Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapalaran. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kapalaran. Ipakita ang lahat ng mga post

08 Mayo 2019

Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao | Paglaki: Ang Ikalawang Sugpungan


     Depende sa kung anong uri ng pamilya naipanganak, ang mga tao ay lumalaki sa iba’t-ibang pantahanang mga kapaligiran at natututo ng iba’t-ibang mga aral mula sa kanilang mga magulang. Ito ang nagpapasya sa mga kalagayan na kung saan ang isang tao ay nagkakagulang, at ang paglaki[b] ay kumakatawan sa ikalawang maselang sugpungan nasa buhay ng isang tao. Halatang wala ring mapagpipilian ang mga tao sa sitwasyong ito. Ito rin ay nakapirmi, naisaayos na.
1. Mga Kalagayan na Kung saan ang Isa na Lumalaki ay Naipirmi Na ng Manlilikha

25 Hulyo 2018

Tagalog Christian Songs | "Kalooban ng D'yos Nabuksan na sa Lahat" (Tagalog Dubbed)

🍁🍁.❋.🍁🍁
I
Mula sa paglikha sa tao, 
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.
Di kailanman sinadya ng D'yos na itago diwa N'ya, 
ni ang kanyang disposisyon o kalooban.
Talagang di pansin ng sangkatauhan
ang mga gawa ng Diyos, at ang Kanyang kalooban,
kaya ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina,
ang pang-unawa ng tao sa D'yos ay kaawa-awang mahina.
Mula sa paglikha sa tao,
ang pagiging D'yos, kalooban N'ya, pag-aari't disposisyon
nabuksan na sa bawa't isa't bukas sa lahat.

23 Hulyo 2018

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas

Ebanghelyo, Kaharian, kapalaran, Landas, Espiritu


  Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila na may pagtitig ng mausisang pagkabighani, at pinagmamasdan ang mga paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; o ang iba ay nakatayong handa sa pagharap nila sa liwanag, upang baka sakaling mas malinaw nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may sinuman bang nakatuklas kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May sinuman bang napukaw kailanman sa pagiging katangi-tangi ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa pinakamalakas nito, hindi pahihintulutan sa gayong kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nasa abot ng kaningningan ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nasa abot ng pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nasa abot din ng mga sugat na ipinataw ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi abot sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang buong sangkatauhan sa daigdig ay maaantig Ko dahil dito. Mula sa kataas-taasang tugatog sa kalangitan, tinatanaw Ko ang buong daigdig, pinagmamasdan ang kakatwa at kamangha-manghang kababalaghan ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito, naghahanap ng isdang malululon. Samantala, lubusang hindi ito alam sa ilalim ng dagat, na kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi kayang pukawin upang mamalayan, dahil ang sahig ng karagatan ay kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa “mga pagtatalo ng bibig at dila.” Sa di-mabilang na kakaiba at nakakatuwang kababalaghan, ang sangkatauhan ang siyang pinaka-nahihirapang magbigay sa Akin ng kaluguran. Ito ay dahil masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, at kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog, at sa kanyang mga mata ay palaging may sukat ng paghihimagsik. Napapaloob sa Aking pagdisiplina sa tao, napapaloob sa Aking paghatol sa kanya, nagkaroon na ng marami na pag-iingat, marami na kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito wala ang sangkatauhan kahit na pinakakaunting kamalayan. Wala Akong napagmalupitan kailanman na kahit sinong tao: Ako ay nagpatupad lamang ng nararapat na pagtutuwid noong naging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog lamang ng nararapat na tulong. Ngunit, kapag ang sangkatauhan ay patuloy na lumalayo sa Akin at dagdag pa nito, ginagamit ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi binigbigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagparangya ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila palalong lumakad na may karangyaan at katayugan, paghahari-harian sa iba, sa ibabaw ng mundo.

29 Hunyo 2018

Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Patotoo Tungkol sa Kapangyarihan ng Diyos



    Throughout the vast universe, all celestial bodies move precisely within their own orbits. Under the heavens, mountains, rivers, and lakes all have their boundaries, and all creatures live and reproduce throughout the four seasons in accordance with the laws of life…. This is all so exquisitely designed—is there a Mighty One ruling and arranging all this? Since coming into this world crying we have begun playing different roles in life. We move from birth to old age to illness to death, we go between joy and sorrow…. Where does mankind really come from, and where will we really go? Who is ruling our fates? From ancient times to modern days, great nations have risen up, dynasties have come and gone, and countries and peoples have flourished and perished in the tides of history…. Just like the laws of nature, the laws of humanity's development contain infinite mysteries. Would you like to know the answers to them? The documentary The One Who Holds Sovereignty Over Everything will guide you to get to the root of this, to unveil all of these mysteries!

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

21 Hunyo 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikaapat na Sugpungan)



    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

Supling: Ang Ikalimang Sugpungan

1. Ang Isa ay Walang Kontrol sa Kung Ano ang Mangyayari sa Sariling Supling

2. Pagkatapos Magpalaki ng Susunod na Henerasyon ang mga Tao ay Nakakatamo ng Bagong Pagkaunawa ng Kapalaran

3. Ang Paniniwala sa Kapalaran ay Hindi Papalit sa Isang Kaalaman sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

4. Tanging Yaong mga Napapasailalim sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ang Maaaring Makatamo ng Tunay na Kalayaan

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

11 Hunyo 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."

Rekomendasyon:Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw


01 Hunyo 2018

Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat | Mga Pagninilay tungkol sa Kalamidad



  Trailer ng Dokumentaryong "Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat" | Mga Pagninilay tungkol sa Kalamidad


    Maraming tao ang nag-iisip na ang kanilang kapalaran ay nasa kanilang sariling mga kamay. Pero pagdating ng kalamidad, ang nadarama lang natin ay kawalan ng magagawa, takot, at sindak, at nadarama natin ang kawalan ng halaga ng mga tao at ang pagkaselan ng buhay …. Sino ang tanging makapagliligtas sa atin? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Siya na Naghahari sa Lahat—ang sagot!

Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan


23 Mayo 2018

Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay?

Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay?



    Sinasabi ng Diyos, “Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba ang tunay na nagpipigil sa kanyang sariling kapalaran?”

Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Paanong Lumitaw ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ano Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

16 Mayo 2018

Tagalog Christian Songs | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas


Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya,
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya,
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya.
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.

15 Mayo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan


I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

01 Mayo 2018

Ano Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAno Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?



Xu Lei    Zaozhuang City, Shandong Province


    Isang araw nakatanggap ako ng paunawa tungkol sa isang pagpupulong. Karaniwan, ito ay isang masayang kaganapan, ngunit sa sandaling naisip ko kung gaano ganap na magulo ang aking sariling gawain nitong mga huling araw, hindi ko mapigilan ang mag-alala. Kung alam ng aking nakatataas na hindi ko pa natapos ang anuman sa aking gawain, siguradong bibigyan niya ako ng babala, at baka palitan pa niya ako.

28 Abril 2018

Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila'y Sasamba sa Tunay na Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila'y Sasamba sa Tunay na Diyos


Diyos ang may likha ng mundo at ng tao.
Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao'y gawa Niya.
Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao.
Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi.
Pag unlad ng tao'y
di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang nakaraan at kinabukasan ng tao'y
di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.

10 Abril 2018

Cristianong Musikang | Ang Tunay na Pinakadiwa ng Awtoridad ng Maylikha

Kristianong Awitin | Ang Tunay na Pinakadiwa ng Awtoridad ng Maylikha



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pinakadiwa ng Awtoridad ng Maylikha



 I
Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob
ay lubos na nakikisama sa soberanya ng Maylikha,
na hindi maaaring paghiwalayin
ang pagsasaayos ng Maylikha;
sa wakas, hindi sila maihihiwalay mula
sa awtoridad ng Maylikha.
Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng lahat ng bagay
nauunawaan ng tao ang pagsasaayos ng Maylikha
at Kanyang soberanya;
sa pamamagitan ng mga panuntunan ng kaligtasan
nakikita niya ang pamamahala ng Maylikha,
ang pamamahala ng Maylikha.

05 Abril 2018

Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay?

Walang Hanggan, kapalaran, Iglesia, Diyos, nabubuhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosBakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay?


    Sinasabi ng Diyos, “Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay. Kaya’t hindi mapigil ng sangkatauhan na magtanong sa kanyang sarili: Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay? Sino ang namamahala sa mundong ito? At sino ang lumikha nitong sangkatauhan? Ang sangkatauhan ba ay tunay na nilikha ng Inang Kalikasan? Ang sangkatauhan ba ang tunay na nagpipigil sa kanyang sariling kapalaran?”

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

30 Marso 2018

Kristianong Awitin | Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila'y Sasamba sa Tunay na Diyos

Kapalaran, Iglesia, Diyos,  Kristiyano, Kidlat ng Silanganan



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila'y Sasamba sa Tunay na Diyos



 I
Diyos ang may likha ng mundo at ng tao.
Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao’y gawa Niya.
Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao,
(Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi).
Pag unlad ng tao’y
di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos.
Ang nakaraan at kinabukasan ng tao’y
di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.

29 Marso 2018

Buhay musika | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas

Awit ng Pagsamba | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas



  Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas



I
Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya,
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya,
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya.
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.
Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa
pag-aalis ng inaasam ng tao,
sa katapusan, tao'y madadala pa rin sa,
wastong hantungang handa ng Diyos para sa kanya.

09 Disyembre 2017

Tatlong Babala








Diyos, katotohanan, Daan, kapalaran, Jesus


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tatlong Babala

    Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at ihanay ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan lamang ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang ugali ng konsentrasyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid Hinihiling ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin:
    Una sa lahat, para sa kapakanan ng inyong kapalaran, kailangan ninyong pagsikapan na kayo ay aprobado ng Diyos. Ibig sabihin, Dahil tanggap ninyo na kayo ay kabilang sa tahanan ng Diyos, nararapat ninyong dalhin ang kapayapaan ng isip at kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa ibang salita, dapat may prinsipyo ang inyong mga ikinikilos at sumusunod sa katotohanan. Kung hindi ito abot ng iyong abilidad, tatanggihan at kamumuhian ka kung ganon ng Diyos at hahamakin ng lahat. Habang nasa ganitong kalagayan ka, hindi ka maaaring mapabilang sa tahanan ng Diyos. Ito ang pakiramdam kapag hindi kinikilala ng Diyos.
    Pangalawa, kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay palaging mapagkakatiwalaan. At saka, ang Kanyang mga pagkilos ay walang mali at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang ibig-sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; hindi kailanman pinalalabas na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itatago ang katotohanan; hindi kailanman gagawa ng bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya ng mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magpa-awa lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. Ang sinasabi ko ay simple ngunit lubhang mahirap para sa inyo. Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan. Ang iba ay napapaisip na may iba akong binabalak para sa mga hindi mapagkakatiwalaan. Syempre, naiintindihan ko ang napakalaking paghihirap na dinaranas ng pagiging isang matapat na tao. Matatalino kayong lahat at sanay nang manghusga ng kapwa mula sa inyong pananaw kung kaya’t mas napadali nito ang Aking gawain. Dahil ang bawat isa sa inyo ay nagtatago ng lihim sa inyong mga puso, kung gayon, ipadadala ko ang bawat isa sa inyo sa kapahamakan upang dumaan sa isang “pagsubok” sa pamamagitan ng apoy, upang pagkatapos nito ay lubos nang nakatuon ang inyong paniniwala sa Aking mga salita. Sa huli, ipipilit ko ang mga salitang “Ang Diyos ay Diyos ng katapatan” sa iyong bibig, at inyong hahampasin ang inyong mga dibdib at sabay taghoy ng “palihis yaong puso ng tao.” Ano ang magiging lagay ng inyong isipan? Pakiwari ko’y hindi kayo magpapadala sa makasariling pamamaraan kagaya ninyo ngayon. At lalong hindi kayo “lubhang napakalalim upang maunawaan” kagaya ninyo ngayon. Ang iba ay mahinhin kung kumilos at partikular na “maayos makitungo” sa harap ng Diyos, at nagiging suwail at hindi mapigilan sa harap ng Espiritu. Ibibilang niyo ba ang ganitong klase ng tao sa hanay ng mga matapat? Kung ipokrito at kaisa ka sa mga sanay “makipagsosyalan,” masasabi kong isa ka sa tiyak na hindi seryoso sa Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng palusot at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi kong ayaw mong isagawa ang katotohanan. Kung marami kang hindi mailarawang katapangan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim—iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang ibigay ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat at iniisip ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian. Dapat mong malaman kung mayroong totoong pananampalataya at katapatan sa iyong kalooban, kahit sa iyong talaan ay nagdusa ka para sa Diyos, at kahit isinuko nang buo ang iyong mga sarili sa Diyos. Kung may kakulangan ka sa mga ito, kung gayon nananatili sa iyong kalooban ang pagiging suwail, mapanlinlang, kasakiman, at pagkaligalig. Dahil ang iyong puso ay hindi matapat, hindi mo kailanman natanggap ang pagkalugod ng Diyos at hindi kailanman nabuhay sa liwanag. Ang iyong magiging kapalaran ay nakabatay sa kung ikaw ay may pusong matapat at sing-pula ng dugo, at dalisay na kaluluwa. Kung ikaw ay isa sa mga taong sobrang hindi matapat, na pusong may masamang hangarin, at maruming kaluluwa, kung gayon ang talaan ng iyong tadhana ay tiyak nang nasa lugar kung saan ang tao ay pinarusahan. Kung ipinapahayag mo na ikaw ay labis na matapat, ngunit hindi kailanman kumikilos at binabanggit ang salita ng katotohanan, naasahan mo pa rin ba na gagantimpalaan ka ng Diyos? naasahan mo pa rin ba na ikaw ang katangi-tangi sa mata ng Diyos? Ang pag-iisip bang ito ay hindi kahibangan? Nililinlang mo ang Diyos sa lahat ng bagay, kaya paanong tatanggapin ng tahanan ng Diyos ang mga tulad mong marumi ang kamay?
    Ang pangatlong bagay ay ito: Ang lahat ng mananampalataya sa Diyos ay lumaban at nilinlang ang Diyos sa ilang punto sa kanilang pinagdaanan. Ang ilan sa masasamang gawain ay hindi naitala bilang pagkakasala, ngunit ang ilan ay walang kapatawaran; sapagkat karamihan dito ay lumabag sa administratibong kautusan, na itinuturing na paglabag sa disposisyon ng Diyos. Marami sa mga nababahala sa kanilang sariling mga kapalaran ay maaaring magtanong kung anong mga gawaing iyon. Dapat ninyong malaman na kayo ay likas na mayabang at mapagmataas, at ayaw magpasakop sa katotohanan. Samakatuwid, sasabihin ko sa inyo nang paunti-unti matapos ninyong pagnilay-nilayan ang inyong mga sarili. Hinihikayat ko kayong mas unawain nang mabuti ang nilalaman ng administratibong kautusan at alamin ang disposisyon ng Diyos. Kung hindi, mahihirapan kayong panatilihing tikom ang inyong mga labi at ang malayang pagwasiwas ng inyong mga dila na may matinis na pananalita. Walang kamalay-malay na nasasaktan ninyo ang disposisyon ng Diyos at nahulog sa kadiliman, nawalay sa presensya at liwanag ng Banal na Espiritu. Sapagkat kayo ay walang konsiyensya sa inyong mga ikinikilos. Kung iyong gagawin o sasabihin ang hindi dapat, kung gayon ikaw ay makatatanggap ng karampatang ganti. Dapat malaman mo na kahit walang konsiyensya ang iyong mga salita at kilos, ang Diyos ay lubhang may prinsipyo sa dalawang ito. Ang dahilan ng natanggap mong ganti ay dahil nasaktan mo ang Diyos, hindi ang tao. Kung, sa iyong buhay, marami ang iyong naging paglabag sa disposisyon ng Diyos, mahahantong ka kung gayon sa pagiging anak ng impiyerno. Para sa tao ito ay maaaring makita na ikaw ay nakagawa lamang ng iilang mga gawa na hindi naaayon sa katotohanan at wala nang iba. Alam mo ba, na sa mata ng Diyos, ikaw ay kabilang na sa mga wala nang paghahandog ng kasalanan? Sa paglabag mo sa administratibong kautusan ng Diyos nang higit isang beses at walang tanda ng pagsisisi, samakatuwid wala kang pagpipilian kundi ang mahulog sa impiyerno kung saan pinarurusahan ng Diyos ang tao. Noong panahon na sumusunod pa sila sa Diyos, may kaunting bilang ng mga tao na sumusuway sa mga alituntunin, ngunit matapos silang aksyunan at magabayan, unti-unti nilang natuklasan ang kanilang sariling katiwalian, at nagbalik sa tamang landas ng katotohanan, at nanatiling marunong makibagay hanggang sa ngayon. Ang ganitong mga tao ang siyang mananatili hanggang sa katapusan. Ang mga may katapatan ang aking hinahanap; kung ikaw ay matapat at kumikilos nang may prinsipyo, gayon ikaw ay maaaring maging pinagkakatiwalaan ng Diyos. Kung sa iyong mga ikinikilos ay hindi mo nalabag ang disposisyon ng Diyos, at hinahanap ang kalooban ng Diyos at may pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon ang iyong pananampalataya ay akma sa pamantayan. Sa mga taong walang paggalang at pusong nanginginig sa takot para sa Diyos ay madaling magkasala sa administratibong kautusan ng Diyos. Marami ang naglilingkod sa Diyos dahil sa simbuyo ng damdamin, at walang alam sa administratibong kautusan ng Diyos, at lalong hindi nauunawaan ang mga implikasyon ng Kanyang salita. Sa kabila ng kanilang mabuting intensyon, madalas nilang gawin ang bagay na umaantala sa pamamahala ng Diyos. Ang mga nakagawa ng seryosong pag-antala ay napalayas at nawalan ng pagkakataong sumunod pa sa Kanya; sila ay itinaboy sa impiyerno at hindi na muling nagkakaroon ng kahit anong kinalaman sa tahanan ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagtratrabaho sa tahanan ng Diyos nang may mabuti ngunit ignoranteng mga intensyon at nauuwi sa pagpukaw