Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

25 Oktubre 2019

37. Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-unawa sa Katotohanan na Maaaring Magkaroon ang Isa ng Pagkilala

Yi Ran Lungsod ng Laiwu, Lalawigan ng Shandong

Ilang panahon na ang nakararaan, dahil sa hindi ko maunawaan ang prinsipyo sa likod ng pagbabago ng mga tauhan sa iglesia, nang pinalitan ng iglesia ang isang lider, nabuo sa akin ang isang kuru-kuro. Batay sa nakikita ko, ang kapatid na napalitan ay napakagaling pareho sa pagtanggap at pagbabahagi sa katotohanan, at kayang maging tapat tungkol sa kanyang sariling mga pagpapakita ng kasiraan. Kung kaya hindi ko maintindihan kung paano ang isang taong buong-pagsisikap na naghahanap sa katotohanan ay mapalitan. Maaari kayang nasobrahan ang kanyang pagpapahayag ng kanyang sariling pagpapakita ng katiwalian, kung kaya’t napagkamalan siya ng kanyang lider na isang taong hindi naghahanap sa katotohanan, at pinalitan siya? Kung ito talaga ang nangyari, sa gayon hindi kaya nasira na ang isang pagkakataon ng pagsasanay para sa isang naghahanap sa katotohanan?

23 Oktubre 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Isagawa ang Katotohanan Sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito

Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala ito sa inyo at doon na iyon magwawakas. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagka’t karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa.

21 Oktubre 2019

Salita ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas


Salita ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa pagtunog ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, pinanonood Ko ang buong mundo, pinagmamasdan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawa sa Aking itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na magrerebelde laban sa Akin. Nguni’t hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapagpapaurong sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng mga puso ng mga tao, ni ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang nakaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang nabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa Aking pagsasakatuparan ng bago Kong gawain sa buong lupa, sino na ang may kakayahang makatakas mula rito? Maaari kayang naiiwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang naitataboy ito ng katubigan, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakakahulagpos mula sa pagkakahawak ng Aking mga kamay."

19 Oktubre 2019

Pelikulang Kristiano | "Kaligtasan Mula sa Panganib"



Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Kaligtasan Mula sa Panganib"


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … 


17 Oktubre 2019

Kidlat ng Silanganan—Pagbigkas ng Diyos | Ang Taos na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Taos na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)"


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

15 Oktubre 2019

Tagalog Christian Praise and Worship Song | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"



Tagalog Christian Praise and Worship Song | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"



I
Ang kidlat ay kumikislap mula 
sa Silangan hanggang sa Kanluran.
Si Cristo ng mga huling araw ay naririto
upang isagawa ang Kanyang gawain sa Tsina.
Naihayag na ng Diyos ang katotohanan,
at nagpakita na ang tunay na liwanag.
Narito ang Diyos upang gumawa sa mga tao,
at lahat ng sangkatauhan ay sumasamba 

13 Oktubre 2019

Christian Crosstalk | "May Isang Diyos Lamang"


Christian Crosstalk  |  "May Isang Diyos Lamang"


Sa loob ng dalawanlibong taon, ang teoryang teolohiko ng Trinidad ay nakita bilang isang pangunahing doktrina ng pananampalatayang Kristiyano. Pero, talaga bang isang Trinidad ang Diyos? Ano ba, mismo, ang relasyon sa pagitan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu? Wala pang sinuman ang malinaw na nakakasagot sa mga tanong. Isang araw, nag-post ng isang tanong si Brother Zhang sa online discussion group ng iglesia niya: Talaga Bang Umiiral ang Trinidad? Ang tanong na ito ang nagsimula ng matinding debate sa gitna ng mga mananampalataya, at pagkatapos ay tinalakay at pinagbahaginan nina Zheng Xun at Li Rui ang tanong na ito. Ano ang kongklusyon nila? Mangyaring tamasahin ang crosstalk na May Isang Diyos Lamang.