Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

08 Disyembre 2017

Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

buhay, Diyos, katotohanan, kalooban, Paghatol

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan
 

    Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Jesus, Diyos, katotohanan, Daan, kapangyarihan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

    Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.

07 Disyembre 2017

Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan

Diyos, Jesus, Panalangin, iglesia, Biblia




 Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan



Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan
I
Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya'y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya'y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa
sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N'ya iligtas tiwaling tao,
na namumuhay kasama N'ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D'yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N'ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D'yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N'ya
sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong
ito ay 'di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay 'di kayang
direktang sirain si Satanas,
Magagamit N'ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan
at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.
II
Ito ay dahil nagkatawang-tao ang D'yos
upang matalo Niya si Satanas
at magawang iligtas ang sangkatauhan.
Hindi N'ya direktang ginigiba si Satanas,
pero nagiging katawang-tao
at sinasakop N'ya ang buong sangkatauhan,
na tiniwali ni Satanas.
Sa pamamagitan nito, mas mahusay Niyang patotohanan
ang Sarili sa mga nilikha,
at mailigtas ang tiniwaling sangkatauhan.
Ang paglupig ng nagkatawang-taong D'yos kay Satanas
ay mas dakilang patotoo,
at mas mapanghikayat,
kaysa tahasang pagsira kay Satanas
sa pamamagitan ng Espiritu ng D'yos.
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay mas nakakatulong
na makilala ng tao ang buong Maykapal,
at mas masaksihan N'ya Mismo kasama ang mga nilalang.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus

Ano ang Ebanghelyo ?

Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao



Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


    Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay nakágáwâ ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.
    Yamang ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring makita ni mahawakan, at lalong hindi ito makita ng mundo, kung gayon paano ito naging isang bagay na dakila? Anong uri ng bagay ang maituturing na dakila? Tiyak na walang makatatanggi na ang lahat ng gawain ng Diyos ay maituturing na dakila, nguni’t bakit Ko sinasabi na ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon ay gayon nga? Kapag Aking sinasabi na ang Diyos ay nakágáwâ ng isang dakilang bagay, walang duda na ito ay kinapapalooban ng maraming hiwaga na hindi pa nauunawaan ng tao. Ating salitain ngayon ang tungkol sa mga yaon.
    Si Jesus ay isinilang sa isang sabsaban sa panahon na hindi mapahintulutan ang Kanyang pag-iral, nguni’t hindi pa rin Siya mahadlangan ng mundo, at Siya ay namuhay kasama ng mga tao sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa maraming mga taong iyon ng pamumuhay, naranasan Niya ang kapaitan ng mundo at natikman ang buhay na puno ng dalamhati sa lupa. Pinasan Niya ang mabigat na pananagutan ng pagkapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Tinubos Niya ang lahat ng mga makasalanan na patuloy na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at sa wakas, ang Kanyang katawang muling nabuhay ay bumalik sa Kanyang lugar na pahingahan. Ngayon, nagsimula ang bagong gawain ng Diyos, at ito rin ang simula ng bagong kapanahunan. Dinadala ng Diyos sa Kanyang tahanan ang mga tinubos upang masimulan ang Kanyang bagong gawain ng pagliligtas. Sa pagkakataong ito, ang gawain ng pagliligtas ay mas masusi kaysa nakaraan. Hindi ito gagawin ng Banal na Espiritu na kumikilos sa tao upang pahintulutan siyang magbago sa kanyang sarili, ni hindi rin ito gagawin sa pamamagitan ng katawan ni Jesus na nagpapakita sa gitna ng mga tao, at lalong hindi ito gagawin sa ibang paraan. Sa halip, ang gawain ay gagawin at papatnubayan ng Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Ito ay ginagawa upang pangunahan ang tao patungo sa bagong gawain. Hindi ba ito isang dakilang bagay? Hindi ginagawa ng Diyos ang gawaing ito na kabahagi ang ilang mga tao o sa pamamagitan ng mga hula, kundi ng Diyos Mismo. Ang ilan ay maaaring magsabi na ito ay hindi isang dakilang bagay at hindi nito mabibigyan ang tao ng lubos na kaligayahan. Gayunman, sasabihin ko sa iyo na ang gawain ng Diyos ay hindi ito lamang, kundi isang bagay na lalong mas malaki at lalong higit pa.
    Sa pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang napaka-ordinaryo katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng mga katotohanang hindi mo pa kailanman naririnig. Ang hamak na katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng mga salita ng katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring hindi mo maabot, nguni’t ang tinutumbok ng lahat ng gawaing Kanyang ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo, naririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan ang tao na makita ang Diyos sa langit na namumuhay sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala, sundin, igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang kung bakit nagbalik na Siya sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng tao sa kasalukuyan ay isang Diyos na katulad ng tao, ang Diyos na mayroong ilong at dalawang mata, at isang di-katangi-tanging Diyos, sa katapusan ay ipakikita sa inyo ng Diyos na kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit at lupa ay sasailalim sa napakalaking pagbabago; kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit ay magiging madilim, magkakagulo sa lupa, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa taggutom at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung wala ang pagliligtas ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon kayo ay magiging pinakapinuno ng mga makasalanan at mga bangkay magpakailanman. Nararapat ninyong malaman na kung hindi umiiral ang katawang-taong ito, ang buong sangkatauhan ay mahaharap sa di-maiiwasang kalamidad at mahihirapang makatakas sa mas matinding kaparusahan sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat kayo ay mapupunta sa katayuan kung saan ang pagkabuhay ni ang kamatayan ay hindi darating gaano man ninyo ito naisin; kung wala ang pag-iral ng katawang-taong ito, kung gayon sa araw na ito hindi ninyo makakayang tanggapin ang katotohanan at lumapit sa trono ng Diyos. Sa halip, parurusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong mabigat na mga kasalanan. Alam ba ninyo? Kung hindi dahil sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos, walang magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; kung hindi dahil sa pagdating ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang kapanahunan. Kaya, magagawa ninyo pa bang tanggihan ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang maaari kayong lubhang makinabang sa karaniwang taong ito, kung gayon bakit hindi ninyo Siya tanggapin nang buong puso?
