Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 7. Ang mga Mananampalataya sa Diyos ay Dapat Maghanda Para sa Kanilang Patutunguhan na may Sapat na Mabubuting Gawa.
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, makagaganap kayo nang buong husay, lubos ang pamimintuho at hindi na kayo mananamlay. Mangyari pa, umaasa rin Ako na magkaroon kayo ng magandang patutunguhan. Gayon pa man, mayroon pa rin Akong sariling itinakdang hinihingi, at ito ay ang makagawa kayo ng pinakamahusay na pasya na ihandog sa Akin ang inyong natatangi at huling pamimintuho. Kung may tao na walang ganyang natatanging pamimintuho, tiyak na magiging napakahalaga kay Satanas ng taong iyan, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya. Pauuwiin Ko siya para alagaan ng kanyang mga magulang.