Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Gumagawang Tahimik ang Diyos sa Katawang-tao Upang Iligtas ang Sangkatauhan
I
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.
Mga salita N'ya'y nadaragdagan araw-araw,
umaaliw, nagpapaalala, sumasaway, at nagbababala.
Mula sa mahinahon at mabait sa mabangis at makahari,
mga salita N'ya'y ikinikintal kahabaga't takot.
Lahat ng sinasabi N'ya'y inihahayag malalalim nating lihim.
Mga salita Niya'y tagos sa'tin at napapahiya tayo.
Mayroong walang katapusang tustos
ng Kanyang buhay na tubig.
At salamat sa Kanya,
namumuhay tayong kasama ang D'yos nang harapan.
Ang D'yos naging katawang-tao,
nanatiling nakatago sa tao
upang gawin ang bagong gawain,
iligtas tayo sa kasamaan.
'Di Siya nagbibigay ng paliwanag.
Sa mga planong nagawa N'ya,
ginagawa Kanyang gawain paisa-isang hakbang.