Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

21 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma

Kuwento sa Biblia | Pagwasak ng Diyos sa Sodoma


(Gen 18:26) At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.
(Gen 18:29) At siya’y muling nagsalita pa sa kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.
(Gen 18:30) At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu. At sinabi niya, Hindi ko gagawin.
(Gen 18:31) At kanyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu. At sinabi niya, Hindi ko lilipulin.
(Gen 18:32) At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong sammpu. at sinabi niya, Hindi ko lilipulin.
Ito ang ilang mga siping napili Ko mula sa Biblia. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Biblia; upang makatipid sa oras, inalis Ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili ko lamang dito ang ilang mga pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang mga pangungusap na walang kinalaman sa ating pagsasamahan ngayon. Sa lahat ng mga sipi at nilalaman na ating ibinabahagi, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng mga kuwento at asal ng tao sa mga kuwento; sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos, at mula sa lahat ng ginawa ng Diyos, makikita natin ang tunay na Diyos Mismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layunin.
Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos
Naglalaman ng ilang mga pangunahing salita ang mga sipi sa itaas: mga numero. Una, sinabi ni Jehova na kung may matagpuan Siyang limampung matuwid sa lungsod, patatawarin Niya kung gayon ang buong lugar, na nangangahulugang hindi Niya wawasakin ang lungsod. Mayroon nga ba talagang limampung matuwid sa Sodoma? Wala. Pagkatapos na pagkatapos, ano ang sinabi ni Abraham sa Diyos? Sinabi niya, marahil ay may masusumpungang apatnapu? At sinabi ng Diyos, hindi Ko gagawin ito. Pagkatapos, sinabi ni Abraham, marahil ay may masusumpungang tatlumpu roon? At sinabi ng Diyos, hindi Ko gagawin ito. At marahil dalawampu? Hindi Ko gagawin ito. Sampu? Hindi Ko gagawin ito. Mayroon nga ba talagang sampung matuwid sa lungsod? Walang sampu—ngunit mayroong isa. At sino ang isang ito? Ito ay si Lot. Sa panahong iyon, may iisa lamang na taong matuwid sa Sodoma, ngunit masyado bang mahigpit o mapagwasto ang Diyos pagdating sa bilang na ito? Hindi, hindi Siya ganoon! At nang paulit-ulit na nagtanong ang tao, “Paano kung apatnapu?” “Paano kung tatlumpu?” hanggang sa napunta siya sa “Paano kung sampu?” Sinabi ng Diyos, “Kahit na may sampu lamang, hindi ko wawasakin ang lungsod; patatawarin ko iyon at papatawarin ang ibang tao bukod sa sampung ito.” Maaaring kaawa-awa talaga ang bilang na sampu, ngunit sa totoo, wala man lang ganoon karaming tao ang matuwid sa Sodoma. Sa gayon, nakikita mo na sa mga mata ng Diyos, ang kasalanan at kasamaan ng mga tao sa lungsod ay gayon na lamang na wala nang iba pang magagawa ang Diyos kundi ang wasakin sila. Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang hindi Niya wawasakin ang lungsod kung may limampung matuwid? Ang mga numerong ito ay hindi mahalaga sa Diyos. Ang mahalaga ay kung naglalaman o hindi ang lungsod ng matuwid na nais Niya. Kung may isa lang matuwid na tao ang lungsod, hindi hahayaan ng Diyos na mapahamak sila dahil sa Kanyang pagwasak sa lungsod. Ang ibig sabihin nito, na kahit wasakin o hindi ng Diyos ang lungsod, at gaano man karami ang matuwid doon, para sa Diyos ang makasalanang lungsod na ito ay napakasama at kasuklam-suklam, at dapat lang na wasakin, dapat maglaho mula sa mga mata ng Diyos, habang dapat manatili ang matuwid. Hindi alintana ang kapanahunan, hindi alintana ang yugto ng pag-unlad ng sangkatauhan, ang saloobin ng Diyos ay hindi nagbabago: Kinamumuhian Niya ang kasamaan, at nagmamalasakit sa mga matuwid sa Kanyang mga mata. Itong malinaw na saloobin ng Diyos ay tunay din na pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Dahil may iisa lamang na matuwid na tao sa loob ng lungsod, hindi na nag-atubili pa ang Diyos. Ang katapusang resulta ay ang hindi maiwasang pagkawasak ng Sodoma. Ano ang nakikita ninyo rito? Sa kapanahunang iyon, hindi wawasakin ng Diyos ang isang lungsod kung mayroong limampung matuwid sa loob nito, at hindi rin kung may sampu, na nangangahulugan na ang Diyos ay magpapasiya na magpatawad at maging mapagparaya sa sangkatauhan, o gagawin ang gawain ng pagpatnubay, dahil kaya Siyang igalang at sambahin ng ilang tao. Nagtitiwala nang malaki ang Diyos sa matutuwid na gawa ng tao, malaki ang tiwala Niya sa mga sumasamba sa Kanya, at nagtitiwala Siya nang malaki sa mga nakagagawa ng mabubuting gawain sa harapan Niya.
Sagana sa Awa ang Diyos sa Kanyang mga Pinagmamalasakitan, at Malalim ang Poot sa mga Kinamumuhian at Tinatanggihan Niya
Sa mga salaysay sa Biblia, mayroon bang sampung mga lingkod ng Diyos sa Sodoma? Hindi, wala ang mga ito! Karapat-dapat bang kaawaan ng Diyos ang lungsod na ito? Tanging ang isang tao sa lungsod—si Lot—ang tumanggap sa mga sugo ng Diyos. Ang implikasyon nito ay dahil iisa lamang ang lingkod ng Diyos sa lungsod, at sa gayon walang ibang pagpipilian ang Diyos kundi ang iligtas si Lot at wasakin ang lungsod ng Sodoma. Maaaring simple ang pag-uusap na ito sa pagitan ni Abraham at ng Diyos, ngunit isang bagay na napakalalim ang ipinapakita nito: May mga prinsipyo sa mga pagkilos ng Diyos, at bago gumawa ng isang desisyon, maglalaan Siya ng mahabang oras sa pagmamasid at pagsasaalang-alang; bago ang tamang oras, siguradong hindi Siya gagawa ng anumang desisyon o agad-agad na magpapasiya. Ang mga pag-uusap sa pagitan ni Abraham at ng Diyos ay nagpapakita sa atin na wala ni katiting na pagkakamali ang desisyon ng Diyos na wasakin ang Sodoma, dahil alam na ng Diyos na walang apatnapung matuwid sa lungsod, walang tatlumpu, walang dalawampu. Wala ni kahit na sampu. Ang tanging matuwid na tao sa lungsod ay si Lot. Ang lahat ng nangyari sa Sodoma at kalagayan nito ay pinagmasdan ng Diyos, at pamilyar sa Diyos gaya ng likuran ng Kanyang sariling kamay. Kaya, ang Kanyang desisyon ay hindi maaaring maging mali. Sa kabilang banda, kung ihambing sa pagka-makapangyarihan ng Diyos, napakamanhid ng tao, sobrang hangal at mangmang, lubos na kulang sa pagpapahalaga sa kinabukasan. Ito ang nakikita natin sa mga pag-uusap sa pagitan ni Abraham at ng Diyos. Inilalabas ng Diyos ang Kanyang disposisyon mula sa simula hanggang sa ngayon. Dito, gayon din naman, mayroon ding disposisyon ng Diyos na dapat nating makita. Simple ang mga numero, at hindi nagpapakita ng kahit ano, ngunit dito ay may napakahalagang pagpapahayag sa disposisyon ng Diyos. Hindi wawasakin ng Diyos ang lungsod dahil sa limampung matuwid. Ito ba ay dahil sa awa ng Diyos? Ito ba ay dahil sa Kanyang pag-ibig at pagpapaubaya? Nakita ba ninyo ang panig na ito ng disposisyon ng Diyos? Kahit na may sampung matuwid lamang, hindi sana winasak ng Diyos ang lungsod dahil sa sampung matuwid na mga taong ito. Ito ba, o hindi ba ito ang pagpapaubaya at pagmamahal ng Diyos? Dahil sa awa, pagpapaubaya, at pagmamalasakit ng Diyos sa mga matuwid na mga taong ito, hindi Niya sana wawasakin ang lungsod. Ito ang pagpapaubaya ng Diyos. At sa katapusan, ano ang kalalabasan na nakikita natin? Nang sinabi ni Abraham, “Marahil sampung masusumpungan doon,” Sinabi ng Diyos, “Hindi ko lilipulin.” Pagkatapos noon, wala nang sinabi si Abraham—dahil walang sampung matuwid sa Sodoma na Kanyang tinukoy, at wala na siyang sinabi pa, sa panahong iyon naunawaan niya kung bakit nagpasiya ang Diyos na wasakin ang Sodoma. Dito, anong disposisyon ng Diyos ang nakikita niyo? Anong klaseng paglutas ang binitiwan ng Diyos? Iyan ay, kung walang sampung matuwid ang lungsod na ito, hindi pinahintulutan ng Diyos ang pag-iral nito at hindi maiiwasan ang pagwasak dito. Hindi ba ito ang galit ng Diyos? Ang poot bang ito ang kumakatawan sa disposisyon ng Diyos? Ito bang disposisyon ang pagbubunyag ng banal na diwa ng Diyos? Ito ba ay ang pagbubunyag ng matuwid na diwa ng Diyos, na hindi dapat sinasaktan ng tao? Dahil napagtibay na walang sampung matuwid sa Sodoma, tiniyak ng Diyos na wawasakin ang lungsod, at parurusahan nang matindi ang mga tao sa lungsod na iyan, dahil sinalungat nila ang Diyos at dahil marumi at tiwali sila.
Bakit natin sinuri ang mga siping ito sa ganitong paraan? Dahil ang ilang simpleng pangungusap na ito ay nagbibigay ng ganap na pagpapahayag sa disposisyon ng Diyos tungkol sa masaganang awa at malalim na poot. Kasabay sa pagpapahalaga sa matuwid, pagkakaroon ng awa, pagpapaubaya, at pagmamalasakit sa kanila, may malalim na galit sa puso ng Diyos para sa lahat ng mga nasa Sodoma na naging masama. Ito ba, o hindi ba ito, ang malaking awa at malalim na poot? Sa anong paraan ginawa ng Diyos na wasakin ang lungsod? Sa pamamagitan ng apoy. At bakit Niya winasak ito gamit ang apoy? Kapag nakikita mo ang isang bagay na nasusunog ng apoy, o kung magsusunog ka ng isang bagay, ano ang nararamdaman mo rito? Bakit gusto mong sunugin ito? Nadarama mo ba na hindi mo na kailangan ang mga ito, na hindi mo na nais pang tingnan ang mga ito? Gusto mo bang iwanan ito? Ang paggamit ng Diyos sa apoy ay nangangahulugan ng pag-iiwan, at pagkamuhi, at hindi na Niya nais pang makita ang Sodoma. Ito ang damdaming nagtulak sa Diyos upang tupukin ng apoy ang Sodoma. Ang paggamit ng apoy ay kumakatawan lamang kung gaano ang galit ng Diyos. Ang awa at pagpapaubaya ng Diyos ay talagang umiiral, ngunit ang kabanalan at pagkamatuwid ng Diyos kapag pinakakawalan Niya ang Kanyang poot ay nagpapakita rin sa tao ng panig ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng pagkakasala. Kapag ganap na kayang sundin ng tao ang mga utos ng Diyos at kumikilos alinsunod sa mga kailangan ng Diyos, masagana ang awa ng Diyos sa tao; napakatindi ng galit ng Diyos kapag ang tao ay napuno ng kasamaan, pagkamuhi at pagkapoot para sa Kanya. At hanggang saan ang tindi ng Kanyang galit? Mananatili ang Kanyang poot hanggang hindi na nakikita ng Diyos ang pagsuway at masasamang gawain ng tao, hanggang wala na sila sa harapan ng Kanyang mga mata. Saka lamang mawawala ang galit ng Diyos. Sa ibang salita, hindi mahalaga kung sinuman ang tao, kung ang kanilang puso ay naging malayo mula sa Diyos, at tumalikod sa Diyos, hindi kailanman bumalik, hindi alintana kung paano, anumang anyo o patungkol sa kanilang pansariling pagnanasa, nais nilang sumamba at sumunod at tumalima sa Diyos sa kanilang katawan o sa kanilang pag-iisip, sa oras na tumalikod ang kanilang puso sa Diyos, ang poot ng Diyos ay pakakawalan nang walang tigil. Ito ay magiging tulad ng kapag lubos na pinapakawalan ng Diyos ang Kanyang galit, dahil nabigyan ng sapat na pagkakataon ang tao, sa oras na pakawalan ito wala nang paraan upang bawiin ito, at hindi na Siya kailanman pa maaawa at magpapaubaya sa naturang tao. Ito ay isang panig ng disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang kasalanan. Dito, tila normal sa mga tao na wawasakin ng Diyos ang isang lungsod, dahil, sa mga mata ng Diyos, ang lungsod na puno ng kasalanan ay hindi maaaring umiral at magpatuloy na manatili, at makatuwiran lang na dapat itong wasakin ng Diyos. Ngunit sa nangyari bago at kasunod ng Kanyang pagwasak sa Sodoma, nakikita natin ang kabuuan ng disposisyon ng Diyos. Siya ay mapagparaya at maawain sa mga bagay na mabait, at maganda, at mabuti; sa mga bagay na masama, at makasalanan, at nakakasuklam, malalim ang Kanyang poot, sa paraang hindi tumitigil ang Kanyang poot. Ito ang dalawang pangunahin at pinakakilalang aspeto sa disposisyon ng Diyos, at, higit pa rito, nabunyag ang mga ito ng Diyos mula simula hanggang katapusan: malaking awa at malalim na poot. Karamihan sa inyo rito ay nakaranas na ng awa ng Diyos, ngunit napakakaunti sa inyo ang nagpahalaga sa poot ng Diyos. Ang awa at mapagkandiling pagmamahal ng Diyos ay makikita sa bawat tao; ang ibig sabihin, na ang Diyos ay nagbigay ng masaganang awa sa bawat tao. Ngunit napaka-bihira—o, masasabing, hindi kailanman—nagalit nang matindi ang Diyos sa sinumang indibidwal o sa anumang pangkat ng mga tao sa gitna ninyo na naririto ngayon. Huminahon lang! Sa darating na panahon, ang poot ng Diyos ay makikita at mararanasan ng bawat tao, ngunit hindi pa ngayon ang panahon. At bakit ganito? Dahil kapag palaging galit ang Diyos sa isang tao, iyan nga, kapag pinakawalan Niya sa kanila ang Kanyang malalim na poot, ibig sabihin nito na matagal na Niyang kinamuhian at tinanggihan ang taong ito, kinamumuhian Niya ang kanilang pananatiling buhay, at hindi Niya matagalan ang kanilang pananatiling buhay; sa sandaling dumating ang Kanyang galit sa kanila, sila ay maglalaho. Ngayon, ang gawain ng Diyos ay upang maabot ang puntong iyan. Wala ni isa sa inyo ang makakayanan ito kapag ang Diyos ay lubhang nagalit. Nakikita ninyo, kung gayon, na sa panahong ito masagana lamang ang awa sa inyo ng Diyos ngunit hindi pa ninyo nakikita ang Kanyang malalim na galit. Kung may mga nanatiling hindi kumbinsido, maaaring hingin ninyo na dumating sa inyo ang poot ng Diyos, upang maaari ninyong maranasan kung talagang naroroon o hindi ang poot ng Diyos at ang Kanyang hindi nagkakasalang disposisyon sa tao. Maglakas-loob kaya kayo?
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

20 Marso 2019

Kuwento sa Biblia |Inutusan ng Diyos si Abraham na Ialay si Isaac

Kuwento sa Biblia | Inutusan ng Diyos si Abraham na Ialay si Isaac


Matapos mabigyan ng isang anak na lalaki si Abraham, ang mga salitang sinabi ng Diyos kay Abraham ay natupad. Hindi ito nangangahulugan na tumigil dito ang plano ng Diyos; sa kabilang banda, ang kahanga-hangang plano ng Diyos para sa pamamahala at kaligtasan ng sangkatauhan ay nagsimula pa lamang, at ang Kanyang pagpapala ng isang anak na lalaki kay Abraham ay isa ngang pagpapakilala sa Kanyang pangkalahatang plano sa pamamahala. Sa sandaling iyon, sino ang nakaalam na ang digma ng Diyos kay Satanas ay tahimik na nagsimula nang isinakripisyo ni Abraham si Isaac?
Walang Pakialam ang Diyos Kung Hangal man ang Tao—Hinihingi Lang Niyang Maging Totoo ang Tao
Susunod, ating tingnan kung ano ang ginawa ng Diyos kay Abraham. Sa Genesis 22:2, ibinigay ng Diyos ang sumusunod na kautusan kay Abraham: “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak na si Isaac, na iyong minamahal, at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.” Ang pakahulugan ng Diyos ay malinaw: Sinasabi Niya kay Abraham na ialay ang kanyang bugtong na anak na si Isaac, na kanyang iniibig, bilang handog na susunugin. Kung titingnan ito ngayon, magkasalungat pa rin ba ang pagkaintindi ng tao sa utos ng Diyos? Oo! Lahat ng ginawa ng Diyos sa panahong iyon ay lubhang salungat sa mga pagkaintindi ng tao at hindi kayang unawain ng tao. Sa kanilang mga pagkaintindi, ang mga tao ay naniniwala sa mga sumusunod: Kapag ang isang tao ay hindi naniwala, at inisip itong imposible, binigyan siya ng Diyos ng isang anak na lalaki, at matapos niyang nakamit ang isang anak na lalaki, inutusan siya ng Diyos na ialay ang kanyang anak—hindi kapani-paniwala! Ano talaga ang binalak gawin ng Diyos? Ano ang tunay na layunin ng Diyos? Walang pasubali Niyang binigyan ng anak na lalaki si Abraham, ngunit inutusan rin Niya si Abraham na mag-alay nang walang pasubali. Labis ba ito? Sa punto ng isang ikatlong partido, hindi lamang ito labis ngunit medyo isang kaso ng “paggawa ng problema mula sa wala.” Ngunit si Abraham mismo ay hindi naniwala na masyadong malaki ang hinihingi ng Diyos. Bagama’t nagkaroon siya ng ilang kaunting kaisipan, at bahagyang pinaghinalaan ang Diyos, handa pa rin niyang gawin ang pag-alay. Sa puntong ito, ano ang nakikita mong patunay na handa nga si Abraham na ialay ang kanyang anak? Ano ang sinasabi sa mga pangungusap na ito? Ang orihinal na teksto ay nagbibigay ng sumusunod na mga pahayag: “At si Abraham ay maagang gumising kinabukasan, at inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga batang lalaking alipin, at si Isaac na kanyang anak, at nagsibak ng kahoy para sa haing susunugin, at bumangon at naparoon sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos” (Gen 22:3). “At dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya; at nagtayo si Abraham doon ng isang dambana, at inayos ang kahoy, at ginapos si Isaac na kanyang anak at inihiga sa dambana sa ibabaw ng kahoy. At iniunat ni Abraham ang kanyang kamay, at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak” (Gen 22:9-10). Nang iniunat ni Abraham ang kanyang kamay at hinawakan ang sundang upang patayin ang kanyang anak, nakita ba ng Diyos ang kanyang mga pagkilos? Oo, nakita Niya. Ang buong proseso—mula sa simula, nang hiniling ng Diyos kay Abraham na ialay si Isaac, hanggang sa aktwal na itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin ang kanyang anak—ay ipinakita sa Diyos ang puso ni Abraham, at hindi alintana ang kanyang dating kahangalan, kamangmangan, at hindi pagkakaunawa sa Diyos, sa pagkakataong iyon ang puso ni Abraham para sa Diyos ay totoo, at tapat, at tunay na ibabalik Niya si Isaac, ang anak na ibinigay sa kanya ng Diyos, pabalik sa Diyos. Sa kanya, nakita ng Diyos ang pagsunod—ang mismong pagsunod na nais Niya.
Sa tao, marami ang ginagawa ng Diyos na hindi kayang unawain at ni hindi kapani-paniwala. Kapag nais ng Diyos na isaayos ang isang tao, ang pagsasaayos na ito ay madalas salungat sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi niya kayang unawain, gayon pa man tiyak na itong di-pagkakatugma at kawalan ng kakayahang maunawaan ay mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Si Abraham, samantala, ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. Saka lamang, nang nagawang sundin ni Abraham ang hinihingi ng Diyos, nang kanyang ialay si Isaac, na tunay na naramdaman ng Diyos ang muling pagtitiwala at pagsang-ayon sa sangkatauhan—tungo kay Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na Kanyang hinirang ay isang hindi mababalewalang pinuno na maaaring magsagawa ng Kanyang pangako at ng Kanyang mga susunod na plano sa pamamahala. Kahit na ito ay isang pagsubok lamang, nasiyahan ang Diyos, naramdaman Niya ang pag-ibig ng tao para sa Kanya, at nadama Niya ang kalinga ng tao na hindi Niya dating nadama. Sa sandaling iyon na itinaas ni Abraham ang kanyang sundang upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, dahil walang intensyon ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya, pinigilan ng Diyos si Abraham sa tamang oras. Para sa Diyos, nakapasa na sa pagsubok ang pagkamasunurin ni Abraham, sapat na ang kanyang ginawa, at nakita na ng Diyos ang kalalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan na ito ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang nais ng Diyos, at ang nais Niyang makita. Totoo ba ito? Kahit na, sa iba’t ibang konteksto, ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham, at walang kondisyon ang kanyang pagsunod, at tiyak na ang “walang kondisyon” na ito ang ninais ng Diyos. ...
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Bible Study Tagalog

19 Marso 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo

I
Kaharian ng Diyos dumating sa lupa;
persona ng Diyos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa Diyos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
II
Lahat ng bagay sa mundo, gawing malinis ang mga sarili ninyo;
halina't mag-alay sa Diyos.
Mga tala, bumalik kayo sa pugad ninyo sa langit,
ipakita ang lakas ng Diyos sa kalangitan.
Sa lupa mga boses umaawit,
bumubuhos walang hanggang pag-ibig
at walang hangganang paggalang sa Diyos.
Mainam na nakikinig Siya sa kanila.
 'Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
III
Sa araw na yaon lahat mabubuhay ulit,
ang persona ng Diyos mismo ang bababa sa mundo.
Mga bulaklak mamumukadkad sa tuwa,
mga ibo'y umaawit at lahat nagbubunyi.
Tingnan ang kaharian ni Satanas niyapakan,
'di na babangon, nalunod sa awit ng papuri.
'Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
IV
Sino sa mundo ang papalag?
Kapag tumatayo ang Diyos sa gitna ng mga tao,
dala'y galit at kapahamakan sa lupa.
Mundo'y naging kaharian ng Diyos.
Mga ulap gumugulong sa langit,
mga lawa't batis umaawit ng masayang himig.
Mga hayop aalis sa kweba nila,
at tao ay pinupukaw ng Diyos mula sa kanilang mga panaginip.
Ngayon, ang inaasam na araw dumating na,
lahat umaawit ng papuri sa Diyos,
pinakamagandang awitin sa lahat.
'Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.


Manood ng higit pa:Tagalog Gospel Songs

18 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao

Kuwento sa Biblia | Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao


(Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
…………
Alam ng karamihan sa mga tao kung ano ang bahaghari at nakarinig na sila ng ilang mga kuwento na may kaugnayan sa mga bahaghari. Tungkol sa kuwento ng bahaghari sa Biblia, may ilang mga tao na naniniwala rito, may ilang itinuturing itong alamat, habang ang iba ay hindi kailanman naniniwala rito. Ano pa man, ang lahat ng nangyaring may kaugnayan sa bahaghari ay mga bagay na minsan ay ginawa ng Diyos, at mga bagay na naganap sa proseso ng pamamahala ng Diyos sa tao. Ang mga ito ay naitala nang tiyak sa Biblia. Hindi sinasabi sa atin ng mga naitalang ito kung ano ang lagay ng damdamin ng Diyos sa panahong iyon o ang mga layunin na nasa likod ng mga salitang ito na sinabi ng Diyos. Higit pa rito, walang makapagpahalaga sa nararamdaman ng Diyos noong sinabi Niya ang mga ito. Subalit ang kalagayan ng isip ng Diyos tungkol sa lahat nang ito ay naihahayag sa nakatagong kahulugan ng teksto. Para bang ang Kanyang mga kaisipan ay tumatalon mula sa pahina sa pamamagitan ng bawat salita at parirala ng salita ng Diyos.
…………
Sa simula, sa mata ng Diyos lumikha Siya ng sangkatauhan na napakabuti at malapit sa Kanya, ngunit sila ay nilipol sa pamamagitan ng baha matapos maghimagsik laban sa Kanya. Nasaktan ba ang Diyos na ang ganoong sangkatauhan ay agad naglaho nang ganoon na lamang? Siyempre masakit iyon! Kaya ano ang pagpapahayag Niya ng sakit na ito? Paano itong naitala sa Biblia? Naitala ito sa Biblia nang ganito: “At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.” Ang simpleng pangungusap na ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan ng Diyos. Lubhang napakasakit sa Kanya itong pagkagunaw ng mundo. Sa mga salita ng tao, Siya ay napakalungkot. Maari nating gunitain: Ano ang anyo ng daigdig na minsa’y puno ng buhay pagtapos itong ginunaw ng baha? Ano na ngayon ang anyo ng daigdig na minsan ay puno ng mga tao? Walang tahanan na para sa tao, walang mga buhay na nilikha, may tubig kahit saan at isang lubos na kaguluhan sa ibabaw ng tubig. Ang ganito bang eksena ang talagang layunin ng Diyos noong nilikha Niya ang mundo? Siyempre hindi! Ang talagang layunin ng Diyos ay makakita ng buhay sa buong kalupaan, ang makita ang mga taong Kanyang nilikha na sumasamba sa Kanya, hindi para si Noe lang ang nag-iisang sumasamba sa Kanya o ang nag-iisang maaaring tumugon sa Kanyang panawagan na tapusin ang ipinagkatiwala sa kanya. Noong naglaho ang sangkatauhan, nakita ng Diyos ang lubos na kabaliktaran ng talagang nilayon Niya. Paanong hindi masasaktan ang Kanyang puso? Kaya noong ibinubunyag Niya ang Kanyang disposisyon at ipinahihiwatig ang Kanyang mga damdamin, nagpasya ang Diyos. Anong uri ng pasya ang Kanyang ginawa? Ang gumawa ng arko sa ulap (pansinin: ang bahagharing nakikita natin) bilang isang tipan sa tao, isang pangako na hindi na muling lilipulin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng baha. Kasabay nito, para sabihin din sa mga tao na minsan ay ginunaw ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, upang magpakailanman ay maipaalala sa sangkatauhan kung bakit ginawa ng Diyos ang ganoon.
Ang pagkagunaw ba ng mundo noong panahong iyon ay isang bagay na kagustuhan ng Diyos? Tiyak na hindi ito ang gusto ng Diyos. Maaari nating gunitain ang maliit na bahagi ng kaawa-awang anyo ng daigdig matapos ang pagkagunaw ng mundo, ngunit hindi natin magunita ng sapat kung ano ang anyo ng eksenang ito sa panahong iyon sa mata ng Diyos. Masasabi nating, kung ito man ay mga tao ngayon o noon, walang makagugunita o makapagpapahalaga kung ano ang nararamdaman ng Diyos noong nakita Niya ang eksenang iyon, ang anyong iyon ng mundo pagkatapos itong magunaw sa pamamagitan ng baha. Napilitan ang Diyos na gawin ito dahil sa kasuwailan ng tao, ngunit ang sakit na pinagdusahan ng puso ng Diyos mula sa pagkagunaw na ito ng mundo sa pamamagitan ng baha ay isang reyalidad na walang makakaarok o makakapagpahalaga. Kaya gumawa na ang Diyos ng isang tipan sa tao, na magsasabi sa mga taong gunitain na minsan ay may ginawang ganito ang Diyos, at upang manumpa sa kanila na hindi na kailanman gugunawing muli ng Diyos ang mundo sa ganoong paraan. Sa tipang ito makikita natin ang puso ng Diyos—makikita natin na ang puso ng Diyos ay nakaramdam ng sakit noong nilipol Niya ang sangkatauhang ito. Sa wika ng tao, noong nilipol ng Diyos ang sangkatauhan at nakitang naglalaho ang sangkatauhan, ang Kanyang puso ay umiiyak at nagdurugo. Hindi ba hanggang diyan na lang natin kayang ilarawan ito? Ang mga salitang ito ang ginagamit ng mga tao upang ilarawan ang mga damdamin ng tao, ngunit dahil ang wika ng tao ay masyadong kapos, ang gamitin ang mga ito upang ilarawan ang mga nararamdaman at damdamin ng Diyos ay hindi na gaanong masama para sa Akin, at ni hindi rin naman ito gaanong lumalabis. Kahit paano binigyan kayo ng napakatingkad, napakaangkop na pagkaunawa sa kung ano ang lagay ng damdamin ng Diyos noong panahong iyon. Ano na ang iisipin ninyo ngayon kapag may nakita kayo ulit na bahaghari? Kahit paano, maaalala ninyo kung paano nagdalamhati ng minsan ang Diyos dahil sa pagkakagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha. Maaalala ninyo kung paano, bagamat kinapootan ng Diyos ang mundong ito at kinamuhian ang sangkatauhang ito, noong nilipol Niya ang mga taong nilikha Niya ng sarili Niyang mga kamay, na ang puso Niya ay nasasaktan, nagpupumilit bumitaw, nag-aatubili, at nahihirapang magtiis. Ang tangi Niyang kinaaliwan ay ang pamilya ni Noe na walong katao. Ang pakikipagtulungan ni Noe ang nagbigay-halaga sa Kanyang mga napakaingat na pagsisikap sa paglikha ng lahat nang bagay. Sa panahong nagdurusa ang Diyos, ito lamang ang pampawi sa Kanyang nararamdaman na sakit. Mula noon, inilagay ng Diyos ang lahat ng Kanyang inaasahan sa sangkatauhan sa pamilya ni Noe, umaasang mabubuhay sila sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala at hindi sa Kanyang sumpa, umaasang hindi nila kailanman muling makikitang gunawin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, at umaasa ring hindi sila magugunaw.
Anong bahagi ng disposisyon ng Diyos ang dapat nating maunawaan mula rito? Kinasuklaman ng Diyos ang tao dahil ang tao ay may poot sa Kanya, ngunit sa Kanyang puso, ang Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit, at awa para sa sangkatauhan ay nanatiling hindi nagbabago. Kahit noong nilipol Niya ang sangkatauhan, ang puso Niya’y nanatiling hindi nagbago. Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa ganap na hangganan, kinailangan ng Diyos, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan, na lipulin ang sangkatauhang ito. Ngunit dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba’t–ibang mga paraan upang hanguin ang sangkatauhan upang makapagpatuloy silang mabuhay. Sa halip, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mga mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ibigay sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, sa paghihintay na manumbalik ang tao. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may nakatakdang panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa opisyal na simula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso sa layuning mapanumbalik ang tao, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos. Kahit gaano pa katindi ang sakit o pighating pinagdadaanan ng puso ng Diyos, patuloy Niyang ibinigay ang Kanyang pag-aalaga, malasakit, at masaganang awa sa sangkatauhan. Ano ang nakikita natin mula rito? Walang duda, nakikita natin na ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay totoo at hindi bukang-bibig lamang. Ito ay tunay, nadarama at may halaga, hindi huwad, may halo, mapandaya o mapagkunwari. Hindi kailanman gumagamit ang Diyos ng anumang pandaraya o lumilikha ng mga huwad na kaanyuan para ipakita sa mga taong Siya ay kaibig-ibig. Hindi Siya kailanman gumagamit ng di-tunay na patotoo para maipakita sa mga tao ang Kanyang kagandahan, o ipangalandakan ang Kanyang kagandahan at kabanalan. Hindi ba karapat-dapat para sa pag-ibig ng tao ang mga aspetong ito ng disposisyon ng Diyos? Hindi ba karapat-dapat sambahin ang mga ito? Hindi ba karapat-dapat itangi ang mga ito? Sa puntong ito, nais ko kayong tanungin: Matapos ninyong marinig ang mga salitang ito, sa palagay ba ninyo ang kadakilaan ng Diyos ay pawang mga salita lamang sa isang pilas ng papel? Ang kagandahan ba ng Diyos ay mga hungkag na salita lamang? Hindi! Tiyak na hindi! Ang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang kadakilaan, kabanalan, pagpaparaya, pag-ibig, at iba pa—ang lahat nitong mga iba’t ibang aspeto ng disposisyon ng Diyos at diwa ay nagiging mabisa tuwing ginagawa Niya ang Kanyang gawain, nakapaloob sa Kanyang kalooban para sa tao, at natutupad at nasasalamin din sa bawa’t tao. Nadama mo man dati ito o hindi pa, inaalagaan ng Diyos ang bawa’t tao sa bawa’t posibleng paraan, gamit ang Kanyang tapat na puso, karunungan, at iba’t ibang kaparaanan upang mapainit ang puso ng bawa’t tao, at magising ang espiritu ng bawa’t tao. Ito ay isang di-matututulang katunayan. Gaano man karaming tao ang nakaupo rito, ang bawa’t tao ay nagkaroon na ng iba’t ibang mga karanasan at mga damdamin sa pagpaparaya, pagpapasensya, at kagandahan ng Diyos. Ang mga karanasang ito sa Diyos at ang mga nadarama o mga pagkilalang ito sa Kanya—sa madaling salita, ang lahat ng mga positibong bagay na ito ay mula sa Diyos. Kaya sa pagsasama-sama ng mga karanasan at kaalaman ng lahat sa Diyos at sa pagsama sa mga ito sa mga binasa natin sa araw na ito na mga pahayag mula sa Biblia, may mas totoo at tamang kaunawaan na ba kayo ngayon sa Diyos?
…………
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; nagawa man silang maging tiwali o sumusunod man sila sa Kanya, itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang mga minamahal Niya—o gaya ng sinasabi ng mga tao, ang mga taong pinakamahalaga sa Kanya—at hindi Kanyang mga laruan. Bagama’t sinasabi ng Diyos na Siya ang Manlilikha at ang tao ay Kanyang nilikha, na para bang may kaunting pagkakaiba sa antas, ang realidad ay lahat nang nagawa ng Diyos para sa sangkatauhan ay sobra-sobra para sa ganitong kalikasan ng relasyon. Mahal ng Diyos ang sangkatauhan, inaalagaan ang sangkatauhan, at nagpapakita ng malasakit para sa sangkatauhan, parati rin at walang-tigil na naglalaan para sa sangkatauhan. Hindi Niya kailanman nararamdaman sa Kanyang puso na ito ay karagdagang gawain o bagay na karapat-dapat bigyan ng malaking parangal. Ni hindi rin Niya nararamdaman na ang pagliligtas sa sangkatauhan, pagtutustos sa kanila, at pagbibigay sa kanila ng lahat ng bagay, ay pagbibigay ng napakalaking ambag sa sangkatauhan. Tahimik at walang-imik lamang Siyang naglalaan para sa sangkatauhan, sa sarili Niyang paraan at sa pamamagitan ng sarili Niyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya. Gaano man karami ang paglalaan at gaano man karaming tulong ang natatanggap ng sangkatauhan mula sa Kanya, hindi kailanman iniisip ng Diyos ang tungkol dito ni sinisikap na umako ng parangal. Ito ay itinatakda ng diwa ng Diyos, at tiyak rin na isa itong tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, nakatala man o hindi sa Biblia o sa anumang ibang mga aklat, hindi kailanman natin nakikitang ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga kaisipan, at hindi kailanman natin nakikitang inilalarawan o ipinahahayag ng Diyos sa mga tao kung bakit Niya ginagawa ang mga ito, o bakit masyado Niyang kinakalinga ang sangkatauhan, upang magpasalamat ang sangkatauhan sa Kanya o purihin Siya. Kahit Siya ay nasasaktan, kapag ang Kanyang puso ay may pinagdadaanang matinding sakit, hindi Niya kailanman kinalilimutan ang Kanyang pananagutan sa sangkatauhan o ang Kanyang malasakit para sa sangkatauhan, tinitiis Niya lamang ang lahat ng sakit at kirot nang tahimik at nag-iisa. Sa kabaligtaran, patuloy ang Diyos na naglalaan para sa sangkatauhan tulad nang lagi Niyang ginagawa. Kahit na ang sangkatauhan ay madalas na nagpupuri sa Diyos o nagpapatotoo para sa Kanya, walang kahit na ano sa mga asal na ito ang hinihingi ng Diyos. Ito ay dahil hindi kailanman hinahangad ng Diyos na ang anuman sa mga mabubuting bagay na ginagawa Niya para sa sangkatauhan ay maipagpalit sa pagkilala ng utang-na-loob o para ito ay mabayaran. Sa kabilang dako, ang mga may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, ang mga tunay na sumusunod sa Diyos, nakikinig sa Kanya at tapat sa Kanya, at ang mga sumusunod sa Kanya—ito ang mga tao na madalas na makatatanggap ng mga pagpapala ng Diyos, at igagawad ng Diyos ang ganoong mga pagpapala nang walang pasubali. Higit pa rito, ang mga pagpapalang natatanggap ng mga tao mula sa Diyos ay madalas na higit pa sa kanilang mga naiisip, at higit rin sa anumang maibabalik ng mga tao kapalit ng kanilang nagawa o sa halagang kanilang pinagbayaran. Kapag tinatamasa ng sangkatauhan ang mga pagpapala ng Diyos, mayroon bang nakaaalala sa kung ano ang ginagawa ng Diyos? Mayroon bang nagpapakita ng malasakit para sa nararamdaman ng Diyos? Mayroon bang sinumang sumusubok na bigyang-halaga ang nadaramang sakit ng Diyos? Ang tiyak na sagot sa mga tanong na ito ay: Hindi! Kaya ba ng sinumang tao, kabilang na si Noe, na pahalagahan ang sakit na nadarama ng Diyos sa sandaling iyon? May nakauunawa ba kung bakit gagawa ng ganoong tipan ang Diyos? Hindi nila kaya! Hindi pinahahalagahan ng sangkatauhan ang nadaramang sakit ng Diyos hindi dahil hindi nila maunawaan ang sakit ng damdamin ng Diyos, at hindi dahil sa agwat na namamagitan sa Diyos at tao o sa pagkakaiba ng kanilang katayuan; sa halip, ito ay dahil walang pakialam ang sangkatauhan sa anumang mga nararamdaman ng Diyos. Ipinapalagay ng sangkatauhan na hindi umaasa sa iba ang Diyos—hindi kailangan ng Diyos ang mga tao upang lumingap sa Kanya, upang unawain Siya o pakitaan Siya ng pagsasaalang-alang. Ang Diyos ay Diyos, kaya wala Siyang nadaramang sakit, walang mga damdamin; hindi Siya malulungkot, Hindi Siya nakadarama ng hinagpis, ni hindi Siya umiiyak. Ang Diyos ay Diyos, kaya hindi Niya kailangan ang anumang pagpapahayag ng damdamin at hindi Niya kailangan ang anumang kaginhawahan ng damdamin. Kung kailanganin man Niya ang mga ito sa ilalim ng tiyak na mga pangyayari, Kanyang lulutasin ito ng Siya Mismo at hindi mangangailangan ng anumang tulong mula sa sangkatauhan. Sa kabaligtaran, ang mga mahihina, isip-batang mga tao ang nangangailangan ng pampalubag-loob ng Diyos, paglalaan, pagpapalakas, at kahit ang pag-aaliw Niya sa kanilang mga damdamin, kailan man, saan man. Ang ganoong kaisipan ay nakatago sa kailaliman ng mga puso ng sangkatauhan: Ang tao ang mahina; kailangan nila ang Diyos upang alagaan sila sa lahat ng paraan, karapat-dapat sila sa lahat ng pag-aalagang natatanggap nila mula sa Diyos, at dapat nilang hilingin mula sa Diyos ang anumang palagay nila na dapat ay sa kanila. Ang Diyos ang malakas; nasa Kanya ang lahat, at dapat na Siya ang maging tagapag-alaga ng sangkatauhan at tagapagkaloob ng mga pagpapala. Dahil Siya ay Diyos na, kaya Niyang gawin ang lahat at hindi kailanman Siya nangangailangan ng anuman mula sa sangkatauhan.
Dahil hindi nagbibigay-pansin ang tao sa anumang mga pagbubunyag ng Diyos, hindi niya kailanman nadama ang pighati, sakit, o galak ng Diyos. Nguni’t sa kabaligtaran, alam ng Diyos ang lahat ng pagpapahayag ng tao tulad ng palad ng Kanyang kamay. Tinutustusan ng Diyos ang mga pangangailangan ng lahat sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar, pinagmamasdan ang nagbabagong mga kaisipan ng bawa’t tao at sa gayon ay inaaliw at masidhing hinihikayat sila, at ginagabayan at iniilawan sila. Sa ngalan ng lahat ng mga bagay na nagawa ng Diyos sa sangkatauhan at lahat ng mga halagang Kanyang binayaran dahil sa kanila, may makikita bang mga pahayag ang mga tao sa Biblia o mula sa anumang sinabi ng Diyos hanggang sa ngayon na malinaw na nagsasabing hihingi ang Diyos ng anuman mula sa tao? Hindi! Sa kabaliktaran, kahit na paano balewalain ng mga tao ang kaisipan ng Diyos, paulit-ulit pa rin Niyang pinangungunahan ang sangkatauhan, paulit-ulit na tinutustusan ang sangkatauhan at tinutulungan sila, upang makasunod sila sa paraan ng Diyos para matanggap nila ang magandang hantungan na inihanda Niya para sa kanila. Pagdating sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, ang biyaya Niya, ang awa Niya, at lahat ng mga pabuya Niya, ay ipagkakaloob nang walang pasubali sa mga nagmamahal at sumusunod sa Kanya. Nguni’t hindi Niya kailanman ipinahahayag sa sinumang tao ang sakit na pinagdusahan Niya o ang lagay ng isipan Niya, at hindi Siya kailanman nagrereklamo tungkol sa sinumang hindi nagsasaalang-alang sa Kanya o hindi nakaaalam ng Kanyang kalooban. Dinadala lamang Niya ang lahat ng ito nang tahimik, naghihintay sa araw na mauunawaan ng sangkatauhan.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17 Marso 2019

Kuwento sa Biblia | Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong

Kuwento sa Biblia | Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong

Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong.jpg           


(Gen 6:9-14) Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa. Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.
(Gen 6:18-22) Datapuwa’t pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. At sa bawa’t nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa’t uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan. Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa’t nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa’t uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay. At magbaon ka ng lahat ng pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila. Gayon ang ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.
…………
Sa panahong iyon, nilayon ng Diyos na tawagin si Noe upang gawin ang isang napakahalagang bagay. Bakit pa Niya kailangang gawin iyon? Dahil may balak ang Diyos sa Kanyang puso sa sandaling iyon. Ang balak Niya ay sirain ang mundo gamit ang isang baha. Bakit sisirain ang mundo? Ang sabi rito: “At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Ano ang nakikita ninyo mula sa pariralang “at ang lupa ay napuno ng karahasan?” Isang di-pangkaraniwang bagay sa lupa kapag ang mundo at ang mga tao nito ay tiwali hanggang kasukdulan, at iyon ay: “at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Sa kasalukuyang wika, ang ibig sabihin ng “at ang lupa ay napuno ng karahasan” ay nasa kaguluhan ang lahat. Para sa tao, ang ibig sabihin nito ay walang kaayusan sa lahat ng kalakaran sa buhay, at ang mga bagay ay totoong magulo at mahirap pamahalaan. Sa mata ng Diyos, ang ibig sabihin ay masyadong tiwali ang mga tao sa mundo. Gaano katiwali? Tiwali hanggang sa antas na hindi na matiis ng Diyos na makita pa at hindi na mapagpasensyahan pa. Tiwali hanggang sa antas na nagpasya na ang Diyos na sirain ito. Noong naging buo na ang loob ng Diyos na sirain ang mundo, nagbalak Siyang maghanap ng taong gagawa ng isang daong. At pinili ng Diyos si Noe na gawin ang bagay na ito, na hayaang gawin ni Noe ang daong. ...
Ang pagtawag kay Noe ay isang simpleng bagay, ngunit ang pangunahing punto ng ating pinag-uusapan—ang disposisyon ng Diyos, ang Kanyang kolooban, at ang Kanyang diwa sa naitalang ito—ay hindi simple. Upang maunawaan ang ilang mga aspetong ito ng Diyos, dapat muna nating maunawaan ang uri ng taong nais tawagin ng Diyos, at sa pamamagitan nito, maunawaan ang Kanyang disposisyon, kalooban, at diwa. Napakahalaga nito. Kaya sa mata ng Diyos, ano kayang uri ng tao itong tao na tinatawag Niya? Ang taong ito ay dapat isang tao na nakikinig sa Kanyang mga salita, nakasusunod sa Kanyang mga tagubilin. Kasabay nito, dapat ang taong ito ay may pagpapahalaga rin sa pananagutan, isang tao na isasagawa ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagturing dito bilang pananagutan at tungkulin na nakatalagang tuparin nila. Kung ganoon, ang taong ito ba ay kinakailangang nakakakilala sa Diyos? Hindi. Noong panahong iyon, wala pang gaanong naririnig si Noe tungkol sa mga katuruan ng Diyos o naranasan ang kahit ano sa gawain ng Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos ay napakaliit. Bagamat nakatala rito na si Noe ay nabuhay nang kasama ang Diyos, nakita ba niya kailanman ang persona ng Diyos? Ang sagot ay tiyak na hindi! Dahil sa mga panahong iyon, tanging ang mga mensahero lamang ng Diyos ang pumupunta sa mga tao. Habang maaari nilang katawanin ang Diyos sa pagsasabi at paggawa ng mga bagay, ipinaaabot lamang nila ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Hindi ipinahayag sa tao nang harapan ang persona ng Diyos. Sa bahaging ito ng banal na kasulatan, ang tanging nakikita natin ay kung ano ang dapat gawin nitong tao na si Noe at kung ano ang mga tagubilin ng Diyos sa kanya. Kaya ano ang diwang ipinahayag ng Diyos dito? Ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay naplano nang may katiyakan. Kapag nakakakita Siya ng isang bagay o sitwasyong nagaganap, may nakalaang pamantayan upang sukatin ito sa Kanyang mga mata, at ang pamantayang ito ang magsasabi kung magsasagawa Siya ng isang plano upang makitungo dito o kung paano harapin ang bagay at sitwasyong ito. Hindi malamig ang Kanyang loob o walang pakiramdam sa lahat ng bagay. Sa katunayan ito ay lubos na kabaliktaran. May bersikulo dito na sinabi ng Diyos kay Noe: “Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa.” Sa mga salita ng Diyos dito, sinabi ba Niyang lilipulin lamang Niya ang mga tao? Hindi! Ang sabi ng Diyos ay lilipulin Niya ang lahat ng mga nabubuhay na laman. Bakit gusto ng Diyos ang panlilipol? May isa pang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos dito: Sa mga mata ng Diyos, may hangganan ang Kanyang pasensiya sa katiwalian ng tao, sa karumihan, karahasan, at kasuwailan ng lahat ng laman. Ano ang Kanyang hangganan? Tulad ng sinabi ng Diyos: “At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ano ang ibig sabihin ng pariralang “sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ito ay nangangahulugan na anumang nabubuhay, kasama na ang mga sumusunod sa Diyos, ang mga tumatawag sa pangalan ng Diyos, ang mga minsan ay naghandog ng mga sinunog na alay sa Diyos, ang mga nagsalita ng pagkilala sa Diyos at nagpuri pa sa Diyos—sa sandaling ang kanilang mga asal ay mapuno ng katiwalian at makaabot sa mga mata ng Diyos, kailangan Niyang lipulin sila. Iyan ang hangganan ng Diyos. Kaya hanggang saan nanatiling mapagpasensiya ang Diyos sa tao at sa katiwalian ng lahat ng laman? Hanggang sa lahat ng mga tao, maging mga sumusunod sa Diyos o hindi mananampalataya, ay hindi lumalakad sa tamang landas. Hanggang sa ang tao ay hindi lang tiwali ang moralidad at puno ng kasamaan, ngunit wala na ring naniniwalang may Diyos, lalo nang wala ang naniniwala na ang mundo ay pinaghaharian ng Diyos at makapagdadala ang Diyos ng liwanag at ng tamang landas. Hanggang sa ang tao ay nasuklam sa pag-iral ng Diyos at hindi pinayagang umiral ang Diyos. Sa sandaling umabot sa puntong ito ang katiwalian ng tao, mawawalan na ng pasensiya ang Diyos. Ano ang papalit rito? Ang pagdating ng poot ng Diyos at kaparusahan ng Diyos. Hindi ba isang bahagi iyon ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Sa panahong ito, mayroon pa bang matuwid na tao sa mata ng Diyos? Mayroon pa bang perpektong tao sa mata ng Diyos? Ito ba ay panahon kung saan ang asal ng lahat ng katawang-tao sa lupa ay tiwali sa mata ng Diyos? Sa araw at panahong ito, bukod doon sa mga gustong gawing ganap ng Diyos, iyong mga makakasunod sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang kaligtasan, hindi ba hinahamon ng lahat ng taong laman ang hangganan ng pasensiya ng Diyos? Hindi ba puno ng karahasan ang lahat ng mga nangyayari sa tabi ninyo, ang mga nakikita ng mga mata ninyo, at naririnig ng mga tainga ninyo, at personal na nararanasan ninyo sa araw-araw sa mundong ito? Sa mata ng Diyos, hindi ba dapat na wakasan ang ganitong uri ng mundo, ang ganitong uri ng panahon? Bagamat ang kalagayan sa kasalukuyang panahon ay ibang-iba sa kalagayan noong panahon ni Noe, ang mga damdamin at poot ng Diyos para sa katiwalian ng tao ay nananatiling ganap na katulad noong panahong iyon. Nagagawang maging mapagpasensiya ang Diyos dahil sa Kanyang gawain, ngunit alinsunod sa lahat ng mga uri ng mga kalagayan at mga kundisyon, matagal na sanang dapat ginunaw ang mundong ito sa mata ng Diyos. Ang sitwasyon ay malayo at lampas na sa kung ano ang mundo noong ginunaw sa pamamagitan ng baha.
............
Sa ilalim ng mga kalagayang ito, ano ang pinakamahalaga sa Diyos? Hindi kung paanong ang mga hindi sumusunod sa Kanya o ang mga lumalaban sa Kanya ay pagbantaan Siya, labanan Siya, o kung paano manirang-puri ang mga tao laban sa Kanya. Ang mahalaga lamang sa Kanya ay kung ang mga sumusunod sa Kanya, ang mga kinauukulan ng Kanyang kaligtasan sa Kanyang plano sa pamamahala, ay nagawa na Niyang ganap, kung nakamit ba nila ang ikasisiya Niya. Para sa mga tao na bukod sa mga sumusunod sa Kanya, naglalaan lamang Siya paminsan-minsan ng kaunting kaparusahan upang ipahayag ang Kanyang poot. Halimbawa: mga sunami, mga lindol, mga pagputok ng bulkan, at iba pa. Kasabay nito, malakas din Niyang ipinagtatanggol at inaalagaan ang mga sumusunod sa Kanya at mga malapit na Niyang iligtas. Ang disposisyon ng Diyos ay ito: Sa isang dako, maaari Niyang bigyan ang mga taong balak Niyang gawing ganap ng kasukdulang pagpapasensiya at pagpaparaya, at hintayin sila hanggang sa posibleng makakaya Niya; sa kabilang dako, matindi ang galit at kinasusuklaman ng Diyos ang mala-Satanas na uri ng tao na hindi sumusunod sa Kanya at lumalaban sa Kanya. Bagamat wala Siyang pakialam kung itong mga mala-Satanas na uri ay sumunod sa Kanya o sumamba sa Kanya, kinamumuhian Niya pa rin sila habang pinagpapasensiyahan sila ng Kanyang puso, at sa Kanyang pagtatakda ng katapusan nitong mga mala-Satanas na uri, hinihintay rin Niya ang pagdating ng mga hakbang ng Kanyang plano sa pamamahala.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16 Marso 2019

Paglilinaw sa Pagkalito | Inilantad: Ang Tunay na Kahulugan ng “Naganap Na” na Sinabi ng Panginoong Jesus sa Krus

Paglilinaw sa Pagkalito | Inilantad: Ang Tunay na Kahulugan ng “Naganap Na” na Sinabi ng Panginoong Jesus sa Krus

2019-02-09

Gawa ni Xiang’ai, Probinsya ng Heilongjiang

Nung alas-siyete ng umaga, nagmamadali si Wang Xue papunta sa bahay ng anak niyang si Hui Min. Kalahating oras bago ‘yon, pumunta si Pastor Zhang sa bahay ni Wang Xue para sabihing tinanggap na ng anak at manugang niya ang Kidlat ng Silanganan. Ikinagulat ‘yon ni Wang Xue, at naisip niya: “Pinatototohanan ng mga miyembro ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jeses at ihinahayag Niya ang Kanyang mga salita at nagsasagawa ng isang yugto ng gawain para hatulan at dalisayin ang tao. Pero malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus ang “Naganap na” noong nasa krus siya, at pinapakita no’n na natapos na ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Papa’no mangyayaring babalik ang Panginoon para gawin ang isang bagong yugto ng gawain? Pamilyar ang anak ko at ang asawa niya sa Biblia, at masigasig sila sa paghahanap ng katotohanan; mapag-isip at matalas ang pang-unawa nila, kaya hindi nila ginawa ang desisyong ito nang gano’n lang. Pa’no nila nagawang tanggapin ang Kidlat ng Silanganan? Ano ba’ng nangyayari?” Labis na nalito si Wang Xue at gusto niyang maintindihan ang mga dahilan sa likod nito sa lalong madaling panahon, kaya nagmadali siya papunta sa bahay ni Hui Min.
     Matapos ang tatlumpung minuto, dumating si Wang Xue sa bahay ng kanyang anak. Pagkapasok niya sa loob, hindi na siya nagpaliguy-ligoy, at sinabi niya sa anak niya, “Pinuntahan ako ni Pastor Zhang kaninang madaling-araw at sinabi niyang tinanggap niyo nang dalawa ang Kidlat ng Silanganan. Totoo ba ‘yon?”
     Si Li Jun, na nagbabasa sa kwarto, narinig ang kanyang biyenan at lumabas. Nakita ni Hui Min na seryoso ang itsura ng mukhang ng kanyang ina, kaya hinawakan niya ang kamay nito at naupo sila. Nakangiti niyang sinabing, “Opo, mama, tinanggap namin ang Kidlat ng Silanganan. Nitong nakaraan, binasa namin ni Li Jun ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita naming inilalantad ng mga salita ng Makapangyarihang DIyos ang lahat ng mga katotohanan at misteryo ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, gaya ng misteryo ng anim-na-libong-taong planong pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang misteryo ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, pa’no ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang tao sa mga huling araw, at ang huli at pang-wakas na destinasyon ng sangkatauhan, at iba pa. Kapag binabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, lalo naming nararamdamang ang mga salitang ‘yon ang katotohanan, na may kapangyarihan ‘yon at awtoridad at ‘yon ang tinig ng Diyos! Mama, ang Panginoong Jesus na kinasabikan natin nang napakatagal ay talagang nagbalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Bakit hindi niyo rin ‘yon siyasatin?”
      Pinakinggan ni Wang Xue ang kanyang anak at lumambot ng kaunti ang pananalita niya. Sabi niya, “Hui Min, matamlay ngayon ang iglesia natin, kaya kung maghahanap ka ng iglesia na may gawain ng Banal na Ispiritu, hindi kita pipigilin. Pero pinapangaral ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoon at nagsasagawa ng yugto ng gawain para humatol at dumalisay sa tao. Pa’no magiging posible ‘yon? Nung nasa krus Siya, napakalinaw na sinabi ng Panginoong Jesus na “Naganap na”. Pinapakita no’n na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at hangga’t nangungumpisal at nagsisisi tayo sa Panginoon, maaaring patawarin ang mga kasalanan natin, at pagbalik ng Panginoon, iaakyat niya tayo agad sa kaharian sa langit. Hindi na siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Lagi ‘yong pinapangaral ng mga pastor at elder, kaya pa’no mo ‘yon nakalimutan? Papa’no mo nagawang tanggapin ang landas ng Kidlat ng Silanganan?”
      Ngumiti si Li Jun at sinabing, “Mama, lagi nating sinusunod ang mga pastor at elder ng mundo ng relihiyon, at naniwala tayong ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus sa sinabi Niyang “Naganap na” nung nasa krus Siya ay tapos na ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, at sa muling pagbabalik ng Panginoon iaakyat Niya tayo agad sa kaharian ng langit at hindi na Siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Pero naaayon ba ang pananaw na ito sa orihinal na kahulugan ng mga salita ng Panginoon? Naaayon ba ito sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos? Noong nasa krus ang Panginoong Jesus, ang dalawang salitang ito lang ang sinabi Niya, “Naganap na”. Hindi Niya sinabi na ganap nang tapos ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, pero sinusunod ng mga pastor at elder ang mga salitang ito na sinabi ng Panginoong Jesus para pagpasyahang tapos na ang gawain ng Diyos, at pagbalik ng Panginoon hindi na Siya gagawa ng ano mang bagong gawain. Sa pagsasabi nito, hindi ba isa lang ‘yong pansariling pahayag? Hindi ba binibigyang kahulugan lang nila ang mga salita ng Panginoon base sa kung ano mismo ang gusto nila? Kung ang sinabi ng Panginoong Jesus na “Naganap na” ay nangangahulugang tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, kung gano’n pa’no maisasagawa ng Panginoong Jesus ang gawaing tutupad sa Kanyang propesiya, na sa pagbabalik Niya ay ihihiwalay Niya ang mga kambing sa tupa, ang trigo sa damo, at ang mabubuting lingkod sa masasamang lingkod? Iprinopesiya rin ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12–13). ‘Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:48). At nakatala sa 1 Pedro 4:17, ‘Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.’ Malinaw na sinasabi sa ‘tin ng mga salitang ito na pagbalik ng Panginoon, ihahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Kung susundin natin ang pagkaunawa ng mga pastor at elder, na ang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘Naganap na’ ay nangangahulugang nakumpleto na ang gawain Niya na iligtas ang sangkatauhan at hindi Niya na kailangang gumawa ng karagdagang gawain, kung gano’n pa’no matutupad ang mga propesiyang ito? Hindi ba mauuwi lang sa wala ang propesiya ng Panginoon na babalik Siya para ihayag ang katotohanan at isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol? Kung titingnan ito sa ganitong paraan, hindi ba parang kinokontra ng interpretasyon ng relihiyosong mundo ang mga salita ng Panginoon at kinokontra ang pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw? Samakatuwid, hindi natin matitiyak na tapos na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan base sa sinabi ng Panginoong Jesus na ‘Naganap na’ noong Siya ay nasa krus; imahinasyon natin ito at hindi ito ayon sa ibig sabihin ng Panginoon. Kung lilimitahan natin ang gawain ng Diyos ayon sa sarili nating mga kagustuhan, kung gano’n maaari nating labanan ang Diyos!”
Lord-Jesus-on-the-cross.jpg

          Pinagnilayan ni Wang Xue ang mga bersikulong sinabi ni Li Jun, at malalim siyang nag-isip: “Oo nga! Sa loob ng maraming taon, yung sinabi lang ng mga pastor at elder ang pinakinggan ko, naniwalang ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nung sinabi Niya ang ‘Naganap na’ sa krus ay nakumpleto na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at hindi na Siya uli gagawa ng ano mang bagong gawain. Pero ang mga propesiya ng Panginoon na binanggit ng anak at manugang ko ay talaga ngang nagsasabi na pagbalik ng Panginoon, ihahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang Kanyang gawain ng paghatol. Kaya ano ba ang eksaktong ibig sabihin ng Panginoon nang sinabi niya sa krus ang ‘Naganap na’?” Habang iniisip ang mga ito, sinabi sa kanila ni Wang Xue ang kanyang pagkalito.
      Nang makita nilang hinahanap na ni Wang Xue ang katotohanan, masayang ngumiti sina Hui Min at Li Jun, at matiyagang sinabi ni Hui Min, “Mama, nang sinabi ng Panginoong Jesus sa krus na ‘Naganap na’, sinasabi Niya talaga ro’n na tapos na ang Kanyang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Hangga’t tinatanggap natin ang gawain ng Panginoong Jesus at nangungumpisal at nagsisisi sa Panginoon, mapapatawad ang mga kasalanan, at karapat-dapat tayong manalangin sa Panginoon at magtamasa ng saganang biyaya at katotohanang ipinagkakaloob ng Panginoon sa atin—ito ang resultang nakamit ng Panginoong Jesus sa pagsasagawa ng gawain ng pagtubos. Pero hindi natapos ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan dahil sa natapos ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus. Magkasama nating basahin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at matapos natin ‘yong basahin, magkakaro’n tayo ng mas mabuting pag-unawa.” Matapos ‘yon, kinuha ni Hui Min sa kwarto niya ang aklat na pinamagatang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Pagbukas niya no’n, binasa niyang: “Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang buong sangkatauhan, at tinulutan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natupad. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natupad. Natubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi Niya nalupig ang sangkatauhan, lalo pa ang mabago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, ‘Bagaman dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Si Jesus ang sinisinta Kong Anak at ipinako sa krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na tinapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang isang bahagi nito’” (“Gawain at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay itinuturing lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao ay namumuhay sa laman at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang ibinubunyag ang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
      Matapos siyang magbasa, nagbahagi si Hui Min, sinabi niyang, “Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang gawain ng pagtubos na sinagawa ng Panginoong Jesus ay kumumpleto lang sa kalahati ng gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Kahit pinatawad na ang mga kasalanan natin matapos sumailalim sa pagtubos ng Panginoong Jesus, hindi na tayo gumawa ng mga kasalanan at nagkaro’n tayo ng ilang mabuting panlabas na ugali, hindi pa rin natin lubos na tinanggal ang gapos ng kasalanan; pinangingibabawan tayo ng ng masasamang disposisyon gaya ng pagiging mayabang at mapagmataas, makasarili at hindi karapat-dapat igalang, baluktot at mapanlinlang, at palagi tayong nagsisinungaling at nangdadaya ng iba para protektahan ang sarili nating mga interes at reputasyon. Pag nakakakita tayo ng mas magaling sa atin, naiinggit tayo at ayaw natin silang pakinggan; pag may nagbabanta sa ating mga interes kinamumuhian natin sila, hanggang sa puntong gusto nating maglapat ng kaparusahan sa kanila; sinusunod din natin ang masasamang kalakaran ng mundo, kumakapit tayo sa kayamanan, nagnanasa ng kayabangan at sinasamba natin ang kayamanan at katanyagan; pag may nangyayari sa ‘ting mga natural na sakuna at kalamidad na gawa ng tao, o pag may nangyayaring hindi maganda, hindi natin maunawaan ang Diyos at sinisisi natin Siya, at hinahatulan at sinusumpa pa natin ang gawain ng Diyos base sa sarili nating pagkaintindi at imahinasyon, at iba pa. Ang pagkilos sa ganitong paraan ay sapat na para patunayang ang mga kasalanan lang natin ang pinatawad sa paniniwala natin sa Panginoon, pero ang sataniko nating kalikasan at masasamang disposisyon ay nananatiling nakaugat nang malalim. Ang mga ito ang dahilan ng pagkakasala natin at paglaban sa Diiyos. Kung hindi natin reresolbahin ang makasalanan nating kalikasan, hindi natin makokontrol ang mga sarili natin sa pagkakasala at paglaban sa Diyos, o sa pagtataksil natin sa Diyos at pagsalungat sa Diyos. Malinaw na sinasabi ng mga salita ng Diyos sa Biblia: ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal’ (Levitico 11:45). Bukod do’n, sinasabi sa kapitulo 12, bersikulo 14 sa Mga Hebreo ‘ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon.’ Banal ang Diyos, at hindi hinahayaan ng kaharian ng langit na may makapasok na maruming tao. Kaya pa’no tayong mga palaging nagkakasala at lumalaban sa Diyos ay magiging karapat-dapat na makakita sa mukha ng Diyos? Pa’no tayo magiging karapat-dapat na akayin ng Diyos sa kaharian ng langit? Samakatuwid, kailangan pa rin natin ang pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw para isagawa ang isang yugto ng bagong gawain at lutasin ang problema ng ugat ng ating mga kasalanan. Sa ganitong paraan lang natin maitatapon ang sataniko at masasama nating disposisyon at makuha ang pagdadalisay at kaligtasan ng Diyos. Ito rin ang katuparan ng propesiya sa Biblia na nagsasabing, ‘Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon’ (1 Pedro 1:5).”
      Pagkasalita niya, nilipat ni Hui Min ang pahina ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at sinabi kay Wang Xue, “Mama, mas maiintindihan natin kapag binasa natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa buong sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na napasama ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay nakabalik sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na kinasasaklawan. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Punong Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
      Matapos makinig sa kanyang anak, walang malay na tumango si Wang Xue at inisip sa sarili niya: “May awtoridad ang mga salitang ito! Lumalabas na ang Panginoong Jesus ay gumawa lang ng gawain ng pagtubos, at kahit pinatawad na ang mga kasalanan namin, hindi pa rin nalilinis ang makasalanan naming kalikasan, kaya hindi nakapagtatakang buong araw kaming nabubuhay sa kasalanan. Kahit gusto naming alisin ang mga gapos ng kasalanan, hindi namin ‘yon magagawa kahit gaano man kami magdasal o magtangkang magpigil ng sarili. Kung gusto naming alisin ang mga gapos ng kasalanan, kung gayon talagang kailangan namin ang Diyos para magsagawa ng panibagong yugto ng gawain!”
      Tumayo si Li Jun at binigyan ng tubig si Wang Xue, sabi niya, “Mama, malinaw na pinapaliwanag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos kung bakit magsasagawa ang Diyos ng Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw at ang mga resultang nakamit ng Kanyang gawain. Sa pamamagitan ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang mga kasalanan lang natin ang pinatawad, pero malalim pa ring nakaugat sa ‘tin ang ating satanikong kalikasan at hindi pa tayo karapat-dapat na magmana sa mga biyaya ng Diyos. Samakatuwid, ayon sa mga pangangailangan natin bilang isang masamang sangkatauhan, magsasagawa ang Diyos sa mga huling araw ng yugto ng gawain sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, kung saan gumagamit ang Diyos ng mga salita para hatulan at dalisayin ang tao, para malutas ang makasalanang kalikasan natin at para lubos tayong maligtas sa kasalanan. Tanging sa pagtanggap lang sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw natin malinaw na makikita ang katotohanan tungkol sa pagpapasama sa ‘tin ni Satanas, malaman ang ating satanikong kalikasang lumalaban sa Diyos, maranasan ang matuwid at hindi malalabag na disposisyon ng Diyos at bumuo ng isang pusong may takot sa Diyos. Maaari tayong magpatirapa sa harap ng Diyos, kamuhian ang ating sarili at pumayag na talikuran ang ating laman at isabuhay ang katotohanan. Sa ganitong paraan, unti-unti nating matatanggal ang mga gapos ng ating mga satanikong disposisyon, malinis at mabago, magkamit ng kaligtasan at pagperpekto, at maging mga taong tunay na sumusunod at nagmamahal sa Diyos. Sa gano’n lang lubusang matatapos ang planong pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ito ang tumutupad sa mga salita sa Pahayag na nagsasabing: ‘At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay. At sinabi niya, Isulat mo: sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at tunay. At sinabi niya sa akin, Nagawa na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang pasimula at ang wakas. Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay’ (Pahayag 21:5–6).”
      Nagulat si Wang Xue sa pagbabahagi nina Li Jun at Hui Min at bago ‘yon sa pandinig niya. Naisip niya: “Naaayon sa Biblia at sa mga salita ng Panginoon ang ibinabahagi nila, at malinaw na malinaw ‘yon para sa ‘kin. Lumalabas na talagang kailangan namin ang pagbabalik ng Panginoon para ipahayag ang katotohanan at isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, at ginawa ‘yon para iligtas kami sa kasalanan, para makamit namin ang kaligtasan ng Diyos at maperpekto, at maging mga taong tunay na nagmamahal at sumusunod sa Diyos …”
      Nakita ni Hui Min na nakayuko ang kanyang ina at hindi ‘yon umiimik, at dahan-dahan niyang inalog ang braso nito at tinanong, “Ano’ng iniisip mo, mama?”
      Kinalmahan ni Wang Xue ang anyo ng mukha niya, inangat ang ulo at tumingin kina Li Jun at Hui Min, at nakangiting sinabi, “Tingnan mo nga naman! Hindi pa nagtatagal mula nang tanggapin niyo ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw pero napakaraming katotohanan na ang naiintindihan niyo. Sa pakikinig ko sa pagbabahagi niyo ngayon, may kaunti rin akong naintindihan. Ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain para tubusin ang sangkatauhan, na isang bahagi ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Sa pagtanggap sa gawain ng Panginoong Jesus, ang mga kasalanan lang natin ang patatawarin, pero hindi pa rin malulutas ang makasalanang kalikasan natin, at hindi pa rin natin makokontrol ang ating sarili sa paggawa ng kasalanan at paglaban sa Diyos. Hindi tayo karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o akayin ng Panginoon sa kaharian ng langit. Kung gusto nating alisin ang mga gapos ng kasalanan, kailangan pa rin natin ang muling pagbabalik ng Diyos para magsagawa ng isa pang yugto ng gawain, ang paghatol at pagdadalisay!”
      Natuwa sina Hui Min at Li Jun nang marinig nilang sabihin ‘yon ni Wang Xue, at patuloy nilang pinasalamatan ang Diyos!
      Nang makita niya ang kaligayahan ng anak at manugang niya, buong pagsisising sinabi ni Wang Xue: “Ah, pinakinggan ko ang mga pastor at elder sa loob ng maraming taon, naniwalang ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus nang sabihin niya sa krus ang ‘Naganap na’ ay nakumpleto na ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at buong-puso akong umaasam na bumalik ang Panginoon at iakyat ako sa kaharian ng langit. Sa huli, narinig kong nagpapatotoo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoon, pero hindi ko hinanap o siniyasat ‘yon, at sa halip kumapit ako sa sarili kong mga pagkaintindi at imahinasyon, sinubukang payuhan kayong manatili sa daan ng Panginoon, halos nakagawa ng isang malaking pagkakamali at halos napalagpas ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Tila sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salita ng Diyos at paglapit sa gawain ng Diyos batay sa sariling mga pagkaintindi at imahinasyon, doon magagawa ng tao na kalabanin ang Diyos ano mang sandali at masisira ang pagkakataon niyang makamit ang pagliligtas ng Diyos! Naiintindihan ko na ngayon na kung gusto nating madalisay nang lubusan at makapasok sa kaharian ng langit, kung gayon ay kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw! Pero hindi pa gano’n kalinaw sa akin kung paanong dadalisayin at babaguhin ang mga tao ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kaya gusto kong ituloy ang paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at magbasa pa ng Kanyang mga salita!”
      “Salamat sa Diyos! Nagkataong magsasagawa kami ng pagtitipon bukas kasama ang mga kapatid sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya bakit hindi kayo sumama sa ‘min at pakinggan ang pagbabahagi nila?” sabi ni Hui Min.
      “Sige.”
      “Salamat sa Diyos!”
      Maliwanag at maganda ang sikat ng araw sa labas, at paminsan-minsan, lumalabas sa bintana ang masayang tunog ng sama-samang pag-uusap ng pamilya ni Wang Xue …

15 Marso 2019

Latest Tagalog Gospel Songs | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago" | Pag-ibig ng Diyos

Latest Tagalog Gospel Songs | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago" | Pag-ibig ng Diyos

I
Matagal nang nasa mundo ang Diyos,
ngunit kilala ba Siya?
Kaya tao'y kinakastigo ng Diyos.
Tila sila'y ginagamit ng Diyos
bilang layon ng Kanyang awtoridad.
Sila'y tila mga bala sa baril Niya,
at oras na iputok Niya ito,
isa-isa silang makakawala.
Ngunit hindi ito ang totoo,
ito'y kanilang imahinasyon.
Mahal ng Diyos ang tao na parang Kanyang kayamanan,
pagkat sila ang "sentro" ng Kanyang pamamahala.
Hindi Niya aalisin ang mga ito.
Di babaguhin ang kalooban Niya sa kanila.

II
Tao'y laging nirerespeto ng Diyos.
Ni minsa'y hindi N'ya sila
sinamantala o pinagpalit na parang alipin.
Di puwedeng magkawalay tao at Diyos.
Kaya buhay at kamataya'y nag-ugnay.
Sa pagitan ng tao't Diyos,
nagmamahal ang Diyos, pinahahalagahan ang tao.
Bagamat 'di ito magkapareho,
nagpapakahirap pa rin ang Diyos sa kanila,
at tinitingala pa rin nila ang Diyos.
Mahal ng Diyos ang tao na parang Kanyang kayamanan,
pagkat sila ang "sentro" ng Kanyang pamamahala.
Hindi Niya aalisin ang mga ito.
Di babaguhin ang kalooban Niya sa kanila.
Ooh, ooh, ooh…

III
Magtitiwala ba sila nang tunay sa pangako ng Diyos?
Paano nila mapapasaya ang Diyos?
Ito ang gawain para sa lahat,
ang "takdang-aralin" na iniwan N'ya sa lahat.
Umaasa ang Diyos na silang lahat ay
magsisikap upang magawa ito.


Manood ng higit pa: Tagalog Christian Songs