Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

25 Disyembre 2018

New Tagalog Skit "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes

New Christian Tagalog Skit | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes

    Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.
    Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos. Matapos mabigo ang pakanang ito, muling dumating ang mga pulis para arestuhin ang dalawang mananampalataya. Para maiwasan ang pagkaaresto at ipagpatuloy ang pagsunod sa Diyos at pananampalataya sa Diyos, napilitang umalis sa kanilang tahanan sina Liu Ming'en at ang kanyang asawa.

24 Disyembre 2018

Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (1) "Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?"

Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (1) "Naaayon Ba sa Biblia ang Gawain ng Diyos?"

    Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, nangangagaral na malapit na ang kaharian ng langit at dadalhin sa mga tao ang daan tungo sa pagsisisi, tinuligsa Siya ng mga Fariseong Judio, na sinasabi na ang Kanyang mga salita at gawain ay laban sa mga kautusan sa Lumang Tipan, na hindi iyon nakasaad sa Lumang Tipan, at na maling paniniwala ang mga iyon. Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa mag-anak ng Diyos at ipinapahayag ang buong katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao, at tinutuligsa Siya ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, na sinasabing ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos ay wala sa Biblia, at na maling paniniwala ang mga iyon. Talaga bang maling paniniwala ang mga salita at gawain ng Diyos na wala sa Biblia? Kung gayon, hindi ba tinutuligsa rin natin ang gawain ng Panginoong Jesus? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa Biblia, o ayon sa pangangailangan ng Kanyang gawaing iligtas ang sangkatauhan?

23 Disyembre 2018

Christian Crosstalk "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of CCP's Persecution of Religious Freedom

Tagalog Christian Crosstalk | "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of the CCP's Persecution of Religious Freedom

    Inilalarawan ng crosstalk na Interogasyon sa Paaralan ang mga katotohanan kung paano nakikiisa ang CCP sa mga mabababang paaralan at ginagamit ang mga pulis para linlangin, takutin, bantaan, at pinipilit paaminin ang mga mag-aaral para malaman kung naniniwala sa relihiyon ang kanilang mga magulang. Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, inatake at inapi na ng CCP ang relihiyosong pananampalataya, at ngayon, para maimbestigahan at maaresto ang mga Kristiyano,  inaabot na rin ng malademonyo nitong mga kamay ang mga estudyante sa mga eskwelahan, gamit ang malulupit at mararahas na pamamaraan para abusuhin at takutin nang matindi ang mga bata. Talagang kasuklam-suklam ang kasamaan ng CCP! 

22 Disyembre 2018

Tagalog Christian Skit | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?

Tagalog Christian Skit | "Tagamanman ng Komunidad" | Why Does the CCP Closely Monitor Christians?

    Ang Chinese Communist Party, upang puksain ang pananampalatayang pang-relihiyon, ay gumagamit ng mga kumite sa komunidad at iba't ibang tao para mahigpit na manmanan ang mga Kristiyano at pinatutupad ang sistemang "pabuya sa pagsusumbong" sa pagtatangkang mahuli ang bawat Kristiyano. Ang maikling dula na pinamagatang "Tagapagmanman ng Komunidad" ay sumusuri kung paanong ang Kristiyanong si Lin Min, nang dahil sa reputasyon nang pananalig sa Diyos, ay palihim na sinubaybayan ng opisyal ng kumite sa komunidad. Isang araw, dalawang kapatid sa pananampalataya ang pumunta sa bahay niya, at matapos mag-imbistiga ang direktor ng kumite sa pamamagitan ng iba't ibang paraan, tumawag ito agad sa pulisya ng CCP. Sa harap ng ganitong napakahirap na pangyayari, paano pa nagagawang magtiwala si Lin Min sa Diyos at nagtitiis? Sa bandang huli, magagawa kaya niya at ng kanyang mga kapatid sa pananampalataya na matakasan ang mga pulis ng CCP? 

21 Disyembre 2018

Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible

Tagalog Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible

    Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.

20 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

    Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

19 Disyembre 2018

Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

    Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …