Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

20 Hunyo 2020

Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?


 Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?

18 Hunyo 2020

Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos


Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.

Kailangan Natin ang Diyos sa Bawa’t Sandali ng Ating Buhay



Kailangan Natin ang Diyos sa Bawa’t Sandali ng Ating Buhay

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para matustusan ang lahat ng bagay maging buhay man o walang buhay, dinadala lahat sa mabuting kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay katotohanan na hindi kayang isipin o madaling unawain ng sinuman, at ang mga hindi maunawaang katotohanan ang siyang tunay na nagpapahayag ng at katibayan ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayon, hayaan mong sabihin Ko ang isang lihim: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay hindi maaaring maunawaan ng kahit sinong nilalang.

16 Hunyo 2020

Ang Makapangyarihang Diyos ang Nagbalik na Panginoong Jesus

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Matapos ang gawain ni Jehova, si Jesus ay naging katawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa kalagitnaan ng mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinakatuparan nang hiwalay, subali’t itinatag sa ibabaw ng gawain ni Jehova. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawain ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagka’t ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumilipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at sa sandaling ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ay ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyayari nang mag-isa, nguni’t ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya. Bawa’t bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Gayundin, may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, sa Kanyang paraan ng paggawa, sa kinalalagyan ng Kanyang gawain, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Nguni’t hindi alintana kung paano Siya sinasalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong.

15 Hunyo 2020

Mas Nakakaranas ang Isang Iglesia ng Pag-uusig, Mas Ito ay Totoo

Madalas na nagaganap ang mga sakuna ngayon. Maraming mga mananampalataya ang napagtanto na nakabalik na ang Panginoon, ngunit nasaan ang mga yapak ng Diyos? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Makikita natin mula sa propesiya na ito na kapag ang Panginoong Jesus ay bumalik sa mga huling araw, Siya ay dadanas ng maraming paghihirap, at tatanggihan ng henerasyong ito. Kaya, dapat nating hanapin ang iglesia na may pinakamalubhang paghihirap at malupit na inuusig sa relihiyosong mundo at ng naghaharing may pulitikal na kapangyarihan.

14 Hunyo 2020

Ang Alarma ng Kamapana ng mga Huling Araw Ay Tumunog Na. Gusto Mo bang Madala muna Bago ang mga Sakuna?


Sa ngayon, ang moral ng publiko ay bumababa sa bawat lumilipas na mga araw. Ang salin lahing ito ay nagiging mas masama at buktot. Ang mga sakuna ay nagaganap ng mas madalas sa buong mundo. Ang bihirang makita na mga astronomiyang pangitain ay naglalabasan din. Ang propesiya sa Bibliya na tumutukoy sa Pagbabalik ng Panginoon ay talagang mga natutupad na. Ang araw ng Pagbabalik ng Panginoon ay talagang andito na. Maraming mga relihiyosong mga Kristiyano ang may mga hinagap na ang Panginoon ay nakabalik na. Natanggap mo ba ang Pagbabalik ng Panginoon? Gusto mo bang maitaas sa langit bago ang mga sakuna?


13 Hunyo 2020

Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao



Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao


Ang pagkakatawang-tao ay pagiging tao ng Espiritu ng Diyos.
Ibig sabihi'y nagiging tao ang Diyos Mismo.
Ang Kanyang gawain sa katawang-tao
ay ang gawain ng Espiritu
na nagkakatotoo at ipinapahayag ng katawang-tao.
Wala maliban sa katawang-tao ng Diyos ang makakagawa
ng ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao.