Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

16 Agosto 2019

Tagalog Christian Movie | "Ang Pag ibig ng Isang Ina"


Tagalog Christian Movie | "Ang Pag ibig ng Isang Ina"


Ang Pagmamahal ng Isang Ina ay Isang pelikulang pampamilyang Kristiyano na sumusuri sa paksa kung paano magpalaki ng mga anak.Ang "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran" at "Naging dragon ang anak na lalaki, naging phoenix ang anak na babae" ay mga pag-asang taglay ng halos lahat ng magulang para sa kanilang mga anak. Para matiyak na makakapasa ang kanyang anak na babaeng si Jiarui sa kanyang university entrance exams at test sa isang magandang unibersidad, ipinasiya ni Xu Wenhui na magretiro sa kanyang trabaho bilang sales director para samahan si Jiarui nang mag-aral ito para muling kumuha ng kanyang mga test. Ang sibsibang mga pamamaraan ng pagtuturo ni Xu Wenhui at ang napakahirap na college entrance examinations ay naging sanhi para himatayin ang kanyang anak, at halos maging desperado. Labis iyong pinagsisihan ni Xu Wenhui: Inakala niya na lahat ng ginawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang anak, ngunit sa halip, nasaktan lamang niya ito…. Noon ipinangaral ng dati niyang kaklaseng si Fang Xinping ang ebanghelyo ng Diyos sa kanya. Sa pamamagitan ng pagbasa sa salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan din ni Xu Wenhui kung bakit masasaktan lamang siya at ang kanyang anak sa pagsisikap na matamo ang mga ideal na gaya ng "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran," at kung paano tuturuan ang kanyang anak sa paraang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal …

14 Agosto 2019

Tagalog Gospel Songs | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao"


Tagalog Gospel Songs | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao" | Ang Theme Song ng Hindi Naglalaho ang Integridad


I
Minsan kong hinabol ang yaman at katanyagan.
Mga prinsipyo ko'y itinakwil;
nagsinungaling ako para kumita.
Aking budhi'y nawala,
binale wala ang moralidad.
Integridad, dignidad, lahat ng mga ito
walang kahulugan sa akin.

12 Agosto 2019

Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?


 Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?



Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian. Ipinapaliwanag Ko ang mga likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa inyo upang ihinto ninyo ang pananatilisa kadiliman. Dahil ang mga tao ay may maraming pananaw tungkol sa Biblia, at karamihan sa kanila ay mali; ang pagbasa ng Biblia sa paraang ito ay hindi lamang humahadlang sa kanila mula sa pagkakaroon nang kung ano ang nararapat, ngunit, mas mahalaga, pinipigilan nito ang gawain na Aking nilalayong gawin. Ito ay isang napakalaking istorbo para sa mga gawain sa hinaharap, at nagbibigay lamang ng mga balakid, hindi kapakinabangan. Kaya, ang tinuturo ko sainyo ay ang simpleng diwa lamang at ang nasa loob ng kuwento ng Biblia.

10 Agosto 2019

Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay Magiging Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawa’t kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Nguni’t naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus sa pagbabalik Niya?

08 Agosto 2019

Tagalog church songs | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"


Tagalog church songs | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"


I
Kapag Diyos naging tao ngayon,
gawa N'ya'y ipahayag disposisyon N'ya,
pangunahin sa pagkastigo't paghatol.
Gamit 'to bilang pundasyon,
dala Nya'y mas maraming katotohanan sa tao,
ipinapakita mas madaming paraan ng pagsasagawa,
kaya nakakamit layunin N'yang paglupig
at pagligtas sa tao mula sa masamang disposisyon n'ya.
Ito ang nasa likod
ng gawain ng Diyos sa Panahon ng Kaharian.
Kung tao'y nanatili sa Panahon ng Biyaya,
sariling disposiyon ng Diyos 'di nila malalaman kaylanman,
o makalaya sa disposisyong masama.
At kung nabubuhay sila sa kasaganaan ng biyaya,
ngunit hindi alam kung paano pasasayahin ang Diyos, 
kaya sa Kanya'y kaawa-awang naniniwala sila
pero kaylanma'y 'di matatamo S'ya. 

06 Agosto 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ano ang ibig sabihin ng tunay na manalangin?


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ano ang ibig sabihin ng tunay na manalangin?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, pakiramdam na Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.

04 Agosto 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit.