Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

11 Oktubre 2019

Kristianong video | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Si Li Xinguang ay isang estudyante sa senior high school. Noon pa mang bata siya ay matino at masunurin na siya. Gustung-gusto siya ng kanyang mga magulang at guro. Habang nasa middle school, nahumaling siya sa internet computer games. Madalas siyang lumiliban sa klase para magpunta sa internet café. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para maputol niya ang adiksyon niya sa online gaming. Sa kasamaang-palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging basagulero. … Nang wala nang maisip na remedyo ang mga magulang ni Li Xinguang, nabalitaan nila na kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, na tutulungan Niya silang putulin ang kanilang adiksyon sa online gaming at makaalpas mula sa kasamaan ni Satanas. Dahil dito, ipinasiya nilang manalig sa Diyos at inasam na mailigtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasamaan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kadiliman at kasamaan ng tao at naunawaan na Diyos lamang ang makapagliligtas at makapagpapalaya sa mga tao mula sa kasamaan at pagpapahirap ni Satanas. Kinailangan lang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at makakalaya siya sa kanyang adiksyon sa online gaming. Dahil dito, ipinangaral nila ang ebanghelyo kay Xinguang at inakay siyang basahin ang mga salita ng Diyos. Ipinagdasal nila sa Diyos na iligtas ang kanilang anak at tulungan itong putulin ang kanyang adiksyon sa online gaming. … Matapos magtalo ang kalooban, nagsimulang magdasal at manalig sa Diyos si Xinguang. Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, naputol niya kalaunan ang kanyang adiksyon sa online gaming at napalaya ang sarili mula sa kasamaan at pagpapahirap ni Satanas. Nakauwi na rin sa wakas ang anak na ito na nawalan na ng pag-asa dahil sa internet games at internet cafés!

09 Oktubre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo. Nang marinig si Jonah na nagpapahayag ng kalooban ng Diyos at malaman na wawasakin ng Diyos ang buong siyudad sa loob ng apatnapung araw, ang mga mamamayan at hari ng Nineveh ay nag-ayuno at nanalangin, nagsisi sa kanilang mga kasalanan suot ang damit na sako at abo, tinalikdan ang karahasan at tumalikod sa kanilang masasamang gawain. Sa bandang huli, tinanggap nila ang awa ng Diyos na Jehova: Hindi na nagpadala ng mga sakuna ang Diyos at nakaligtas sila. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos, nagpastol si Moises ng mga tupa sa ilang sa loob ng apatnapung taon at natamo ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, tinanggap niya ang panawagan ng Diyos at dinala ang mga Israelita papalabas ng Ehipto. … Matapos na mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, umaasa sa panalangin, nagawa ng mga disipulo Niya na ikalat ang ebanghelyo sa isang mapanagnib na kapaligiran.

07 Oktubre 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?


Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga.

05 Oktubre 2019

Ang Pinagmumulan ng Kasaganaan ng Kidlat ng Silanganan

Sa bawat pagkakataon na mababanggit ang Kidlat ng Silanganan, maraming mga kapatid sa Panginoon ang nakadarama ng pagkalito: Bakit kaya habang ang relihiyosong komunidad sa kabuuan ay lalong nagiging mapanglaw at malala, habang ang bawat denominasyon ay lalo pang binabantayan at nagigingkonserbatibo sa pagkondena at pagtataboy sa Kidlat ng Silanganan, ang Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nagiging hindi mapanglaw at hindi umuunti, kundi dumadaluyong na tulad ng hindi mapigilang mga gumugulong na alon, na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mainland China? Ngayon na lumawak pa ito sa lampas ng mga hangganan ng China tungo sa mga banyagang bansa at mga rehiyon, habang tinatanggap ito ng mas marami pang tao sa buong mundo? Nahaharap sa katotohanang ito, ang mga taong relihiyoso ay lubusang nalilito, samantalang sa katotohanan ay simple lamang ang dahilan: Ang itinatawag ng bawat sekta ng relihiyon sa Kidlat ng Silanganan ay ang nagbalik na Tagapagligtas na si Jesus ng mga huling araw, na nakasakay sa “puting alapaap” pababa mula sa kalangitan; ito’y ang Diyos Mismo na nagbalik sa katawang-tao at tunay at aktuwal! Ang dala ng Makapangyarihang Diyos na si Cristo ng mga huling araw ay ang gawain ng paghatol na nagpapabago sa disposisyon ng tao at naglilinis sa kanya, upang makamit ng sangkatauhan ang kaligtasan at maging perpekto. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis, nagliligtas, at gumagawang perpekto sa sangkatauhan. Sa kadahilanang ito, kahit na tinututulan, inaatake, inuusig, nilalapastangan, o kinokondena ng bawat sekta ng relihiyon sa buong mundo ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw o ang Kanyang gawain, walang sinuman at walang puwersa na makahahadlang o makapipigil sa ninanais Niyang makamit. Ang awtoridad, kapangyarihan, at Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay hindi mapapantayan ng anumang puwersa ni Satanas.

02 Oktubre 2019

Clip ng Pelikulang Anak, Umuwi Ka Na! (4/4)

\

Kristiyanismo tagalog | "Mga Karanasan at Patotoo tungkol sa Tagumpay na Pagputol sa Adiksyon sa Online Gaming Matapos Maniwala sa Diyos"


Maraming kabataang adik sa internet ang gustong tumigil sa online games, pero hindi nila mapigil ang sarili nila. Matapos mabigo nang paulit-ulit, nawalan sila ng pag-asa at pinanghinaan ng loob, naniniwala na wala silang pag-asang tumigil sa online games. Sa maikling videong ito, isinalaysay ng isang grupo ng mga Kristiyano ang kanilang mga karanasan at patotoo kung paano sila tagumpay na nakatigil sa online games matapos maniwala sa Diyos

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/experiences-of-breaking-web-addiction.html

Rekomendasyon:Tagalog Christian Movie

01 Oktubre 2019

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?





29 Setyembre 2019

Tagalog Christian Movie | "Isang Anticristo sa Iglesia"


Tagalog Christian Movie | "Isang Anticristo sa Iglesia"


Si Brother Li ay isang mananampalatayang dumadalo sa isang bahay-iglesia. Habang sinisiyasat nila ng kanyang mga kapatid ang tunay na daan, sabi ng pastor nila, "Nasa Biblia ang lahat ng salita't gawain ng Diyos, at maling pananampalataya ang anumang wala sa Biblia" at "mali ang sinumang nangangaral tungkol sa pagbabalik ng Panginoon bilang nagkatawang-taong laman" para hadlangan at pigilan ang mga mananampalataya na hanapin at siyasatin ang tunay na daan. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). Iprinopesiya rin ng Aklat ng Pahayag, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7). Babalik ang Panginoon sa mga huling araw, at dapat makinig nang husto ang mga tao sa tinig ng Panginoon para makasabay sa mga yapak Niya, kaya bakit lantarang itinatanggi ng kanilang pastor ang mga salita ng Panginoon at sinisikap na pigilan ang mga mananampalataya na tanggapin ang Panginoon? Panoorin ang crosstalk na Isang Anticristo sa Iglesia para sa mga kasagutan.