Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

26 Abril 2019

Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan

May isang katotohanan na hindi kailanman tinutukoy sa mga kuwento ni Job sa Banal na Kasulatan, at ito ang paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. At ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ni Jehova.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang pasubali, walang hanggan, at walang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at ang lahat ng balak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi siya kailanman humiling sa Diyos na gumawa ng kahit ano para sa kanya o bigyan siya ng anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mga mapagmalabis na hangarin na may makukuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos. Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o nakaranas ng kalamidad. Naniwala siya na hindi alintana kung pinagpapala ng Diyos ang mga tao o nagdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at sa gayon, hindi alintana ang mga pangyayari sa tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Na pinagpala ng Diyos ang tao ay dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag dumating ang sakuna sa tao, kaya, gayon din, ay dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at umaayos ng lahat sa tao; ang mga hindi inaasahang pagbabago sa kapalaran ng tao ay ang pagpapahayag ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at hindi alintana ang kuru-kuro ng tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan ni Job at ang nalaman niya sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga iniisip at mga kilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Palaging hinintay ng pusong ito ang utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit anong oras o lugar ay tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang ginawang kahilingan si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, harapin at sundin ang lahat ng mga pag-aayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, at hindi rin narinig Siyang magsalita ng anumang salita, nagbigay ng anumang utos, nagbigay ng anumang aral, o nag-utos sa kanya ng kahit ano. Sa mga salita ngayon, para magtaglay siya ng ganoong kaalaman at saloobin sa Diyos kahit na ang Diyos ay walang naibigay sa kanya na kaliwanagan, patnubay, o pagtutustos patungkol sa katotohanan—ito ay mahalaga, at para sa kanya na magpakita ng mga ganitong bagay ay sapat na para sa Diyos, at ang kanyang patotoo ay pinuri ng Diyos, at itinangi ng Diyos. Si Job ay hindi kailanman nakita ang Diyos o narinig ang Diyos na personal na magbitiw ng anumang aral sa kanya, ngunit sa Diyos ang kanyang puso at siya mismo ay higit na mas mahalaga kaysa sa mga tao, na sa harap ng Diyos, ay kaya lamang magsalita ng malalalim na teorya, na kaya lamang magmalaki, at magsalita ng pag-aalay ng mga handog, ngunit hindi kailanman nagkaroon ng tunay na kaalaman sa Diyos, at hindi kailanman tunay na natakot sa Diyos. Dahil ang puso ni Job ay dalisay, at hindi lingid sa Diyos, at ang kanyang pagkatao ay tapat at mabait, at inibig niya ang katarungan at lahat ng positibo. Tanging ang tao na kagaya nito na nagtaglay ng gayong uri ng puso at pagkatao ay nagawang sumunod sa paraan ng Diyos, at kayang matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang ganitong tao ay maaaring makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, maaaring makita ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at nagawang makamit ang pagsunod sa Kanyang dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos. Tanging ang taong kagaya nito ang maaaring tunay na pumuri sa pangalan ng Diyos. Iyon ay dahil sa hindi siya tumingin kung siya ay pagpapalain ng Diyos o magdadala ng kapahamakan sa kanya, dahil alam niya na ang lahat ay pinamamahalaan ng kamay ng Diyos, at para sa tao na mag-alala ay isang tanda ng kahangalan, kamangmangan, at kawalan sa katwiran, ng pag-aalinlangan sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at ng walang pagkatakot sa Diyos. Ang kaalaman ni Job ay ang tiyak na ninais ng Diyos. Kaya, si Job ba ay may higit na maraming kaalaman sa teorya tungkol sa Diyos kung ihahambing sa inyo? Dahil ang gawain at mga pagbigkas ng Diyos sa mga panahon na iyon ay iilan, hindi madaling makamit ang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang ganitong nakamit ni Job ay hindi madaling gawin. Hindi niya naranasan ang gawain ng Diyos, o kailanman narinig na nagsasalita ang Diyos, o nakita ang mukha ng Diyos. Na nagawa niyang magkaroon ng ganitong saloobin sa Diyos ay ganap na bunga ng kanyang pagkatao at ng kanyang mga personal na gawain, isang pagkatao at gawain na hindi tinataglay ng mga tao sa ngayon. Kaya, sa panahong iyon, sinabi ng Diyos, “walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki.” Sa kapanahunang iyon, ang Diyos ay nakagawa na ng ganitong pagtatasa sa kanya, at nagkaroon ng ganitong konklusyon. Gaano pa ito mas magiging katotoo sa ngayon?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento