
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Hindi Maaaring Kumatawan sa Diyos
Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos na walang kalayaan sa impluwensya ni Satanas. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong ma-proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Sa ibang salita, ang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Samakatuwid, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito na nanggagaling sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, lubos na pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang tao ay hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, kung gayon ay walang tunay na umiibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyongdisposisyon ay kumakatawan sa Diyos at kaya mong ibiginng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. Ang katulad ng ganitong mga tao ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang mahubog ang tao sa pamamagitan ng pagka-perpekto ng Diyos, pagkatapos ay alagaan at pasayahin ang kalooban ng Diyos at magpasakop sa gawain ng Banal na Espiritu, bago aprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa katawang-tao ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos maliban kung siya ay ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit na ang gayong disposisyon ng tao at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; ito ay maaari lamang sabihin na ang kanyang isinasabuhay ay pinamahalaan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.