Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagdiskrimina sa mga Tagalabas ay Masyadong Masama!
Xiaojin Pan’an County, Zhejiang Province
Noong Pebrero ng 2007, ang iglesia ay nakatanggap ng kaayusan sa trabaho na pinamagatang “Tubigan at Tustusan ang mga Bagong Mananampalataya upang Tulungan Silang Magkaugat sa Lalong Madaling Panahon.” Binibigyang-diin nito na “Kinakailangang gamitin ang lahat ng epektibo at sanay na sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya upang makumpleto ang gawaing ito. Ang mga taong hindi naaangkop sa pagpapatubig ng mga bagong mananampalataya ay hindi dapat gamitin; dapat silang mapalitan upang maiwasan ang pagkaantala ng gawain” (“Ang mga Isyung Kinakaharap ng Iglesia sa Kasalukuyan ay Dapat na Malutas” sa Mga Kasaysayan ng Pagsasamahan at mga Kaayusan ng Gawain ng Iglesia I). Matapos makita ang kaayusang ito, sa halip na gamitin ang mga prinsipyo upang masukat kung ang kapatid na babae mula sa aming distrito na siyang nagdidilig sa mga bagong mananampalataya ay naaakma, may mga patiunang ideya akong pinanghahawakan laban sa kanya: Ang taong ito ay walang interes na ginawa ang kanyang tungkulin at hindi nagtuon ng pansin sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Bukod dito, inatupag niya ang laman, kaya hindi siya naaangkop upang tubigan ang mga bagong mananampalataya. Higit sa lahat, inakala niyang siya’y de-kalibre na kaya naman naging mapagmataas siya at minaliit ang iba. Noong nakaraan, pinuntahan niya ang taong namamahala sa gawaing pagpapatubig ng rehiyon at nagsabi ng masasama tungkol sa akin. Kung hindi lang dahil sa mga hinihingi ng trabaho ko, hindi ko sana siya bibigyang pansin pa. Sa pag-iisip tungkol dito, gumawa ako ng plano: bakit hindi ko samantalahin ang pagkakataong ito na palitan siya nang sa ganoon ay hindi ko na siya makita pa? Hindi ba’t napakayabang niya? Papalitan ko lang siya at pagkatapos ay makikita ko kung gaano siya mapagmataas!