Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

18 Mayo 2018

Tagalog Gospel Videos | "Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?" (Trailer)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Gospel Videos | "Sino ang Muling Nagpapako sa Diyos sa Krus?" (Trailer)



    Si Gu Shoucheng ay isang pastor sa isang bahay-sambahan sa China. Nanalig na siya sa Panginoon nang maraming taon, at hindi nagbabago sa pagsisikap na magbigay ng mga sermon, at marami na siyang napuntahan para ipangaral ang ebanghelyo. Naaresto na siya at nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at nakulong nang 12 taon. Nang makalabas na siya ng bilangguan, patuloy na naglingkod si Gu Shoucheng sa iglesia. Gayunman, nang dumating ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa iglesiang kinsasapian ni Gu Shoucheng, ni hindi niya ito hinahanap o sinisiyasat, kundi umaasa siya sa sarili niyang mga paniwala at pagkaintindi nang buong katigasan ng ulo na husgahan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at ginagawa niya ang lahat para magkalat ng mga paniwala at maling pagkaintindi upang putulin at pigilan ang pagtanggap ng mga nananalig sa tunay na daan. Matapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos noon natuklasan ni Gu Shoucheng na tunay ngang sila ay may awtoridad at kapangyarihan at na sinuman ang nakarinig sa mga ito ay makumbinsi, at natakot siya nang husto na sinuman sa iglesia ang makabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay mananalig sa Kanya. Natakot siya na kung magkagayo'y hindi niya mapapanatili ang kanyang katayuan at pamumuhay. Kaya nga, tinalakay niya ito kay Elder Wang Sen at sa iba pa sa iglesia at ipinasiya niyang linlangin ang mga tao sa mga tsismis na ginamit ng pamahalaang Chinese Communist sa pag-atake at paghusga sa Makapangyarihang Diyos. Ginagawa nina Gu Shoucheng at Wang Sen ang lahat para isara ang iglesia at pigilan ang mga tao sa pagtanggap sa tunay na daan, at tumutulong pa sila sa makademonyong rehimen ng CCP para arestuhin at usigin ang mga nagpapatotoo sa Makapangyarihang Diyos. Malaking kasalanan sa disposisyon ng Diyos ang kanilang ginagawa at sumasailalim sila sa Kanyang sumpa. Dahil aarestuhin na ni Wang Sen ang ilang taong nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, naaksidente siya at namatay doon mismo. Nabubuhay si Gu Shoucheng sa takot at kawalang-pag-asa at natataranta. Madalas niyang sinasabi sa sarili: "Ang paghatol ko ba sa Makapangyarihang Diyos ay ipinapakong muli ang Diyos sa krus?"

Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Best Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Best Christian Movie 2018 | “Huwag Kang Makialam” Trailer (Tagalog Dubbed)



    Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon. Parami nang parami ang mabubuting tupa at namumunong tupa ng iba't ibang denominasyon at sekta na tumanggap na sa Kidlat ng Silanganan. Dahil dito, nag-isip-isip si Li Qingxin. Lalo na, nakita niya na hindi nag-aatubili ang mga pastor at elder ng iba't ibang relihiyon na mag-imbento ng mga tsismis at walang-kabuluhang mga bagay para tuligsain at sirain ang pangalan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakikipag-ugnayan pa sila sa gobyernong Chinese Communist para arestuhin ang mga mangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Dama niya na ang mga gawa at kilos ng pastor at elder ay lihis sa paraan ng Panginoon, at alam niya na mabangis na kinakalaban at tinutuligsa ng Chinese Communist Party at iba't ibang relihiyon ay maaaring ang tunay na daan, at ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Noon din ay nagpasiya sila ng ilang katrabaho niya na hanapin at siyasatin ang Kidlat ng Silanganan, pero naharap sila sa lahat ng uwi ng sagabal at problema mula sa pastor at elder. Sa pamamagitan ng pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pakikinig sa patotoo ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nahiwatigan ni Li Qingxin at ng iba pa ang mga tsismis at kamalian ng pastor at elder. Dahil dito ay naunawaan nila ang napakasamang layunin at lalang sa kanilang mga alagad na humahadlang sa pagsusuri sa tunay na daan, at malinaw nilang nakita ang talagang mapagpaimbabaw ang pastor at elder. Malakas na sinabi ni Li Qingxin at ng iba sa pastor at elder ng relihiyon, "Wala n'yo kaming pakialaman!" Sa huli ay lubos silang nakaalis sa pambibitag at pang-aalipin ng pastor at elder, at nagbalik sa harapan ng luklukan ng Diyos.

16 Mayo 2018

Tagalog Christian Songs | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Songs | Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas


Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya,
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya,
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya.
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Paghihinagpis ng Makapangyarihan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Paghihinagpis ng Makapangyarihan


Nakikita ng Makapangyarihan sa lahat
ang pag-iyak at kawalanghiyaan ng mga nagdurusa't nasaktan,
dama ang takot at hina ng taong nawalan ng kaligtasan.
Tumatanggi sila sa kalinga Niya, sa sariling landas dumaraan,
iniiwasan mga mata Niyang naghahanap.
Mas gusto nilang danasin mga pasakit ng dagat,
kasama ang kaaway.
Ang paghihinagpis ng Makapangyarihan sa lahat
ay di na maririnig ninuman.
Mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ayaw nang abutin,
ayaw na Niyang hipuin ang miserableng sangkatauhan.
Muli't-muli, nababawi't nawawala.

Ang Tunay na Pagsasamahan

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pagsasamahan



Fang Li    Lungsod ng Anyang, Probinsya ng Henan


    Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.

Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

 


Xinyi    Lungsod ng Xi'an, Lalawigan ng Shaanxi


    Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. ... Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, "O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong pagliliwanag. "

15 Mayo 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan


I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.