Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)
Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig
Makapangyarihang D’yos naging-tao, malakas kaming umaawit ng mga papuri sa iyo.
Kami’y dinadala Mo tungo sa buhay disposisyong.
Kaming pangkahariang mga tao ay nasa Iyong saganang hapag,
nilalasap mga salita Mo, nililinisan sa aming katiwalian.
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos
Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita
Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh ...
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikawalong bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan. Sa mga mata ng tao, ang mga bahaging ito ng Kanyang gawain na pinatupad ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay masyadong malilit na mga bagay, ngunit sa tingin Ko, ang bawat isang bagay ay totoong makahulugan, totoong mahalaga, at lahat sila ay totoong mahalaga at mabibigat."
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:Ano ang Ebanghelyo ?
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos
I
Ang disposisyon ng Diyos kasamang pag-ibig
N'ya't pag-aliw sa sangkatauhan,
kasama poot N'ya't lubos na pag-unawa sa mga tao.
Ang disposisyon ng Diyos,
ang disposisyon ng Diyos
ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay
o Diyos ng mga nilikha'y dapat nagtataglay.
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Si Kristo ng Huling Mga Araw ay Naghahatid ng Landas ng Walang-Hanggang Buhay
I
Ang Diyos mismo ay buhay at katotohanan,
at ang buhay Nya't katotohanan magkaugnay.
Pag di nakamtan katotohanan N'ya, walang buhay.
Kung walang gabay at tulong ng Kanyang katotohanan,
mga titik at pangaral lamang ang sa tao'y naiwan,
tao'y naiwan sa kamatayan.
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Papuri sa Kaharian Dulang Pang-Musikal—Bawat Bayan ay Sumasamba sa Praktikal na Diyos
Sa ilalim ng isang maningning, tahimik, at mapayapang gabi ng kalangitan, isang grupo ng mga Kristiyano na masigasig na naghihintay sa pagbabalik ng Tagapagligtas ang nagkakantahan at nagsasayawan sa masayang tugtugin. Noong narinig nila ang masayang balita “Nagbalik na ang Diyos” at “Nagbigkas ang Diyos ng mga bagong salita”, nagulat sila at nasabik. Iniisip nila: “Nagbalik na ang Diyos? Nagpakita na ba Siya?!” Taglay ang pagkamausisa at kawalang-katiyakan, isa-isang, humakbang sila papunta sa paglalakbay tungo sa paghahanap sa mga bagong salita ng Diyos. Sa kanilang nakakapagod na paghahanap, ilang mga tao ang nagtatanong samantalang basta na lamang tinanggap ito ng iba. Tinitingnan lamang ito ng ilang tao nang walang imik, samantalang nagbibigay ng suhestiyon ang iba at naghahanap ng mga sagot sa Biblia—naghahanap sila ngunit sa huli, wala itong bunga …. Kung kailan pinanghihinaan sila ng loob, isang saksi ang nagdadala sa kanila ng isang kopya ng Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, at malalim silang nahumaling sa mga salita sa aklat. Anong uring aklat talaga ito? Nakita na ba talaga nila ang mga bagong salita na binigkas ng Diyos sa aklat na iyon? Tinanggap na ba nila ang pagpapakita ng Diyos?
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos
Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.