Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa nakalipas, nakagawa ang ilang tao ng mga hula tungkol sa “limang matatalinong dalaga, limang mangmang na dalaga”; bagaman hindi tumpak ang hula, hindi naman ito maling-mali, kaya mabibigyan Ko kayo ng ilang paliwanag. Ang limang matatalinong dalaga at limang mangmang na dalaga ay tiyak na hindi parehong kumakatawan sa bilang ng mga tao, ni kumakatawan sila sa isang uri ng mga tao ayon sa pagkakabanggit. Nangangahulugan ng bilang ng mga tao ang limang matatalinong dalaga, kinakatawan ang isang uri ng mga tao ng limang mangmang na dalaga, nguni’t alinman sa dalawang ito ay hindi tumutukoy sa mga panganay na anak, at sa halip kinakatawan nila ang sangnilikha. Ito ang dahilan kung bakit hiningi sa kanilang maghanda ng langis sa mga huling araw. (Hindi nagtataglay ng Aking katangian ang sangnilikha; kung gusto nilang gumawa ng matatalinong tao kung gayon kailangan nilang maghanda ng langis, at sa gayon ay kailangang masangkapan sila ng Aking mga salita.) Kinakatawan ng limang matatalinong dalaga ang Aking mga anak at Aking bayan sa gitna ng mga tao na Aking nilikha. Ang pagtawag sa kanila na [a] “mga dalaga” ay dahil bagama’t isinilang sila sa lupa, natatamo Ko pa rin sila; maaaring sabihin ng isa na naging banal sila, kaya tinatawag silang “mga dalaga.” Ang nabanggit na “lima” ay kumakatawan sa bilang ng Aking mga anak at Aking bayan na naitadhana Ko. Ang “limang mangmang na dalaga” ay tumutukoy sa mga taga-silbi. Gumagawa sila ng serbisyo sa Akin na hindi nagpapahalaga ng kahit katiting sa buhay, hinahabol lamang ang mga panlabas na bagay (dahil hindi sila nagtataglay ng Aking katangian, anumang gawin nila ito ay isang panlabas na bagay), at hindi nila kayang maging Aking mga may-kakayahang katulong, kaya tinatawag silang “mga mangmang na dalaga.” Ang nabanggit na “lima” ay kumakatawan kay Satanas, at ang pagkakatawag sa kanila na [b] “dalaga” ay nangangahulugang nalupig Ko sila at kayang gumawa ng serbisyo para sa Akin, nguni’t hindi banal ang ganitong uri ng tao, kaya tinatawag silang taga-silbi.