Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | 3. Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Sa Kapanahunan ng Biyaya, ipinangako ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga alagad, “At kung pupunta ako doon at ipaghanda kayo ng kalalagyan, muling akong paparito, at tatanggapin ko kayo; upang saan man ako naroroon, naroon din kayo” (Jhn 14:3). Ipinropesiya rin Niya, “Dahil gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mat 24:27). Sa mga huling araw, tulad ng ipinangako at ipinropesiya Niya mismo, muling naging tao ang Diyos at bumaba sa Silangan ng mundo—China—upang gawin ang gawain ng paghatol, pagkastigo, panlulupig, at pagliligtas gamit ang salita, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Dito, natupad na rin ang mga propesiya ng Biblia na “Ang paghatol ay nagsisimula sa bahay ng Diyos” at natupad din ang “Makinig ang may tainga sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia!” Natapos na ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Nang mabilis na kumalat ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa Mainland China, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tulad ng pinatunayan ng mga katotohanan, nabuo Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang ganap dahil sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at hindi itinatag ng sinumang tao. Ito ay dahil ang mga piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nananalangin sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos, sinusunod ang Kanyang gawain, at tinatanggap ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Sa gayon ay malinaw na ang mga piniling taong ito ay naniniwala kay Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw, ang praktikal na Diyos na siyang Espiritu na nagkaroon ng katawang-tao, sa halip na maniwala sa isang tao. Sa tingin, ang Makapangyarihang Diyos ay ordinaryong Anak ng tao lamang, ngunit sa diwa, Siya ang larawan ng Espiritu ng Diyos at ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang gawain at salita ay tuwirang pagpapahayag ng Espiritu ng Diyos at ang personal na pagpapakita ng Diyos. Samakatwid, Siya ang praktikal na Diyos na nagkatawang-tao.
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 2. Isang Maikling Pambungad Tungkol sa mga Pangyayari sa Likod ng Pagpapakita at Gawain ni Cristo ng mga Huling Araw sa China
Ang China ang lupain kung saan naninirahan ang malaking pulang dragon, at ang lugar na lumaban at sumumpa sa Diyos nang pinakamatindi sa buong kasaysayan. Ang China ay parang kuta ng mga demonyo at isang bilangguang kontrolado ng diyablo, hindi mapapasok at hindi matatablan. Bukod pa riyan, ang rehimen ng malaking pulang dragon ay nagbabantay sa lahat ng antas at nagtalaga ng mga tanggulan sa bawat sambahayan. Bunga nito, wala saanman ang mas mahirap ipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos at isagawa ang gawain ng Diyos. Nang mamuno ang Chinese Communist Party noong 1949, ganap na nasugpo at ipinagbawal ang paniniwala sa relihiyon sa Mainland China. Milyun-milyong Kristiyano ang pinahiya at pinahirapan sa publiko, at ibinilanggo. Ang lahat ng iglesia ay ganap na ipinasara at pinaalis. Kahit ang mga pagpupulong sa bahay ay ipinagbawal. Kung mahuli ang sinuman na nakikibahagi sa isang pagpupulong, ibibilanggo sila at maaari pang pugutan ng ulo. Noong panahong iyon, halos naglaho nang walang bakas ang mga relihiyosong aktibidad. Maliit na bilang lamang ng mga Kristiyano ang patuloy na nanalig sa Diyos, ngunit tahimik lang silang nagdarasal sa Diyos at kumakanta ng mga himno ng papuri sa Diyos sa kanilang puso, na nagsusumamo sa Diyos na muling buhayin ang iglesia. Sa wakas, noong 1981, talagang muling nabuhay ang iglesia, at nagsimulang magtrabaho nang malawakan ang Banal na Espiritu sa China. Nagsulputan ang mga iglesia na parang mga usbong ng kawayan matapos ang isang ulan sa tagsibol, at dumami nang dumami ang mga tao na nagsimulang manalig sa Diyos. Noong 1983, nang umabot sa sukdulan ang muling pagbuhay sa iglesia, nagsimula ng bagong malupit na paniniil ang Chinese Communist Party. Milyun-milyong tao ang inaresto, idinetena, at tinuruan sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Ang rehimen ng malaking pulang dragon ay tinulutan lang ang mga nananalig sa Diyos na sumapi sa Three-Self Patriotic Church na binuo ng pamahalaan. Binuo ng pamahalaang CCP ang Three-Self Patriotic Church sa pagtatangkang lubusang itigil ang lihim na bahay-iglesia at lubos na kontrolin ng pamahalaan ang mga nananalig sa Panginoon. Pinaniniwalaan na ito lang ang paraan para makamtan ang pakay nitong ipagbawal ang pananampalataya at gawing lupaing walang Diyos ang China. Ngunit patuloy na nagtrabaho ang Banal na Espiritu sa bahay-iglesia at sa mga tunay na naniwala sa Diyos, na hindi mapatigil ng pamahalaang CCP. Sa panahong iyon, sa bahay-iglesia kung saan nagtatrabaho ang Banal na Espiritu, lihim na nagpakita si Cristo ng mga huling araw para magtrabaho, at nagsimulang magpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos.
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 1. Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo,, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.
Noon pa man, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng isang maayos na buhay iglesia ay nababanggit sa mga sermon. Kaya bakit ang buhay ng iglesia ay hindi pa umuunlad at kagaya pa rin ng dating bagay? Bakit walang isang ganap na bago at naiibang paraan ng pamumuhay? Magiging angkop ba para sa isang tao ng dekada nobenta na mabuhay kagaya ng isang emperador ng nakaraang panahon? Bagamat ang pagkain at inumin ay maaaring masasarap na pagkain na madalang tikman sa nakaraang mga kapanahunan, walang mga malalaking pagbabago sa mga kalagayan sa iglesia. Kagaya lang nito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Ano sa gayon ang halaga ng pagsasalita nang napakarami ng Diyos? Ang mga iglesia sa karamihan ng mga lugar ay ni hindi nagbago. Nakita Ko ito sa pamamagitan ng Aking mga mata at ito ay malinaw sa Aking puso; bagamat hindi Ko naranasan ang buhay ng iglesia sa Sarili Ko, lubos Kong nalalaman ang mga kalagayan ng mga pagtitipon ng iglesia. Hindi sila gaanong umunlad. Babalik ito sa gayong kasabihang—kagaya lang ito ng paglalagay ng lumang alak sa bagong lalagyan. Walang anuman ang nagbago, wala kahit katiting! Kapag mayroong isa na nagpapastol sa kanila sila ay nagniningas kagaya ng apoy, ngunit kapag walang sinuman ang naroroon upang alalayan sila, para silang isang bloke ng yelo. Hindi marami ang makapagsasalita ukol sa praktikal na mga bagay, at totoong napakadalang na kunin ninuman ang timon. Bagamat ang mga sermon ay matatayog, bihirang may sinumang nagkaroon ng anumang pagpasok. Kakaunting mga tao ang nagpapahalaga sa salita ng Diyos. Napapaluha sila kapag tinatanggap nila ang salita ng Diyos at nagiging masaya kapag isinasantabi nila ito; sila ay nanlulumo at nalulumbay kapag sila ay lumayo mula rito. Sa tapatang pananalita, hindi ninyo talaga pinahahalagahan ang salita ng Diyos, at hindi ninyo kailanman nakita ang mga salita mula sa Kanyang sariling bibig sa kasalukuyan bilang isang kayamanan. Kayo ay nababalisa lamang kapag binabasa ang Kanyang salita, at nadarama na masyadong nakapapagod kapag kinakabisa ito, at pagdating sa pagsasagawa sa Kanyang salita, kagaya lang ito ng pagharap sa isang walang katapusang imposibleng gampanin—kayo ay walang determinasyon. Kayo ay palaging pinalalakas kapag binabasa ang salita ng Diyos, ngunit makakalimutin kapag isinasagawa ito. Ang totoo, ang mga salitang ito ay hindi kailangang salitain nang buong ingat at ulitin nang buong tiyaga; nakikinig lamang ang mga tao ngunit hindi isinasagawa ang mga ito, kaya ito ay naging balakid para sa gawain ng Diyos. Hindi Ko maaaring banggitin ito, hindi Ako maaring magsalita ukol rito. Hindi Ako kinumbinsi na gawin ito; hindi sa natutuwa Akong ibunyag ang kahinaan ng iba. Iniisip ba ninyo na ang inyong pagsasagawa ay sasapat at iniisip ninyo na kapag ang mga pagbubunyag ay nasa tugatog na, na kayo ay pumasok na rin sa gayong tugatog? Hindi ninyo kailanman siniyasat kung saan ang inyong mga karanasan ay itinatag sa dakong huli. Sa sandaling ito, ang inyong mga pagtitipon ay ganap na hindi matatawag na isang akmang buhay sa iglesia, ni ito ay isang angkop na espirituwal na buhay kailanman. Ito ay pagtitipon ng isang pangkat ng mga tao na natutuwa sa pakikipagkuwentuhan at pag-aawitan. Sa tuwirang pananalita, walang gaanong katotohanan rito. Sa pagsasabi nito nang bahagyang mas malinaw, kung hindi ka nagsasagawa, nasaan ang katotohanan? Hindi ba pagyayabang na sabihin na mayroon kang katotohanan? Yaong mga palaging nagsasagawa ng gawain ay arogante at mapagmataas, habang yaong mga palaging sumusunod ay nananahimik at pinananatiling nakatungo ang kanilang mga ulo, nang walang anumang pagkakataon para sa pagsasagawa. Ang mga tao na gumagawa ng gawain ay walang ginagawa kundi magsalita, nagpapatuloy sa kanilang matatayog na mga pananalita, at ang mga tagasunod ay nakikinig lamang. Walang pagbabago na maaaring tukuyin; ang mga ito ay mga pamamaraan lamang ng nakaraan! Sa kasalukuyan, ang iyong pagpapasailalim at hindi pangangahas na manghimasok o manahimik nang kusa ay dahil sa pagdating ng mga administratibong kautusan ng Diyos; hindi ito pagbabago na iyong pinagdaanan sa pamamagitan ng iyong mga karanasan. Ang katotohanan na maraming mga bagay ang hindi mo gagawin sa ngayon na nagawa mo na sana kahapon ay dahil sa ang gawain ng Diyos ay totoong kapansin-pansin na nilupig nito ang mga tao. Maitanong Ko lamang sa sinuman, gaaano karami sa iyong naisakatuparan na sa kasalukuyan ang natamo sa pamamagitan ng pawis ng iyong sariling pagsisikap? Gaano karami rito ang tuwirang sinabi sa iyo ng Diyos? Paaano ka sasagot? Ikaw ba ay matutulala at hindi makapagsasalita? Ikaw ba ay mang-iinsulto? Bakit nagagawa ng iba na magsalita tungkol sa marami nilang mga karanasan upang pagkalooban kayo ng panustos, habang basta mo na lamang tinatamasa ang mga pagkain na niluto ng iba? Hindi ka ba nakadarama ng kahihiyan? Hindi ka ba nahihiya?
Ang gawain at ang salita ng Diyos ay itinalaga upang maghatid ng pagbabago sa inyong disposisyon; ang Kanyang layunin ay hindi lamang basta ipaunawa o ipakilala sa inyo ito at iyon na lamang ang maging katapusan nito. Bilang isang may kakayahang makatanggap, hindi kayo dapat mahirapan sa pag-unawa sa salita ng Diyos, sapagkat karamihan sa salita ng Diyos ay nakasulat sa wika ng tao na napakadaling maintindihan. Gaya halimbawa, malalaman ninyo kung ano ang gusto ng Diyos na maintindihan ninyo at maisagawa; ito ay isang bagay na dapat gawin ng isang wastong taong may kakayahang makaunawa. Ang sinasabi ng Diyos ngayon ay lalong maliwanag at malinaw, at nagsasabi ang Diyos ng maraming bagay na hindi naisaalang-alang ng mga tao o ang iba’t-ibang mga kalagayan ng mga tao. Ang Kanyang mga salita ay para sa lahat, kasinglinaw ng liwanag ng bilog na buwan. Kaya ngayon, naiintindihan ng mga tao ang maraming mga isyu; ang kulang sa kanila ay ang pagsasagawa sa Kanyang salita. Dapat maranasan ng mga tao ang lahat ng aspeto ng katotohanan nang detalyado, at tuklasin at hangarin pa ang higit na malawak na detalye, hindi basta na lamang maghintay na tanggapin kung ano ang nakahanda nang ibigay sa kanila; kung hindi sila ay magiging lampas ng kaunti sa mga manghuhuthot. Nalalaman nila ang salita ng Diyos, ngunit hindi ito isinasagawa. Ang ganitong uri ng tao ay walang pagmamahal sa katotohanan, at sa huli ay maaalis. Ang pagkakaroon ng istilo kagaya ng isang Pedro sa panahon ng dekada 90 ay nangangahulugan na ang bawat isa sa inyo ay dapat magsagawa ng salita ng Diyos, magkaroon ng tunay na pagpasok sa inyong mga karanasan at magkamit ng higit pa at lalong mas dakilang kaliwanagan sa inyong pakikipagtulungan sa Diyos, na magdadala ng higit pang Kanyang pagtulong sa inyong buhay. Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos ngunit naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, ngunit mga letra lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga letrang walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga letra at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang ng kaunti sa alamat ng ikatlong langit. Sa katotohanan, ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong pananampalataya sa Diyos. Kung kayo ay naniniwala sa Diyos at umaasa para sa buhay na walang hanggan nang walang paghahangad na isagawa ang salita ng Diyos gaya ng isang bagay na mayroon kayo sa loob ninyo, kung gayon kayo ay hangal; kagaya lang ito ng pagpunta sa isang piging upang matandaan lamang kung ano ang makakain doon nang hindi man lamang titikman ito. Hindi ba hangal ang isang taong gayon?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao
I
Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia'y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Nagkatawang-tao ang Diyos Upang Talunin si Satanas at Iligtas ang Buong Sangkatauhan
I
Sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa,
gawain Niya'y sa tao.
Gawaing ito'y may isang layunin—si Satanas ay talunin.
Si Satanas ay talo sa paglupig sa tao,
at sa pagkumpleto sa inyo.
Kapag kayo'y nagpatotoo,
ito'y tandang si Satanas talo.
Diyos ay nagiging tao lamang upang si Satanas ay talunin
at iligtas lahat ng tao.