Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

12 Pebrero 2020

Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?



Mga kapatid:

      Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?

09 Pebrero 2020

Ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga Madalas na Sakuna Ngayong mga Huling Araw?


Ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng mga Madalas na Sakuna Ngayong mga Huling Araw?


Sa mga nagdaang taon lamang, ang buong mundo ay naligalig at nasa kabuuang krisis, at mayroong iba-ibang sakuna ang nangyayari saanman, gaya ng giyera, pag-atake ng mga terorista, lindol, mga salot, pagbaha, tagtuyot, pag-ulan ng yelo. Lahat ng ito ay nagbabadya sa ating buhay. Lahat ng ito ay eksaktong nakasaad sa mga propesiya sa bibliya: "Sapagkat magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't-ibang dako; magkakagutom, ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan" (Marcos 13:8). Gaya ng alam natin, ang madalas na pangyayari ng mga sakuna ay senyales ng mga huling araw. Mula dito, alam natin na ngayon ay ang mga huling araw na, at ang mga sakit ay mas dadami at magiging seryoso sa hinaharap. Kaya, ano ang mensahe nitong mga sakunang ito a nais ipabatid sa atin?

Mangyaring panoorin ang video na "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" at makikita natin ang sagot!

06 Pebrero 2020

Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagpanglaw ng Iglesia


Amos 8:11
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, “na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.”

03 Pebrero 2020

Tagalog Praise Songs | Awit ng Matamis na Pag-ibig


Tagalog Praise Songs | "Awit ng Matamis na Pag-ibig" Praise and Thank God for His Love (Tagalog Subtitle)


I
Pag-ibig Mo'y nakatago sa puso ko.
Inaakay akong mapalapit sa Iyo 
sa pinakamatamis na paraan.
Pagsasaalang-alang sa 'Yong kalooba'y 
ginagawang mas matamis aking puso.
Naglilingkod ako sa 'Yo sa puso't isipan, 
wala na akong ibang gusto.
Iyong salita'y gabay sa 'king puso, 
at sinusunod ko ang Iyong mga hakbang.
Mabubuhay ako ayon sa Iyong kalooban, 
bigyang-kasiyahan Ka'y nagpapasaya sa akin.
Dinala Mo ako sa mas mabuting lugar,
isang mundo na Ikaw lamang at ako.
Walang inaalala, wala nang dinaramdam.
Ang Iyong salita'y lumilinis sa aking katiwalian,
napuno ng mga ito ang puso ko.
Mahal Kita, oh, mahal Kita,
ang Iyong salita'y 
pinakamalaking bahagi ng aking buhay.
Anong kapalaran na maligtas Mo.
Kailanman mamahalin Kita't 
aawitin ang Iyong papuri.
Allelu-Allelujah! Allelu-Allelujah!
Allelu-Allelujah! Purihin ang Panginoon.

31 Enero 2020

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (4)


Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (4)

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magpakahulugan sa Biblia ay tulad ng pagkasumpong sa totoong landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay? Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa sinundang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos.

28 Enero 2020

Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo.

25 Enero 2020

Ano ang Ibig Sabihin ng Panginoon sa "Idalangin Ninyo ang sa Inyo’y Nagsisiusig"?


Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 1/2) Ano ang Ibig Sabihin ng Panginoon sa "Idalangin Ninyo ang sa Inyo’y Nagsisiusig"?


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.