Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

09 Hulyo 2018

Salita ng Diyos | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

langit, Espiritu, Panginoon, Kaharian, Diyos



    Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapagpasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.

08 Hulyo 2018

Cristianong Kanta | Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang

landas, katotohanan, salita ng Diyos, buhay, pag-ibig



I
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,
nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin,
ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.
Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita;
nagsisimula tayong tumuon sa tono
at paraan ng Kanyang pagsasalita,
at maging kusa na pakinggan
ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.

07 Hulyo 2018

Christian Full Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie 2018 | "Tamis sa Kahirapan" An Amazing Christian Testimony (Tagalog Dubbed)



     Ang Kristiyanong si Han Lu ay sinubaybayan at nasabat ng mga opisyal ng CCP police, kaya nahuli siya. Malupit siyang pinahirapan ng mga pulis, at gumamit din sila ng mga tsismis para subukang i-brainwash siya, ginamit ang kanyang pamilya para subukan siyang puwersahin, at iba pang mga pamamaraan para subukan siyang takutin sa pagtatangkang pilitin siyang itanggi at ipagkanulo ang Diyos. Gayunman, sa patnubay ng salita ng Diyos, nalagpasan ni Han Lu ang maraming interogasyon habang pinahihirapan at matinding pinabulaanan ang iba’t ibang tsismis at maling paniniwala ng CCP sa katotohanan. Habang pinahihirapan ng CCP, nagawa ang isang maganda at matunog na patotoo …

05 Hulyo 2018

Best Christian Movie | "Masasakit na Alaala" The Repentance of a Christian (Trailer)



    Si Fan Guoyi ay isang elder ng isang bahay-iglesia sa China. Sa mahigit dalawampung taon ng paglilingkod, lagi niyang ginagaya si Pablo, at nagsumikap at nagpakahirap para sa Panginoon nang may malaking kasigasigan. Bukod dito, matibay ang paniniwala niya na sa patuloy na pagsampalataya sa ganitong paraan, isinasakatuparan niya ang kalooban ng Ama sa langit, at na kapag nagbalik ang Panginoon, siguradong mara-rapture siya sa kaharian ng langit. Gayunman, nang sumapit sa kanya ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kumapit siya sa kanyang mga pagkaunawa. Paulit-ulit niyang tinanggihan, kinontra, at tinuligsa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw…. Kalaunan, matapos makipagtalo nang ilang beses sa mga pastor ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nagising din sa katotohanan si Fan Guoyi, at tunay na naunawaan ang kahulugan ng isakatuparan ang kalooban ng Ama sa langit, gayundin kung paano patuloy na sumampalataya sa paraan na magtatamo siya ng kaligtasan at makakapasok sa kaharian ng langit ….

Mga Pagbigkas ni Cristo ng Mga Huling Araw | "Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?"



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kayo ay humahanga at takot lamang sa di-nakikitang Diyos sa langit at walang pagsasaalang-alang sa buhay na Cristo sa lupa. Hindi ba ito rin ang inyong di-pananampalataya? Hinahangad lamang ninyo ang Diyos na gumawa sa nakaraan ngunit ayaw harapin ang Cristo ng panahong ito. Ito parati ang “pananampalatayang” humalo sa inyong mga puso na hindi nananampalataya sa Cristo ng panahong ito. Hindi Ko kayo minamaliit, sapagkat napakaraming di-pananampalataya sa inyong kaloob-looban, halos ang kabuuan ninyo ay marumi at dapat na masuri. Ang mga karumihang ito ay tanda na kayo ay walang anumang pananampalataya; ito ay marka ng inyong pagtatakwil kay Cristo at tinatatakan kayo bilang taksil kay Cristo. Ang mga ito ay mga talukbong na nagtatakip sa inyong kaalaman tungkol kay Cristo, isang hadlang sa pagkamit ninyo kay Cristo, isang balakid na pumipigil sa inyong pagiging-kaayon kay Cristo, at patunay na kayo ay hindi sinasang-ayunan ni Cristo."

04 Hulyo 2018

Paano Natin Tatratuhin ang Kidlat ng Silanganan sa Paraang Naaayon sa Kalooban ng Panginoon?



    Kapag nagpapatotoo ang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, nadarama ng maraming nananalig na ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, at na dapat nila itong hanapin at siyasatin nang husto para marinig ang tinig ng Panginoon. Gayunman, mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder ng relihiyon sa Biblia kaya kinakalaban at tinutuligsa nila ang Kidlat ng Silanganan. Sa kagustuhang "protektahan ang daan ng Panginoon, panatilihing ligtas ang kawan, at maging responsable sa buhay ng mga nananalig," hinahadlangan nila ang mga nananalig sa lahat ng paraan na siyasatin ang tunay na daan. Ang Kidlat ng Silanganan kaya ang pagbalik ng Panginoon, na nagiging malinaw at gumagawa ng gawain? Paano natin dapat tratuhin ang Kidlat ng Silanganan, para makaayon tayo sa kalooban ng Panginoon?

03 Hulyo 2018

3. Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).

    “At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).

    “At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).

    “Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin. Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya” (Juan 12:28-29).