sa disposisyon ng Diyos. Dinadala ng mga tao ang kanilang paraan ng paglilingkod sa mga opisyal at mga panginoon sa tahanan ng Diyos, nang may mapagmalaking pag-aakala na ang mga naturang paraan ay maaaring gamitin dito. Hindi nila naisip kailanman na ang Diyos ay walang disposisyon na parang sa tupa ngunit tulad ng sa leon. Samakatuwid, ang mga nag-uugnay ng kanilang sarili sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipag-usap sa Kanya, sapagkat ang puso ng Diyos ay hindi tulad ng sa tao. Tanging pagkatapos iyong mauunawaan ang maraming katotohanan, saka mo lamang patuloy na makikilala ang Diyos. Ang kaalaman na ito ay hindi mga sulat o doktrina, ngunit maaaring gamitin bilang kayamanan ng iyong pagtitiwala sa Diyos at bilang katibayan na nalulugod Siya sa iyo. Kung ikaw ay salat sa tunay na kaalaman at hindi handa sa katotohanan, gayon ang iyong serbisyong puno ng damdamin ang siyang magdadala sa iyo ng labis na pagkamuhi at pagkapoot ng Diyos. Ngayon ay dapat maunawaan mo na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi simpleng pag-aaral lamang ng teolohiya.
    Bagama’t ang Aking payo ay maikli lamang, ang lahat ng mga inilarawan ko ang siyang labis na kulang sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang aking mga sinasabi ngayon ay para sa kapakanan ng Aking huling gawain sa mga tao, upang tukuyin ang katapusan ng tao. Hindi ko nanaisin pang gumawa ng maraming gawain na wala namang silbi, ni hindi ko gustong ipagpatuloy pa na pangunahan ang mga taong walang saysay gaya ng inanod na kahoy, at lalong hindi ang mga may nakatatakot na mga intensyon. Marahil isang araw ay mauunawaan ninyo ang maalab na layunin ng Aking mga salita at ang mga naitulong ko sa sangkatauhan. Marahil panghahawakan ninyo isang araw ang isang prinsipyong magbibigay sa inyo ng kakayahang magpasya sa inyong katapusan.

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Bakit si Pedro lamang ang nakakilala kay Jesus bilang Kristo ?
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

08 Disyembre 2017

Kanino Ka Matapat?

buhay, kapalaran, kagalakan, Biyaya, Jesus

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanino Ka Matapat?

    
  Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay namumuhay sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehova, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawalan ka ng lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagsagip, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang magpunyagi at maging abala. ... Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masama, napalayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga panustos ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masama, na tinukso ka papunta sa walang hangganang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kawalang kasalanan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masama ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot dito, hindi na ito iniiwasan, hindi na rin ito pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin ito bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na itong idambana, sambahin ito, hindi ka mahiwalay na para bang anino nito, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang kaalam-alam kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o bakit ka namamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masama, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga panustos mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masama ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama ito, sumasalungat ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na ang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakakalimutan mo na ang masama ay natukso ka, pinahirapan ka; nakakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masama ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masama bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.

28 Nobyembre 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

mga kristiyano, soberanya, kapalaran, mga pangako ng Diyos, pagsamba

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

   Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa komisyon ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa komisyon ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.

05 Nobyembre 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos- Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

soberanya, Diyos, kapalaran, pagsamba, Kristyano


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos- Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


  Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng komisyon ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi para sa komisyon ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa komisyon ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay.