa Kanya. Tinangay ng tubig ang mga kahanay niyang bahay at tanging bahay lamang niya at ng isa pa ang natira habang siya’y mahimbing na natutulog. Talagang nakita ko na kapag ang isang tao ay may pag-iingat ng Diyos, siya’y di mangangamba sa kanyang puso.
Dumating ang isang kapatid na babae upang hanapin ang deakonong namamahala sa mga pangkalahatang bagay at ako, at naparoon kami upang tingnan namin ang bahay dala ang mga tulong ng iglesia. Sapagkat tinangay ng tubig ang tulay at daan, makapupunta lamang kami doon sa pamamagitan ng mahabang ruta. Habang nasa daan, kung titingnan ang sinalantang pamayanan, na sinamahan pa ng pagguho ng lupa at putik na may bato, ito ay lubhang kalunus-lunos; saan ka man tumingin ay pagkawasak ang sasalubong sa iyong mga mata. Nagpatuloy kami sa paglalakad at tumitingin-tingin sa paligid, at nakita namin ang dako kung saan ang mga bahay ng mga kapatid ay natangay, at ang iba ay nanatili. Iyong mga nanatili ay iyong sa mga kapatid na nanatili sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Ipinakita nito sa akin na kapag ang tao ay nanalig sa Diyos, kung hahanapin nila ang katotohanan at tuparin ang kanilang mga tungkulin ay makakamtan nila ang pag-iingat ng Diyos, at makaliligtas sila sa gitna ng kasakunaan. Sa isang pamayanan, may dalawang bahay lamang na natira, iyong sa matandang kapatid, at isa pa. Habang dumadaluyong ang baha, nakita ng matandang kapatid na gigibain ng baha ang kanyang bahay, kaya mula sa ituktok ng bundok ay dalawang ulit siyang sumigaw nang malakas, “Diyos! Ang aking mga aklat ng salita ng Diyos ay nasa loob!” Saka niya nakita buong hiwagang iniwan ng tubig-baha ang kanyang bahay at ang mga aklat ng salita ng Diyos ay naingatan. May isang kapatid na babae na ang kanyang bahay ay dakong pulungan, na laging masiglang tinutupad ang kanyang tungkulin. Bagamat siya’y naanod ng baha, hindi siya nasaktan man lamang. Ang baha ay tinangay ang kanyang anak, subalit ito’y nasagip ng isang di-mananampalataya at sa gayo’y hindi rin naanod. Isang matandang kapatid na babae ang nakakita na ang tubig ay nasa pintuan na at inanod na ang halamanang nasa di kalayuan. Kaya nanalangin siya sa Diyos, at ang tubig na nakasira sa prinsa na nanatiling nakatayo nang maraming taon, ay inilihis at naiwan ang kanyang bahay na ligtas. May dalawang kapatid na babae na hindi naghanap, at ang baha ay iniwan ang kanilang mga bahay, ngunit inanod ang patyo. Isang kapatid na babae ang hindi makatupad sa kanyang tungkulin sa pagho-host, sinabi niyang kailangan ng pamilya niyang ayusin ang bahay, kaya itinaboy niya ang mga kapatid; ang lahat ng kanyang mga aklat ng salita ng Diyos ay tinangay ng baha. May isa pang kapatid na babae, na bagamat tumupad ng kanyang tungkulin, ay nagsabi na “sa aking puso ay hindi ako sang-ayon.” Sa panahon ng kasakunaan siya ay tinangay ng tubig at natabunan ng putik na may bato, at ang kanyang sikmura ay nabutas ng isang bato. Siya’y tumawag nang paulit-ulit sa Diyos, at ang tubig ay tinangay siya sa isang malaking puno, siya’y napasangat at naligtas ang kanyang buhay. Ang kanyang sugat ay naimpeksyon at kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. May isa ring kapatid na lalaki na kumikilos ayon sa kanyang gusto; sa tuwing may kailangan gawin sa kanyang bahay, hindi siya tumutupad ng kanyang tungkulin. Sa panahon ng kasakunaan, nagdanas siya ng pinakamatinding hirap; ang baha ay inanod ang dalawa niyang bahay, na iniwan lamang sa kanya ang dalawang di-matitirhang silid. Sa mga aklat ng salita ng Diyos, wala ni isa mang natira. Naunawaan din ng kapatid na lalaki na ito’y pag-ibig ng Diyos at hindi nanisi.
Ang himno ng mga salita ng Diyos "Ang Diyos ang Tanging Saligan ng Pag-iral ng Tao ” ay umaawit ng: “Kapag nilalamon nang buo ng tubig ang mga tao, inililigtas Ko sila mula sa hindi-umaagos na tubig at binibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay. Kapag ang mga tao ay nawawalan ng ganang mabuhay, hinihila ko sila mula sa bingit ng kamatayan, pinagkakalooban sila ng lakas-ng-loob upang mabuhay, upang gawin nila Akong pundasyon ng kanilang pag-iral. Kapag sinuway Ako ng mga tao, sinasanhi Ko na makilala nila Ako sa kanilang pagsuway. Sa liwanag ng lumang kalikasan ng sangkatauhan at sa liwanag ng Aking kahabagan, sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan hangga’t sila ay may natitirang isang hininga, na pumipigil sa kanila mula sa pagkahulog sa bitag ng mga panlilinlang ni Satanas. Ilang beses nang nakita ng mga tao ang Aking mga kamay; ilang beses na nilang nakita ang Aking mabait na itsura, nakita ang Aking nakangiting mukha; at ilang beses na nilang nakita ang Aking kamahalan, nakita ang Aking poot. Kahit ang sangkatauhan ay hindi kailanman Ako nakilala, hindi ko sinasamantala ang kanilang kahinaan para gumawa ng hindi kinakailangang kaguluhan. Dahil nararanasan Ko ang mga paghihirap ng sangkatauhan, Ako sa gayon ay dumaramay sa kahinaan ng tao. Ito lamang ay bilang tugon sa pagkamasuwayin ng mga tao, sa kanilang hindi pagtanaw ng utang-na-loob, na Ako ay nagpapatupad ng mga pagkastigo sa iba’t-ibang mga antas. Sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan.” Sa gitna ng sakuna, nakita natin ang pagka-makapangyarihan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos, na lalong nagpapatibay ng ating pananampalataya sa paglalakad sa landas ng kinabukasan. Nung inilabas ng Diyos ang matindi Niyang galit, nakita natin ang disposisyon ng Diyos, na hindi dapat salingin. Dahil lamang sa pag-aalsa ng tao, at sa kanilang kawalang-utang-na-loob, kaya ang Diyos ay nagbibigay sa mga tao ng ilang antas ng pagkastigo. Gayunpaman, ginagamit ng Diyos ang mga sakuna upang matauhan tayo; hindi Niya pinapatay ang mga tao, sa halip ay pinapagsisi at pinapag-bagong buhay. Ipinakita sa atin ng sakunang ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos, makita ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang pagliligtas, at higit pa rito, ipinakita nito sa akin ang kapwa pagka-makapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang pamamayani. Iyong mga tapat na humahanap ng katotohanan, na handang tuparin ang kanilang mga tungkulin at gumugugol para sa Diyos, ay nagtatamo ng pagkalinga at proteksiyon ng Diyos. Iyong mga kulang sa sigasig, na nagrereklamo at lumalaban, na hindi tumutupad ng kanilang tungkulin o gumugugol para sa Diyos, ay magtatamo ng ganting-dusang nauukol sa kanila. Tungkulin ang siyang nag-iingat sa atin! Tungkulin ang nagpapala sa atin! Pagkalooban nawa tayo ng Diyos ng pananampalataya, tibay ng loob, lakas at karunungan upang makapagpatuloy tayo, sa daan sa hinaharap, upang manatiling tapat at may katwiran sa pagkukumpleto ng kung ano ang ipinagkakatiwala Niya sa atin, at hayaan tayo na sa bawat tungkulin magawa natin ang pinakamainam.
Ibig naming sabihin sa lahat ang mga katotohanang ito na nasaksihan ng aming mga mata: Ang Diyos ang taning saligan ng ating pag-iral. Lahat ng kadakilaan, kayamanan, katanyagan at kasaganaang tinatamasa sa daigdig ay naglalahong gaya ng mga ulap. Sa sandaling tinangay ng tubig baha ang buhay ng tao, ang buhay ng tao ay walang halaga at napakahina. Maging ang mayayaman at sikat ay walang magagawa. Kapag tayo’y tumawag ng tulong, tanging ang Diyos lang ang makapag-aabot ng kamay ng kaligtasan, at makahihila doon sa mga lubos na nagtitiwala sa Kanya mula sa bangin ng kamatayan. Mga kapatid, ipinakikiusap na tanganan ninyong mabuti ang tungkuling ibinigay ng Diyos sa atin. Maging tapat tayo, hanggang sa mga huling araw, at ialay natin ang ating sariling lakas para sa pagpapalaganap ng kaharian ng ebanghelyo.

01 Abril 2019

Tagalog Christian Song "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God


Tagalog Christian Songs 2019 | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God

I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Inuutusan Niya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay Niya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
II
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat ay inuutusan ng Diyos,
Inaayos at hinahanay Niya ang lahat ng bagay,
bawat klase ayon sa kanyang uri
at sa kalooban ng Diyos binigyan sila ng posisyon.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
III
Gaano man kalaki ang isang bagay,
hindi nito malalampasan ang Diyos.
lahat naglilingkod sa mga taong likha ng Diyos,
walang naglalakas ng loob na lumaban
o humingi ng kung anu-ano sa Diyos.
Tao, isang nilalang ng Diyos,
dapat gawin din ang kanyang tungkulin.
Kahit amo o tagapamahala ng lahat ng bagay,
gaano man kataas ang kalagayan n'ya,
s'ya'y maliit pa rin na tao
sa ilalim ng pamamahala ng Diyos.
Isang hamak na tao lang, isang nilalang ng Diyos,
 'di kailanman s'ya mas tataas sa Diyos, sa Diyos.

Manood ng higit pa:Tagalog church songs

31 Marso 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Tanong 3: Sabi sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Paano natin ipaliliwanag ‘yon?


Sagot: Asamin natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiyang Siya Mismo ang nagsabi. ‘Yon ang pinaka-karaniwang paraan ng paghihintay sa pagbalik ng Panginoon. Sino ba ang talagang nagsabi niyan? Mga salita ba ‘yan ng Panginoon o mga salita ng mga tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin,” sino’ng nagsabi no’n? Mga salita ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Walang sinabing gano’n ang Panginoong Jesus. Hindi rin ‘yon sinabi ng Banal na Espiritu. Ang mga salitang sinasabi at pinaniniwalaan mo ay mga salita ni Pablo. Kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang mga salita ng Panginoong Jesus? Pwede ba siyang maging kinatawan ng Diyos? Tanging ang Diyos lang ang may alam sa sagot sa misteryong ito. Kung susubukan nating mga masamang tao na gumawa ng mga bulag na kahulugan at hatol gaya nito, isa ‘yong seryosong problema. Hindi si Kristo si Pablo. Isa lang siyang karaniwang masamang tao. Puno ng mga ideya at imahinasyon ng tao ang mga sinulat niya. Hindi ang mga salita niya ang katotohanan, kaya hindi natin ‘yon magagamit na pruweba. Lahat ng pruweba ay dapat nakabase sa mga salita ng Diyos sa Bibliya. Alinsunod ‘yon sa katotohanan. Maling imbestigahan ang pagdadala at pagpasok sa kaharian ng langit base sa mga salita ng mga tao sa Bibliya, lalo na kay Pablo, at hindi ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus dahil tanging ang mga salita ng Panginoong Jesus ang katotohanan; tanging ang mga salita Niya ang may awtoridad. Tanging ang Panginoong Jesus ang Kristo, ang Hari ng kaharian ng langit. Bakit hindi niyo hanapin ang katotohanan at nais ng Diyos sa mga salita ng Panginoong Jesus? Sa halip, bakit niyo ginagamit ang mga salita ng tao na basehan ng inyong paghahanap? Alinsunod ba ‘yon sa nais ng Panginoon? Ginagawa kayo no’ng suseptible na sundin ang tao at tahakin ang sarili niyong landas. Nilikha ng Diyos ang tao mula sa putik ng lupa. Inatasan Niya sila na gawin ang mga tungkulin nila sa lupa, at ‘yon ay ang pamahalaan ang iba pa Niyang mga nilikha sa lupa. Hiniling Niya na sumunod sila, sumamba, at magbigay-dangal sa Kanya sa lupa at iniatas na ang destinasyon nila ay sa lupa, hindi sa langit. Maliban do’n, matagal nang sinabi sa atin ng Diyos na itatatag Niya ang kaharian Niya sa lupa. Maniniirahan siya sa lupa kasama nating mga tao at ang mga kaharian ng lupa ay dapat maging kahariang pinamamahalaan ni Kristo. Samakatuwid, sa lupa itatag ang kaharian ng Diyos sa huli, hindi sa langit. Maraming tao ang laging naghahangad na maiakyat sa langit. Yon ang sarili nilang pagkaintindi at imahinasyon, ang sarili nilang kathang hangarin. Hindi ‘yon alinsunod sa katotohanan o sa katotohanan ng gawain ng Diyos.
mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

30 Marso 2019

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?
Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya’t kayo’y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo’y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito” (Mateo 23:29-36).
Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang Sali’t-saling sabi ng mga tao. At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali't-saling sabi” (Marcos 7:6-9).
Malinaw na makikita sa mga salita ng Panginoong Jesus na naglantad sa mga Fariseo, na ang mga gawain ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ay sumuway sa Diyos at kinalaban Siya. Nilabag nila ang mga kautusan at utos ng Diyos at sinunod lang nila ang mga tradisyon ng relihiyon. Sapat nang patunay ito na ang paglilingkod nila sa Diyos ay talagang pagsuway sa Kanya, at na ipinagkanulo nito ang kalooban ng Diyos. Lalo na noong panahon ng pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, mabangis nila Siyang tinuligsa at sinuway, at ang kanilang likas na pagkatao at diwa ay inilantad nang lubusan. Samakatwid ay makikita na ang pangunahing dahilan na humantong sa kapanglawan ng Judaismo ay sinuway at kinalaban ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio ang Diyos. Ang isa pa ay na nalipat na ang gawain ng Diyos. Lampas pa sa templo, inilunsad na ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ibig sabihin, isinulong ng gawain ng Diyos ang pundasyon ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at ang buod ng gawain ng Diyos ay nagpatuloy sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Nang masimulan na ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos, nagsimula ang Kapanahunan ng Biyaya at nagwakas ang Kapanahunan ng Kautusan. Yaon lamang mga tumanggap sa Panginoong Jesus ang naimpluwensyahan ng Banal na Espiritu at pinatnubayan ng Panginoon, samantalang natural na yaong mga nanatili sa templo, na nagwaksi, sumuway at tumuligsa sa Panginoong Jesus, ay pinabayaan sa gawain ng Diyos, nasadlak sa kadiliman at dumanas ng mga sumpa at parusa ng Diyos. Samakatwid, masasabi natin nang may katiyakan na ang kapanglawan ng lahat ng relihiyon noong Kapanahunan ng Kautusan ay talagang idinulot ng tao at iyon ay dahil napalayo ang mga lider ng mga relihiyon sa landas ng Panginoon, hindi sila sumunod sa mga utos ng Panginoon, ipinagkanulo nila ang kalooban ng Diyos at kinalaban ang Diyos. Kung nagpatuloy ang mga pinunong Judio sa landas ng Panginoon at sumunod sa mga utos ng Panginoon, nagpunta pa kaya ang Panginoong Jesus sa ilang para mangaral at gumawa? Nagpunta pa kaya Siya sa mga walang pananalig para hanapin yaong mga susunod sa Diyos? Talagang hindi. Tiyak na pumasok muna ang Panginoong Jesus sa templo at sa mga sinagoga para mangaral, na nagpapakita sa tao at ginagawa ang Kanyang gawain. Kaya bakit hindi ito ginawa ng Panginoong Jesus? Maliwanag na ito ay dahil hindi tinanggap ng mga nasa loob ng templo at mga sinagoga ang Panginoong Jesus, kundi sa halip ay tinuligsa at sinuway Siya, at nagpunta sa lahat ng dako para subukang arestuhin Siya. Dahil dito, wala nang ibang nagawa ang Panginoong Jesus kundi magtungo sa ilang para mangaral at gumawa at makihalubilo sa mga walang pananalig para hanapin ang mga susunod sa Kanya. Malinaw na nakikita ng lahat ng matalinong tao ang katotohanang ito. Ngayon, nauunawaan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, kaya tingnan natin ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Nakikita nating lahat na inuuna ng mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga huling araw ang pangangaral ng kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya sa loob ng mga simbahan. Madalas nilang gamitin ang kanilang mga paliwanag tungkol sa Biblia para magpasikat at magyabang para sambahin sila ng iba, at hindi nila sinusunod ang mga salita o kautusan ng Panginoong Jesus at hindi tumatahak sa landas ng Panginoon. Bihira silang mangaral tungkol sa pagpasok sa buhay at hindi nila inaakay ang mga tao kailanman na ipamuhay o danasin ang mga salita ng Panginoon sa paraan na mauunawaan nila ang katotohanan at magkakaroon sila ng kaalaman tungkol sa Panginoon, para lumayo sa landas ng Panginoon ang lahat ng nananalig sa relihiyon. Maaari pa nga na maraming taon na silang nananalig sa Panginoon, subalit ang nauunawaan lang nila ay ang kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teorya, wala man lang kaalaman tungkol sa Panginoon, walang pagpipitagan sa Kanya, walang pagsunod, dahil lubos na napalayo sa mga salita ng Panginoon at naging mga tao na nananalig sa Kanya pero hindi Siya kilala, at may kakayahang suwayin at ipagkanulo ang Panginoon. Mula rito makikita na ang mga lider ng mga relihiyon ay lubos nang napalayo sa landas ng Panginoon, na nagresulta sa pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu at mga pagpapala ng Diyos; masasabi na ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon. Ang isa pang dahilan ay na nalipat na ang gawain ng Diyos at nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao na gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, at base sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, at itinatag na Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at winakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang buod ng gawain ng Banal na Espiritu ay nalipat na sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at yaon lamang mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ang magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu at magtatamasa ng tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Yaong mga hindi nakakasunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos at ayaw tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay nawalan na ng gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sa kadiliman. Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon lalo na, na nahaharap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ay hindi lang ito hindi hinahanap o sinisiyasat, kundi mabangis din nilang sinusuway at tinutuligsa ang Diyos, ikinakalat ang lahat ng uri ng tsismis at kasinungalingan para linlangin at kontrolin ang mga nananalig, at hinahadlangan nila ang mga tao sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Matagal na nilang pinalubha ang disposisyon ng Diyos at kinamuhian at isinumpa sila ng Diyos, kaya paano bang hindi sila pababayaan at pupuksain ng Diyos? Nakita na natin ngayon na mula nang lumitaw ang “Apat na Buwan na Naging Dugo” hindi magtatagal ay magsisimula na ang malalaking kalamidad. Lahat ng hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay tiyak na daranas ng mga kalamidad at doon ay daranas ng pagkastigo at pagpipino, samantalang yaong mga tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay yaong mga nadala bago sumapit ang mga kalamidad. Yaong mga hindi pa tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay daranas lamang ng mga kalamidad at maghihintay na madala pagkaraan ng mga kalamidad. Hindi ba pababayaan at pupuksain ng Panginoon ang gayong mga tao? Pagkaraan ng kalamidad, ilang tao ang matitira para madala? Ngayon, halos lahat ng relihiyon ay kontrolado ng grupong ito ng mga pastor at lider na namumuhi sa katotohanan at lumalaban sa Diyos, kaya paano nito matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu sa sitwasyong ito? At paano sana nito naiwasang maging mapanglaw? Ito ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon.
Nauunawaan na namin ngayon na ang pangunahing dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon ay ang mga lider ng mga relihiyon na hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoon, kundi bagkus ay napalayo sila sa Kanyang landas, hindi nila sinusunod ang Kanyang mga utos, lubos nilang nilabag ang kalooban ng Diyos at naging suwail sila sa Kanya. Pangalawa, dahil ang mga lider ng mga relihiyon ay naging mga suwail sa Diyos at wala ni isa sa kanila ang gustong tumanggap o sumunod sa Kanyang gawain, sa gayo’y nalipat ang Kanyang gawain, at nawala sa mga relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu at nasadlak sila sa kadiliman. Nang gawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noon, bakit hindi Siya nangaral sa templo? Kasi lahat ng punong saserdote at elder sa templo ay mga taong sumuway sa Panginoon. Kung ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa templo, palalayasin lang Siya at tutuligsain, o agad aarestuhin at ipapako sa krus—hindi ba totoo iyan? Ito ang pangunahing dahilan kaya nalipat ang gawain ng Diyos. kung tumalima ang mga punong saserdote at elder sa templo sa mga salita ng Panginoon at naglingkod sa Diyos alinsunod sa Kanyang kalooban, paano naging mapanglaw ang templo? At paano nalipat ang gawain ng Diyos? Sabihin mo sa akin, hindi ba ganito ang nangyari? Tinutupad din nang lubusan ng kapanglawan ng mga relihiyon ang propesiya sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon” (Amo 4:7-8). “Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon” (Amo 8:11). Mula sa dalawang talatang ito ng banal na kasulatan mauunawaan natin na ang “isang bayan” sa “pinaulan sa isang bayan” ay tumutukoy sa simbahan kung saan nagpapakita ang Diyos na nagkatawang-tao at ginagawa ang Kanyang gawain, at ang “kabilang bayan” sa “hindi ko pinaulan sa kabilang bayan” ay natural na tumutukoy sa mga relihiyon na hindi nakikinig sa mga salita ng Diyos, hindi sumusunod sa Kanyang mga utos at tinatanggihan, sinusuway at tinutuligsa ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Nagpasapit ng taggutom ang Diyos sa mga relihiyon para pilitin ang mga miyembro doon na tunay na nananalig sa Kanya at nagmamahal sa katotohanan na talikuran ang relihiyon, hanapin ang mga yapak ng gawain ng Diyos, hanapin ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa lahat ng simbahan at hangarin ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay ang matatalinong birhen at yaong mga nadala sa harap ng luklukan ng Diyos. Ang mga taong ito ay pawang dumadalo sa piging ng kasal ng Kordero at nagtatamasa ng pagtustos ng tubig na buhay ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan; ang kanilang orihinal na pananampalataya at pagmamahal ay naibalik na at nagsasanay silang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, sinusunod at dinaranas ang mga salita ng Diyos, at magkakaroon ng pang-unawa tungkol sa katotohanan at makakapasok sa realidad. Kapag naunawaan ng mga taong ito ang katotohanan at nagkaroon sila ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, magagawa nilang magpitagan at sumunod sa Diyos, at sa ganitong paraan ay magtatamo ng bagong buhay mula sa Diyos! Lahat ng relihiyon o taong iyon na hindi tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ay kinamumuhian, iwinawaksi at pinupuksa ng Diyos, at wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu—walang kaduda-duda iyan! Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Tutuparin ng Panginoon ang katotohanang ito: Gagawin Niya na ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob ay magtutungo sa Kanya, at sasamba sa Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawa sa ibang lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumuko sa Kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga pagkain. Upang maiwasan ang tag-gutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay dumaranas ng matinding gutom, at ang tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na may taglay ng patuloy na umaagos na bukal na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya” (“umating na ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunang ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyong mga kalipunan ng tao. Samakatwid, kayo ang yaong makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos” (“Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Malinaw nating nakikita mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na hindi iwinaksi ng Diyos kailanman ang mga taos na nananalig sa Kanya at nananabik sa Kanyang pagpapakita. Sa pamamagitan ng Kanyang pagiging makapangyarihan at karunungan, inililigtas ng Diyos ang mga taos na nananalig sa Kanya kaya lumalayo sila sa gapos at kontrol ng mga anticristo at masasamang tao ng mga relihiyon, at pinapangyari Niya na maiangat sila sa harap ng luklukan ng Diyos at mahatulan, mapadalisay at magawang perpekto ng mga salita ng Diyos. Ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga mga huling araw ang Kanyang gawain ng paghatol at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa sangkatauhan, para makagawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang mga kalamidad, dahil ang mga ito ang Kanyang mga unang bunga, at tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag na: “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila'y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero” (Pahayag 14:4). Matapos gawin ng Diyos ang grupong ito ng mga mananagumpay, pansamantalang tatapusin ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, pagkatapos ay magpapababa ng malalaking kalamidad ang Diyos para gantimpalaan ang mabubuti at parusahan ang masasama. Sa panahong iyon, lahat ng hindi pa tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay pawang daranas ng kalamidad at dahil doon ay magdurusa sa pagpipino na mahatulan at makastigo. Magagawa lang tayong perpekto at mananagumpay ng Diyos kapag tinalikuran natin ang relihiyon, sinabayan ang mga yapak ng Kordero, tinanggap at sinunod ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at nahatulan at napadalisay sa harap ng luklukan ni Cristo, at doon lang tayo hindi magdaranas ng mga pagsubok samantalang lahat ng nasa lupa ay kailangang magdanas niyon. Ang mga mananagumpay lang na ito na nagawa ng Diyos—ang mga unang bungang ito—ang karapat-dapat na magmana ng pangako at mga pagpapala ng Diyos! Nakagawa na ngayon ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay sa mainland China, at sa papalapit na malalaking kalamidad, lahat ng mga tumutuligsa at sumusuway sa Makapangyarihang Diyos ay daranas ng mga kalamidad at mapaparusahan, at mawawalan ng pagkakataong maligtas magpakailanman.
mula sa iskrip ng pelikulang Babagsak ang Lungsod

28 Marso 2019

pagmamahal ng Diyos | Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan

Madalas na sinasabi ng mga tao na hindi madaling bagay ang kilalanin ang Diyos. Ngunit sinasabi ko na ang pagkilala sa Diyos ay hindi mahirap na bagay, sapagkat madalas na hinahayaan ng Diyos ang tao na pagmasdan ang Kanyang mga gawa. Hindi kailanman itinigil ng Diyos ang Kanyang pakikipag-usap sa mga tao; hindi Niya kailanman itinago o inilihim ang Sarili Niya sa tao. Ang Kanyang mga kaisipan, ang Kanyang mga pananaw, ang Kanyang mga salita at mga gawa ay inihayag lahat sa sangkatauhan. Kaya hanggga’t nais ng tao na makilala ang Diyos, makakalapit siya upang maunawaan at makilala Siya sa pamamagitan ng lahat ng mga paraan at pamamaraan. Ang dahilan kung bakit bulag ang tao sa pag-iisip na sinasadyang iwasan siya ng Diyos, na sinasadyang pagtaguan ng Diyos ang sangkatauhan, na ang Diyos ay walang intensyon na payagan ang tao na maunawaan at makilala Siya, dahil hindi niya alam kung sino ang Diyos, ni hindi niya ninais na maunawaan ang Diyos; higit sa lahat, wala siyang pakialam sa mga kaisipan, mga salita o mga gawa ng Manlilikha…. Sa totoo lang, kung gagamitin lamang ng isang tao ang kanilang bakanteng oras upang pagtuunan ng pansin at unawain ang mga salita at gawa ng Manlilikha, at magbigay ng kaunting pansin sa mga kaisipan ng Manlilikha at sa tinig ng Kanyang puso, hindi magiging mahirap para sa kanila na maunawaan na madaling makita at malinaw ang mga kaisipan, mga salita at mga gawa ng Manlilikha. Gayundin, kailangan lang ng kaunting pagsisikap upang maunawaan na ang Manlilikha ay nasa kalagitnaan ng mga tao sa lahat ng panahon, na lagi Siyang nakikipag-usap sa tao at sa buong sangnilikha, at Siya ay nagsasagawa ng mga bagong gawa sa araw-araw. Ang Kanyang diwa at disposisyon ay nahahayag sa Kanyang pakikipag-usap sa tao; Ang Kanyang mga kaisipan at mga ideya ay lubos na nahahayag sa Kanyang mga gawa; Sinasamahan Niya at inoobserbahan ang sangkatauhan sa lahat ng panahon. Tahimik Siyang nagsasalita sa sangkatauhan at sa lahat ng nilikha sa Kanyang mahinang tinig: Ako ay nasa mga kalangitan, at Ako ay nasa kalagitnaan ng Aking mga nilikha. Ako’y patuloy na nagmamasid; Ako’y naghihintay; Ako’y nasa iyong tabi….

27 Marso 2019

Bible Study Tagalog | Kung ang Paniniwala Mo sa Diyos ay Totoo, Madalas Mong Matatanggap ang Kanyang Pagkalinga

Bible Study Tagalog | Kung ang Paniniwala Mo sa Diyos ay Totoo, Madalas Mong Matatanggap ang Kanyang Pagkalinga


