Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)
Ang kalikasan ng tao ay ganap na naiiba sa Aking diwa; ito ay sapagkat ang tiwaling kalikasan ng tao ay lahat nagmumula kay Satanas at ang kalikasan ng tao ay naproseso na at nagawang tiwali na ni Satanas. Yan ay, nananatili ang tao sa ilalim ng impluwensiya ng kasamaan at kapangitan nito. Ang tao ay hindi lumalaki sa isang mundo ng katotohanan o sa isang banal na kapaligiran, at dagdag pa hindi namumuhay sa liwanag. Samakatuwid, hindi posible para sa katotohanan na likas na mataglay sa loob ng kalikasan ng bawat tao, at dagdag pa hindi sila maaaring ipanganak na may takot-sa-Diyos, sumusunod-sa-Diyos na diwa. Sa kabaligtaran, sila ay nagtataglay ng isang kalikasan na tumututol sa Diyos, sumusuway sa Diyos, at walang pagmamahal para sa katotohanan. Ang kalikasang ito ay ang problemang nais Kong pag-usapan pagkakanulo. Ang pagkakanulo ang pinagmumulan ng pagtutol ng bawat tao sa Diyos. Ito ay isang problema na umiiral lamang sa tao at hindi sa Akin. May ilang magtatanong ng ganitong uri ng tanong: Yamang silang lahat ay nabubuhay sa daigdig ng tao, bakit ang lahat ng tao ay may isang kalikasan na nagkakanulo sa Diyos, subali’t si Cristo ay hindi? Ito ay isang tanong na dapat maipaliwanag sa inyo nang malinaw.
Ang pag-iral ng sangkatauhan ay nakabatay sa pagkakatawang-tao naman ng kaluluwa. Sa ibang salita, bawat tao ay nagtatamo ng isang pantaong pamumuhay sa laman sa pagkakatawang-tao ng kanilang kaluluwa. Pagkatapos na ang katawan ng isang tao ay maipanganak, ang buhay na iyon ay nagpapatuloy hanggang sa pinakamalaking limitasyon ng laman, yan ay, ang pangwakas na sandali kapag nilisan ng kaluluwa ang balat nito. Ang prosesong ito ay muli’t muling nauulit sa kaluluwa ng isang tao na dumarating at umaalis, at dumarating at umaalis, sa gayon ay napapanatili ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Ang buhay ng laman ay ang buhay din ng kaluluwa ng tao, ang kaluluwa ng tao ay sumusuporta sa pag-iral ng laman ng tao. Na ang ibig sabihin, bawat buhay ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa; hindi ang kanilang laman ang orihinal na may buhay. Sakamatuwid, ang kalikasan ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa, hindi mula sa kanilang laman. Tanging ang bawat kaluluwa ng tao ang nakakaalam kung paano sila ay sumailalim sa mga tukso, mga paghihirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi maaaring malaman ito ng laman ng tao. Kaya, ang sangkatauhan ay hindi sinasadyang nagiging higit at mas marumi, masama at madilim, habang ang distansiya sa pagitan Ko at ng tao ay lumalaki nang palayo nang palayo, at ang mga araw ng sangkatauhan ay nagiging padilim nang padilim. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay lahat nasa abot-kamay ni Satanas. Sa gayon, hindi na kailangang sabihin pa na ang laman ng tao ay naokupahan na rin ni Satanas. Paanong maaaring ang laman tulad nito at mga taong tulad nito ay hindi tututulan ang Diyos at maging likas na kaayon sa Kanya? Ang dahilan kung bakit si Satanas ay itinapon Ko sa hangin ay sapagkat ipinagkanulo nito Ako, kung kaya paanong maaaring mapakawalan ng mga tao ang kanilang mga sarili mula dito? Ito ang dahilan na ang kalikasan ng tao ay pagkakanulo. Nagtitiwala Ako na kapag inyong naunaawaan ang pangangatwirang ito kayo ay dapat ding magkaroon ng paniniwala sa diwa ni Cristo! Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. Ang laman na tulad nito ay may kakayanang lamang na gumawa nang matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, na kung saan ay banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayanang gumawa ng anumang lalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, mas higit ng anumang bagay na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang laman ay hindi magagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang laman ay naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi maaaring posibleng gawing tiwali ni Satanas ang laman ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos. Ngayon, dapat ninyong lahat maunawaan na ang sangkatauhan lamang, na siyang ginawang tiwali ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin, at na ang problemang ito ay palaging magiging walang kaugnayan kay Cristo.
