Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

07 Abril 2019

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Tanong 4: Ang mga sinabi niyo ang paghahangad natin sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa ‘tin sa alapaap ay nagmula lang talaga sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Seryosong naipagkanulo na natin ang mga salita ng Panginoon. Dahil do’n, pa’no tayo ngayon maghihintay sa pagbabalik ng Panginoon at sa pagdadala sa atin sa alapaap? Pwede mo ba ‘yong ipaliwanag pa nang mas detalyado?

Sagot: Ang pag-asam ng mga santo na madala sa alapaap ay base sa sariling mga salita ng Panginoong Jesus. “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon” (Juan 14:2-3). Iniinterpreta natin ang mga salita ng Panginoong Jesus ayon sa mga sarili nating pagkaintindi at imahinasyon. Iniisip nating dahil umakyat sa langit ang Panginoong Jesus gamit ang alapaap, ang lugar na inihanda ng Panginoon para sa sangkatauhan ay marahil nasa langit. Samakatuwid, hinihintay natin na magbalik ang Panginoong Jesus at iakyat tayo sa langit. Bukod pa ro’n, partikular nating iginagalang ang mga salita ni Pablo: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Samakatuwid, nagsimula tayong umasa na iaakyat tayo sa langit ng Panginoon sa Kanyang pagbabalik. Iba-iba ang pagkakaintindi ng iba’t ibang tao tungkol sa pagdadala sa alapaap. Iniisip ng karamihan sa mga tao na pagdating ng Panginoon, iaakyat Niya sa langit ang mga santo para makita Siya. Inasam natin ang ganitong uri ng pagdadala sa alapaap sa loob ng maraming taon. Bueno, ano ba talaga ang pagdadala sa alapaap? Hindi pa malinaw sa karamihan sa mga tao ang tungkol do’n. Ang hiwaga ng pagdadala sa alapaap sa mga santo ay nabunyag lang nang dumating ang Makapangyarihang Diyos.

06 Abril 2019

Ang Kalungkutan ng mga Iglesia | Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, “kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito.” patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan. Kaya, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na sa anyo ng pagkakatawang-tao at dumarating para gawin ang paghatol sa mga huling araw.

05 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin

Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin. Nang maglaon, nakakita ako ng nakasulat na mga salaysay na nagpapatotoo sa mga halimbawa ng pagpaparusa at habang nasa pagbabahagi ay nakarinig ng patotoo ng ilan sa mga palatandaan at mga himala ng Diyos, at nakaramdam nang labis na kagalakan ang aking puso. Umasa ako nang husto na gagawa ang Diyos ng ilang bagay sa mga lugar na aking pinagtatrabahuhan nang sa gayon ang mabigat na suliranin ng aming gawaing ebanghelyo ay mas madaling malutas. Ngunit kahit gaano man ako umaasa, hindi ko pa rin nakitang magsagawa ng anumang mga himala dito ang Diyos o magparusa ng mga tao. Nilalabanan pa rin nang husto ng mga taga-sekta ang Diyos, at napakalaki pa rin ng mga suliranin sa gawaing pag-eebanghelyo. Naging negatibo ako tungkol dito: Bakit kaya hindi nagbibigay-daan ang Diyos para sa atin? Hindi kaya kulang pa ang ating pananampalataya?

04 Abril 2019

IV. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Relasyon ng Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos sa Kanyang mga Pangalan

3. Ang pangalan ng Diyos ay maaaring magbago, pero ang Kanyang tunay na diwa ay hindi magbabago kailanman.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao.

03 Abril 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikaapat na Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (IV) (Ikaapat na Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
2. Ang mga Kinakailangan ng Diyos sa Sangkatauhan
1) Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo
2) Ang Iba't Ibang Saloobin ng Sangkatauhan Tungo sa Diyos
3) Ang Saloobin na kinakailangan ng Diyos na Dapat Taglayin ng Sangkatauhan Tungo sa Kanya


Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay

02 Abril 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Li Jing, Beijing
Agosto 7, 2012
Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya. Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …
Nang sumunod na araw, bumisita ako sa isang kapatid na babae. Ang kaniyang bahay ay nasa dalampasigan ng ilog, na may malaking kalsada sa harapan at ilog sa likuran. Ang bahay niya ay nasa gitna mismo ng nagsangang bahagi ng tubig-baha. Nang dumating ang baha, ang kapatid na ito’y nanalangin sa Diyos, at nagtiwala sa Kanya. Tinangay ng tubig ang mga kahanay niyang bahay at tanging bahay lamang niya at ng isa pa ang natira habang siya’y mahimbing na natutulog. Talagang nakita ko na kapag ang isang tao ay may pag-iingat ng Diyos, siya’y di mangangamba sa kanyang puso.
Dumating ang isang kapatid na babae upang hanapin ang deakonong namamahala sa mga pangkalahatang bagay at ako, at naparoon kami upang tingnan namin ang bahay dala ang mga tulong ng iglesia. Sapagkat tinangay ng tubig ang tulay at daan, makapupunta lamang kami doon sa pamamagitan ng mahabang ruta. Habang nasa daan, kung titingnan ang sinalantang pamayanan, na sinamahan pa ng pagguho ng lupa at putik na may bato, ito ay lubhang kalunus-lunos; saan ka man tumingin ay pagkawasak ang sasalubong sa iyong mga mata. Nagpatuloy kami sa paglalakad at tumitingin-tingin sa paligid, at nakita namin ang dako kung saan ang mga bahay ng mga kapatid ay natangay, at ang iba ay nanatili. Iyong mga nanatili ay iyong sa mga kapatid na nanatili sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin. Ipinakita nito sa akin na kapag ang tao ay nanalig sa Diyos, kung hahanapin nila ang katotohanan at tuparin ang kanilang mga tungkulin ay makakamtan nila ang pag-iingat ng Diyos, at makaliligtas sila sa gitna ng kasakunaan. Sa isang pamayanan, may dalawang bahay lamang na natira, iyong sa matandang kapatid, at isa pa. Habang dumadaluyong ang baha, nakita ng matandang kapatid na gigibain ng baha ang kanyang bahay, kaya mula sa ituktok ng bundok ay dalawang ulit siyang sumigaw nang malakas, “Diyos! Ang aking mga aklat ng salita ng Diyos ay nasa loob!” Saka niya nakita buong hiwagang iniwan ng tubig-baha ang kanyang bahay at ang mga aklat ng salita ng Diyos ay naingatan. May isang kapatid na babae na ang kanyang bahay ay dakong pulungan, na laging masiglang tinutupad ang kanyang tungkulin. Bagamat siya’y naanod ng baha, hindi siya nasaktan man lamang. Ang baha ay tinangay ang kanyang anak, subalit ito’y nasagip ng isang di-mananampalataya at sa gayo’y hindi rin naanod. Isang matandang kapatid na babae ang nakakita na ang tubig ay nasa pintuan na at inanod na ang halamanang nasa di kalayuan. Kaya nanalangin siya sa Diyos, at ang tubig na nakasira sa prinsa na nanatiling nakatayo nang maraming taon, ay inilihis at naiwan ang kanyang bahay na ligtas. May dalawang kapatid na babae na hindi naghanap, at ang baha ay iniwan ang kanilang mga bahay, ngunit inanod ang patyo. Isang kapatid na babae ang hindi makatupad sa kanyang tungkulin sa pagho-host, sinabi niyang kailangan ng pamilya niyang ayusin ang bahay, kaya itinaboy niya ang mga kapatid; ang lahat ng kanyang mga aklat ng salita ng Diyos ay tinangay ng baha. May isa pang kapatid na babae, na bagamat tumupad ng kanyang tungkulin, ay nagsabi na “sa aking puso ay hindi ako sang-ayon.” Sa panahon ng kasakunaan siya ay tinangay ng tubig at natabunan ng putik na may bato, at ang kanyang sikmura ay nabutas ng isang bato. Siya’y tumawag nang paulit-ulit sa Diyos, at ang tubig ay tinangay siya sa isang malaking puno, siya’y napasangat at naligtas ang kanyang buhay. Ang kanyang sugat ay naimpeksyon at kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. May isa ring kapatid na lalaki na kumikilos ayon sa kanyang gusto; sa tuwing may kailangan gawin sa kanyang bahay, hindi siya tumutupad ng kanyang tungkulin. Sa panahon ng kasakunaan, nagdanas siya ng pinakamatinding hirap; ang baha ay inanod ang dalawa niyang bahay, na iniwan lamang sa kanya ang dalawang di-matitirhang silid. Sa mga aklat ng salita ng Diyos, wala ni isa mang natira. Naunawaan din ng kapatid na lalaki na ito’y pag-ibig ng Diyos at hindi nanisi.
Ang himno ng mga salita ng Diyos "Ang Diyos ang Tanging Saligan ng Pag-iral ng Tao ” ay umaawit ng: “Kapag nilalamon nang buo ng tubig ang mga tao, inililigtas Ko sila mula sa hindi-umaagos na tubig at binibigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng panibagong buhay. Kapag ang mga tao ay nawawalan ng ganang mabuhay, hinihila ko sila mula sa bingit ng kamatayan, pinagkakalooban sila ng lakas-ng-loob upang mabuhay, upang gawin nila Akong pundasyon ng kanilang pag-iral. Kapag sinuway Ako ng mga tao, sinasanhi Ko na makilala nila Ako sa kanilang pagsuway. Sa liwanag ng lumang kalikasan ng sangkatauhan at sa liwanag ng Aking kahabagan, sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan hangga’t sila ay may natitirang isang hininga, na pumipigil sa kanila mula sa pagkahulog sa bitag ng mga panlilinlang ni Satanas. Ilang beses nang nakita ng mga tao ang Aking mga kamay; ilang beses na nilang nakita ang Aking mabait na itsura, nakita ang Aking nakangiting mukha; at ilang beses na nilang nakita ang Aking kamahalan, nakita ang Aking poot. Kahit ang sangkatauhan ay hindi kailanman Ako nakilala, hindi ko sinasamantala ang kanilang kahinaan para gumawa ng hindi kinakailangang kaguluhan. Dahil nararanasan Ko ang mga paghihirap ng sangkatauhan, Ako sa gayon ay dumaramay sa kahinaan ng tao. Ito lamang ay bilang tugon sa pagkamasuwayin ng mga tao, sa kanilang hindi pagtanaw ng utang-na-loob, na Ako ay nagpapatupad ng mga pagkastigo sa iba’t-ibang mga antas. Sa halip na ilagay ang mga tao sa kamatayan, hinahayaan ko sila na magsisi at gumawa ng isang panibagong simula. Kapag ang mga tao ay nagdurusa ng taggutom, inaagaw Ko sila mula sa kamatayan.” Sa gitna ng sakuna, nakita natin ang pagka-makapangyarihan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos, na lalong nagpapatibay ng ating pananampalataya sa paglalakad sa landas ng kinabukasan. Nung inilabas ng Diyos ang matindi Niyang galit, nakita natin ang disposisyon ng Diyos, na hindi dapat salingin. Dahil lamang sa pag-aalsa ng tao, at sa kanilang kawalang-utang-na-loob, kaya ang Diyos ay nagbibigay sa mga tao ng ilang antas ng pagkastigo. Gayunpaman, ginagamit ng Diyos ang mga sakuna upang matauhan tayo; hindi Niya pinapatay ang mga tao, sa halip ay pinapagsisi at pinapag-bagong buhay. Ipinakita sa atin ng sakunang ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos, makita ang Kanyang pag-ibig, ang Kanyang pagliligtas, at higit pa rito, ipinakita nito sa akin ang kapwa pagka-makapangyarihan ng Diyos at ang Kanyang pamamayani. Iyong mga tapat na humahanap ng katotohanan, na handang tuparin ang kanilang mga tungkulin at gumugugol para sa Diyos, ay nagtatamo ng pagkalinga at proteksiyon ng Diyos. Iyong mga kulang sa sigasig, na nagrereklamo at lumalaban, na hindi tumutupad ng kanilang tungkulin o gumugugol para sa Diyos, ay magtatamo ng ganting-dusang nauukol sa kanila. Tungkulin ang siyang nag-iingat sa atin! Tungkulin ang nagpapala sa atin! Pagkalooban nawa tayo ng Diyos ng pananampalataya, tibay ng loob, lakas at karunungan upang makapagpatuloy tayo, sa daan sa hinaharap, upang manatiling tapat at may katwiran sa pagkukumpleto ng kung ano ang ipinagkakatiwala Niya sa atin, at hayaan tayo na sa bawat tungkulin magawa natin ang pinakamainam.
Ibig naming sabihin sa lahat ang mga katotohanang ito na nasaksihan ng aming mga mata: Ang Diyos ang taning saligan ng ating pag-iral. Lahat ng kadakilaan, kayamanan, katanyagan at kasaganaang tinatamasa sa daigdig ay naglalahong gaya ng mga ulap. Sa sandaling tinangay ng tubig baha ang buhay ng tao, ang buhay ng tao ay walang halaga at napakahina. Maging ang mayayaman at sikat ay walang magagawa. Kapag tayo’y tumawag ng tulong, tanging ang Diyos lang ang makapag-aabot ng kamay ng kaligtasan, at makahihila doon sa mga lubos na nagtitiwala sa Kanya mula sa bangin ng kamatayan. Mga kapatid, ipinakikiusap na tanganan ninyong mabuti ang tungkuling ibinigay ng Diyos sa atin. Maging tapat tayo, hanggang sa mga huling araw, at ialay natin ang ating sariling lakas para sa pagpapalaganap ng kaharian ng ebanghelyo.

01 Abril 2019

Tagalog Christian Song "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God


Tagalog Christian Songs 2019 | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God

I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Inuutusan Niya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay Niya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
II
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat ay inuutusan ng Diyos,
Inaayos at hinahanay Niya ang lahat ng bagay,
bawat klase ayon sa kanyang uri
at sa kalooban ng Diyos binigyan sila ng posisyon.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.
Lahat kailangan magpailalim nang walang pagpili.
Ito ang atas ng Diyos at Kanyang awtoridad, awtoridad.
III
Gaano man kalaki ang isang bagay,
hindi nito malalampasan ang Diyos.
lahat naglilingkod sa mga taong likha ng Diyos,
walang naglalakas ng loob na lumaban
o humingi ng kung anu-ano sa Diyos.
Tao, isang nilalang ng Diyos,
dapat gawin din ang kanyang tungkulin.
Kahit amo o tagapamahala ng lahat ng bagay,
gaano man kataas ang kalagayan n'ya,
s'ya'y maliit pa rin na tao
sa ilalim ng pamamahala ng Diyos.
Isang hamak na tao lang, isang nilalang ng Diyos,
 'di kailanman s'ya mas tataas sa Diyos, sa Diyos.

Manood ng higit pa:Tagalog church songs