Ang pagbabago ng Diyos ng Kanyang mga intensyon sa mga mamamayan ng Ninive ay walang kasamang pag-aalinlangan o kalabuan. Sa halip, pag-iba ito ng anyo mula sa ganap na pagkagalit tungo sa ganap na pagpaparaya. Ito ay isang tunay na pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nag-aalangan o nag-aatubili sa Kanyang mga kilos; ang mga prinsipyo at mga layunin sa likod ng Kanyang mga kilos ay malinaw at tumatagos sa lahat, dalisay at walang kapintasan, tiyak na walang mga daya o mga balakin na nakahalo sa loob. Sa madaling salita, walang nakahalong kadiliman o kasamaan sa diwa ng Diyos. Nagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive dahil ang kanilang masasamang gawa ay nakaabot na sa Kanyang paningin; sa panahong iyon, ang Kanyang galit ay nagmula sa Kanyang diwa. Ngunit, nang mawala na ang galit ng Diyos at minsan pa ay Kanyang ipinagkaloob ang pagpaparaya sa mga taga-Ninive, lahat ng Kanyang ipinahayag ay ang Kanya pa ring sariling diwa. Ang kabuuan ng pagbabagong ito ay dahil sa pagbabago sa pag-uugali ng tao para sa Diyos. Sa loob ng buong panahon na ito, ang hindi maaaring saktan na disposisyon ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagparayang diwa ng Diyos ay hindi nagbago; ang mapagmahal at maawaing diwa ng Diyos ay hindi nagbago. Kapag nakagawa ng mga masasamang gawa ang mga tao at magkasala sa Diyos, ipadadala Niya ang Kanyang galit sa kanila. Kapag tunay na nagsisi ang mga tao, magbabago ang puso ng Diyos, at huhupa ang Kanyang galit. Kapag nagpatuloy ang mga tao sa paglaban sa Diyos, ang Kanyang matinding galit ay hindi mapipigil; ang Kanyang galit ay unti-unting ididiin hanggang sa sila ay mawasak. Ito ang diwa ng disposisyon ng Diyos. Magpapahayag man ang Diyos ng galit o awa at kagandahang-loob, ang asal, damdamin at saloobin ng tao para sa Diyos na nagmumula sa kalaliman ng kanyang puso ang magdidikta ng kung ano ang ipapahayag sa pamamagitan ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Kung patuloy na ipaiilalim ng Diyos ang isang tao sa Kanyang galit, malamang na ang puso ng taong ito ay lumalaban sa Diyos. Dahil hindi siya kailanman nagsisi nang lubusan, hindi nagpakumbaba sa harap ng Diyos o nagtaglay ng tunay na paniniwala sa Diyos, hindi niya kailanman nakamit ang awa at pagpaparaya ng Diyos. Kapag ang isang tao ay madalas makatanggap ng pag-iingat ng Diyos at madalas makamit ang Kanyang awa at pagpaparaya, ibig sabihin ang taong ito sa kanyang puso ay walang alinlangan na may tunay na paniniwala sa Diyos, at ang kanyang puso ay hindi lumalaban sa Diyos. Madalas siyang nagsisisi sa harap ng Diyos; kaya, kahit madalas dumating sa kanya ang disiplina ng Diyos, hindi ang Kanyang galit.
Ang maikling kwento na ito ay nagpapahintulot sa mga tao na makita ang puso ng Diyos, para makita ang katotohanan ng Kanyang diwa, para makita na ang Kanyang galit at ang pagbabago ng Kanyang puso ay may dahilan. Sa kabila ng malinaw na pagkakaiba na ipinakita ng Diyos nang Siya ay magalit at nang baguhin Niya ang Kanyang puso, bagay na nagpaniwala sa mga tao na parang may malaking puwang o malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang anyong ito ng diwa ng Diyos—ang Kanyang galit at ang Kanyang pagpaparaya—ang saloobin ng Diyos sa pagsisisi ng mga taga-Ninive ay muling nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na makita ang kabilang bahagi ng tunay na disposisyon ng Diyos. Ang pagbabago ng puso ng Diyos ay tunay na nagbibigay ng pagkakataon sa sangkatauhan na makitang muli ang katotohanan ng awa at kabutihan ng Diyos at upang makita ang tunay na pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Ngunit kailangan ng sangkatauhan na kilalanin na ang awa at kabutihan ng Diyos ay hindi mga kathang-isip, ni mga gawa-gawa lamang. Ito ay dahil totoo ang nararamdaman ng Diyos sa pagkakataon na iyon; ang pagbabago ng puso ng Diyos ay totoo; tunay na minsan pang ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan.
Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan
May anumang pagkakasalungat ba sa pagitan ng pagbabago ng puso ng Diyos at sa Kanyang galit? Siyempre wala! Ito ay dahil may dahilan ang pagpaparaya ng Diyos sa pagkakataong ito. Ano kaya ang dahilan na ito? Ito ang sinabi sa Biblia: “Bawat tao ay lumayo sa kanyang masamang gawi” at “iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay.”
Ang “masamang gawi” ay hindi tumutukoy sa isang dakot na masasamang gawa, kundi ang masamang pinagmumulan sa likod ng pag-uugali ng mga tao. “Ang paglayo sa kanyang masamang gawi” ay nangangahulugan na hindi na nila muling gagawin ang mga gawaing ito. Sa madaling salita, hindi na sila muling mamumuhay sa masamang gawing ito; ang paraan, pinagmulan, layunin, intensyon at prinsipyo ng kanilang mga gawain ay nagbago lahat; hindi na nila muling gagamitin ang mga pamamaraan at mga prinsipyong ito upang magdulot ng kasiyahan at kaligayahan sa kanilang mga puso. Ang “iniwan” sa “iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay” ay nangangahulugan na binitawan o isinantabi, upang ganap na makawala sa nakaraan at hindi na muling balikan. Nang iwanan ng mga taga-Ninive ang karahasan sa kanilang mga kamay, pinatunayan at ipinakita nito ang tunay nilang pagsisisi. Pinagmamasdan ng Diyos ang panlabas na kalagayan ng mga tao, gayun din ang kanilang mga puso. Nang mapansin ng Diyos ang tunay na pagsisisi sa puso ng mga taga-Ninive, at napansin din na tinalikdan na nila ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, binago Niya ang Kanyang puso. Ibig sabihin, ang asal at pag-uugali ng mga taong ito at ang iba’t ibang pamamaraan ng kanilang paggawa, gayun din ang kanilang tapat na pangungumpisal at pagsisisi sa mga kasalanan sa kanilang puso, ang dahilan kaya nagbago ang puso ng Diyos, nagbago ang Kanyang mga intensiyon, umatras sa Kanyang pagpapasya at hindi na sila parurusahan o lilipulin man. Kaya nagkaroon ang mga taga-Ninive ng ibang katapusan. Nailigtas nila ang kanilang mga buhay at natamo din nila ang awa at pagpaparaya ng Diyos, kung saan iniatras din ng Diyos ang Kanyang galit.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Umabot ang Babala ng Diyos na si Jehova sa mga Taga-Ninive

Kuwento sa Biblia | Umabot ang Babala ng Diyos na si Jehova sa mga Taga-Ninive


(Jonas 1:1-2) Ang salita nga ni Jehova ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka’t ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko.
(Jonas 3) At ang salita ni Jehova ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.