Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

23 Marso 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao




Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosIsang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao



Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia'y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.

Spanish Friends Attended the New Year's Entertainment Party of Chinese Christians




Spanish Friends Attended the New Year's Entertainment Party of Chinese Christians



    On February 17, 2018, Christians from The Church of Almighty God in Spain hosted an evening gathering in Madrid’s Fuenlabrada with the theme of “We gather together here.” The purpose of the event was for friends of different nationalities to gain a greater understanding of The Church of Almighty God and to promote friendship between these groups. Unlike the events held the previous two years, that evening over a dozen international friends were invited, including: Cynthia, a representative from the Todo Mejorar Foundation; Elahi, chairman of Valientes Banglas; Manuel, chairman of the European Citizens’ Anti-Corruption Association; Sagrario, manager of the San Lorenzo Center. It was a joyful gathering in celebration of the lunar new year.

Recommendation:What Is Gospel?

Witnesses for Christ of the Last Days

Christ Does the Work of Judgment With the Truth

The Second Coming of the Lord Jesus

Album of Hymns–"Follow the Lamb and Sing New Songs"

22 Marso 2018

Buhay musika | Kung Malaki Man O Maliit, Lahat Ng Bagay Ay May Halaga Kapag Sumusunod Sa Daan ng Diyos




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung Malaki Man O Maliit, Lahat Ng Bagay Ay May Halaga Kapag Sumusunod Sa Daan ng Diyos



 I
Upang masunod ang landas ng Diyos,
wag mong bitawan ang anumang bagay na malapit sa iyo,
o kung ano ang mangyayari sa paligid mo,
kahit munti at maliit.
Hangga't nangyayari ito,
kung ramdam mo nararapat ito ng iyong pansin o hindi,
wag mong pabayaan.
Tingnan ito bilang isang pagsubok mula sa ating Diyos.
At kung mayroon kang saloobing ito,
ito'y nagpapatunay ng isang bagay:
Ang iyong puso ay iginagalang ang Diyos
at gustong layuan ang lahat ng kasamaan.
Kung nais mong gawing masaya ang Diyos,
kung gayon hindi ka masyadong malayo
mula sa pamumuhay sa paggalang sa Diyos
at lalayuan ang lahat ng kasamaan.

21 Marso 2018

Salita ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Espiritu, Salita ng Diyos, buhay, disposisyon, panalangin

Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin



    Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang pananalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka talaga nananalangin sa panahon ng maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa panahon ng malalaking pagtitipon. Kung hindi ka normal na lumalapit sa Diyos o hindi binubulay ang mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng pananalangin–at kahit na ikaw ay nananalangin, ang iyong mga labi ay kikilos lamang, hindi ka talaga nananalangin.


Ang tinig ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa


Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa



    Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.

20 Marso 2018

Tagalog Christian Song | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Tagalog Christian Song | Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot



Hindi ibinubunyag o ipinapakita ang Kanyang pagdurusa.
Ang Diyos ay nagtitiis at naghihintay ng tahimik.
Hindi kalamigan o manhid, ni isang tanda ng kahinaan.
Ang kakanyahan at pagmamahal ng Diyos
ay palaging walang pag-iimbot.

Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]




Tagalog Christian Gospel Movie | "Saan Ang Aking Tahanan" [Trailer]



    Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.