Ang isang maliit na buto ay nalaglag sa lupa. Pagkatapos bumuhos nang napakalakas na ulan, ang buto ay umusbong nang bahagya at ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Ang usbong ay lumaki, sinasagupa ang malalakas na hangin at ulan, nakikita ang pagpapalit ng mga panahon kagaya ng paglaki at pagliit ng buwan. Sa tag-araw, naglalabas ng regalong tubig ang lupa upang makayanan ng usbong ang nakapapasong init. At dahil sa lupa, hindi naramdaman ng usbong ang init at sa gayon ay nalampasan nito ang init sa tag-araw. Nang dumating ang taglamig, binalot ng lupa ang usbong sa kanyang mainit na yakap at kumapit sila sa isa’t isa nang mahigpit. At dahil sa init ng lupa, nalampasan ng usbong ang mapait na lamig, ligtas sa pagdaan ng malakas na hanging-taglamig at ang panahon ng pagbagsak ng niyebe. Kinanlong ng lupa, ang usbong ay lumaking matapang at naging masaya. Ito ay lumaki at tumayog mula sa walang pag-iimbot na pag-aaruga na ibinigay ng lupa. Masayang tumubo ang usbong. Ito ay kumakanta habang bumubuhos ang ulan at ito ay nagsasayaw at umiindayog habang umiihip ang hangin. At kaya, ang usbong at ang lupa ay umasa sa isa’t isa …
Dumaan ang mga taon, ang usbong ay matayog na puno na ngayon. Nagkaroon ito ng matatag na mga sanga na punong-puno ng dahon at nakatayong matatag sa ibabaw ng lupa. Ang mga ugat ng puno ay humukay sa ilalim ng lupa kagaya noong una, ngunit ngayon ay sumisid sila nang napakalalim sa lupa. Ang minsang nagprotekta sa usbong ay isa na ngayong pundasyon para sa makapangyarihang puno. Isang sinag ng sikat ng araw ang kumislap sa puno at ang katawan ng puno ay naalog. Iniunat ng puno nang maluwang ang mga sanga nito at lalong nahila palapit sa liwanag. Ang lupa sa ilalim ay humihinga kaalinsabay ng puno, at ang lupa ay nakadama ng pagpapanibagong-lakas, at pagkatapos lang noon, isang sariwang simoy ang umihip sa mga sanga, at ang puno ay nanginig sa tuwa, punung-puno ng lakas. At kaya, ang puno at ang sikat ng araw ay umasa sa isa’t isa … Ang mga tao ay nakaupo sa malamig na lilim ng puno at sila ay nadarang sa mabilis, mahalimuyak na hangin. Dinalisay ng hangin ang kanilang mga puso at mga baga, at dinalisay ang dugo sa loob. Ang mga tao ay hindi na nakadama ng pagod at bigat. At kaya, ang mga tao at ang puno ay umasa sa isa’t isa … Isang kawan ng palaawiting ibon ang humuhuni habang nakahapon sa mga sanga ng puno. Marahil ay umiiwas sila sa ilang kalaban, o sila ay nagpaparami at pinalalaki ang kanilang inakay, o marahil ay nagpapahinga lang saglit. At kaya, ang mga ibon at ang puno ay umaasa sa isa’t isa … Ang mga ugat ng puno, nangabaluktot at nagkandabuhol-buhol, bumaon nang malalim sa lupa. Tinakpan ng katawan nito ang lupa mula sa hangin at sa ulan at iniunat nito ang kanyang kahanga-hangang mga sanga at pinrotektahan ang lupa sa ilalim nito, at ginawa ito ng puno sapagkat ang lupa ang kanyang ina. Namumuhay silang magkasama, umaasa sa isa’t isa, at hindi sila kailanman tatahang magkahiwalay …
………… Ang lahat ng bagay na kasasabi Ko lang ay mga bagay na nakita na ninyo noong una, kagaya ng mga buto, alam ninyo ang ukol rito, tama? Ang isang buto na lumalago at naging isang puno ay maaaring hindi isang proseso na iyong makikita nang detalyado, ngunit alam ninyo na ito ay isang katotohanan, tama? (Oo.) Alam mo ang ukol sa lupa at sa sikat ng araw, tama? Ang imahe ng mga palaawiting ibon na humahapon sa puno ay isang bagay na nakita na ng lahat ng mga tao, tama? (Oo.) At ang mga tao ay nagpapalamig sa lilim ng isang puno, nakita na ninyong lahat iyon, tama? (Nakita na namin iyon.) Kaya anong damdamin ang inyong makukuha kapag nakikita ninyo ang lahat ng halimbawang ito sa isang imahe? (Pagkakaisa.) Ang lahat ba ng halimbawa na inyong nakikita sa imahe na ito ay nagmumula sa Diyos? (Oo.) Dahil galing sila sa Diyos, nababatid ng Diyos ang kahalagahan at kabuluhan ng ilan sa mga halimbawang ito na umiiral na magkakasama sa lupa. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, mayroon Siyang plano sa bawat isang bagay, at ang bawat bagay na Kanyang nilikha ay ipinakikita ang Kanyang mga layunin at nagpupuspos Siya ng buhay sa kanila. Nilikha niya ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan, na tinalakay sa kuwento na kapapakinig pa lang natin. Tumatalakay ito sa pagtutulungan na mayroon ang buto at ang lupa; pinakakain ng lupa ang buto at ang buto ay nakabigkis sa lupa. Ang ugnayan sa pagitan ng dalawang ito ay itinakda ng Diyos mula pa sa pasimula, tama? (Oo.) Ang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang tao sa imaheng ito, sila ba ay halimbawa ng buhay na kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan? (Oo.) Una, maaari bang iwanan ng puno ang lupa? (Hindi.) Makakaya kaya ng puno kung wala ang sikat ng araw? (Hindi.) Kung gayon ano ang layunin ng Diyos sa paglikha Niya sa puno, maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa lupa? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga palaawiting ibon? Maaari ba nating sabihin na ito ay para lamang sa mga tao? (Hindi.) Ano ang ugnayan sa pagitan nila? Ang ugnayan sa pagitan nila ay isang uri ng pagtutulungan na kung saan sila ay hindi maaaring maghiwalay. Ang lupa, ang puno, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang mga tao ay umaasa sa isa’t isa para sa pag-iral at inaalagaan nila ang isa’t isa. Inaalagaan ng puno ang lupa at pinakakain ng lupa ang puno; naglalaan ang sikat ng araw para sa puno, samantalang ang puno ay lumilikha ng sariwang hangin mula sa sikat ng araw at tumutulong sa pagpapaginhawa sa lupa mula sa init ng sikat ng araw. Sino ang nakikinabang mula rito sa katapusan? Nakikinabang ang sangkatauhan mula rito, tama? (Oo.) At ito ay isa sa mga prinsipyo kung bakit ginawa ng Diyos ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan at isa sa mga pangunahing layunin para rito. Kahit na ito ay isang simpleng larawan, makikita natin ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Ang sangkatauhan ay hindi maaaring mabuhay nang wala ang lupa, o wala ang mga puno, o wala ang mga palaawiting mga ibon at ang sikat ng araw, tama? Kahit na ito ay isang kuwento, ito ay isang maliit na daigdig sa paglikha ng Diyos sa sansinukob at Kanyang pagkakaloob ng buhay na kapaligiran sa tao. Nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan at nilikha din Niya ang buhay na kapaligiran. Una, ang pangunahing punto na ating tinalakay sa kuwento ay ang magkakaugnay na relasyon at pagtutulungan sa lahat ng bagay. Sa ilalim ng prinsipyong ito, ang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan ay napangangalagaan, ito ay makaliligtas at makapagpapatuloy; dahil sa pag-iral nitong buhay na kapaligiran, ang sangkatauhan ay maaaring lumago at magparami. Nakita natin ang puno, ang lupa, ang sikat ng araw, ang mga palaawiting ibon, at ang mga tao sa eksena. Naroon din ba ang Diyos? Maaaring hindi ito makikita ng tao, tama? Sa wari ay parang wala ang Diyos doon, ngunit nakikita ng mga tao ang mga patakaran ng magkakarugtong na mga ugnayan sa pagitan ng mga bagay sa eksena; sa pamamagitan ng mga patakarang ito nakikita ng mga tao na ang Diyos ay umiiral at na Siya ang Namumuno. Tama? Ginagamit ng Diyos ang mga prinsipyo at mga patakaran