Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

18 Disyembre 2019

Bakit kasama sa pagbalik ng Panginoon ang pagkakatawang-tao—pagbaba nang lihim—gayundin ang pagbaba sa harap ng publiko mula sa mga ulap?


Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan.

14 Disyembre 2019

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?


Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya.

12 Disyembre 2019

Maikling Dula | "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Maikling Dula | "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus. Sa mga huling araw, sa muling pagpapakita ng Panginoon Jesus sa katawang-tao para isagawa ang Kanyang gawain, inuulit ng mga pinuno sa mundo ng relihiyon ang makasaysayang trahedya ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Paano nila nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Sa pamamagitan ng pagganap ng isang pastor bilang Fariseo sa isang palabas, inihahayag ng dulang ito kung paano pinanghahawakan ng mga makabagong pastor at elder ang Biblia para labanan ang Diyos, at malinaw na ipinapakita na walang pinagkaiba ang landas na tinatahak nila sa landas ng mga Fariseo.

09 Disyembre 2019

Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive


Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova

Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makakapagpabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”

06 Disyembre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon


Minamahal na mga kapatid:

Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.

01 Disyembre 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


Mga Pagbigkas ni Cristo | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin. Wala kahit isa ang kailanma’y pinayagan Akong manahan sa kanya. Walang sinuman ang nagpahalaga sa Akin tulad ng pagpapahalaga niya sa kanyang sariling buhay. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa praktikal na reyalidad sa buong katauhan ng Aking pagkadiyos. Walang sinuman ang kailanma’y nagnais na makaugnay ang praktikal na Diyos Mismo."

28 Nobyembre 2019

Tagalog Gospel Crosstalk | "Mga Fariseo ng mga Huling Araw"


Tagalog Gospel Crosstalk | "Mga Fariseo ng mga Huling Araw"


Narinig ni Christian Zhang Yi ang patotoo na nagbalik na ang Panginoon, pero nang siyasatin niya ang tunay na daan, ilang beses sinubukan ng kanyang pastor at elder na pigilin at hadlangan siya, sinasabing, "Sinumang nagsasabi na dumating na ang Panginoon na nagkatawang-tao ay nagkakalat ng maling paniniwala at turo. Huwag silang pakinggan, huwag basahin ang kanilang mga salita, at huwag makipag-ugnayan sa kanila!" Nakalito ito kay Zhang Yi, dahil malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, "And at midnight there was a cry made, Behold, the bridegroom comes; go you out to meet him" (Matthew 25:6). "My sheep hear My voice" (John 10:27). Sinasabi ng mga salita ng Panginoon na ang mga tao ay kailangang maging matatalinong dalaga at aktibong hanapin at pakinggan ang tinig ng Panginoon upang matanggap Siya, ngunit sinubukan ng kanyang pastor at elder ang lahat upang hadlangan at limitahan ang mga nananampalataya sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Bakit sila natatakot sa mga nananampalataya na nagsisiyasat sa tunay na daan? … Sa pamamagitan ng mga pakikipagdebate sa kanyang pastor at elder, sa wakas ay nalaman ni Zhang Yi kung sino ang mga Fariseo sa mga huling araw, at kung sino ang tunay na balakid na humahadlang sa mga nananampalataya na tanggapin ang Panginoon.