    Ang gawain ng Diyos ay yaong hindi mo maunawaan. Kung hindi mo matarok kung ang iyong desisyon ay tama ni malaman kung ang gawain ng Diyos ay magtatagumpay, bakit hindi mo subukin ang iyong kapalaran at tingnan kung ang karaniwang taong ito ay malaking tulong sa iyo, at kung ang Diyos ay nakágáwâ ng dakilang gawain. Gayunpaman, dapat Kong sabihin sa iyo na sa panahon ni Noe, kumakain at umiinom ang mga tao, nag-aasawa at nakikipag-asawa hanggang sa puntong hindi na kayang tingnan ito ng Diyos, kaya Siya ay nagpadala ng malaking baha upang wasakin ang sangkatauhan at iniwan lamang ang pamilya ni Noe na walong tao at ang lahat ng uri ng mga ibon at hayop. Sa mga huling araw, gayunman, yaong mga kinupkop ng Diyos ay lahat niyaong mga naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan. Kahit na ang parehong panahon ay puno ng matinding katiwaliang hindi mabata ng Diyos na masaksihan, at ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan ay napakatiwali na itinanggi niya ang Diyos bilang ang Panginoon, ang lahat ng mga tao sa panahon ni Noe ay winasak ng Diyos. Nagdulot nang labis na kapighatian sa Diyos ang sangkatauhan sa parehong kapanahunan, nguni’t nanatiling matiisin ang Diyos sa mga tao sa mga huling araw hanggang sa kasalukuyan. Bakit ganito? Hindi ba ninyo ito pinag-isipan kailanman? Kung talagang hindi ninyo alam, hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo. Ang katuwiran kung bakit kayang pakitunguhan ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw ay hindi dahil sila ay di-gaanong tiwali kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe o sila ay nagpakita ng pagsisisi sa Diyos, lalong hindi dahil hindi matiis ng Diyos na wasakin ang mga tao sa huling mga araw kung saan ang teknolohiya ay nakasulong. Sa halip, ito ay dahil ang Diyos ay mayroong isasagawang gawain sa isang pangkat ng mga tao sa mga huling araw at ito ay gagawin ng Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Higit pa rito, mamimili ang Diyos ng isang bahagi ng pangkat na ito bilang mga pag-uukulan ng Kanyang pagliligtas, ang bunga ng Kanyang planong pamamahala, at dadalhin ang mga taong ito kasama Niya patungo sa susunod na kapanahunan. Samakatuwid, anuman ang mangyari, ang halagang ibinayad ng Diyos ay lubusang para sa paghahanda sa gawain ng Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw. Ang lahat ng mayroon kayo sa araw na ito ay dahil sa katawang-taong ito. Dahil sa nabubuhay ang Diyos sa katawang-tao kaya kayo ngayon ay may pagkakataong mabuhay. Ang lahat ng magandang kapalarang ito ay nakamit dahil sa karaniwang taong ito. Hindi lamang ito, kundi sa katapusan ang bawa’t bansa ay sasamba sa karaniwang taong ito, gayundin ay magbibigay pasasalamat at susunod sa hamak na taong ito. Sapagka’t Siya ang nagdala ng katotohanan, ng buhay, at ng daan upang mailigtas ang buong sangkatauhan, malunasan ang hindi pagkakaintindihan sa pag-itan ng Diyos at tao, papaglapitin ang Diyos at tao, at maipaalam ang mga iniisip sa pag-itan ng Diyos at tao. Siya rin ang nagdala ng higit pang kaluwalhatian sa Diyos. Hindi ba karapat-dapat ang karaniwang taong gaya nito sa iyong pagtitiwala at pagsamba? Ang gayon bang karaniwang katawang-tao ay hindi angkop upang tawaging Kristo? Ang gayon bang karaniwang tao ay hindi maaaring maging ang pagpapahayag ng Diyos sa gitna ng mga tao? Hindi ba karapat-dapat sa inyong pagmamahal at para inyong hawakan ang gayong tao na tumutulong sa sangkatauhan upang mailigtas sa sakuna? Kung tanggihan ninyo ang mga katotohanang namutawi mula sa Kanyang bibig at kamuhian din ang Kanyang pag-iral sa gitna ninyo, ano ang inyong magiging kapalaran?
    Ang lahat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang taong ito. Ipagkakaloob Niya ang lahat ng bagay tungo sa iyo, at bukod pa rito, Siya ang makapagpapasiya sa lahat ng bagay tungkol sa iyo. Ang ganoong tao ba ay maaaring maging katulad ng inyong inaakala: isang taong napakapayak kaya’t hindi-karapat-dapat na mabanggit? Ang katotohanan ba Niya ay hindi sapat upang kayo ay lubos na mahikayat? Ang pagsaksi ba ng Kanyang mga gawa ay hindi sapat upang kayo ay lubusang mahikayat? O ang landas ba kung saan Niya kayo pinangungunahan ay hindi ninyo karapat-dapat na sundan? Ano ang nag-uudyok sa inyo upang makaramdam ng pag-ayaw sa Kanya at itaboy Siya at iwasan Siya? Siya ang naghahayag ng katotohanan, Siya ang nagtutustos ng katotohanan, at Siya ang nagbibigay ng kakayahan sa inyo upang magkaroon ng landas na tatahakin. Maaari kaya na hindi pa rin ninyo nakikita ang mga bakas ng gawa ng Diyos sa loob ng mga katotohanang ito? Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagáwâ na ng Diyos sa gitna ng mga tao.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

05 Disyembre 2017

Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya

Diyos, katapatan, Pananampalataya, madarama, Niya ay tunay

 

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Umaasa ang Diyos na Makamit ang Totoong Pananampalataya't Pag-ibig ng Tao Para sa Kanya


I
Umaasa ang Diyos na kapag iyong nauunawaan
ang tunay na bahagi Niya,
sa Kanya'y ikaw ay lalong mapapalapit;
tunay mong mapapahalagahan ang pag-ibig Niya
at malasakit Niya sa sangkatauhan;
puso mo'y ibibigay sa Kanya,
wala nang mga alinlangan
at wala nang mga hinala sa Kanya.
Palihim Niyang ginagawa ang lahat para sa tao.
Kanyang sinseridad, katapatan,
at pag ibig ay lihim na ibinigay sa tao.
'Di Siya nagsisisi sa Kanyang mga ginagawa;
ni may hinihintay na kapalit sa tao,
o may inaasahang anuman sa kanila.
Ang tanging layunin ng ginagawa Niya ay tunay
na pananampalataya at pag-ibig.

Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan




Jesus, Biyaya, Paghatol, Diyos, buhay


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isinasagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


    Ang gawain sa mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagkat ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay dumating na. Dadalhin ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang katapusan, sa panahon ng Diyos Mismo. Gayunman, bago dumating ang panahon ng Diyos Mismo, ang gawain na ninanais gawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa mga buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagkat dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa Kanyang luklukan. Lahat ng mga nagsisunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa luklukan ng Diyos, kaya lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang dadalisayin ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tatanggap sa huling gawain ng Diyos ang siyang hahatulan ng Diyos.
    Kagaya ng nasabi na dati, ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos. Ang “paghatol” na ito ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga nagsilapit sa Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa hindi karaniwang mga pala-palagay kagaya ng sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, pagkatapos ay uupo ang Diyos sa isang dakilang luklukan at ang lahat ng mga tao ay luluhod sa lupa. Ibubunyag ng Diyos noon ang lahat ng mga kasalanang sakdal laban sa tao upang malaman kung siya ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Hindi alintana ang mga pala-palagay ng tao, ang sangkap ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring baguhin. Ang mga pala-palagay ng tao ay gawa-gawa lamang ng pag-iisip ng tao at galing sa utak ng tao, naidagdag at pinagtagni-tagni sa mga nakita at narinig ng tao. Masasabi Ko kung gayon, gaano man kagaling ang mga imaheng naisip, ang mga ito ay mga larawan lang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang lahat sa tao ay ginawang tiwali na ni Satanas, kaya papaano niya mauunawaan ang mga iniisip ng Diyos? Iniisip ng tao na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay talagang di kapani-paniwala. Naniniwala ang tao na dahil ang Diyos Mismo ang magsasagawa ng gawain ng paghatol, kung gayon ito ay magiging pinakakakila-kilabot at hindi mauunawaan ng mga mortal; aalingawngaw ito hanggang sa langit at yayanigin ang lupa, kung hindi ay papaano ito magiging gawain ng paghatol ng Diyos? Naniniwala ang tao na dahil ito ay gawain ng paghatol, kung gayon ang Diyos ay dapat na maging dakila at makahari habang Siya ay gumagawa, at ang lahat ng hinatulan ay dapat na magpalahaw sa pag-iyak at nakaluhod na nagmamakaawa. Dapat ang eksena ay napakarangyang pagmasdan at masyadong nakapupukaw…. Isinasalarawan ng bawat tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga tao, mahimbing pa rin ang iyong tulog? Alam mo ba, sa oras na naniwala ka na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay doon mo pa lang maiintindihan ang kahulugan ng buhay, ngunit ang walang-awang gawain ng kaparusahan ng Diyos ay dadalhin ka, nang natutulog pa rin, sa impiyerno. Saka mo lang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagtapos na.
    Huwag na tayong magsayang ng mahalagang oras at huwag na nating pag-usapan itong mga nakamumuhi at kasuklam-suklam na paksa. Sa halip ay pag-usapan natin kung ano ang bumubuo sa paghatol. Pagdating sa salitang “paghatol,” maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehovah sa lahat ng dako at ang mga salitang pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagamat matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao; ang mga salitang ito ay ang mga sinalita lamang ng Diyos sa loob ng magkakaibang kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo, at hindi sila kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo sa paghatol Niya sa tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gagamit ng iba’t-ibang mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay sumasaklaw sa iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang kaalaman at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, ang mga salitang nagbubunyag kung papaanong itinatakwil ng tao ang Diyos ay sinalita kung paanong ang tao ay isang mismong larawan ni Satanas at pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Kapag ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, hindi lang Niya basta nililinaw ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita, ngunit nagsasagawa ng pagbubunyag, pakikitungo, at pagpupungos nang pangmatagalan. Ang gayong pagbubunyag, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mapalitan ng mga ordinaryon salita ngunit ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang gayong paraan lamang ng paggawa ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lang ng gayong paghatol mahihikayat ang tao, na makumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at makamtam ang tunay na pagkilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at ang katotohanan tungkol sa kanyang pagiging mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ang magbibigay-daan sa tao upang malaman nang higit ang kalooban ng Diyos, ang layunin ng paggawa ng Diyos, at ang mga misteryo na hindi kayang maunawaan ng tao. Ipahihintulot din nito na makilala at malaman ng tao ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, at upang matuklasan din ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gayong gawain ay ang mismong gawain sa paglalantad ng katotohanan, daan, at buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na isinagawa ng Diyos. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga katotohanang ito at palaging iisiping iwasan ang mga ito o isang bagong paraang hiwalay sa mga ito, masasabi Kong lubha kang makasalanan. Kung mayroon kang pananampalataya sa Diyos, ngunit hindi mo hinahanap ang katotohanan o ang kalooban ng Diyos, ni hindi mo iniibig ang daan na magdadala sa iyo nang mas malapit sa Diyos, masasabi Kong ikaw ang sumusubok na takasan ang paghatol. Isa kang sunud-sunuran at taksil na lumalayo sa dakilang puting luklukan, at hindi patatawarin ng Diyos ang isa man sa mga mapanghimagsik na tumatakas sa ilalim ng Kanyang mga mata. Ang gayong mga tao ay makatatanggap ng lalong mas mabigat na kaparusahan. Silang mga nagsilapit sa Diyos upang mahatulan at dinalisay na ay mananahan magpakailanman sa kaharian ng Diyos. Siyempre, ito ay sa hinaharap.
    Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili. Sapagkat ang paghatol ay ang panlulupig sa tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos sa larawan ng nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ito ay upang sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos. Ang ilan ay may di kasiya-siyang damdamin tungkol sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil mahirap para sa tao na paniwalaan na isasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol bilang isang pagkakatawang-tao. Ngunit kailangang masabi Ko sa iyo na kadalasan ang paggawa ng Diyos ay lumalampas nang labis sa inaasahan ng tao at mahirap para sa isip ng tao na tanggapin. Sapagkat ang mga tao ay mga uod lamang sa lupa, samantalang ang Diyos ay Siyang kataas-taasan na pumupuno sa sanlibutan; ang pag-iisip ng tao ay katulad lang ng hukay ng maruming tubig na nagdudulot lamang ng mga uod, samantalang ang bawat antas ng gawain na pinapatnubayan ng mga kaisipan ng Diyos ay bunga ng karunungan ng Diyos. Laging hinahangad ng tao na makipaglaban sa Diyos; kung gayon ay sasabihin Ko na hayag na hayag kung sino ang masasawi sa bandang katapusan. Ipinapayo Ko sa inyong lahat na huwag ninyong ipalagay ang inyong mga sarili na mas mahalaga kaysa ginto. Kung kaya ng iba na tanggapin ang paghatol ng Diyos, kung gayon bakit hindi mo kaya? Gaano ka na ba kataas kaysa sa iba? Kung kaya ng iba na magyuko ng ulo sa harap ng katotohanan, bakit hindi