Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

23 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

kapalaran, Daan, Diyos, kasalanan, pamamahala

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos



    Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan  ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.

Kristianong Awitin | Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono



Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono
Ang matagumpay na Hari
ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono.
Natapos na Niya ang pagtubos at napangunahan na
ang lahat ng Kanyang bayan upang magpakita sa kaluwalhatian.
Tangan niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay

Awit ng Papuri | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita



Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita
Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh ...
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso'y umaapaw.
Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon;

22 Disyembre 2017

Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | Ang Sandali ng Pagbabago 


    Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit." Pinagdududahan nila ang paniwala na "Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit." Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …
   Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan 


Awa ng Diyos sa Sangkatauhan
Ang "awa" ay pwedeng unawain sa iba't-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang "awa" ito'y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos



Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos
Sangkatauhang tinapakan ni Satanas,
sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha.
Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon
at mga bagay na salungat sa Maylikha.
Puno ng tiwaling disposisyon.
Gayunpaman, sa mata ng Diyos sila'y Kanya pa ring nilikha.

Awit ng Pagsamba | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos



Lahat ng Tao’y Nabubuhay sa Liwanag ng Diyos
Ngayon, sa tuwa, kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos
ay lumalaganap sa sansinukob
at dinadakila sa gitna ng lahat ng sangkatauhan.
Siyudad ng kalangita’y tumatawa,
sumasayaw kaharian sa lupa.
Sinong di magagalak? Sinong di maluluha?
Mga tao'y walang alitan;
hindi nila ipinapahiya ang pangalan ng Diyos,
nabubuhay nang payapa sa liwanag Niya.