Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay
Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao. Ang pangunahing kapaligiran para sa pagka-perpekto ng mga tao ay ang totoong buhay pa rin. Ito ang totoong pagsasagawa at totoong pagsasanay na Aking sinasabi, na nagtutulot sa mga tao upang matamo ang isang buhay ng normal na pagkatao at upang isabuhay ang kawangis ng isang tunay na tao sa panahon ng pang-araw-araw na buhay. Ang isang aspeto ay ang dapat maging edukado ang isang tao upang pataasin ang kanyang sariling antas ng edukasyon, magawang maunawaan ang mga salita ng Diyos, at tamuhin ang kakayahan na makaunawa. Ang isa pang aspeto ay ang dapat sangkapan ang isang tao ng pangunahing kaalaman na kinakailangan upang mabuhay bilang isang tao upang matamo ang pananaw at katuwiran ng normal na pagkatao, sapagkat ang mga tao ay halos kulang lahat sa mga bahaging ito. Tangi sa roon, dapat ding makarating ang isang tao upang namnamin ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay iglesia, at unti-unting makararating upang magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa katotohanan.