Lahat ng mga kaluluwa na ginawang tiwali ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng dominyon ni Satanas. Tanging yaong mga naniniwala kay Kristo ang naihiwalay, niligtas mula sa kampo ni Satanas, at dinala sa kaharian ngayon. Ang mga taong ito ay hindi na namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas. Kahit na, ang kalikasan ng tao ay nakaugat pa rin sa laman ng tao. Na ang ibig sabihin na bagamat ang inyong mga kaluluwa ay nailigtas na, ang inyong kalikasan ay nasa lumang anyo pa rin at ang pagkakataon na inyong ipagkakanulo Ako ay nananatili sa isang-daang prosiyento. Kaya nga ang Aking gawain ay sadyang pangmatagalan, sapagkat ang inyong kalikasan ay masyadong di-natitinag. Ngayon lahat kayo ay nagdurusa hanggang sa makakayanan ninyo sa pagtupad ng inyong mga tungkulin, subalit ang isang di-maikakailang katotohanan ay ito: Bawat isa sa inyo ay maykakayanang ipagkanulo Ako at bumalik sa dominyon ni Satanas, sa kampo nito, at bumalik sa inyong lumang mga pamumuhay. Sa panahong iyon, hindi magiging posible para sa inyo na magkaroon ng isang pilas ng pagkatao o ang pagpapakita ng isang tao gaya ninyo ngayon. Sa seryosong mga kaso, kayo ay mawawasak at saka mapapahamak nang walang-hanggan, kailanman ay di na magkakatawang-tao muli subalit malubhang mapaparusahan. Ito ang problemang nakalatag sa harapan ninyo. Pinaaalalahanan Ko kayo sa ganitong paraan upang una, ang Aking gawain ay hindi magiging walang kabuluhan, at ikalawa, maaari kayong lahat ay mabuhay sa mga araw ng liwanag. Sa katunayan, kung ang Aking gawain ay walang kabuluhan ay hindi ang napakamahalagang problema. Ang susi ay para kayo ay magkaroon ng masayang mga buhay at isang kamangha-manghang hinaharap. Ang Aking gawain ay ang gawain ng pagliligtas ng mga kaluluwa ng mga tao. Kung ang iyong kaluluwa ay bumagsak sa mga kamay ni Satanas, sa gayon ang iyong katawan ay hindi magkakaroon ng mapayapang mga araw. Kung Aking pinoprotektahan ang iyong katawan, sa gayon ang iyong kaluluwa ay tiyakang mapapasailalim ng Aking pangangalaga. Kung talagang kinamumuhian kita, sa gayon ang iyong katawan at kaluluwa ay kaagad babagsak sa mga kamay ni Satanas. Maaari mo bang maisip sa gayon kung ano ang kahihinatnan ng iyong sitwasyon? Kung isang araw ang Aking mga salita ay nawala sa inyo, sa gayon ipapasa Ko kayo kay Satanas upang dobleng labis na pahirapan kayo hanggang sa ang Aking galit ay ganap na mapawi, o personal Kong parurusahan kayo na di-matutubos na mga tao, sapagkat ang inyong mga puso na nagkakanulo sa Akin ay hindi kailanman nagbago.
Lahat kayo ngayon ay dapat tingnan ang inyong mga sarili sa lalong madaling panahon upang makita kung gaano kalaki sa inyong kayarian ay nagkakanulo pa rin sa Akin. Naiinip Akong naghihintay sa inyong tugon. Huwag ninyo Akong ipagwalang-bahala. Kailanma’y hindi Ako nakipaglaro sa mga tao. Kung sinasabi Ko ito sa gayon tiyak na gagawin Ko ito. Umaasa Ako na lahat kayo ay maaaring maging mga tao na siniseryoso ang Aking mga salita at huwag isipin na ang mga iyon ay isang nobelang kathang-isip sa agham. Ang nais Ko ay kongkretong aksyon mula sa inyo, hindi ang inyong mga imahinasyon. Susunod, dapat ninyong sagutin ang ganoong mga katanungan mula sa Akin: 1. Kung tunay kang isang taga-serbisyo, sa gayon maaari mo bang pagsilbihan Ako nang matapat, walang anumang di-interesado o negatibong mga elemento? 2. Kung malaman mo na kailanman hindi Kita napahalagahan, makakayanan mo pa rin ba na manatili at paglingkuran Ako habang buhay? 3. Kung gumugol ka ng maraming pagpupunyagi subalit Ako ay nanatili pa ring malamig sa iyo, maaari ka bang magpatuloy nang pagtatrabaho sa Akin na di-kilala? 4. Kung, pagkatapos mong makagugol ng ilang mga bagay para sa Akin, hindi Ko nagbigyan-kasiyahan ang iyong mga maliliit na mga hinihingi, ikaw ba ay masisiraan ng loob at mabibigo sa Akin o maging galit na galit at sumigaw ng pang-aabuso pa nga? 5. Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin? 6. Kung wala sa kung anumang naisip mo sa iyong puso ang tumutugma sa kung ano ang Aking nagawa, sa gayon paano ka lalakad sa iyong hinaharap na landas? 7. Kung hindi mo natatanggap ang anumang bagay na inaasahan mong matanggap, sa gayon maaari ka bang magpatuloy na maging tagasunod Ko? 8. Kung hindi mo kailanman naunawaan ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain, sa gayon maaari ka bang maging isang masunuring tao na hindi gumagawa ng hindi makatwirang mga paghatol at mga konklusyon? 9. Maaari mo bang pakaingat-ingatan ang lahat ng mga salita na Aking nasabi at lahat ng mga gawain na Aking nagawa kapag Ako’y kasama ng sangkatauhan? 10. Makakayanan mo bang maging matapat Kong tagasunod, nahahandang magdusa para sa Akin sa kabila ng hindi pagtanggap ng anumang bagay? 11. Makakayanan mo bang hindi magsaalang-alang, magplano, o maghanda para sa iyong hinaharap na landas ng kaligtasan ng buhay para sa Aking kapakanan? Ang mga katanungan ito ay Aking mga pangwakas na mga kinakailangan sa inyo at inaasahan Ko na lahat kayo ay maaaring tumugon sa Akin. Kung iyong tutuparin ang isa o dalawa sa mga bagay na mula sa mga katanungan ito, sa gayon kinakailangan mo pa ring ipagpatuloy ang pagtatrabaho nang husto. Kung hindi mo maaaring matupad ang isa sa mga kinakailangang ito, sa gayon tiyak na ikaw ang uri na maipapatapon sa impiyerno. Wala na Akong kailangang sabihing anumang karagdagan sa ganoong mga tao. Ito ay sapagkat sila ay tiyak na hindi mga tao na maaaring maging kaayon sa Akin. Paano ko pananatilihin ang isang tao sa Aking tahanan na maaaring ipagkanulo Ako sa ilalim ng anumang kalagayan? Para sa yaong maaari pang ipagkanulo Ako sa ilalim ng karamihan ng mga pangyayari, Aking oobserbahan ang kanilang pagganap bago gumawa ng ibang mga kaayusan. Gayunpaman, habang sila ay mga tao na may kakayanang ipagkanulo Ako, gaanuman mapasa-ilalim ng anong mga kondisyon, hindi Ko kailanman makakalimutan at aalalahanin Ko sa Aking puso habang naghihintay sa pagkakataon na gantihan ang kanilang masamang mga gawa. Ang mga kinakailangang Aking naitanghal ay mga usapin na kung saan dapat ninyong siyasatin ng inyong mga sarili. Inaasahan Ko na maaari ninyong lahat isaalang-alang ang mga iyon nang seryoso at na hindi ninyo pakikitunguhan Ako nang may kawalang interes. Sa malapit na hinaharap, susuriin Ko ang mga sagot na ibinigay ninyo sa Akin laban sa Aking mga kinakailangan. Sa oras na iyon, hindi na Ako mangangailangan ng anumang bagay mula sa inyo at hindi na magbibigay sa inyo na anumang karagdagang maalab na payo. Sa halip, gagamitin Ko ang Aking awtoridad. Yaong dapat panatilihin ay mapapanatili, yaong dapat na magantimpalaan ay magagantimpalaan, yaong dapat ipasa kay Satanas ay ipapasa kay Satanas, yaong dapat tumanggap ng mabigat na kaparusahan ay tatanggap ng mabigat na kaparusahan, at yaong dapat na mamatay ay pupuksain. Sa ganoong paraan, hindi na magkakaroon ng sinuman upang istorbohin Ako sa Aking mga araw. Naniniwala ka ba sa Aking mga salita? Naniniwala ka ba sa pagganti ng masama? Naniniwala ka ba na parurusahan Kong lahat yaong masasama na nandadaya at nagkakanulo sa Akin? Umaasa ka ba para sa araw na iyon na dumating nang mas maaga o para iyon dumating sa ibang pagkakataon? Ikaw ba ay isang napakatakot sa kaparusahan, o isang mas gustong lumaban sa Akin kahit na kailangang magtiis sila ng kaparusahan? Kapag ang araw na iyon ay dumating, maaari mo bang maisip kung ikaw ay mamumuhay sa gitna ng mga kasiyahan at tawanan, o pag-iyak at pagngangalit ng iyong mga ngipin? Anong uri ng katapusan ang inaasahan mong magkakaroon ka? Kailanman ba’y seryoso mong isinaalang-alang kung naniniwala ka sa Akin ng isang-daang porsiyento o nagdududa sa Akin ng isang-daang porsiyento? Kailanman ba ay maingat mong isinaalang-alang kung anong uri ng mga kalalabasan at pagwawakas ang idudulot sa iyo ng iyong mga pagkilos at pag-uugali? Talaga bang umaasa ka na ang lahat ng Aking mga salita ay matutupad isa-isa, o takot na takot ka ba na ang Aking mga salita ay matutupad isa-isa? Kung umaasa ka na paalis Ako sa lalong madaling panahon upang matupad ang Aking mga salita, sa gayon paano mo dapat tratuhin ang sarili mong mga salita at mga pagkilos? Kung hindi ka umaasa sa Aking paglisan at hindi umaasa na ang Aking mga salita ay lahat matutupad kaagad, sa gayon bakit ka naniniwala sa Akin sa anuman? Talaga bang alam mo kung bakit ka sumusunod sa Akin? Kung ito ay upang palawakin lamang ang iyong mga abot-tanaw, sa gayon hindi mo kinakailangang magdusa ng gayong mga karaingan. Kung ito ay upang ikaw ay maaaring pagpalain at maiwasan ang hinaharap na kalamidad, sa gayon bakit hindi ka nag-aalala tungkol sa iyong sariling pag-uugali? Bakit hindi mo tanungin ang iyong sarili kung iyong maaaring bigyan-kasiyahan ang Aking mga kinakailangan? Bakit hindi mo tanungin din ang iyong sarili kung ikaw ay kwalipikadong tumanggap ng Aking inilalaan mga pagpapala?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Paano natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ?
Ano ang Ebanghelyo ?