upang maingatan ang buhay at pag-iral ng lahat ng bagay. Sa ganitong paraan Siya naglalaan para sa lahat ng bagay at naglalaan Siya para sa sangkatauhan. May kahit na anuman bang kaugnayan ang kuwentong ito sa tema na katatalakay pa lang natin? (Oo.) Sa wari ay parang walang ganyan, ngunit sa realidad ang mga patakaran na ginawa ng Diyos bilang Manlilikha at ang Kanyang dominyon sa lahat ng bagay ay matibay na nakaugnay sa Kanya sa pagiging pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay at ang mga ito ay matibay na magkarugtong. Tama? (Oo.) Natuto kayo ng konting bagay, tama? Ang Diyos ay ang Panginoon ng mga patakaran na namamahala sa sansinukob, pinamamahalaan Niya ang mga patakaran na nagpapatupad ng kaligtasan sa lahat ng bagay, at pinamamahalaan din Niya ang daigdig at ang lahat ng bagay nang sa gayon ay makapamuhay silang magkakasama; Ginagawa Niya ito nang upang hindi sila mawala nang lubusan o maglaho nang upang ang sangkatauhan ay makapagpatuloy na umiral, ang tao ay maaaring mabuhay sa gayong kapaligiran sa pamamagitan ng pangunguna ng Diyos. Ang mga patakarang ito na namumuno sa lahat ng bagay ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos, gayunman, ang sangkatauhan ay hindi maaaring makialam at hindi sila mapapalitan; tanging ang Diyos Mismo lamang ang nakaaalam sa mga patakarang ito at ang Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa kanila. Kailan uusbong ang mga puno, kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming mga pampalusog ang ibibigay ng lupa sa mga halaman, sa anong panahon malalaglag ang mga dahon, sa anong panahon mamumunga ang mga puno, gaano karaming enerhiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno, ano ang ihihingang palabas ng mga puno mula sa enerhiya na nakukuha nila mula sa sikat ng araw—ang lahat ng ito ay mga bagay na naisaayos na ng Diyos nang lalangin Niya ang sansinukob at ang mga ito ay mga batas na hindi maaaring labagin ng tao. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos—maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay ayon sa mga tao—lahat ay nasa mga kamay ng Diyos at nasa ilalim ng Kanyang dominyon. Walang sinuman ang makababago o sirain ang patakarang ito. Ito ay upang sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay binalangkas na Niya ang mga ito. Ang mga puno ay hindi maaaring magka-ugat, umusbong, at lumago kung wala ang lupa. Ano ang magiging itsura ng lupa kung wala ang mga puno? Ito ay matutuyo. Hindi ba ito tama? (Oo.) At saka, ang puno ay ang tahanan ng mga palaawiting ibon, ito ang lugar kung saan sila nagkukubli mula sa hangin. Magiging OK lang ba kung magkakaroon ng puno kahit walang sikat ng araw? (Hindi ito magiging OK.) Kung lupa lamang mayroon ang puno hindi ito maaari. Ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan at para sa ikaliligtas ng sangkatauhan. Nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin mula sa puno, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa at pinoprotektahan nito. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw, ang tao ay hindi mabubuhay kung wala ang ibat-ibang mga bagay na nabubuhay. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito ay kumplikado, kailangang malinaw na maintindihan ng mga tao na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng bagay nang upang umiral sila sa isang magkakaugnay at nagtutulungang paraan; ang bawat isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, hahayaan ito ng Diyos na mawala. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Ito ay isa sa mga pamamaraan na Kanyang ginagamit sa paghahanda sa lahat ng bagay. Ano ang tinutukoy ng “maglaan para sa” sa kuwentong ito? Lumalabas ba ang Diyos upang diligan ang puno araw-araw? Kailangan ba ng puno ang tulong ng Diyos para makahinga? (Hindi.) Ang “Maglaan para sa” sa paliwanag na ito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay pagkatapos ng paglikha; ang kinailangan lang Niya ay mga patakaran upang panatilihing maayos ang lahat. Ang puno ay lumaki nang kusa sa pamamagitan ng pagkatanim nito sa lupa. Ang mga kinakailangan para ito ay lumago ay nilikha lahat ng Diyos. Ginawa Niya ang sikat ng araw, ang tubig, ang lupa, ang himpapawid, at ang kalapit na kapaligiran, ang hangin, ang hamog na nagyelo, ang niyebe, at ulan, at ang apat na kapanahunan; ito ang mga kondisyon na kakailanganin ng puno upang lumago, ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos. Kaya, ang Diyos ba ang pinagmumulan nitong buhay na kapaligiran? (Oo.) Kailangan bang lumabas ang Diyos araw-araw upang bilangin ang bawat dahon sa mga puno? Hindi na kailangan, tama? Hindi rin kailangan na tulungan ng Diyos ang puno na makahinga. Hindi rin kailangan na gisingin ng Diyos araw-araw ang sikat ng araw sa pagsasabing, “Oras na upag lumiwanag sa mga puno ngayon.” Hindi Niya kailangang gawin iyon. Ang sikat ng araw ay nagliliwanag nang kusa gaya ng iniatas ng mga patakaran, lumiliwanag ito sa puno at sinisipsip ito paloob ng puno. Ganito nabubuhay ang mga bagay sa loob ng mga patakaran. Ito marahil ay isang kababalaghan na hindi maipaliwanag nang malinaw, ngunit ito ay isang katotohanan na nakita at natanggap na ng lahat. Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin na ang mga patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay ay mula sa Diyos at malaman na ang kanilang paglago at kaligtasan ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Pinatutunayan nito na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay. Isa bang talinghaga ang ginamit sa kuwentong ito, gaya ng tawag ng mga tao dito? (Hindi.) Ito ba ay antropomorpiko? (Hindi.) Ang sinasabi Ko ay katotohanan. Ang lahat ng bagay na buhay, ang lahat ng bagay na umiiral sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang bawat bagay ay binigyan ng buhay pagkatapos itong likhain ng Diyos; ito ay buhay na ibinigay mula sa Diyos at sumusunod ito sa mga kautusan at sa daan na Kanyang nilikha para rito. Hindi ito dapat baguhin ng tao, at hindi nangangailangan ng tulong mula sa tao; ganito naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay. Naiintindihan ninyo, tama? Iniisip ba ninyo na kinakailangan ng mga tao na kilalanin ito? (Oo.) Kaya, may kinalaman ba ang kuwentong ito sa biyolohiya? Mayroon ba itong kinalaman sa anumang saklaw ng kaalaman o agham? (Wala.) Hindi natin tinatalakay ang biyolohiya rito at tiyak na hindi tayo nagsasagawa ng anumang pananalisik na biyolohikal. Ano ang pangunahing punto na pinag-uusapan natin dito? (Na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng buhay.) Ano ang nakikita ninyo sa gitna ng lahat ng bagay sa paglikha? Nakakita ba kayo ng mga puno? Nakakita ba kayo ng lupa? (Oo.) Nakita ba ninyo ang sikat ng araw, tama? Nakakita ba kayo ng mga ibong nagpapahinga sa mga puno? (Naramdaman namin.) Masaya ba ang sangkatauhan na manirahan sa gayong kapaligiran? (Masaya siya.) Ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay—ang mga bagay na Kanyang nilikha upang mapanatili ang tahanan ng sangkatauhan para sa kaligtasan at ingatan ang tahanan ng sangkatauhan, at ganito Siya naglalaan para sa tao at naglalaan para sa lahat ng bagay.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento