Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

05 Hulyo 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


I

Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
--
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

03 Hulyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos



Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos.

01 Hulyo 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)



Nagtatrabaho si Xiang Yang sa isang bahay-iglesia, at gaya ng maraming mga relihiyong mananampalataya, iniisip niyang ang mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, na ang paniniwala sa Panginoon ay nangangahulugang paniniwala sa Biblia, na ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, at kapag sumusunod siya sa Biblia, makakapasok siya sa kaharian ng langit at magkakamit ng buhay na walang hanggan. Si Brother Zhang Yi, na katatanggap pa lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay may mga pag-aalinlangan tungkol sa pananaw na ito. Naglaban ang dalawa sa isang nakakatawang debate: Talaga bang nasa Biblia ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos? Talaga bang ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon? Sa pamamagitan ng pag-iingat sa Biblia, makakapasok ba tayo sa kaharian ng langit at magtatamo ng buhay na walang hanggan? Para malaman ang mga sagot, mangyaring panoorin ang Crosstalk na Ang Paglabas sa Biblia.

29 Hunyo 2019

Christian Maiikling Dula | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Christian Maiikling Dula | "Talaga Bang Nagsisi Ka Na?"


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

27 Hunyo 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi angmula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.
Lihim na dako'y tahanan ng Diyos, 
kalawaka'y higaan Niya.
Kampon ni Satanas 'di abot ang Diyos,
puspos S'ya ng kamahalan, katuwiran, at paghatol.

25 Hunyo 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)



Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)


Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay....” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.

23 Hunyo 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Makapangyarihang Diyos ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Makapangyarihang Diyos ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?


ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, maraming tao ang hindi nakakaunawa kung bakit tinatawag na Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus kapag dumarating Siya para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tawaging Panginoong Jesus? Sa katunayan, may bagong pangalan ang Diyos tuwing ginagawa Niya ang isang yugto ng Kanyang gawain. Ang bagong pangalang ito ang ginagamit ng Diyos Mismo dahil akma sa gawain—hindi ito isang pangalan na itinatawag sa kanya ng mga tao dahil gusto nila.