Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

30 Abril 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)




Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)



    Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. ... Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. ... Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas!

Rekomendasyon: Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

29 Abril 2018

Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Bawat Salita ng Diyos ay Isang Pagpapahayag ng Kanyang Disposisyon


Hu Ke    Lungsod ng Dezhou, Lalawigan ng Shandong


    Sa tuwing nakikita ko ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, hindi ako mapalagay: “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko. Makabubuti para sa inyo ang pagnilay-nilayan ang Aking mga salita nang maingat, at siguradong labis ninyong mapapakinabangan ang mga ito.” Hindi ako mapalagay dahil ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos ay kapwa napakahalaga sa pag-unawa ng tao sa Diyos at sa kanilang paghahangad na mahalin at pasayahin Siya. Ngunit kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, palagi kong nararamdaman na ang disposisyon ng Diyos ay parang napakahirap unawain, at hindi ko alam kong paano ko ito uunawain. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagbabahagi mula sa aking lider, nalaman ko na dapat unawain ko kung ano ang gusto ng Diyos at kung ano ang kinapopootan Niya mula sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Pagkatapos, sinubukan kong isagawa ang mga ito at nakita ko ang ilang mga resulta. Subalit nananatili akong nalilito tungkol sa mga salita ng Diyos, “Pinanghahawakan ng disposisyon ng Diyos ang bawat pangungusap na sinabi ko,” at wala akong kaalam-alam kong paano ito maunawaan.

Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo


Huanbao    Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning

    Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya. Subalit nitong mga huling araw, sa pamamagitan ng pakikinig sa Kanyang pagbabahagi, taos-puso kong naramdaman na hindi ako karapat-dapat na makita si Cristo.

28 Abril 2018

Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila'y Sasamba sa Tunay na Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila'y Sasamba sa Tunay na Diyos


Diyos ang may likha ng mundo at ng tao.
Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao'y gawa Niya.
Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao.
Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi.
Pag unlad ng tao'y
di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang nakaraan at kinabukasan ng tao'y
di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.

Massimo Introvigne | Part 1 : How Chinese Regime Persecutes Christians—Lies and Violence



The Church of Almighty God |

Massimo Introvigne | Part 1 : How Chinese Regime Persecutes Christians—Lies and Violence


As is well known, the Chinese Communist Party (CCP) seized power through lies and violence, and it relies on lies and violence to maintain its power. The CCP’s rule is nothing but lies, violence, and murder. The CCP propagates atheism, regarding religion as the spiritual opium of the people. Christians preach the gospel and witness for God to carry out God’s will, but the CCP condemns such righteous deeds as abandoning and breaking up their families, and arrests and imprisons Christians on various false charges. In mainland China, Christians from various house churches, particularly from CAG, suffer brutal oppression and persecution for the sake of their religious belief, some of whom were left disabled or died. Many Christians have gone into exile and were rendered homeless with their families scattered. Countless Christian families have been thus broken! In this episode, we have invited Professor Massimo Introvigne, an Italian scholar of new religious movements, founder and managing director of Center for Studies on New Religions, to talk about why the CCP oppresses and persecutes The Church of Almighty God, whether the CCP’s accusations against The Church of Almighty God are true, and who is the main culprit behind the breakdown of Christian families, and so on. The truth  will be uncovered, and the CCP’s cruel and evil essence against God that wins fame through deceiving the public and fights against justice will be exposed. Please stay tuned!

 

Recommendation:The Eastern Lightning—The Light of Salvation

Knowing the Three Stages of God’s Work Is the Path to Knowing God

26 Abril 2018

Hindi Dapat Paniwalaan ang “Kung Makikita ay Paniniwalaan”

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Hindi Dapat Paniwalaan ang “Kung Makikita ay Paniniwalaan”


Xiaowen    Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan


    Dati, kapag narinig ko ang mga tao na nagkokomento sa isang bagay, palagi nilang sinasabi “kung makikita ay paniniwalaan.” Sa paglipas ng panahon, ginamit ko rin ito na basehan sa pagtimbang sa mga bagay-bagay, at ganito rin pagdating sa mga salita ng Diyos. Ang naging resulta sa bandang huli ay hindi ko na mapaniwalaan ang marami sa mga salita ng Diyos na hindi pa naisasakatuparan. Habang tumatagal ang panahon na ginugugol ko sa paniniwala sa Diyos, nakita ko ang mga salita ng Diyos sa iba’t-ibang antas ng pagsasakatuparan, nakita ko ang mga katibayan ng mga pagsasagawa sa mga salita ng Diyos at hindi ko na pinagdudahan ang anumang sinabi ng Diyos. Akala ko na ito ay ang aking pagkakaroon ng kaunting pagkaintindi sa katapatan ng Diyos, at nagawa kong paniwalaan na ang lahat ng sinabi ng Diyos ay tunay.

Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Nasa Likod ng mga Kasinungalingan



Lungsod ng Xiaojing Heze, Lalawigan ng Shandong


    Sa bawat pagkakataong nakita ko ang mga salita ng Diyos na tumatawag sa atin upang maging matatapat na tao at magsalita nang tumpak, naisip ko, "Wala akong problema sa tumpak na pagsasalita. Hindi ba't ito ay pagtawag lamang sa isang ispada na ispada at pagsasabi sa mga bagay bilang sa kung ano ang mga ito? Hindi ba’t madali iyan? Ang laging pinaka-nagpagalit sa akin sa mundong ito ay ang mga taong mapagpaganda kapag nagsalita sila." Dahil dito, nadama ko ang sobrang kumpiyansa, na nag-iisip na wala akong problema sa bagay na ito. Ngunit sa pamamagitan lamang ng pagbubunyag ng Diyos na natuklasan ko na, ang isa ay hindi maaaring magsalita ng tumpak nang hindi pumapasok sa katotohanan o nagbabago ng disposisyon.