Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

17 Hunyo 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikapitong Bahagi)




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus ay pinatotohanan ang Kanyang matinding pagmamalasakit sa Kanyang mga tagasunod sa pagiging tao at ipinasa sa Kanyang espirituwal na katawan, o maaari ninyong sabihing Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahunan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula din Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan."

Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

16 Hunyo 2018

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ika-anim na Bahagi)




    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay nagmula sa aklat na “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao”

4. Lumapit sa Ilalim ng Dominyon ng Maylalang at Mahinahon na Harapin ang Kamatayan

5. Ang mga Pagsusumikap at mga Natamo ni Job sa Buhay ang Nagpahintulot sa Kanya upang Mahinahong Harapin ang Kamatayan

6. Tanging sa Pagtanggap ng Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha na ang Isa ay Maaaring Makabalik sa Kanyang

TabiHuwag Mong Kaliligtaan ang Pagkakataon na Makilala ang Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Rekomendasyon: Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan


Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ika-anim na Bahagi)




    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay."

Rekomendasyon:Ginising Ako ng mga Salita ng Diyos

Dumating na ang Milenyong Kaharian

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

14 Hunyo 2018

Salita ng Diyos | Paano Nakilala ni Pedro si Jesus

    Noong panahong si Pedro ay kasama ni Jesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Jesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Jesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Jesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Jesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Jesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya. Noong unang tinawag siya ni Jesus sa baybayin ng Dagat ng Galilea, itinanong Niya: “Simon, anak ni Jonas, susundan mo ba Ako?” Sinabi ni Pedro: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu. Susundan Kita.” Sa panahong ito, narinig ni Pedro na sinabi ang hinggil sa isang lalaki na nagngangalang Jesus, ang pinakadakila sa mga propeta, ang minamahal na Anak ng Diyos, at si Pedro ay walang tigil na umaasang matagpuan Siya, umaasa ng pagkakataon na makita Siya (dahil iyan ang paraan noon kung paano siya ginabayan ng Banal na Espiritu). Bagaman hindi pa niya kailanman nakita Siya at narinig lamang ang mga sabi-sabi tungkol sa Kanya, unti-unting lumago ang pananabik at paghanga kay Jesus sa kanyang puso, at madalas niyang pinanabikan na isang araw ay makita si Jesus. At paano tinawag ni Jesus si Pedro? Narinig din Niya nang mabanggit ang tungkol sa isang lalaki na tinatawag na Pedro, at hindi ito sa paraan na tinagubilinan Siya ng Banal na Espiritu: “Pumunta Ka sa Dagat ng Galilea, kung saan may isang tinatawag na Simon, anak ni Jonas.” Narinig ni Jesus ang isa na nagsabing mayroong isa na tinatawag na Simon, anak ni Jonas, at na narinig ng mga tao ang kanyang pangangaral, na ipinangaral niya rin ang mabuting balita tungkol sa kaharian ng langit, at lahat ng mga taong nakarinig sa kanya ay naantig na lumuha. Pagkatapos marinig ito, sinundan ni Jesus ang taong iyan, at nagtungo sa Dagat ng Galilea; noong tinanggap ni Pedro ang tawag ni Jesus, sinundan niya Siya.

Ang tinig ng Diyos | Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

    Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

Tagalog Christian Movie 2018 | Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian ng Langit (Trailer)



    Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

13 Hunyo 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Trailer)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Trailer)


    Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos. Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...

Rekomendasyon: Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan