Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

17 Hulyo 2018

Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo! | Lahat ba ng Nasa Biblia ay Salita ng Diyos?



    Gaya ng maraming relihiyoso na may pananampalataya sa Panginoon, noon pa man ay nadama na ni Elder Li na "lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos," at "ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos." Ang mga ideyang ito ang naging batayan noon pa man ng kanyang pananampalataya. Tumimo ito sa kanyang puso at naging kapwa isang balakid sa kanyang pag- aaral sa tunay na daan at mga taling humadlang sa kanya na tanggapin ito. Nang matiyagang basahan ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Elder Li tungkol sa salita ng Diyos at ipaliwanag sa kanya ang katotohanan, sa wakas ay naunawaan na rin niya na hindi lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, ngunit naroon ang mga salita ng Diyos at ng tao. Hindi na ngayon nakatali at nakakadena si Elder Li sa mga ideyang ito tungkol sa relihiyon.

16 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music Video 2018 | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.
Kung wala ang gawaing ito,
tao'y hindi magagawang sundin ang kanyang uri.
Ito ang tanging daan upang makapasok sa kapahingahan.

15 Hulyo 2018

Tagalog Christian Songs | "Si Satanas ay Walang Maaaring Mabago sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos"



I
Sa maraming taon, libu-libong taon,
na ang tao'y ginagawang tiwali ni Satanas,
gumawa ng higit na kasamaan.
Mga salinlahi, isa-isang nalinlang nito.
Oh, maraming krimen, kakila-kilabot na krimen
na ginawa ni Satanas sa buong mundong 'to.
Ang tao'y pinukaw na labanan ang Diyos,
inabuso, dinaya ang tao,
hinanap upang wasakin ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.

14 Hulyo 2018

Tagalog Christian Music "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" (Musical Documentary) | Power of God



    Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay. Mula pagsilang hanggang pagtanda hanggang sa magkasakit at mamatay, kung minsa’y nagagalak tayo at kung minsa’y nalulungkot …. Saan ba talaga nanggagaling ang tao, at saan tayo talaga patutungo? Sino ang namamahala sa ating mga tadhana? Mula noong unang panahon hanggang sa makabagong panahon, nagsibangon ang mga dakilang bansa, nagdatingan at nangawala ang mga dinastiya, at ang mga bansa at mga tao ay umunlad at naglaho sa pahina ng kasaysayan…. Tulad sa mga batas ng kalikasan, ang mga batas sa pagsulong ng sangkatauhan ay nagtataglay ng walang katapusang mga hiwaga. Gusto mo bang malaman ang mga sagot sa mga ito? Ang dokumentaryong Siya na May Kapangyarihan sa Lahat ay gagabayan ka upang malaman ang pinag-ugatan nito, at para maihayag ang lahat ng hiwagang ito!

Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

12 Hulyo 2018

Huwag Magtuon sa Biblia: Dumalo sa Piging ng Kaharian ng Langit sa Piling ng Panginoon



    Pakiramdam ng maraming sumasampalataya sa Panginoon ay nasa Biblia ang lahat ng salita at gawain ng Diyos, na ganap na ang pagliligtas ng Diyos ayon sa nakasaad sa Biblia, na kailangang ibatay sa Biblia ang pananampalataya sa Diyos at na kung nakabatay sa Biblia ang ating pananampalataya sa Diyos, siguradong madadala tayo sa kaharian ng langit. Ang mga ideyang ito tungkol sa relihiyon ay di-nakikitang mga tali na matatag na gumagapos at nagpapakitid sa ating isip kaya hindi natin hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi matanggap ang kasalukuyang gawain ng Diyos. Kung gayo’y paano natin mauunawaan ang koneksyon ng Biblia sa Diyos at sa Kanyang gawain? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng nananatili at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas na sa pamamagitan nito ay makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas sa pamamagitan niyao’y makikilala ng tao ang Diyos at upang masangayunan ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagtalikod lang sa Biblia tayo makakaharap sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang pagliligtas at makakadalo sa piging ng kaharian ng langit sa piling Niya.

Ang tinig ng Diyos | 4. Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na magkatawang-tao Siya at gawin Niya Mismo iyon?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).

At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).

09 Hulyo 2018

Takasan ang Pagkaalipin ng mga Relihiyosong Fariseo at Bumalik sa Diyos



    Sa buong komunidad ng mga relihiyon, alam ng mga pastor ang Biblia pagbali-baligtarin man ito at madalas nilang ipaliwanag sa mga tao ang mga sipi sa Biblia. Sa ating paningin, mukhang kilala nilang lahat ang Diyos, pero bakit sinisisi at kinokontra ng napakarami sa mga relihiyoso ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw- araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).