
Ano ang ika-limang bagay? Ang bagay na ito ay lubos na may kaugnayan sa buhay ng bawat tao, at ito rin ay isang bagay na hindi kayang mawala sa buhay ng katawan ng tao sa materyal na mundong ito. Ang bagay na ito ay ang daloy ng hangin. Ang “daloy ng hangin” ay isang salita na marahil naiintindihan ng lahat ng tao. Kaya ano ang daloy ng hangin? Subukang ipaliwanag ito sa inyong mga sariling salita. (Ang daloy ng hangin ay ang pagbalong ng hangin.) Maari ninyong sabihin iyon. Ang pagbalong ng hangin ay tinatawag na “daloy ng hangin.” Mayroon pa bang ibang paliwanag? Ano ang kahulugan ng salitang “daloy ng hangin”? Ang daloy ng hangin ay ang hangin na hindi kayang makita ng mata ng tao. Ito rin ay isang paraan kung saan ang hangin ay gumagalaw. Tama rin iyon. Ngunit ano ang daloy ng hangin na pangunahin nating pinag-uusapan dito? Maiintindihan ninyo sa lalong madaling panahong sabihin ko ito. Ang daigdig, habang ito ay umiikot, ay nagdadala ng mga bundok, mga dagat, at ang lahat ng mga bagay, at kapag ito ay umiikot ay mayroong bilis. Kahit na hindi ka nakakaramdam ng anumang pag-ikot, talagang umiiral ang pag-ikot nito. Ano ang dala ng pag-ikot nito? Ano ang nangyayari kapag ang isang tao ay tumatakbo? Mayroon bang hangin malapit sa iyong mga tainga kapag ikaw ay tumatakbo? (Oo.)