Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paniniwala. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paniniwala. Ipakita ang lahat ng mga post

08 Nobyembre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Paggamit ng Salita ng Diyos Bilang Isang Salamin


Wu Xia Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili. Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriing mabuti ang sarili ko laban sa salitang ginamit ng Diyos para ilantad ang tao. Karaniwan, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at kawalang-kakayahan. Nadama ko na talagang mauunawaan ko ang sarili ko. Gayunpaman, nakita ko lang na hindi ko talaga naunawaan ang sarili ko ayon sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang paghahayag mula sa Diyos.

31 Oktubre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Karanasan sa Pagsasagawa ng Katotohanan


Hengxin Lungsod ng Zhuzhou, Lalawigan ng Hunan

Di pa nagtatagal ang nakalipas, narinig ko ang “Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay”, na umakay sa aking maunawaan na yaon lamang mga nagsasagawa ng katotohanan ang maaaring magkamit ng katotohanan at sa dulo ay siyang magmay-ari ng katotohanan at pagkatao kaya nagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Mula noon, sinadya ko nang pagsikapang talikdan ang aking laman at isagawa ang katotohanan sa araw-araw kong buhay. Ilang panahon pagkatapos noon, masaya kong natuklasan na maaari kong isagawa ang ilang katotohanan. Halimbawa, sa nakaraan natatakot akong ipakita sa iba ang madilim na bahagi ng sarili ko. Ngayon, sinasadya kong maging bukas sa aking mga kapatid, hinihimay ang aking masamang disposisyon. Noon, nang ako ay pinungos at pinakitunguhan, gagawa ako ng mga dahilan at iiwas sa pananagutan.Ngayon, gumawa ako ng kusang pagsisikap upang itatwa ang sarili ko sa halip na subuking bigyang-katwiran ang aking masamang asal. Sa nakaraan, kapag ako’y nakararanas ng pakikipag-alitan sa aking mga kapwa manggagawa, ako’y nagiging makitid mag-isip, mababaw, at matampuhin. Ngayon, kapag nakatagpo ako ng ganitong mga kalagayan, tatalikdan ko ang aking laman at gagamit ng pagpaparaya at pagpapaumanhin sa iba. … Sa tuwing naiisip ko ang aking pag-usad sa pagsasagawa ng katotohanan, nararamdaman ko ang matinding saya. Naisip ko na ang kakayahan kong magsagawa ng ilang katotohanan ay nangangahulugang ako ay isang tunay na tagapagsagawa ng katotohanan. Sa ganitong paraan, di ko namamalayang ako ay naging mapagmataas at mapagmapuri sa sarili.

07 Setyembre 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (II)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang Bahagi)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/knowing-the-three-stages-of-gods-work-is-the-path-to-knowing-god-2.html

Rekomendasyon: Salita ng Diyos

11 Mayo 2019

kung paanong pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang espirituwal na mundo | Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Pananampalataya

Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ding napakahalagang paksa, at ito’y kapaki-pakinabang din na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig-sabihin nito ay ang Hudaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang mga pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang mga relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya—mga tagasunod na buong panahong gumagawa para sa kanilang pananampalataya—ay kokonti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya. Ang kanilang mga mananampalataya ay pupunta sa magkakaibang lugar kapag sila ay namatay. “Kaiba” mula kanino?

22 Hunyo 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I Ikalawang Bahagi




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang dalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eba. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o kamahalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eba ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, mag-gabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay."

Rekomendasyon: Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

21 Hunyo 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikaapat na Sugpungan)



    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao"

Supling: Ang Ikalimang Sugpungan

1. Ang Isa ay Walang Kontrol sa Kung Ano ang Mangyayari sa Sariling Supling

2. Pagkatapos Magpalaki ng Susunod na Henerasyon ang mga Tao ay Nakakatamo ng Bagong Pagkaunawa ng Kapalaran

3. Ang Paniniwala sa Kapalaran ay Hindi Papalit sa Isang Kaalaman sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

4. Tanging Yaong mga Napapasailalim sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha ang Maaaring Makatamo ng Tunay na Kalayaan

Rekomendasyon:Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

18 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! (Trailer)



    Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon. Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito ang pumigil sa kanya na gaya ng isang pares ng mga kadena, na pumipigil sa kanya na sundan ang mga yapak ng Diyos at manalig sa Kanya. Dahil dito, hindi naisip ni Lee Chungmin kailanman na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw …

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

08 Hunyo 2018

Salita ng Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos



    Ang Diyos  ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing payak ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan. Walang halaga kung Siya ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at ikaw ay hindi maaaring magsabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao na kung saan nagmumula na Siya ay mangusap. Kabilang ang ilang mga tao may mga lumitaw na mga pag-iisip bilang isang bunga ng iba-ibang mga perspektibo na kung saan nagmumula ang Diyos ay mangusap. Ang mga ganoong tao ay walang kaalaman sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain. Kung ang Diyos ay palaging nangusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Maaari kayang payagan ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung anong perspektibo ang pinagmumulan ng Diyos na mangusap, ang Diyos ay may mga layunin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Samakatwid, nangungusap Siya sa ikatlong persona upang paglaanan ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipinagpalagay na Siya ay Diyos, samakatwid kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pagbibigkas Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang sustansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na malapit sa sariling puso ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi sumaksi sa kanya bilang Panginoon o Kristo, pagkat ang sustansya ng tao ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman maaaring magbago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng ibat-ibang mga paraan upang maging mabisa ang Kanyang gawain at madagdagan ang kaalaman ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at nasa ayos upang gawing perpekto ang tao. Kahit na anong paraan ng paggawa ang gamitin Niya, ang bawat isa ay nasa ayos upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman isa sa Kanyang paraan nang paggawa ay maaaring tumagal sa isang mahabang panahon, nasa sa ayos ito upang timplahin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Samakatwid hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng mga ito ay mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong sundin.

03 Hunyo 2018

Salita ng Diyos | Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto

    Habang higit mong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, mas bibigat ang iyong pasanin; mas mabigat ang iyong pasanin, mas mayaman ang iyong magiging karanasan. Kapag iyong isinasaisip ang kalooban ng Diyos, ibibigay ng Diyos ang pasaning ito sa iyo, at ikaw ay liliwanagan ng Diyos sa mga bagay na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Pagkatapos na maibigay ng Diyos sa iyo ang pasaning ito, ikaw ay magsisimulang magbigay ng pansin sa mga katotohanang may kaugnayan sa iyong pasanin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos. Kung ang pasaning ito ay may kaugnayan sa mga kondisyon ng buhay ng mga kapatid na lalaki at babae—ito ay isang pasanin na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, kung gayon ang iyong mga panalangin sa araw-araw ay laging magdadala ng pasaning ito. Kung ano ang ginagawa ng Diyos ay ipinagkatiwala ngayon sa iyo, ikaw ay nagnanais na isakatuparan yaong kailangang gawin ng Diyos, at ito ang ibig sabihin ng balikatin ang pasanin ng Diyos na parang sa iyo. Sa puntong ito, ang iyong pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay matutuon sa mga usápín sa mga aspetong ito, at iyong iisipin, paano ko ba malulutas ang mga usápíng ito? Paano ko magagawang pahintulutan ang mga kapatid na lalaki at babae na mapalaya, upang magkaroon ng kagalakan sa kanilang mga espiritu? Ikaw ay tutuon sa paglutas ng mga usápíng ito kapag kayo ay nagbabahaginan, ikaw ay tutuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita na may kaugnayan sa mga usápíng ito kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, ikaw ay kakain at iinom ng mga salita ng Diyos habang dinadala ang pasaning ito, at iyong mauunawaan ang mga pangangailangan ng Diyos. Sa puntong ito, higit na magiging malinaw sa iyo ang landas na daraanan. Ito ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu na dulot ng iyong pasanin, at ito ang Diyos na nagkakaloob ng Kanyang paggabay sa iyo. Bakit Ko sinasabi ito? Kung wala kang pasanin, kung gayon hindi ka nagbibigay-pansin kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos; kapag ikaw ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos habang nagdadala ng isang pasanin, iyong mauunawaan ang kakanyahan ng mga salita ng Diyos, nakahahanap ka ng iyong daan, nakakaya mo na naisasaisip ang kalooban ng Diyos. Samakatuwid, kailangan mong hilingin sa Diyos na pagkalooban ka pa ng mas maraming pasanin sa mga panalangin mo sa Diyos, sa gayon, higit pang mga dakilang bagay ang ipagkakatiwala sa iyo ng Diyos, mas kakayanin mong makatagpo ng daan ng pagsasagawa sa hinaharap, lalo kang magiging mabisa sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, makakaya mong maunawaan ang kakanyahan ng Kanyang mga salita, at mas makakaya mong tanggapin ang pag-aantig ng Banal na Espiritu.

26 Mayo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Red Re-Education sa Bahay" | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)



    Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyossa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan


Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


24 Mayo 2018

Cristianong Kanta | Ang Saloobin ng Diyos sa Tao




 I
Ang Diyos ay matatag sa Kanyang mga kilos.
Ang mga layunin at prinsipyo ng Diyos,
ay laging malinaw at aninag ang mga ito.
Lahat sila'y dalisay at walang kapintasan,
na may ganap na walang daya
o panukala na nakahalo sa loob.
Sa madaling salita, ang diwa ng Diyos
ay walang kadiliman,
walang kasamaan.

12 Mayo 2018

Tagalog na Cristianong Ebanghelyong Pelikula | "Basagin Ang Sumpa" [Trailer]



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Ebanghelyong Pelikula | "Basagin Ang Sumpa" [Trailer]



Si Fu Jinhua  ay isang elder sa isang bahay-iglesia sa China. Ilang taon na siyang nananalig sa Panginoon at palaging iniisip na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, na kailangan lang niyang manalig sa Panginoon at kumapit sa Biblia, at kapag bumaba ang Panginoon sa isang ulap ay madadala siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nagsimulang magduda ang kanyang mga kapanalig. Lumitaw na ang apat na buwan na naging dugo, at ang mga propesiya ng pagdating ng Panginoon ay natupad. Ang kahulugan nito ay nagbalik na ang Panginoon, kaya bakit hindi natin Siya nasalubong nang bumaba Siya sa isang ulap? … Matapos mag-isip-isip nang kaunti, ipinasiya ni Fu Jinhua na hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng paliwanag at mga pakikipagdebate sa mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa wakas ay malinaw na nakita ni Fu Jinhua ang landas para makapasok sa kaharian ng langit at nakalaya siya sa ""nakagayuma"" sa kanya nang maraming taon. Tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nadala sa harap ng luklukan ng Diyos, at dumalo sa piging sa kasal ng Kordero.


09 Mayo 2018

SINO ANG AKING PANGINOON [Trailer]



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | SINO ANG AKING PANGINOON [Trailer]



    Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Cristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng
Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

03 Mayo 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.”

Rekomendasyon: Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

14 Abril 2018

Cristianong Musikang | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan



Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

06 Abril 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Yaong Tumatanggap ng Bagong Gawa ay Pinagpala 



I
Mapalad ang mga yaong kayang sumunod
ang kasalukuyang mga pagbigkas ng Espiritu Santo.
Paano man sila dati, paano ang Espiritu Santo,
paano Siya gumawa dati sa loob nila,
yaong nakakamit ng pinakabagong gawain ang mga pinaka-mapalad.
Ngayon, yaong 'di kayang sumunod
sa pinakabagong gawain ay aalisin.
Nais ng Diyos ang mga yaong
ma'aring tumanggap ng bagong liwanag,
at yaong tanggap at alam pinakabagong gawain Niya.

01 Abril 2018

Cristianong Musikang | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan

Kristianong Awitin | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Nagkatawang-taong Diyos Inaakay ang Tao sa Isang Bagong Kapanahunan



 I
Winak'san ng nagkatawang-taong D'yos ang panahon
nang "ang likod lang ni Jehova ang nagpakita sa tao,"
at tinatapos ang kapanahunan ng paniniwala
sa malabong D'yos.
Gawain ng huling nagkatawang-taong D'yos
dalhin lahat ng sangkatauhan,
Dalhin ang tao sa mas totoo,
mas praktikal, at mas mabuting panahon.

08 Marso 2018

Buhay musika | Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos

katotohanan, paniniwala, Iglesia, buhay, Diyos


 

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pag-alam sa Aktwal na mga Gawa ng Diyos Maaari Mong Makilala ang Diyos


 I
Ang gawain ng Diyos ngayon ay magsalita,
walang mga palatandaan, ni mga kababalaghan.
Hindi ito Kapanahunan ng Biyaya.
Ang Diyos ay normal at totoo.
Sa huling mga araw,
hindi Siya si Hesus na higit sa karaniwan,
ngunit isang praktikal na Diyos sa katawang tao,
walang pinagkaiba sa tao.

25 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Kumusta Ang Iyong Kaugnayan sa Diyos

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Kumusta Ang Iyong Kaugnayan sa Diyos


    Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsasalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang mga bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng mga bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagamat ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makapagsasagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

21 Disyembre 2017

Ebangheliyong pelikula | Basagin Ang Sumpa



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Basagin Ang Sumpa



    Isang elder si Fu Jinhua sa isang iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming iba pang mga Tsino, masigasig niyang inilaan ang kanyang sarili sa Panginoon, nagpakapagod nang lubos para sa Kanya. Partikular siyang may tiwala sa kanyang sarili, at tinuruan ang kanyang sarili na maging isang taong tunay na nagmahal sa Panginoon. Sinunod niya ang Panginoon nang maraming taon, buong puso siyang naniwala na ang Biblia ay pinukaw ng Diyos, at ang mga salita sa Biblia ay salita lahat ng Diyos. Kung kaya, sa kanyang isipan, inihalintulad niya ang paniniwala sa Panginoon bilang paniniwala sa Biblia. Inisip niya na ang mga taong humiwalay mula sa Biblia ay hindi matatawag na mga tagasunod ng Panginoon. Naniwala rin siya na kailangan lamang umayon ng mga tao sa Biblia upang madala sa kaharian ng langit kapag bumaba ang Panginoon na nasa mga alapaap. Kaya kapag nagsimulang magpatotoo ang isang lupon ng mga tao sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, naniwala si Fu Jinhua sa mga maling paniwala ng mga relihiyosong pastor at elder, at hindi na hinangad ang mag-imbestiga pa sa mga bagay-bagay. Isang araw, binisita ni Fu Jinhua si Kapatid na He, kapwa miyembro ng iglesia. Binanggit ni Kapatid na He ang tungkol sa kanyang sariling pagkalito: "Ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay talagang nagkatotoo lahat, at dapat nang nakabalik ang Panginoon. Kaya bakit hindi pa natin nakita ang pagbaba ng Panginoon na nasa mga alapaap? Nabanggit din ng kanyang katrabahong si Fang Jianjie, "Lumitaw ang apat na kulay dugong buwan, na nangangahulugang sasapitin natin ang mga malalaking sakuna. Ayon sa mga propesiya mula sa mga libro ng mga propeta at sa Libro ng Pahayag, dadalhin sa langit ang Iglesia ng Philadelphia bago ang mga malalaking sakuna, at tutustusan ng Diyos ang Kanyang mga tagapaglingkod at utusan gamit ang Kanyang Espiritu upang gawing kumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Kung ang isang tao ay hindi nadala bago ang mga sakuna, malamang na mamamatay sila sa kalagitnaan ng mga malalaking sakunang ito. Ngunit ngayon, nagpatotoo ang Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesus, inihayag ang katotohanan, at ginawang kumpleto ang isang grupo ng mga mananagumpay. Tinutupad ba nito ang mga propesiya mula sa Biblia? Ang Kidlat ng Silanganan ay pagpapamalas ba ng Panginoon at ng Kanyang gawain?” Matapos makinig sa kanyang mga katrabaho, sumailalim sa matinding pagbubulay-bulay si Fu Jinhua at sinimulang tasahin ang mga bagay na ito ...
   Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ano ang Ebanghelyo ?