Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

23 Hunyo 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Makapangyarihang Diyos ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Makapangyarihang Diyos ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, maraming tao ang hindi nakakaunawa kung bakit tinatawag na Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus kapag dumarating Siya para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tawaging Panginoong Jesus? Sa katunayan, may bagong pangalan ang Diyos tuwing ginagawa Niya ang isang yugto ng Kanyang gawain. Ang bagong pangalang ito ang ginagamit ng Diyos Mismo dahil akma sa gawain—hindi ito isang pangalan na itinatawag sa kanya ng mga tao dahil gusto nila.

21 Hunyo 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?"



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Makakapasok Ba Tayo sa Kaharian ng Langit Kung Makakamit Natin ang Kaligtasan?"


Si Zhang Mude ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia, at naniniwala siya na "Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas" (Roma 10:10). Iniisip niya na dahil naniniwala siya sa Panginoong Jesus, ang tawag na sa kanya ay matuwid, na nagtamo na siya ng kaligtasan, at na pagbalik ng Panginoon, tuwiran siyang madadala sa kaharian ng langit. Isang araw, nagbalik ang kanyang anak na babae mula sa gawaing misyonero sa ibang mga rehiyon at nagduda sa pananaw na ito, na maraming taon niyang pinanghawakan. Mula noon, nagsimula ang matinding pagtatalo sa tatlong magkakapamilyang ito tungkol sa kung ang pagtatamo ng kaligtasan ay magtutulot sa isang tao na makapasok sa kaharian ng langit, kung anong klaseng mga tao ang makakapasok sa kaharian ng langit, at mga paksang kaugnay nito …

Magrekomenda nang higit pa: Tagalog Christian Movies

19 Hunyo 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom

Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

17 Hunyo 2019

Ebangheliyong pelikula | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Ebangheliyong pelikula | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila. Ngunit nang makita nila ang mga kabarkada nilang umaasa sa pagsisinungaling at panlilinlang sa negosyo na bumibili ng mga kotse at bahay at maluho ang pamumuhay, ipinasiya nila na hindi sila magpapaiwan. Sa paggabay ng kanilang mga kabarkada, sinunod nila ang kalakaran sa lipunan at nagsimulang magnegosyo sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya. Makalipas ang ilang taon, bagama’t kumita sila nang kaunti, madalas silang makonsiyensya at hungkag ang puso nila. Pagkatapos, tinanggap nila ang ebanghelyo ng Diyos, binasa ang Kanyang mga salita, na nakatulong upang matuklasan nila na gusto ng Diyos ang matatapat na tao at kinasusuklaman ang mga manlilinlang at nalaman nila na pinagpapala ang matatapat na tao. Gayunman, nakita rin nila ang kasamaan at kadiliman sa mundo at nag-alala na baka hindi sila kumita sa pagnenegosyo nang may integridad, at manganganib pa silang malugi, pero kung magpapatuloy silang magsinungaling at mandaya para linlangin ang mga mamimili, alam nila na kamumuhian sila ng Diyos dahil doon…. Pagkaraan ng ilang pagpupunyagi at kabiguan, sa wakas ay pinili nilang maging matatapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos, at nagulat sila nang pagpalain sila ng Diyos. Hindi lamang lumago ang kanilang negosyo, tinamasa rin nila ang kapayapaan at seguridad ng pagiging matatapat na tao.

14 Hunyo 2019

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)



Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)


Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown." But, at a meeting with his coworkers, Brother Zhang raises doubts about this view. Li Mingdao, not convinced, returns home, and after researching the Bible, engages in an intense debate with Brother Zhang…. Is labor and work for the Lord doing God's will? Does pursuing this way ultimately allow one to be lifted up and enter the kingdom of heaven? Watch the skit Wishful Thinking to find out.

09 Hunyo 2019

Tagalog Christian Songs With Lyrics | "Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis"


Tagalog Christian Songs With Lyrics | "Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis"

I
Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

08 Hunyo 2019

Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 3)

Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 3)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil hindi kinikilala ng mga tao ang pagsasaayos ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, palagi nilang hinaharap ang kapalaran nang may panlalaban, kasama ang isang suwail na saloobin, at palaging nais na isantabi ang awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos at ang mga bagay na inilaan ng kapalaran, umaasang walang-kabuluhan na mababago ang kanilang kasalukuyang mga kalagayan at mapapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit hindi kailanman sila magtatagumpay; sila ay nahahadlangan sa bawat liko. Ang pakikibakang ito na nagaganap sa kaibuturan ng sariling kaluluwa, ay masakit; ang sakit ay di-malilimutan; samantala unti-unti niyang inaaksaya ang kanyang buhay. Ano ang sanhi ng sakit na ito? Dahil ba sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, o dahil sa ang tao ay di-masuwerteng naipanganak? Malinaw na alinman ay hindi totoo. Sa ilalim nito, ito ay dahil sa mga daan na tinatahak ng mga tao, sa mga paraan na pinili ng mga tao na isabuhay ang kanilang mga buhay. May ilang mga tao na maaaring hindi natanto ang mga bagay na ito. Subalit kapag tunay mong alam, kapag tunay mong nakilala na ang Diyos ay may kapangyarihan sa kapalaran ng tao, kapag tunay mong nauunawaan na ang lahat na naplano at napagpasyahan ng Diyos para sa iyo ay isang malaking benepisyo, at isang malaking proteksyon, pagkatapos ang iyong sakit ay unti-unting gagaan, at ang buo mong pagkatao ay magiging maalwan, malaya, napalaya."