mo magawa ang kapareho? Ang dakilang paggalaw ng gawain ng Diyos ay hindi mahahadlangan. Hindi na Niya uuliting muli ang gawain ng paghatol para sa kapakanan ng iyong “mga katangian,” at lubos mong pagsisisihan ang pagkawala ng ganoon kagandang pagkakataon. Kung hindi mo pinaniniwalaan ang Aking mga salita, maghintay na lang kayo kung gayon sa dakilang puting luklukan sa langit na “magpasa ng paghatol” sa iyo! Kailangang malaman mo na lahat ng mga Israelita ay itinanggi at itinatwa si Jesus, gayunman ang katotohanan ng pagliligtas ni Jesus sa sangkatauhan ay lumaganap pa rin hanggang sa mga dulo ng sanlibutan. Hindi ba ito ang katotohanan na matagal nang isinakatuparan ng Diyos? Kung naghihintay ka pa rin kay Jesus upang dalhin ka sa langit, kung gayon ay masasabi ko na isa kang sutil na piraso ng tuyong kahoy.[a] Hindi kikilalanin ni Jesus ang isang huwad na tagasunod na kagaya mo na hindi tapat sa katotohanan at naghihintay lamang ng mga biyaya. Sa kabilang banda, hindi Siya magpapakita ng anumang awa sa pagbubulid Niya sa iyo sa dagat-dagatang apoy upang masunog sa loob ng sampu-sampung libong taon.
    Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ang katotohanan? Kung naiintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop ka sa paghatol, kung hindi, di ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na papurihan ng Diyos o madala ng Diyos sa Kanyang kaharian. Silang mga tatanggap lang ng paghatol subalit hindi kailanman maaaring dalisayin, iyon ay, silang mga magsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanman kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalo, at lalong mas mabigat, kaysa doon sa mga Fariseo, sapagkat pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat, at walang-hanggang kaparusahan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang minsan ay nagpahayag ng katapatan sa mga salita subalit pinagtaksilan din Siya. Makikita ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba nito ibinunyag ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang eksaktong layunin ng paghatol ng Diyos at pagbubunyag sa tao? Ilalagay ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng masamang gawain sa panahon ng paghatol sa lugar na kung saan ang mga masasamang espiritu ay naninirahan para sirain ang kanilang mga katawang laman sa kagustuhan ng espiritu. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaan ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi tapat na huwad na tagasunod, mga huwad na disipulo, at mga huwad na manggagawa, at kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu nang sa gayon ang kanilang buong katawan ay madungisan nang todo ng mga espiritu at, bilang resulta, hindi na sila maaaring muling magkatawang-tao at makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan ngunit hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibibilang ng Diyos sa mga makasalanan nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan, at maging bahagi ng mga magugulong makapal na bilang ng mga tao. Sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isasantabi at hindi papansinin ng Diyos yaong mga hindi naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng panahon. Hindi na sila iiral sa mundo, lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan sa pakikitungo sa Diyos ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang matitira, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian yaong lahat ng kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak na lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bunga na ipinanganak ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At doon sa mga hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na mahihinuha ninyo ang kahihinatnan ng mga ito. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman maghihintay para sa sinuman na hindi makasasabay sa bilis ng hakbang ng Diyos, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi magpapakita ng kaawaan sa sinumang tao.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Isang piraso ng tuyong kahoy: isang kawikaang Intsik, ibig sabihin “walang pag-asa.”
Rekomendasyon:Kidlat ng Silanganan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Ano ang Ebanghelyo ?

Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Biyaya, paggalang, Daan, kapangyarihan, buhay

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

    Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.